webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 10

Punishment

Maureen

"Bakit, anong akala mo?" tanong niya at umiling lang ako.

Ate niya naman pala. Ewan ko pero parang may parte sa akin na napanatag. Kagagahan nga naman talaga, magkapatid, akala ko magjowa peste talaga.

"Ano, sasama ka?" tanong niya at tumango ako.

"Magpapalit lang ako" sabi ko at tumango siya.

Nang matapos akong magpalit ay nagpara na agad sila ng taxi papunta sa airport.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating naman na sa airport.

"Pwede ko bang makuha ang number mo, Maureen?" tanong sa akin ng ate niya at kaya agad ko namang binigay sa kaniya yung cellphone ko at tinawagan niya ang phone niya tsaka ito binalik sa akin.

"Mauna na kayong dalawa, baka magabihan pa kayo, hihintayin ko ang oras ng flight ko" sabi niya at tumango kami ni Austin.

Nang makalabas kami ay napatingin ako sa kinakain ng mga tao tsaka napatingin sa akin si Austin.

"Gusto mong kumain muna?" tanong niya.

"Pwede ba?" tanong ko sa kaniya at ngumiti siya.

"Paano kung bawal?" tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Edi uuwi na tayo" sabi ko at naglakad, nagulat ako nang hilain niya yung likod ng damit ko at inakbayan niya ako papunta sa pagkainan.

"Aray naman" sabi ko at inayos ang damit ko.

-

Tapos na kaming kumain at naghihintay nalang ng taxi pauwi.

Tinawagan ko din kanina si Kuya at sinabi na kasama ko naman itong Austin na 'to.

"Tara na" napatingin ako kay Austin nang makapara siya, kaya agad naman kaming sumakay.

Nang makasakay kami ay hinila niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

Tinignan ko siya at pinilit na tanggalin yung kamay niya pero hindi ko iyon matanggal.

"Ang liit ng kamay mo" sabi niya at tumingin sa akin.

Bakita ako kinakabahan?

Napalunok ako at umiwas nalang ng tingin sa kaniya.

Ilang minuto ang lumipas at nakaratig na kami sa condo.

"Kuya," tawag ko kay Kuyana nagluluto.

"Saan kayo galing?" tanong niya.

"Hinatid namin sa airport si Ate" sagot ni Austin at tuamngo lang si Kuya.

"Salamat sa treat" sabi ko kay Austin at pumasok na sa kwarto ko

Hindi naman pwedeng nagkakagusto na ako sa kaniya? 'Diba? Ilang araw palang kamig magkakilala.

It can't be right? No, naga-assume lang siguro ako, hello, ako 'to si Maureen ang nag-iisang Everleigh.

-

Maaga akong nakapasok sa school, pero ewan ko hindi matahimik ang kaluluwa ko nakakainis, I keep on thinking Austin as if siya na lang ang nilalaman ng utak ko, like kailangan ko pang magreview pero bakit naman siya sumisingit sa isipan ko?

Ewan ko na sa sarili ko, ayos pa ba talaga ako? We're in the middle of discussing pero lumilipad ang utak ko, baka nakarating na sa Troposphere, nakikilipad sa mga eroplano, nakakainis.

Nagulat ako nang mag-vibrate yung phone ko. Tumingin muna ako sa harap ago tiningnan yun.

09056****** sent a messsage: Hi Maureen, it's Amber, Austin's sister.

Agad kong ni-reply-an siya ng kung anong kailangan niya at bakit siya nagtext.

Wala siyang reply pero nagsend siya ng picture. Pinindot ko iyon at napangiti, natatawa nang makitang nakadamit ng pangbabae si Austin habang lasing. Meron siyang sinend na 30 seconds video.

Sa video ay nakita kong sumasayaw si Austin sa taas ng mesa habang nakasuot ng pambabaeng damit, at lasing.

"Ms. Serrano!" napatingin ako sa harap nang sumigaw si Mr. Elison, shit!

"SORRY, sir, I didn't mean to laugh and use my phone during your class. I promise that this will never happen again" paghihingi ko ng tawad kay Sir. Oh gosh, this is my first time na napapunta sa office ng isang teacher maliban nalang kng may ipapadala sila.

"You are forgiven, Ms. Serrano, but not by school's policies, you need to take the consequences of your doings" aniya at tumango ako.

"Yes sir, I'll take the punishments of my doing" sagot ko sa kaniya.

Pagkalabas ko sa office ni Sir ay nakabusangot akong naglakad sa hallway, oh my gosh talaga, kasalanan 'to ni ate Amber, joke.

"Ano daw?" tanong sa akin ni Denise.

"Lilinisan ko ang buong room sa building natin," sagot ko.

"Huh? Grabe naman yang punishment na yan, mapapagod ka niyan, let me help you" sabi niya at umiling ako.

"Edi pareho tayong mapapagod dun, saka baka mamaya hanapin ka pa ni Tita sa akin, mauna ka ng umuwi, I'll do it by myself, saka it's my fault naman, tsaka mabuti ng ganito ang punishment dahil class monitor pa naman ako" sagot ko sa kaniya at umiling siya.

"Hay nako ka kasi, ano bang tinatawanan mo?" tanong niya.

"Wala, may naalala lang akong scene sa buhay ko" pagsisinungling ko naman.

"Mauna na ako?" tanong niya at tumango ako.

"Mag-ingat ka" sabi ko at tumango siya,

"Ikaw rin, magrest ka mamaya" aniya at tumango lang ako saka siya nagwave at lumabas.

Nilabas ko muna nag phoen ko at tinext si Kuya na late akong uuwi, but I didn't tell him the reason.

Inuna kong linisan ang room namin at sinunod ang katabi naming room.

-

Pawis na pawis at sakit sa braso kakawalis at mop ang nararamdaman ko habang nakayapak ako sa huling room ng ground floor. Pagod na ako pero tapos na kaya umupo muna ako, magdidilim na ang kalangitan, ganun din ang mata ko, hindi pa ako nakakaranas na ma-torture ng ganito sa paglilinis, pero buti nalang ay tapos na.

Papikit na ako nang may narinig akong yapak. Napatingin ako sa pintuan at nakitang nakatayo si Austin r'on.

"Maureen" tawag niya sa akin at kumunot ang noo ko.

"Austin, bakit ka nandi--" hindi niya ako pinatapos at lumapit sa akin.

Laking gulat ko nang buhatin niya ako ng pangkasal pero wala na akong oras na magreact, I can't react, my arms are hurt and my eyes needs to rest.

"A-Austin, y-yung bag ko...." sambit ko bago ako pumikit.