webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 11

Maureen

Nagising ako dahil sa gutom na nararamdaman ko, pagkaharap ko sa gilid ay nakita kong nagc-cellphone si Austin habang nakakunot ang noo, nakaseryoso.

Napatingin siya sa akin nang bumangon ako, saka niya pinatay ang cellphone niya at binulsa ito.

"How are you feeling?" tanong niya sa akin.

"Anong how are you how are you feeling ka diyan?" tanong ko at inirapan siya.

"Nawalan ka ng malay kanina dun sa classroom, masakit ba ulo mo?" tanong niya pa at tumayo ako.

"Hindi, nagugutom lang ako" sagot ko saka lumabas.

"Maureen," tawag ni Kuya sa akin pero dumeretso ako sa kusina para kumuha ng plato.

"May kukunin lang ako sa kabila," paalam ni Austin at tumango lang si Kuya.

"Bakit naman hindi ka nalang nagpatulong sa amin na linisin yung rooms sa building ninyo?" tanong niya pa sa akin at tumingin ako sa kaniya.

"I am using phone during our class, kailangan ko lang panagutan yung maling ginawa ko" sagot ko sa kaniya at sumandok ng kanin at kumuha ng ulam.

"Ako yung class monitor Kuya kaya kailangan kong maging good role model sa mga kaklase ko," dagdag ko pa at nagsimulang kumain.

"Ano bang ginagawa mo kasi sa cellphone mo at kailangan mong gamitin ang cellphone mo during your class?" tanong niya at natawa ako bigla.

"Hoy, tubig!" sigaw ni Kuya at inabutan ako ng tubig.

Umubo ako saka tumawa ulit, naalala ko na naman yung itsura ni Austin dun sa picture, nakapang-babaeng damit saka sumasayaw pa sa video.

"Sira ka talaga 'no? Mabibilaukan ka pa" sabi ni Kuya.

"Oh, ito pa" sabi ko at sabay na naman kaming natawa ni Kuya nang makita pa ang ibang sinend ni Ate Amber na mga pictures and videos ni Austin..

Napatingin kami sa pintuan nang magbukas iyon at iniluwa si Austin kaya agad binaba ni Kuya yung kamay ko kasama ng cellphone ko.

Tumingin siya sa amin ng nakakunot ang noo, "Ano yan?" sunod na tanong niya.

"Wala" sagot ko.

"Hindi, meron yan eh, tumatawa pa nga kayo eh" pagpipilit niya at napatingin ako kay Kuya.

"Inaantok na ako, maiwan ko na kayo diyan" sabi ni Kuya at tinignan ko siya ng matalim at ngumiti lang siya saka nagmake face sa likod ni Austin

"Is there anything, Maureen?" tanong niya sa akin at umiling ako, "Wala naman," sagot ko at inilagay sa likod ko yung phone ko.

"Are you hiding something in your phone?" tanong niya at umiling ako.

"'We?" tanog niya at umiling ako saka siya nagsimulang lumait sa akin.

"Wala nga!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kwarto ko pero naabutan niya ako at hinawakan sa isang braso.

"Give me your phone" sabi niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

"Anong gagawin mo? Wala 'to," sabi ko at hinigpitan pa ang hawak sa phone ko.

Agad niyag inabot ang cellphone sa likod ko pero medyo umurong ako dahilan para madikit ang likod ko sa pintuan ng kwarto ko.

Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nahirapang kunin ang cellphone ko.

Napatulala siya nang makita yung messages ni Ate Amber.

"Magkakuntsaba kayo sa pagtawa sa aki, 'no?" tanong niya habang nakangiti at natawa ako.

"Ayaw mo yun, ang cute mo nga diyan" sabi ko at ngumiwi siya habang nakangiti pa rin.

"Natatawa ka ba?" tanong niya at natawa pa ako ng malakas.

"Obvious ba?" tanong ko.

"Does that mean napapatawa na kita ngayon?" tanong niya at napawi yung tawa ko.

"Ano ka ba, kahit sino naman ang makakakita niyang litrato matatawa" sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Pero, you think I'm cute?" tanong niya. Mygosh, is it my karma?

"Sa picture na ito lang" sagot ko at tinuro yung phone ko.

"Oh, nalaman mo na, pwede na ba akong matulog?" tanong niya pero nilabas niya ang cellphone niya at gulat ako nang iharap niya sa akin at nagflash yun. He took a picture of me, a stolen shot.

"Hoy, idelete mo yan!" sigaw ko at inabot yung kamay niyang nakataas habang hawak ang phone niya.

Sa tuluyan kong pag-abot ay binaba niya yung mukha niya at biglang nagtama yung labi namin.

M-My gosh?!

Nakataas ang kamay habang nainigas at pula ang mukha, iyon ang nakikita ko sa sarili ko ngayon.

Ang b-bilis ng tibok ng puso ko, sa mga oras na ito ay naaalala ko yung pagkagusto ko kay Austin, g-gusto ko na ba itong lalaking nasa harap ko at nakalapat ang labi niya sa akin ngayon? Pero ang bilis naman, parang nung isang araw isang linggo lang ay nakilala ko lag siya, this can't be right.

I kept thinking it can't be right, but my heart keeps saying that it's just right.