webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 04

<Crossed the line>

-Maureen-

"Tahan na, nakainom din kasi siya" sabi ni Denise at binigyan pa ako ng tissue, "Tahan na, mamumula yung mata mo bukas" sabi niya pero hindi pa rin ako tumigil at mas lalo pang lumakas ang iyak ko.

"Shhhhh, nandito naman ako, okay lang na dito ka mag-stay" sabi niya.

Dumeretso ako sa bahay nila Denise nang makaalis ako sa condo, wala akong alam na mapuntahan kaya dito ko naisipang pumunta, ang problema ko nalang ngayon ay paano ko haharapin yung mokong na yun! Muntik na niya akong ma-rape, gago ba siya?! Nang makarating ako ay umiiyak ako at madaling araw na kumakatok sa gate nila Denise, buti nalang at gising pa siya.

"Anong gagawin ko kapag nakita niya ako?" tanong ko kay Denise at tumingin ako sa kaniya.

"Edi iwasan mo nalang" sabi niya at nagpunas ako ng luha ko.

"Hindi na birhen yung labi at leeg ko, Denise.." sabi ko at natawa siya kaya napatawa lang din ako.

"Mag-shower ka na nga dun, amoy alak ka tuloy" sabi niya at tumango ako tsaka pumasok sa CR ng kwarto niya.

Habang nags-shower ako ay naaalala ko yung labi niya sa leeg ko, ngayon lang ako nakaranas nito, sa buong buhay ko.

Nang matapos ako ay tumabi agad ako kay Denise na humiga.

"Sabihin mo nga sa akin, Maureen. Anong feeling?" tanong niya at nag-pout ako.

"Nakakadiri. Nandidiri ako. Ang baboy niya!" sigaw ko.

"Hayaan mo na, lilipas din yan" sabi niya at tumango ako.

-

"Mag-ingat ka ha, baka makasalubong mo si Austin" sabi niya at tumawa pa.

"Wala ka talagang puso" sabi ko sa kaniya at pumara na ng taxi.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Building at huminga ako ng malalim tsaka pumasok.

Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 2nd floor.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Austin na papasok kaya agad kong nilugay ang buhok ko at tinakpan ang mukha ko pero ramdam ko ang titig niya sa akin.

Salamat naman at nasa second floor na, nang makalabas ako ay napatigil ako.

"I'm drunk last night" sabi niya at pumikit naman ako at dumeretso na sa condo namin.

"Oh, nandiyan ka na pala, saan ka nagpunta kagabi?" tanong ni Kuya sa akin.

"Sa bahay nila Denise" sagot ko naman sa kaniya.

"At nga pala. Iiwanan muna kita dito kasama si Austin, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko dito eh" sabi niya at pumikit ako ng mariin.

"Hindi ba pwedeng isama mo ako Kuya?" tanong ko sa kaniya, "Tsk, mab-bored ka lang dun, madali ka pa naman mawalan ng gana, it's safe here with Austin" aniya at tumango ako.

"Okay" sagot ko at papasok pa lang ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Austin.

"Mauna na ako, Maureen. Nandiyan naman na si Austin" sabi niya at tumingin lang ako sa kaniya tsaka tumango. Kinakabahan ako kapag kasama 'tong lalakeng' to. Parang may laging mangyayari na hindi maganda.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko nang marinig ko ang yapak niya papunta sa akin.

Kalma, Maureen, nasa loob ka na.

Huminga ako ng malalim at humiga sa kama ko.

Ano ba iyong nangyari kagabi?! Pero may naaalala akong sinabi niya kagabi,

"M-Maureen.... I mistook you.."

Tama! Baka akala niya ibang tao ako kaya niya nagaawa yun, plus lasing siya. Normal lang naman ata sa isang lasing na tao yung nakikita yung mukha ng iba sa isang tao, 'diba? Meaning, walang malisya yun. P-Pero nasagot niya yung tanong ko kung bakit siya nasa unit niya hindi ba?

Nakaramdam ako ng gutom kaya sinilip ko siya sa labas at nanonood lang siya kaya pasikreto akong dumaan at napahinto nang magsalita siya.

"I can see your reflection in the television" sabi niya at napatingin ako sa kaniya nang tumayo siya.

"Huwag ka pa ring lalapit" sabi ko at ginawang pangharang yung kamay ko sa kaniya.

"I already said. I mistook you" sabi niya habang nakakunot ang noo.

"You took the virginity of my lips and neck" mahinang sabi ko at narinig kong tumawa siya, sarcastic laugh.

"Really?! I didn't do it on purpose" sabi niya at inirapan ko siya.

"Bakit ka ba nagpapaliwanag?! Sinabi ko bang magpaliwanag ka?! Ha! Manood ka diyan kung manonood ka. My brother let you come here because he is trusting you and if he know what really happened last night, pwedeng mawala yun" sabi ko at napaawang ang bibig niya.

"Don't worry, sa susunod na magp-party kayo dito, I'll stay in my brothers' room or I can just go to my friends' house para hindi na yun maulit" sabi ko at agad na pumunta sa ref at kumuha ng isang apple.

"Just do what you want here, just don't bother me" sabi ko bago pumasok sa kwarto ko.

Nang makapasok ako ay tsaka lang nag-sink in sa akin yung mga sinabi ko.

Did he think I just insulted him? Shit, did I crossed the line?!