webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 09

<Ate>

-Maureen-

"Mauna na ako Kuya" paalam ko kay Kuya.

"Ang aga mo naman, alas-sais palang, mag-umagahan ka muna" sabi niya at umiling ako sa nagsuot ng sapatos.

Napatingin ako nang magbukas ang pinto, si Austin at yung babae kagabi.

Narinig kong nag-vibrate ang phone ko.

Krent: Nandito na ako sa baba .

"Ihahatid ako ni Krent, mauna na ako" sabi ko kay Kuya at hindi na hinintay ang sasabihin niya tsaka ako lumabas.

Pagbaba ko ay nakita ko na agad si Krent kaya agad akong tumakbo at sumakay sa kotse niya.

"Akala ko sinundo mo na si Denise?" tanong ko sa kaniya.

"Sunduin nalang natin siya" sabi niya at nagsimula ng magmaneho.

"SALAMAT sa treat, Krent" sabi namin kay Krent bago pumasok ng school.

"Dapat pala lagi nating kasabay si Krent para laging cake ang breakfast" sabi niya at tumawa ako.

"Napilitan lang din naman ako kasi nandun si Austin at alam mo ba? May kasama ulit siyang babae, babae na mas maganda" sabi ko at tumingin siya sa akin.

"True ba?" tanong niya at tumango ako.

"Oo, dun sila natulog dalawa sa condo unit niya, sigurado akong may ginawa na sila dun" sabi ko at tumingin siya sa akin.

"Hindi naman lahat ng magkasama sa isang condo may ginagawa, tsaka baka yan lang ang iniisip mo" sabi niya at tumango naman ako, oo nga naman.

"Tsaka bakit mo ba iniisip si Austin, don't tell me nago-overthink ka na kung anong mga nangyayari dahil nagkakagusto ka na sa kaniya?" tanong niya at tumawa ako at hindi alam ang isasagot sa kaniya.

"Tamo! Hindi ka na akasagot, meaning may nabubuo ng love sa inyo" sabi niya at tinuro ako, pinalo ko naman ang kamay niya. Talagang pinaarte pa ang pagsabi sa love.

"Tsk! Huwag ka ngang ganiyan, nakakapangtayo ng balahibo" sabi ko at hinawakan ang braso ko.

"Pero, totoo nga yung sinasabi ko. Hindi mo kasi alam kung ano ang love kaya hindi mo maintindihan" sabi niya at umiwas ako ng tingin.

Ganun ba yun?

"Love revolves around two people who destined to be together" dagdag niya pa.

"Kung ganun nga, hindi sa amin nagr-revolve yun love," sabi ko at tumingi siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Sa kanila ni Kuya nagr-revolve yun" sabi ko at tumawa kaming dalawa.

Pero seryoso, okay lang ba talaga ako? Ayos lang ba ako?

-

"Mauna na ako" sabi ni Denise at tumango ako at pumasok na siya sa sasakyan nila.

Naglalakad ako nang may umakbay sa akin.

"Aray" singhal ko at kinuha ang kamay niya tsaka iyon tinanggal sa balikat ko. Tama, iniisip ko pa rin yung kaninang naisip ko, ayos pa ba ako? Pesteng lalaki 'to!

"O, bakit hindi ka amazona ngayon?" tanong niya at tumingin ako sa kaniya.

"Huwag ka nga diyan" sabi ko at lumayo sa kaniya pero lumapit pa rin siya.

"Close ba tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Yun!" sigaw niya at napatakip ako ng tenga ko.

"Ano ba yan?!" tanong ko at huminto sa paglalakad at hinarap siya

"Gusto ko ganun ka, maldita" sabi niya at tumawa.

"Mukha ba akong natatawa? Ang saya mo lagi ha?!" tanong ko sa kaniya at sumeryoso siya.

"Gusto mo ba ganito ako?" tanong niya at natawa ako sa itsura niya kaya napangiti rin siya, baliw na lalaki 'to.

"Edi natawa ka" sabi niya at ngumiti nalang ako.

"Bakit kaya ganyan ka sa ibang tao, sa akin hindi?" tanong niya.

"Kasi manyak ka" sagot ko sa kanya at tumuloy sa paglalakad.

"Ah, ganun ba?" tanong niya.

"Austin" napatingin kami sa tumawag sa kaniya, yung babae kahapon.

"Here she comes" bulong ko.

"Ano yun?" tanong niya at umiling ako.

"Sabi ko mauna na ako" sabi ko at nagmadaling umalis.

Nang makapasok ako ay wala pa si Kuya kaya tinawagan ko siya, hindi niya din naman kasama si Austin, naturingang mag-bestfriend.

"Mamaya pa ako uuwi" biglang sabi niya nang masagot niya ang tawag.

"Saan ka?" tanong ko sa kaniya.

"Basta medyo matatagalan pa ako" sabi niya at binaba ang tawag.

Napatingin ako nang may kumatok sa pintuan.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kay Austin.

"Gusto mo bang sumama?" tanong niya,

"Saan?" tanong ko sa kaniya pabalik.

"Ihatid natin si Ate sa airport" sabi niya at kumunot ang noo ko

"Ate?" tanong ko sa kaniya at nakita ko si Amber dun sa likod niya na may hawak na luggage.

"Ate mo siya?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.