webnovel

Chapter Two

PAGMULAT ng mata ni Athena ay sumalubong agad sa kanya ang isang hindi pamilyar na ceiling. Mga ilang segundo rin ang tumagal nang tumimo sa isip niya na wala siya sa sariling kwarto.

Nanlaki ang mga mata niya sabay balikwas ng bangon, para lang mapadaing nang maramdaman niya ang kirot sa sentido. Isinusumpa niya talaga ang Tequila na 'yon nakakasira ng buhay. Nang medyo mahimasmasan ay sinipat niya ang sarili para lang makahinga ng maluwag nang ma-realize na suot pa rin niya ang dress niya kagabi maliban lang sa wedge niya na nang hanapin ay maayos na nakasalansan sa may tabi ng kama.

Doon lang niya napansin ang isang tray sa may bedside table at may maliit na note na inumin niya. Siguradong para 'yon sa hangover niya. Agad niyang inabot ang gamot at ininom ang baso ng tubig.

Nang medyo mahimasmasan ay saka lang niya iginala ang tingin sa paligid, malawak ang kwarto, kaya pala pakiramdam niya ay para siyang lulubog anumang oras dahil sa lambot ng kama.

Floor to wall ang carpet at minimalist ang design ng kwarto 'don pa lang ay alam na niyang isang lalaki ang may-ari.

Gusto niyang batukan ang sarili sa ginawa niyang kagagahan nakaistorbo pa tuloy pa siya ng ibang tao. Nakakahiya.

Tuluyan na siyang bumangon sa kama at sinuot ang wedge bago inabot ang bag niyang nakabedside table lang nakapatong.

Mariin niyang naipikit ang mata kaya niya 'to siya naman ang may kasalanan kaya dapat lang sigurong mag-sorry sa naistorbo niya kagabi sa pagaalaga ng isang lasing na 'ni hindi naman nito kilala. Dapat rin siguro siyang magpasalamat dahil kung ibang tao lang 'yon malamang napahamak na siya.

Isusumpa na talaga niya ang lintik na nalaklak niya kagabi ito tuloy ang naging resulta.

Pinakalma muna niya ang sarili bago binuksan ang pinto agad na nanuot sa ilong ang mabangong nilulutong pagkain. Hindi niya maiwasang matakam lalo pa at hindi pa siya nakakapag-hapunan kagabi.

No wonder mabilis siyang tinamaan sa nainom hindi pa pala siya nakakakain sige tanggalin na nga niya ang sumpa niya sa Tequila 'yung sumpa na lang sa ex inyang ugok ang valid at non irrevocable.

Sinundan niya ang masarap na amoy at narating ang kusina ng sa tingin niya ay isang condo.

Bumungad sa kanya ang isang nakatalikod na lalaki,malapad ang likod nito at matangkad sa tingin niya kapag nagtabi sila ito ay magmumukha siyang unano sa height niyang five four.

Hinagod niya ng tingin ang likod nito napakagat siya ng labi lalo nang bumaba ang tingin niya sa pangupo nito. Jusme maghunusdili ka Athena umagang-umaga para kang manyak. Kastigo niya sa sarili.

Nang akala niya ay nabawi na niya ang tinakasan siyang composure ay humarap sa kanya ang lalaki.

Hallelujah! There is a god! Kung likod pa lang nito ay ulam na ngayong humarap ito ay para na siyang may full course meal with matching dessert pa.

Hindi yata sapat ang salitang gwapo sa lalaki, daig pa nito ang isang Adonis na bumaba sa lupa. Pero sige na ngayon lang kaya gusto niyang pagbigyan ang sarili. Hindi niya tuloy maiwasang maitanong sa sarili kung saan ito naglulungga at ngayon lang ito nagpasilay sa isang mortal na gaya niya.

Mas lalo pang umigting ang naamoy niyang bango ng pagkain.

Wala sa loob na pinunasan niya ang bibig, wala namang tumulong laway good hindi siya mukhang tanga sa harapan nito. As if naman hindi pa siya mukhang tanga ang tumunganga sa kagwapuhan nito.

Tumikhim siya para hamigin ang sarili at ibubuka pa lang ang bibig niya nang biglang nag-ingay ang tiyan niya.

Isa lang ang ibig sabihin 'non nagwewelga na ang mga bulate niya sa tiyan isang alanganing ngiti ang ibinigay niya rito. Kung bakit kasi walang pakisama ang tiyan niya pambihira.

"Eat." Anito pati ang boses nito walang tulak kabigin.

Napakagat siya ng labi, nag-aalangan, Oo natatakam talaga siya sa pagkain pero nakakahiya na kung pati ang almusal nito ay makikihati pa siya.

"Eat, don't make me repeat myself." Syempre binanatan na siya ng english kaya mabilis pa sa alas kwatro na dumulog siya sa kitchen counter.

Sumalubong sa kanya ang amoy ng fresh brewed coffee, omelet, fried rice at sliced fruits. Napalunok na lang siya hindi maiwasang matakam saka inabot na ang kutsara at tinidor bago inumpisahang lantakan ang almusal.

Ngayon na lang ulit siya nakakain ng lutong bahay kaya sinulit na niya ang pagkain ay siniguradong wala siyang tirang pagkain. Hindi na tuloy niya naintindi ang lalaki na tahimik lang na humihigop ng black coffee at nakamasid.

Saka lang niya naalala na hindi nga pala niya naaya ang lalaki na sabayan siya ng pagkain.

"Sorry naubos ko na, anyway thank you sa pagkain ang sarap." Alanganing ngiti ang ibinigay niya ditto pero hindi man lang ito nagsalita at nakatingin lang sa kanya.

Pakiramdam niya ay ito ang klase ng lalaking bigla na lang nagbubuga ang apoy oras na magalit. Halata ring suplado dahil 'ni hindi man lang itong nagabala na tanungin siya habang kumakain.

Tumango lang ito at feeling niya iyon na ang cue niya para umalis, sa huling pagkakataon ay gusto sana niyang magpasalamat ditto kaya nag-about face siya para lang tumama ang mukha niya sa matigas na bagay.

Sapo ang nasaktan niyang ilong ay tumingala siya para lang mapagtanto na sumunod pala sa kanya ang lalaki.

Ang tangkad talaga nito pakiramdam niya magkakaroon siya ng stiff neck kapag kinausap niya ito nang ganoon ang posisyon niya. Pero ang mas natuon ang pansin niya ay sa panlalaki nitong amoy ang sarap nitong singhutin araw-araw.

Agad niyang hininto ang naiisip mukhang nadededemonyo na naman ang utak niya at kung nagkataon para makasuhan pa siya ng sexual harassment.

Isang ngiti ang ibinigay niya rito. "Hi." Pero mabilis na nauwi 'yon sa ngiwi nang hindi man lang siya nito kinibo.

"Thank you nga pala sa free board and lodging hayaan mo babawi ako."

"No need, sa susunod siguraduhin mo lang na hindi na 'to mauulit."

Binuksan nito ang pinto sa likuran niya at daig pa niya ang kuting na basta na lang nito initsa sa labas. "I just hope we won't cross paths again." Bago pa siya makahuma ay isinara na nito ang pinto sa mukha niya.

Shocked siyang napatitig sa nakasarang pintuan. "Ang gwapo mo nga ang sungit mo naman!" bulalas niya.

Grabe naman alam niyang kasalanan niya ung bakit naging ganon ang ending niya pero sana pinaalis siya nito ng maayos nakakaasar lang.

Napatingin siya sa numero ng pintuan, napangisi siya bago niya inikot ang number nine para maging six.

A little compensation pa sa ginawa nito sa kanya, mukha ba siyang kuting? Napaismid na lang siya saka nagdesisyon na umalis na, tinungo niya ang elevator at nakasalubong ang isang lalaki napakurap pa siya dahil ang akala niya ay nabiyayaan na siya ngayong araw na makakita ng kagwapuhan pero mukhang maswerte siya ngayong araw dahil hindi lang isa kundi dalawa ang nasilayan ng katawang lupa niya.

Lihim siyang napangisi sa naisip saka pumasok sa sa elevator habang lumabas naman ang lalaki. Hindi na siya nag-abala pa kung saan ito pupunta hanggang sa makababa siya sa lobby para lang niya marealize na nasa Ortigas siya at hindi niya alam kung saang lupalop sasakay para makauwi siya sa inuupahan niya sa may Sta. Ana.

Ang akala pa man din niya nakamenos siya ng gastos wala rin pala napapalatak siya, itinaas niya ang kaliwang kamay sabay sigaw.

"Taxi!"

Nadia Lucia