webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 03

<Party>

-Maureen-

"Mamaya na ako uuwi, dun muna ako sa bahay niyo, may party sila Kuya sa condo kaya sigurado akong aabutin na naman sila ng madaling araw" sabi ko kay Denise pero umiling siya.

"You forgot the date today. May family reunion kami" sabi niya at napaub-ob ako sa lamesa ko.

"Saan ako maghihintay na matapos sila. Tsaka ayaw ko ang amoy ng alak, ipapalinis ko talaga sa mahal kong Kuya yung kwarto ko bukas" sabi ko habang nanggigigil.

"Edi mag-stay ka muna dun sa sinasabi ng Kuya mo, katabi lang naman yun ng condo unit niyo" sabi niya at tumango-tango ako.

"Bahala sila, manonood ako mag-isa dun. Nakakainis kasi eh, bakit dun pa sa condo meron namang katabing condo yung mokong na yun" gigil na sabi ko at tumawa lang si Denise.

"Mokong mokong ka diyan, baka mamaya, isang araw, tawagin mo na yung mokong na yun na baby" sabi niya at nalukot ang mukha ko.

"Seryoso ka ba?! Baby?! Kailan mo pa ako maririnig na magsabi nung salitang yun. Cringe" sabi ko at umaktong nandiri, "Mandiri ka ngayon, gagamitin mo rin yan soon" sabi niya at umiling lang ako habang pinapataas ang tingin ko.

"Paano ba yan, mauna na ako?" sabi niya at kinuha yung bag niya tsaka tumayo.

"Mag-ingat ka" sabi niya at tumango lang ako.

"Mag-ingat din kayo. God bless" sabi ko at tumawa kaming dalawa.

Nanatili akong naka-ub-ob sa lamesa ko sa room at ako nalang mag-isa dito, parang mas gusto ko pang dito na mag-stay kesa dun sa kwarto ng mokong na yun, nakkaasar.

Padabog kong kinuha yung bag ko at lumabas ng room.

Agad akong lumakad papunta sa condo unit namin ni Kuya at nakita kong naka-ready na ang kwartong ito para sa party, design design pa wala din naman yan mamaya.

Napataas ako ng kilay nang makasalubong ko si Austin.

"Tingin-tingin mo diyan?!" malakas na tanong ko sa kaniya at tumawa lang siya ng mahina at pinatong sa lamesa ang dala niyang pagkain tsaka lumakad papalapit sa akin, sakto namang wala na akong mausuban kaya nilagay niya nag magkabilang braso niya sa gilid ko at napaiwas naman ako ng tingin.

"Can't you look in my face?" tanong niya at umirap ako at tinignan siya.

"Sino nagsabing hindi?" tanong ko at ngumiti siya.

Perfect na sana siya, pero nakakainis pa rin siya.

"Talaga ba?" tanong niya at mas lumapit pa.

"Ano bang problema mo talaga?!" sigaw na tanong ko sa kaniya at tinulak siya ng malakas, dahilan para mapalayo siya sa akin, "Don't really piss me off" sabi ko at lumakad papunta sa kwarto ko.

Buti ay wala sila Kuya dito, kundi ay nakita na nila yun! Naramdaman ko kasi yung mukha ko na nag-init, nakakainis talaga yung lalakeng yun!

Napatingin ako sa pinto ko nang may kumatok kaya agad akong lumakad at binuksan yun.

"Stay at Austin's Condo for now" sabi ni Kuya at tinignan ko si Austin pero umiwas siya ng tingin sa akin.

"Sige, magpapalit lang ako" sabi ko at tumango lang si Kuya jaya agad kong sinara ang pintuan ko at nilock yun.

BUTI nalang talaga at sabado bukas at walang pasok kung hindi mal-late talaga ako.

Nang makalabas ako sa kwarto ko ay nakita ko yung mga kaibigan ni Kuya na nakaupo na sa sofa, 7:30 na din kasi.

"Dun na muna ako" sabi ko at tumango lang si Kuya kaya agad akong pumunta sa kabilang condo at umupo sa sofa dun.

Kaya ata hindi sila dito nag-party, ang gulo pa ng unit niya, pero magugulo din naman yung unit namin pagkatapos nila mag-inuman, mga nakakainis na lalake. Porket 19 lang sila, lagi na silang naggaganiyan.

17 palang kasi kami kaya hindi pa kami pwede sa mga alak, at never ko talagang it-try yang alak na yan. Ampangit kaya ng amoy, lasa pa kaya.

Agad kong binuksan ang TV at naghanap ng papanoorin.

Malawak naman din itong condo unit niya, pero iba yung sofa na nasa unit namin kaysa dito sa unit niya, ang sofa niya ay walang pagsandalan, straight lang siya kaya hindi ako makasandal.

Nang magsimula ang panood ay kinuha ko yung dala kong chichirya.

Ang saya talaga kapag mag-isa ka.

-

Napahikab ako at tinignan na ang oras, 12:46 na pala, hindi ko namalayan ang oras, ilang movies din yung natapos ko.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito.

"H-Hoy bakit nandito ka? Dun kayo 'diba?" tanong ko sa kaniya at tumayo ako pero parang wala siyang narinig at lumapit sa akin.

"Hindi kami kasya sa kwarto mo" sabi niya at lumayo ako ng unti sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko, p-parang tumigil ang oras nang maidikit ang kataawn niya sa katawan ko.

Ilang segundo pa ang nakalipas at sinubukan kong lumaya sa yakap niya pero masyado niyang ginagamit ang lakas niya.

Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at ilapat niya ang labi niya sa labi ko tsaka ako pinahiga sa sofa. Sinusubukan kong sumigaw pero hawak ng labi niya ang labi ko.

Mas lalo akong nagpumiglas nang gumalaw ang bibig niya pero hindi pa rin ako makawala sa yakap niya.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko nang lumipat ang halik niya sa leeg ko.

"Bitawan mo ako, Austin!" sigaw ko pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

Nagsimulang tumulo ang luha ko nang subukan niyang alisin ang damit ko.

"B-Bitawan mo ako..." hagulhol ko at napatingin siya sa akin tsaka bigla siyang napatayo kaya agad akong tumayo at sinuot ng mabuti yung damit ko at nagtakip ng unan.

"H-Huwag kang lalapit.." sabi ko nang subukan niyang gumalaw at rinig ko ang malalim na paghinga niya habang ako ay humahagulhol.

"M-Maureen... I mistook you" sabi niya at ramdam sa boses niya ang kaba, "Sabing huwag kang lalapit!" sigaw ko sa kaniya at tinulak siya tsaka ako tumakbo palabas sa condo niya.