1 My Boyfriend is a secret Billionaire-Part1

written by: Adler Almeda

i.

Hi? I'm Hashi‚ 23 years old at single. Ayoko na muna magkarelasyon dahil ayoko na muna maranasang mapagtaksilan ulit. Ampangit kasi ng karanasan ko last time na nakipag relasyon ako.Nag-cheat ang boyfriend ko at sa mismong malapit na kaibigan ko pa. Ansakit kasi na doon siya napunta. Ngayon‚ masasabi ko na naka move-on na ako sa kanila. Hindi na rin kami nagkikita ni Andrei after ng mga nangyari. Ayoko na rin pang balikan ang nakaraan. I think‚ tama na rin yung ginawa ko na alisin sila sa buhay ko. I also unfriended Andrei and my cousin on my social media accounts.

Sa kasalukuyan ay naghahanap pa ako ng trabaho. Ayokong nasa bahay lang ako at naka-estambay. I want to work para naman may panggastos ako.

"Nak‚ pwede ka bang bumili sa grocery nito? nailista ko naman na dahil medyo madami," saad ni Mama.

Wala naman akong ginagawa kaya agad ko naman itong tinignan.

"Teka lang po‚ mag-aayos muna ako‚" sagot ko naman. Tumango naman sa akin si Mama.

"Ipapasundo nalang kita kay Papa mo‚" dagdag pa nito.

Dali-dali akong nag-ayos. Hindi naman ako mahilig magkolorete sa mukha kaya ayos lang sakin na lumabas kahit nakapulbo lang.

"Ma, aalis na po ako‚" pagpapalam ko sa kaniya.

" 30 minutes‚ siguro okay na yun?" sa isip-isip ko.

Naglakad na ako palabas at pumara ng tricy.

"Manong‚ sa Grocery store po" sambit ko kaya naman tinanguan nalang ako nito.

Nasa byahe ako nang makita ko si Andrei at Kassy na parang nagtatalo.

Agad ko naman binaling sa ibang direksyon ang tingin ko.

" Hayss! buti 'di ako nakita‚" sa loob -loob ko.

Yes‚ naka move-on na ako pero gusto ko silang iwasan.

After 6 minutes ay nasa grocery store na ako.

Binayaran ko naman si Manong bago siya umalis.

Pumasok na ako saka naman ang paglapit sa akin ng isang lalaki.

"Oh! lagayan mo‚" sambit nito.

Rinig ko naman ang isang sipol mula sa likod.

"Wit-wiw!"

"Sus! iba talaga si Wade kapag may gustong babae. Haha! Miss, crush ka na niyan dati pa‚" sambit naman ng isang saleslady.

Tinitigan ko naman ang lalaki. Sa hindi ko malamang dahilan ay agad siyang umalis sa tabi ko.

" What? haha— torpe ba siya? sayang mahiyain‚" sa isip-isip ko.

Ngumiti nalang ako dahil sa ginawa niya.

" Ganyan pa naman yung tipo ko. Yung medyo mahiyain, haha" sa loob-loob ko.

Humakbang naman ako patungo sa mga bibilhin ko nang bigla akong mabangga ng isang lalaki.

Tinitigan ko siya sa mata at kita ko ang malamig nitong tingin sa akin. Halata na wala lang sa kaniya ang nangyari.

Agad akong umiwas dahil hindi ko na kakayaning titigan pa siya ng mas matagal.

"Gosh! para akong papatayin gamit lang ang mga titig niya‚" sa isip-isip ko.

To be continued..

avataravatar
Next chapter