webnovel

Chapter Five

Matapos namin kumain hinatid nya ako pabalik ng school. Hindi muna sya bumaba dahil baka may makakita sa amin. Kaya patago din ako bumaba ng sasakyan nya.

Tumakbo nalang ako papuntang building namin para hanapin sina Yanie. For sure kanina pa nila ako hinahanap.

Huminto ako bago pumasok ng building. Nakita ko sya na kakalabas palang ng kotse nya.

Hindi ko makalimutan yun pag ngiti nya sa akin na 1st time lang nangyari sa tagal ko syang nakikita sa school.

Ngumingiti pala sya... At ang charming!

"Hoy bruha!

Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Jelly.

"Saan ka ba nagpunta kanina kapa namin hinahanap!" said Jelly na nakasimangot.

"Eh- May inutos sa akin eh. Tsaka kumain na din ako. Kayo ba?

"Oo! Gutom na kami.

"Oh di pumasok na pala tayo!

Hinila ko si Jelly paakyat ng hagdan. Sa 2nd floor ang klase namin. 3 hours lang ang last subject namin then uwian na.

Habang nakaupo ako sa isa sa mga armchairs.

Hinihintay namin ang prof namin. Hindi si Sir Vlad.

"May tanong ako!" I said paglingon ko kina Yanie na nasa likod ko at nagkukwentuhan.

"Ano yun be!" sagot ni Yanie.

"May alam ba kayo tungkol kay Sir Vlad bukod sa work nya sa pangalan nya. Sa pamilya nya?

Nagtaka sina Yanie sa tinanong ko.

"Kelan ka pa nagkainteres na alamin yan ha. Eh diba sagad sa buto ang takot mo kay Sir Vlad.

"Ah- Oo. Pero curious lang ako bakit ganun ugali nya." sagot ko habang nag iisip ako ng palusot.

"Nacurious tuloy ako bigla."sagot din ni Jelly.

"Wala ako ganung alam kay Sir Vlad. Yun sa family nya alam ko patay na both mom and dad nya.

Nagulat ako. Hindi ko alam yun!

"Kelan pa?"agad kong tanong kay Yanie.

"Matagal na siguro.

"Matagal na? Kaya ba ganun ugali nya?

"Baka naman loner si Sir!" sagot ni Drake na nakikinig pala.

"Baka dahil walang asawa?" dugtong pa ni Jelly.

"Ang dami kaya may type kay Sir Vlad dito sa school. Pati yun Dean ng Educ. Crush na crush si Sir.

"Totoo?" I said na hindi makapaniwala pero may point sya. Kahit sino pwede magkagusto sa kanya.

"Oo kaya. Natatawa nga kami lagi nasa tabi ni Sir Vlad yun. Alam mo na. Piniflirt nya si Sir. Eh di naman sya umuubra.

Natawa sina Drake.

"Ganun ba..

"Mahirap talaga ispellingin si Sir. Hindi mo agad malalaman sa mukha nya bakit sya araw araw terror.

"Sa bagay tama ka Yanie.

Hinawakan ko ang kamay ko. Hinawakan nya ako kanina pero hindi man lang ako natakot.

At isa pa ngumiti sya.

Nakakapagtaka talaga!

Natapos ang klase namin less than 3 hours. Nagpa uwi agad. Nagdecide ako dumaan ng canteen. Hindi na ako nakasabay kina Jelly pauwi dahil nagmamadali na din sila at madami kaming paperworks then bukas prof namin si Sir Vlad.

"Isa nga po nito." itinuro ko ang tinapay na bibilhin ko sa canteener.

Inabot nya sa akin at nagbayad naman ako. Saka ko kinuha yun tinapay at sinimulan kumain.

Palaisipan pa din sa akin bakit ganun ugali ni Sir Vlad.

Naupo ako sandali. Binuksan ko ang mineral water na binili ko at baka mabulunan ako.

Huh?

Nakita kong dumaan ang Dean ng Educ. Nabanggit nila Yanie na sya yun may gusto kay Sir Vlad.

Pinagmamasdan ko lang sya. Dalaga pa daw yun. Maganda sya at mukhang matalino. Matalino talaga as in!

Bakit si Sir Vlad ang type nya!

Sinusundan ko sya ng tingin. Habang bumibili sya ng pagkain.

"Who are you staring at?

Nagulat ako sa nagsalita. Lumingon ako sa taong nasa harapan ko.

"Ah-

Nabitawan ko ang mineral water na hawak ko.

"Nagulat kita?

"S-Sir! Vlad!

Tumayo ako kaagad sa kinauupuan ko.

"Bakit ka tumayo?

"Eh- Kasi opo. Ano! Oo nga no?

Pinagpawisan agad ako. Nakatitig sya sa akin. Matutunaw ako!!

"Sit. And just eat.

"Ah- hala!

Naalala ko nabitawan ko yun tubig ko. Nabasa yun sapatos ko. Napaka clumsy ko!

"Anong nangyari!

"Ano- Nabasa lang yun paa ko eh yun sapatos ko.

Yumuko sya para tignan ang sapatos ko na basang basa nga.

"May pamalit ka?

Umiling ako kasi wala talaga!

May kinuha sya sa bulsa nya at inabot sa akin.

"Panyo?

"Oo. Punasan mo yan paa mo.

Kinuha ko ang panyo at nagtataka pa din.

"Hindi kita pwedeng tulungan dito. Kaya punasan mo nalang yan.." he said bago sya umalis.

Naupo ulit ako sa upuan ko. Nanghihinayang ako kung ipupunas ko sa paa ko yun panyo na binigay nya. Ang bango bango pa naman. Sayang!

6PM na ako nakauwi. Sinalubong ako ni Mama sa gate ng bahay.

"Oh Ma? Anong ginagawa mo dyan?"sabi ko ng matanaw ko sya sa gate.

"May bisita ka."sabi nya na nakangiti pa.

"Sino?

Sabay kaming pumasok sa bahay. Pagpasok ko nakita ko si..

"Sir! I mean Vlad?

Nakita ko syang nakatayo. Iba na ang suot nyang damit. Mas lighter ang itsura nya ngayon kaysa kanina.

"Here.

Inabot nya sa akin ang isang long stem sunflower?

"Sunflower?

Kinuha ko yun. Expected ko rose eh. Sunflower? As in.

"Dito sya kakain ng dinner." sabi ni Mama na nasa likod ko pala.

"Ha?

"Is it okay?" tanong ni Vlad sa akin habang nakatitig nanaman sya.

Ayan nanaman yan titig nya!!

"Ah- oo naman po. Este oo.

I smiled at him. He smiled back.

Ay grabe! Ngumiti ulit sya... Ang gwapoooooo~

"Eh- ah- A-ano!

"Naku. Vlad. Ang anak ko nauutal yan pag kinakabahan." sigaw ni Papa at tinatawanan ako.

Nagblushed ako.

"Papa naman!!

Natawa si Papa.

"Magbihis kana. Nakakahiya kay Vlad, amoy araw ka.

"Hindi ah!"napasimangot ako.

Loko talaga si Papa.

"I'll wait you here.." he said at hindi pa din nabubura ang malambing nyang ngiti.

Para akong naexcite. Kaya't pumanik na ako papuntang kwarto para magbihis.

----

Keep reading guys and please vote :)

Thanks 🙂