webnovel

Chapter Thirteen

Bumalik ako sa tinambayan namin nila Jelly.

"Sensya na natagalan ako." sabi ko habang umupo ako sa tabi ni Drake.

"Ang tagal mo ha." said Drake.

"Hindi masyado.

Tumambay lang kami ng 1 hour. Then nagstart na ang next class namin again kay Sir Vlad. As usual inspired na inspired nanaman ako nito.

"Aly." tawag sa akin ni Drake bago kami pumasok ng room.

"Bakit?

"Mag usap nga tayo minsan ha."seryoso ang pagkakasabi nya. Nagtaka ako.

"Ah- Oo ba."sagot ko nalang at nagtataka pa din.

Pumasok kami sa loob at naupo na. Medyo nacurious ako kay Drake.

Dumating si Sir Vlad na may dalang projector at laptop. Mukhang may presentation. Nanahimik kaming lahat at magsisimula na sya pero iba nasa isip ko.. Uuwi kaming magkasama. Anebeyen.. Kenekeleg ake eee~

Matagal din ang presentation na pinakita sa amin ni Sir Vlad. After nun nagdiscuss pa sya then nagpa short quiz.

Inspired ang ako eh kaya pinerfect ko yun quiz. Sumisenyas naman sya ng ngiti sa akin. Kekeleg nenemen ake eee~

3PM natapos ang klase namin kay Sir Vlad. Halos nagsisitakbuhan na ang mga kaklase ko palabas ng room. Akala mo nakawala sa kural. Pero mas malala kami dyan dati, ni alikabok ng mga paa namin nauna na sa paguwi.

"Labas tayo." said Drake na nasa likod ko pala.

Inakbayan nya ako bigla. Ayyy shhhemay! Nasa loob pa kami ng room. Ayun pa si Sir Vlad.

Nakita ko syang nagliligpit ng gamit.

"Drake. Ano ka ba!" sabi ko kay Drake habang tinatanggal ko ang braso nya nakapalibot sa leeg ko.

"Naku. Nag iinarte na si Aly! Ayaw ng paakbay sa akin. Niyayakap pa nga kita dati diba.." pang aasar ni Drake.

Alam ko mali na eh. Dapat lumabas na kami.

"Naku. Drake. Syempre may admirer na si Aly. Mamaya andyan lang yun eh."dugtong pa ni Yanie.

Inilapit ni Drake ang mukha nya sa akin. Hindi naman ako makagalaw dahil nakayakap sya sa akin from behind. Ang tangkad kasi kaya natatabunan ako..

"Drake! Ano ka ba.."sabi ko ulit na naiinis na.

"Halikan pa kita dyan eh..

STOP!!

Nagulat kami sa mataas na boses na halos nag echoed sa loob ng room.

Alam ko kay Sir Vlad yun. Naku naman..

Napalingon kaming lahat kay Sir Vlad.

"Stop flirting inside my room. GET OUT!!

Nagmadali sina Yanie na kunin ang mga gamit namin. At si Drake hinatak ako palabas ng room. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Galit ba sya..? Malamang oo.

Bumaba kami ng ground floor.

"Nakakatakot si Sir." said Jelly na hinihingal.

"Umuwi na tayo. Makita pa tayo ni Sir ulit." sabi naman ni Yanie at inabot ang ang gamit ko sa akin.

"Umuwi kana nga Drake." inis na sabi ko sa kanya.

Bigla nya ako hinawakan sa kamay ko.

"Uuwi tayo ng sabay!

Nagulat ako. Putcha!! Sasapakin ko na to eh!!

Hinila nya ako.

"Mamaya pa ako uuwi."pagpupumiglas ko sa kanya.

"Hoy Aly. Dati palang sabay na tayo umuuwi. Wala kana man pupuntahan. Umuwi na tayo.

Kinuha nya ang gamit ko sa akin. At hinatak ako palabas ng school.

----

Nakauwi kami sa bahay after an hour. Paano nag aaway kami ni Drake sa daan papauwi. Mukha kaming hilaw na magjowa kung mag away. Sinasabunutan ko kasi si Drake eh.

"Oh! Ikaw pala yan Drake?" bati ni Mama sa kanya pagkakita sa amin sa gate.

"Opo Tita. Hinatid ko po si Aleng.

Oo. Aleng kasi tawag sa akin sa bahay. Mukhang Ale.

"Pasok ka muna. May meryenda sa loob..

Sinesenyasan ko si Mama na wag na. Pero mukhang di ako nakita. Pumasok sa loob ng bahay si Drake. Kairita talaga!!

"Ohh. Andito si Drake!" narinig ko na boses ni Papa pagkapasok namin.

"Kuya Drake. Ang tagal mo di dumalaw.." sabi naman ni Allen.

Magkasundo sila ng kapatid ko sobra. Kinakabahan ako baka magsalita si Allen sa kanya. Patay ako 100.100%

Inaya sya ni Papa sa lamesa para magmeryenda.

"Sabay kana Aleng." tawag nya sa akin ng makita nya ako papaakyat ng kwarto ko.

"Uh..

Bumaba ako para puntahan sila sa lamesa at naupo din. No choice ako kundi sumama magmeryenda .

----

Halos gabi na ng makauwi si Drake.

Nagkulong ako sa kwarto sa kabwisitan ko.

Hindi ako nakapagpaalam kay Sir Vlad then mukhang nagalit pa sya sa amin kanina. Hindi man lang ako nakapagsorry.

Nakahiga ako sa kama ko habang yakap yakap ko ang suit nya.

Hindi ko maiwasan malungkot. Si Drake naman kasi.

TOK! TOK! TOK!

"Ate..

Kumakatok si Allen.

"Bakit nanaman!

"May naghahanap sayo sa baba.

"Kung si Drake yan. Galit ako sa kanya. Pakisabi!!

"Hindi si Kuya Drake. Si Kuya Vlad!!

Napabangon ako sa pagkakahiga. Binuksan ko kaagad ang pinto at tumakbo pababa ng hagdan.

Nasa hagdan palang ako naririnig ko na ang boses nya.

"Vlad!" sabi ko pagkababa ko at nakita ko sya.

May dala syang sunflowers.

"VLAD!

Nagulat sila Mama sa ginawa ko. Oo. Sa ginawa ko. Niyakap ko si Vlad.

"A-Aly..

"Akala ko hindi kita makikita." I said habang nakayakap ako sa kanya.

"Aww.. Aly.

"HUH!" mukhang bumalik ang hiya sa katawan ko.

Bumitaw agad ako sa pagkakacling ko sa kanya. Namula agad ako. Kakahiya sa harap pa nila Mama at Papa.

"Uhh-- sorry?

"Vlad. Ginabi kana ata?" tanong sa kanya ni Mama. Ang galing ni Mama sumegway oh.

"May mga tinapos pa po ako. Pasensya na po.

"Okay lang. Dito kana magdinner." yaya sa kanya ni Mama.

Inabot nya sa akin ang bulaklak.

"Uhm..

"Yes?

"Ano kasi.. Sorry kanina.

"Oh- I know. Its okay.

Napangiti ako sa kanya.

"Lets just forget what happened.

Kinuha nya ang kamay ko. At sabay kaming nagpunta sa kusina.

----

Keep reading and please vote.

Thanks 😗