webnovel

Chapter One: Savior

Naglalaro si Missy sa kanyang kwarto ng may marinig na putukan. Sumilip siya sa bintana at nakita nya ang tatlong naka-bonnet na lalaki na nakikipagbarilan sa guard.

"Baby girl halika na." tawag ng kanyang yaya, sabay buhat sa kanya.

Hindi alam ni Missy ang nangyayari, anim na taong gulang palang s'ya. Habang buhat siya ng yaya patakas ng bahay nila, nabitawan s'ya ng kanyang yaya at humandusay sa sahig.

"Yaya?" ginalaw nya ito at nakita nyang may dugo, napaiyak na lang sya.

Habang umiiyak si Missy, isa sa tatlong naka-bonnet ang naglagay ng panyo sa bibig hanggang sa ilong at tuluyang nakatulog ang batang si Missy.

Nagising si Missy sa liwanag na bumungad sa kanya.

"Daddy."

"Thanks god you're awake." niyakap niya ng mahigpit ang kanyang anak.

"Daddy." iyak lang ng iyak si Missy habang inaalala ang sinapit ng maraming tao sa bahay nila, at kasamaang palad namatay ang iba kasama na ang kanyang yaya.

Nakatakas ang tatlong naka-bonnet at hinahanap pa rin ito ng mga pulis, buti na lang walang masamang nangyari kay Missy, salamat sa binatang tumulong sa kanya.

Sa pangyayari na iyon lalong naging mahigpit ang security sa bahay nila upang hindi na maulit ang ganong pangyayari. Mabuti ng maging mahigpit para sa mag-ama.

10 years later....

"Dad lagi ba talaga nila akong susundan?"

"Yes, for your safety."

"Da—"

"No but, okay?" hindi nagsalita si Missy hanggang sa matapos kumain.

"Papasok na ako." hindi na nya hinintay magsalita ang kanyang ama at tuluyang umalis.

Hindi naman hanggang loob ng school kasama ang dalawa nyang bodyguard pero hanggang uwian nandyan lang kaya lalo yang naiinis.

Nasa hallway pa lang s'ya rinig na rinig nya ang dalawa nyang maingay na kaibigan, Nang makita sya agad siyang nilapitan.

"Aga aga ganyan ang mukha mo?" Sabi ni Maine habang inaayos ang pink na headband.

"Ano bang meron sa mukha ko?"

Nagtinginan ang dalawa nyang kaibigan at nagtawanan.

"Yung noo mo parang bulldog." Crystal

"Er?"

"HAHAHAHA"

"Dito muna kayo. Kukunin ko lang project natin, naiwan ko sa kotse."

"Samahan ka na namin?"

"Oo nga."

"Hindi na." Nagmamadaling naglakad si Missy nang bigla syang madulas buti na lang may humawak sa braso nya.

Hello this is my first story in webnovel, Hope you guys will like my work. Thank You! See you next update.

steph0719creators' thoughts