webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 08

<Kiss Addict>

-Maureen-

Paakyat na ako nang makita ko si Austin na may kasamang babae sa labas, ibang mukha na naman yung babae, baka ayan na ang girlfriend niya, mas maganda ito kesa sa kahapon na kasama niya.

Nakita ko silang papasok kaya agad akong pumindot sa elevator, bat antagal pa?!

"Siya ba yun?" rinig kong tanong nung babae sa likod.

"Oo, 'diba tama ang sinabi ko sa'yo?" rinig kong sagot at tanong din ni Austin.

"Oo nga, tama ka." sabi niya at rinig ko ang tawa niya. Ano ba 'to? Ako ba ang tinutukoy niya? SIguro chinichismis ako ni Austin sa ibang tao, pesteng yan!

Nang magbukas ang elevator ay agad akong pumasok at nakita ko si Austin na nakatingin sa akin habang yung babae naman ay nakatigin din sa akin habang nakangiti.

"Hindi pa kayo papasok?" tanong ko sa kanila at tinaasan ng isang kilay.

"Tamang-tama ang pagpapakilala mo sa kaniya" rinig kong bulong nung babae at nagngitian silang dalawa, ang landi.

Agad kong pinindot and 2 sa elevator at ang pag-close tsaka ko tinaasan ng kilay at binelatan si Austin at naiwan sila dun sa baba.

Kaasar, ang lalandi, ansakit sa mata.

Nang makapasok ako ay nakita ko si Kuya dun na nanonood ng TV.

"Nandiyan ka na pala" sabi niya pero umiwas lang ako ng tingin.

"May ipapakilala daw si Austin sa atin kaya ako naghanda ng pagkain, magpalit ka na at lumabas ka dito pagkatapos.

"Bakit kailangan kong lumabas?" tanong ko kay Kuya at tumingin siya sa akin.

"It's your visitor, edi kayo nalang ang magkakilalahan" sabi ko at pumasok sa kwarto ko.

Nagpalit pa rin ako ng damit pagkatapos ko mag-shower.

Narinig kong may kumatok kaya pumunta ako sa pintuan ng kwarto ko at binuksan.

"What?" tanong ko kay Austin.

Wala siyang sinagot at hinila lang ako papunta sa kitchen, kung saan nandun yung kasama niyang babae tsaka si Kuya.

"Are you Maureen?" tanong nung babae at tumango lang ako.

"Mauren, show some respect" sabi ni Kuya.

"Maureen Everleigh Serrano, call me Maureen" pagpapakilala ko.

"What a beautiful name" sabi niya.

"Mas maganda ako" bulong at napatingin naman sila sa aking tatlo nakita kong tumawa sila.

"Is that all?" tanong ko.

"Kumain ka na kasabay namin" sabi niya, wala naman akong magagawa kundi tumango nalang.

Sa kalagitnaan ng pag kain namin ay napatingin sa akin si Austin nang pumagilid sa braso ko yung strap ng sleeveless na suot ko kaya agad ko 'yon inayos.

"Excuse me" sabi ni Austin at tumango sila Kuya tsaka siya lumabas ng Condo.

"Ako nga pala si Amber France" napatingin ako nang magpakilala yung babae kaya ngumiti ako.

-

"Mauna na ako sa condo mo" rinig kong sabi nung babae at tumango lang si Austin. Lumabas ako dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw, kanina pa ako umalis sa kitchen nang matapos kong kumain at naiwan silang tatlo, wala na din ata si Kuya dahil tulog na.

"Tingin-tigin mo?" tanong ko nang makita siyang nakatingin sa akin pagkatapos ako uminom.

"Nauuhaw din ako" sabi niya at kinuha yung hawak kong baso at dun uminom.

"Hoy!" sigaw ko at tinuro yung baso ko.

"Hayaan mo na, nagkiss naman na din tayo" sabi niya at lumapit sa akin.

"Ang kapal ng mukha mo" sabi ko at inirapan siya.

"Alam mo ba?" tanong niya at ngumiwi ako.

Nagulat ako nang lumapit siya kaya umatras naman ako.

"Ano na naman yang binabalak mo?" malditang tanong ko sa kaniya.

"I-kiss ka ulit" sabi niya at ngumisi, at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Bitawan mo nga ako" sabi ko at nagpumiglas.

"Sisigaw talaga ako dito" pagbabanta ko sa kaniya.

"Edi sumigaw ka, walang makakarinig sa'yo, lahat ng room dito ay soundproof" sabi niya at ngumisi.

"Bitawan mo nga ako" nanggigigil na sabi ko sa kaniya.

Tumingin ako sa kaniya nang lumayo siya sa akin

Nagulat ako nang mabilis siyang gumalaw at dinampi ang labi niya sa labi ko tsaka tumakbo palabas ng condo namin.

"AAAAAAHHHHHH, AUSTIN! PATAY KA SA AKIN BUKAS!" sigaw ko at ginulo ang buhok ko.

Isa siyang Kiss addict!!!