webnovel

My Brother's Bestfriend

Are you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt? If NO? Don't read this story it's your choice Then, If YES? Be ready to feel it and read NOW.

Hilarious10 · Teen
Not enough ratings
30 Chs

Chapter 25❤️?

ilang araw na din simula ng pumasok ako sa school, unang araw simula ng akoy gumaling ay puro chismisan ang nasa paligid ko akala ko nga wala ng katapusan ang story ng fight of the century namin nung babae.. At hanggang ngayon hindi ko pa ulit nakikita ito. Nalaman ko nalang na nagtransfer ito ng school kasama yung babeng naghahabol kay harry.

Sa totoo lang talaga hindi ko inalam pa ang mga pangalan nito dahil ayaw ko tumatak sa utak ko habang buhay ang mga pangalan nila sakin.

At kung tatanungin nyo kung ano na ang nangyari samin ni jesthle ay wala din akong masasabi dahil simula ng nangyari samin yun… After noon ay hindi ko na ulit sya nakikita at ilang gabi ko din sya iniyakan.. Oo iniyakan talaga! Sino naman kasi ang hindi iiyak sa mga ginawa nya sakin? Siguro ginawa lang nya ang bagay na yun sakin para pag laruan ako. Yun nalang iniisip ko para mas masakit mas madali ko syang makakalimutan, sinasanay ko na nga na nasasaktan ako lagi para pag nagpanagpo kami ulit ay wala na akong mararamdaman pa sa kanya! Kundi galit nalang!

Si harry? Yun.. Todo panggap pa kami. Nice boyfriend naman sya sakin.. Yung tipong  nakakatipid ako sa pamasahe tapos nagaadjust sya ng schedule para mahatid at masundo nya ako… PeRfect jowa na sana sya pero para kay she ito at wala akong feelings para dito… mahirap na! Baka masaktan na naman ako ng kagagawan ko din.

"huy! Hello earth? Nandyan ka pa ba?"  si joy na kinakaway ang kamay sa mukha ko. Habang yung tatlo ay masama na naman ang tingin sakin. "oh.. Bakit?" tanong ko sa mga ito.

"anong bakit?! Nakaalis na nga si sir pero tulala ka parin! Nakaalis na nga ang mga classmates natin para magpunta ng canteen noh!" mahabang reklamo na naman ni bakla sakin. Hindi ko na naman namalayan na nakatulala na naman ako.. Pagtingin ko sa paligid ko ay kami nalang ang nandito.

"sorry naman oh.. Tara na!" yaya ko sa mga ito para hindi na mainis sakin. "bes? Epekto ba yan ng pagsampiga sayo at pag sabunot? Tulala ka lagi!"tanong ni she habang nakahawak sa braso ko.

"ewan ko ba.. Wag nyo nalang ako intindihin" basta lagi nalang ako natutulala kasi ang daming gumugulo sa isip ko. "tsk! Sabi ko na sayo resbakan na natin yung nanakit sayo eh! Kakaisip mo siguro kung pano ka maghihiganti kaya ka natutulala noh?!" at umakbay pa si deo sakin.

"tss.. Ikaw talaga utak talangka ka minsan deo! Hindi ko magagawa manakit ng ganon noh! Atsaka wala sa isip ko ang maghiganti sa mga yun.. Praning ka talaga!" at tinanggal ko naman ang pagkakaakbay nito sa akin.. Ang bigat kaya ng braso nito.

"oo na sige na! Ang bait mo kasi kaya ka inaabuso minsan! Katulad nalang ng nakikita ko ngayon ang sarap sapakin!" at nakatingin ito sa pwesto nina harry. Nagsamaan naman ng tingin ang dalawa sa isa't isa.. Hays.. Lagi nalang nagaaway ang dalawang ito sa hindi malaman kung anong pinaghahatian lagi!

"oh! Wag mo sabihin na aawayin mo na naman ang fafa harry ko?! Gaganutan na kita!" banta ni bakla dito kay deo at pinanlakihan pa ng mata nito.

"guys! Wala ng upuan.. Pero sa pwesto nila meron pa!" at parehas na nagtatakbo umupo si joy at rica sa pwesto nina kuya. Bwisit talaga lagi ang mga ito! Pano ako makakaiwas kung ang dalawang ito ay hindi nagpapaawat? Napailing naman kaming tatlong naiwan nila kundi sumunod sa kanila.

Buti nalang hindi ko katabi si harry ngayon kasi nasa medyo unahan sya tapos ako naman ay nasa parteng likod. Kaya tuwang tuwa naman si deo habang inaasar ng tingin si harry habang nakain ang mga ito.

Siniko ko ito at sinabihan na tigilan na dahil nakain kami  "wag kang magalala kasi naisahan ko yung isa.. Kaya maging happy ka nalang kasi happy ako ngayon" tatawa tawa nitong sabi at kumain na.

Nakakailang subo palang ako ng may umagaw pansin saming lahat kasi nagbulungan na naman ang paligid sa pagdating nito. Napasinghap naman ako sa kaba ng mapatingin to sakin at ako naman ay nagiwas ng tingin. Himala at nandito sya ngayon.. Pagkalipas ng ilang araw parang umakto na naman ito na walang nangyari. Good actor talaga ito kung paparangalan eh!

"oh.. Kamusta ang pagkikita nyo ni juliet? Ilang araw ka din nawala dude! Inggit ako!" at parang kinilig na bata ito habang tinutudyo ni kuya jasper ito. Nagtawanan ang grupo nila habang ako ay parang nawalan ng gana sa narinig.

So.. Panakip butas lang ako nito? Pag wala ang isa.. Ako naman ganon?! Kaya pala balewala lang ang nangyari saming dalawa! Ano ako? Pampalipas oras nito?! Nawala ng matagal para makipaglampungan kay juliet?

"win.. Ang chicken mo torture na!" pasigaw na sabi ni joy kaya napabaling ang tingin nila sakin pati ang grupo nina kuya. Tiningnan ko ang ulam ko parang hindi na sya mukhang chicken kasi sabog sabog na ito kakadukdok ko.

"a-ah.. Hehe para madaling kainin" palusot ko nalang sa mga ito habang nanalangin pa na umepek sa mga ito. "naku! Kung sinabi mo.. Dapat pinaghimay na kita!" sabi pa ni deo.

"ahem!" napatikhim naman si harry sa sinabi ni deo at sinamaan ito ng tingin. Ang ginawa naman ni deo ay ngumisi ito ng nakakaloko kaya asar na asar ito ngayon dito.

Pasimple akong tumingin kay jesthle at itoy nakatitig kay harry habang hindi naman napapansin ng isa na nakatitig sa kanya si jesthle dahil busy ito sa pangaasar ni deo.

Bakit kaya ito nakatitig ng ganon kay harry? Nung napansin siguro nya na nakatingin ako sa kanya ay mabilis akong umiwas ng tingin at tinuon ang paningin sa pagkain.

Wag marupok self.. Hindi ka na pwede nito saktan pa. Magmature ka na kasi kaya ka nasasaktan eh! Pag di ka pa nagising sa katotohanan sige ka! Baka maluka ka!

Hays.. Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Jusko po! Wag nyo po ako hayaan na maluka…

*****

"bakit mo ba naging kaibigan yung deo na yun?" tanong nito sakin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi samin. "hindi na sya nakakatuwa...pag ako naasar don. Naku! Makakatikim sya sakin" nang gigil na sabi nito

"tsk! Kaya asar kayo sa isa't isa ay magkaugali kasi kayo! Para kayong bata kung mag asaran lagi!"patawang sabi ko dito habang iiling iling pa.  " nga pala! Bakit nga pala hindi natin school mates si ate juliet?" segway ko dito para magkaroon ako ng idea.. Wala kasi akong mapagtanungan dati eh.

"ah.. Hindi ba nasabi sayo ng kuya mo? Hmm.. Kunsabagay wala naman yun pake. Sa ibang bansa nagaaral si juliet  kaya hindi mo talaga mapapansin sa school natin. Si buena naman sa ibang school nagaaral kasi wala sa school natin ang course na gusto nya. Pero ang alam ko sila parin ni sean" mahabang paliwanag nito habang nagdadrive parin. " bakit interesado kang malaman?" nakakunot noo na tanong nito sakin.

"wala lang curious lang ako.. Atsaka nakasama ko naman sila dati nung nasa batangas tayo diba?" palusot ko dito.. Napaka matanong talaga ng isang ito. Magtatanong ako tapos sa huli tatanungin din ako. "kunsabagay nga naman" tango nito na nakumbinsi ko naman.

"ahm.. Ano.. Ahm.. Si ate juliet ba at si.. Si.. Kuya jesthle?" alangang tanong ko dito kasi baka magtaka na ito sakin. Atasaka bakit ba gustong gusto ko malaman? Para masaktan na naman!? Ang bobo mo talaga!

"hmm.." nagiisip pa ito ng isasagot habang akoy nakahintay sa sasabihin nito. "hmm… Hindi ko kasi sure kung sila..? Pero kung ako ang tatanungin ay OO? Close kasi silang dalawa pati sa parents ni juliet ay malapit ito kaya OO ang sagot ko.. Pero di ko sure kasi medyo malihim yun eh!" hays! Sabi ko sayo wag kana magtatanong eh! Yan! Nasasaktan ka na naman!

"bakit ba ibang tao pinaguusapan natin? Bakit hindi nalang sating dalawa?" reklamo nito at maya maya ay napagisip. "ahm.. Ang ibig kong sabihin yung tungkol sayo magkwento ka.. Pwede ka naman magtanong ng tungkol sakin yung ganon" at medyo nahiya naman ito sa inasal nya.

"talaga? Pwede akong magtanong sayo kahit personal pa?" hmm… Ito na siguro ang pagkakataon para pag partnerin sila ni bes! Ahh… Kilig much ako!

"oo naman… Bakit may gusto ka ba itanong sakin?" at tumingin tingin pa ito sakin. "ahm.. Anong tingin mo kay she?" haha.. Excited na ako sa sagot nya!

"she? Sinong she? Yung kaibigan mo ba?" pagkokonpirma nito sakin, tumango ako bilang sagot dito. "hmm.. Ano ba? Hmm.. Okay naman sya. Mukhang mabait sa nakikita ko tapos medyo mahinhin ito kumilos kesa sayo.. Pero di ko sinabi na pangit na yung kinikilos mo" sabay bawi nito "ahm.. Okay naman sya.. Bakit mo natanong?"

"ahm.. Kung sakali kaya.. Magugustuhan mo sya?" feeling ko ang laki ng ngiti ko habang tinatanong ko ito sa kanya.

"hmm.. Oo naman. Nice naman sya eh.." waaaa!!! Feeling ko para itong anghel sa sagot nya sakin yiiii! "okay syang maging kaibigan" dugtong nito na kinabagsak ng balikat ko. Ano ba naman ito? Okay na ang sagot nito kanina tapos may pag bawi pa ng ganon eh!

"hindi.. Ibig kong sabihin kung magugustuhan mo ba sya as a girlfriend ganon" medyo may pagkairita ang pagkakasabi ko sa kanya.

"hmm.. Ang sagot ko sa tanong mo ay HINDI.. Diba may iba na akong gusto?" at tumitig pa ito sakin na kinailang ko.. Sino ba naman ang gusto nito? Kung tutuusin eh maswerte na sya sa kaibigan ko.. Wala talaga itong taste!

"eh sino naman? Mas maganda ba sya kay bes? Baka naman mas mabait si bes don? Baka magbago pa isip mo at nararamdaman.. Ay nandyan lang si she.." tapos kung ano ano pa ang sinabi ko dito na ang mga sagot lang nya ay ngiti sakin. "ano ba yan! Sumagot ka naman! Puro ka ngiti eh!" naasar na sabi ko dito.

"tsk.. Baba kana.. Nandito na tayo sa inyo." napatingin naman ako sa paligid at nakita ko na nasa tapat na kami ng bahay. Hala! Hindi pa ako tapos sagutin nito eh… " ano nga!" pangungulit ko pa dito.

"bumaba kana at baka kung ano ang isipin pa nila satin pag nagtagal pa tayo dito" natatawang sabi nito habang ako naman ay naiinis na tinanggal ang seat belt saktong pagbukas ng pinto ng kotse nito.

Badtrip! Hindi na naman nya sinagot ang tanong ko.. Kaya lumabas ako ng kotse na iyamot. Pagpasok namin ay nabungaran agad namin si nanay na nagtitiklop ng nilabhan.

"oh! Ang haba haba ng nguso mo.. Parang sasayad na sa semento" pansin sakin ni nanay at tumawa pa sila ni nanay. Nagmano naman ito kay nanay.. Tss.. Pa mano mano pa ito kay nanay.. Akala mo tunay!

"huwag nyo nalang po ako pansinin nay!" at tumabi ako dito para tulungan sa pagtitiklop. " ako na ang bahala dito anak. Magpalit ka muna ng damit at magmeryenda ni harry" at pumunta si nanay sa kusina para siguro ipaghanda kami ng makakain.

Nakangiti lang sakin si harry ngayon na kinainis ko naman dito.. " magpapalit na ako ng damit.. Ikaw na magtiklop ng damit! Gusto ko pagbaba ko.. Tapos ka na din dyan ah?" sabi ko dito at inirapan pa bago tumalikod para umakyat na. "OPO! BABE!" mariing sabi nito na talagang nangaasar pa.

"tsk! Wag mo nga ako mababe babe!" nagpapapadyak pa ako ng paa bago umakyat sa hagdanan. Narinig ko pa ang halakhak nito habang pataas ako.. Naku! Parang si kuya talaga ito mang asar sakin.

Naabutan naman kaming dalawa ni kuya na nagmemeryenda sa kusina ni harry. "wow! Brad.. Ayos ka din ah! Kareer na kareer mo ang pagpapanggap ah?!" pasarcastic na sabi ni kuya at dumapot ito ng tinapay na kinakain namin ngayon. Akala ko aalis na din ito pero humigit pa ito ng upuan at dinala ito sa gitna namin ni harry kaya napamove ito ng bahagya sa ginawa ni kuya.

"brad naman! Wala naman akong ginagawang masama sa kapatid mo" pagdedepensa nito sa sarili nya. "wala akong pake! Kung wala kang ginagawang masama sa kapatid ko.. Pero umagwat ka naman at baka mamaya yang pagpapanggap nyo ay maging totoo na!" at sinubo na nito ang huling tinapay na nasa kamay nito habang nakatingin ng masama kay harry.

"kuya! Ikaw talaga! Kung ano ano iniisip mo samin! Nakain lang kami oh.." reklamo ko kay kuya kasi sinasapian na  naman ng masamang espiritu ito. "hoy! Wag kang sumasabat sa usapan ng matatanda! Pinapaalalahanan ko lang ang isang ito!" duro nya kay harry.

"so.. Sinasabi mo na matanda ka na talaga kuya?" inasar ko naman ito para mawala ang pansin kay harry. Kinutusan naman ako nito sa ulo bago umalis "aray naman KUYA!" reklamo ko dito.. Ang sakit kasi ng ginawa nito.

"anong tinatawa tawa mo dyan ah?! Pasalamat ka kung hindi.. Katakot takot na naman ang sermon sayo ni kuya!" pinanlakihan ko pa ito ng mata sabay inom ng juice. Napatigil maman ito sa pagtawa at inubos nalang nito ang pagkain na nakahain samin.

Bago umalis ay inasar na naman ako nito kasi tinawag na naman akong BABE! ANO AKO BABOY?! BWISIT!