webnovel

# 1: Zoey

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters,

businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer/publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

P.S

I do not owned any of the pictures used in this story. All Credet go to the artist/ owners of the images.

This is a BOYSLOVE story. It is related to a men-to-men relationship. If you were not into these relationship nor even a certified homophobic, better leave the book.

There are some matured scenes in the book that is not suitable for minor ages below. Read at your own risk.

*******

Right Here Waiting for You

Richard Marx

Oceans apart day after day

And I slowly go insane

I hear your voice on the line

But it doesn't stop the pain

If I see you next to never

How can we say forever

Wherever you go

Whatever you do

I will be right here waiting for you

Whatever it takes

Or how my heart breaks

I will be right here waiting for you

I took for granted, all the times

That I thought would last somehow

I hear the laughter, I taste the tears

But I can't get near you now

Oh, can't you see it baby

You've got me going crazy

Wherever you go

Whatever you do

I will be right here waiting for you

Whatever it takes

Or how my heart breaks

I will be right here waiting for you

I wonder how we can survive

This romance

But in the end if I'm with you

I'll take the chance

Oh, can't you see it baby

You've got me going crazy

Wherever you go

Whatever you do

I will be right here waiting for you

Whatever it takes

Or how my heart breaks

I will be right here waiting for you

Waiting for you

********

Mabagal na sumasabay ang ulo ko sa ritmo ng kantang pinakikinggan ko habang kampamti akong nakaupo sa lilim ng isang puno sa likuran mismo ng building namin. Nakasandal ako at hinayaan kong kusang pumikit ang mga mata ko habang ninanamnam ang lamyos ng kanta.

Naramdaman ko din ang sariwang hangin na dumadampi sa mga balat ko. Nilasap ko ang natural na amoy ng paligid. Napangiti ako. Ito ang maganda sa Universidad na pinasukan ko. Ang ganda ng kapaligiran. Ang linis ng paligid. Ang sariwang hangin. Isa pa ang galing ng mga propesor ng bawat subject. Kung paano sila magturo at i handle ang mga studyante nila lalo na ang mga pasaway.

Hightech din ang mga kagamitam dito. Kumpleto sa mga gamit. Nasa loob na din ng Universidad ang mga dorm. Kung sa mga mayayaman naman. May sari sarili silang penthouse dito.

Ayaw ko man lumipat ng pinapasukan Universidad mula sa Japan ay wala na akong nagawa dahil iyon ang kagustuhan ng aking mga magulang. Pina uwi nila ako dito dahil sa hindi ko malamang kadahilana.

Kaya heto ako ngayon. Naninibago sa paligid. Sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Hi beautiful."boses ng isang lalaki na narinig ko. Hindi ko iyon pinansin dahil sigurado naman akong hindi ako ang tinatawag ng lalaking iyon dahil hindi naman ako babae para tawaging beautiful.

Muli akong nag nag concentrate sa pakikinig ko ng kanta.

"Inis-nab ka dud."isa na namang tinig ng lalaki. "Tawagin mo ba namang beautiful ang isang lalaki. Kung hindi ka naman tatangi tanging eh."buska  pa nito.

Narinig ko ang tawanan. Ibat ibang uri ng tawa.

"Tang-ina. Stop laughing or else isusubo ko ang kamao ko diyan sa bunganga mo ng makita mo kung sino binubuska mo."

Hindi ko man makita ang mukha ng nagsalita ay alam kong galit ito sa tigas at bigat ng salitang binitawan nito.

"Hey! " muli kong narinig ang unang boses kanina pero gaya ng dati hindi ko iyon pinansin. Tama namang tumunog na ang bell para sa uwian.

Tumayo ako at inayos ko ang medyo nalukot kong damit at pinagpag ko ang pantalon na may mga dumikit na buhangin at mga tuyong damo.

Naglakad na ako paalis sa lugar na iyon ng maramdaman kong may kung anong bagay na pumigil sa kaliwang braso ko.

Napatingin ako dito. At mula sa kamay na pumigil sa akin tiningala ko ang may katangkarang lalaking pumigil sa akin.

Binigyan ko siya ng isang malamig na tingin saka walang sabing iwinaksi ko ang kamay niya sa akin. Pero muli niya akong hinawakan ng tumalikod ako dito.

"I am talking to you. Bingi ka ba?"may kataasang tunong tanong nito at bahagyanf hinila.

Pumiksi ako. Muli kong iwinaksi ang kamay niya bago ko siya tinignang muli. Hindi ako nagsalita pero sa pagkakataong ito binigyan ko siya ng seryusong tingin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Malaki ang katawan nito kumpara sa akin. Marahil palagi itong nag iihersisyo dahil makikita ang mga namumutok na muscle sa mga braso nito. May hitsura ito kung sa basihan sa isang lalaki.

"Yes! I heard you. And I am not a girl to call me beautifull."singhal ko dito. Hindi porket malaki ang katawan nito ay magpapatinag ako dito.

Ngumisi ito sa sinabi ko. Siya naman ngayon ang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo. Nagtagal ito sa pagtitig sa akin sa mukha ko.

"I knew it! Ang ganda mo talaga."nakakalukong saad nito saka tinangkang hawakan ako sa pisngi ng umiwas ako.

Damn! Matalim na tinignan ko ito at bahagyang lumayo dito. Inihanda ko ang sarili kung sakaling may gawin man itong hindi maganda.

               (Zoey with a fierce look to the guy)

Tumingin ito sa tatlo niyang mga kasamang lalaki saka ngumiti na parang demonyo. Isininyas ang kamay na lapitan ako.

Lihim kong napangiti. Kung akala nila masisindak nila ako nagkakamali sila. Dila na lang nila ang walang latay kung nagkataon.

Mabilis na kumilos ang tatlo at nilapitan ako. Akmang hahawakan na nila ako pero mabilis akong kumilos. I dodge backward and place my right feet in front of me. And one second I use the side of my foot and gave them a side kick.

Marahil nabigla sila dahil tumilapon ang isang tinamaan ng sipa ko. Bahagyang umatras pa ang dalawa at dinaluhan ang isang kasama. Muli akong pumuwesto at ang isang paa ko naman ang pinaharap ko sa akin. Kung nagbabalak pa silang sumugod hindi ko sira uurungan.

Maliit ang katawan ko dahil hindi ko pinangarap na magkaroon ng muscle sa katawan dahil hindi babagay sa mukha ko. Pinanatili ko ang ilang baby fat sa katawan ko dahil mas bagay iyon sa akin kaysa naman sa mga nagtitigasang muscle. Pero hindi hadlang na wala akong muscle upang hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.

Oo! Nag aral akong matuto ng karate, taekwando, boxing at ibat iba pang may kinalamam sa martial art. At magagamit bilang self deffence. Dahil sa hitsura ko kaya napagkakamalan nila akong mahina.

Sa katunayan nga marami na akong medal na naipon dahil sa mga panalo ko sa mga larong iyon. Kung hindi lang ako pinipigilan nina daddy na baka masira daw ang mukha ko ay patuloy parin ako sa pagsali. At ang lintik na mukhang mayroon ako ay hindi bagay sa mga larong iyon kundi babagay sa isang pang beauty contest. At iyon ang isa sa kinaiinisan ko. Ang pagkamalang babae tuwing may bago akong nakikilala o bago pa lang ako makita. Gaya ngayon. Pinagkamalan nilang akong babae. Kulang na lang ay ang boses ko. Kung siguro magboses babae ako. Wala ng maniniwalang lalaki talaga ako.

"May panama pala ang isang ito eh!" Nakangising sabi ng isa ng tuluyang makabawi ang kasama nila. "Akalain mo. Sa ganda mong iyan may ilalakas ka pala."

"Shut the fuck you up." May katigasang sabi ko sa mga ito. "If you want a fight, come on. Show me what you got?" Seryusong hamon ko sa kanila.

Kuyom ang mga kamaong lumapit ang mga ito sa akin pasugod. Bibigwasan na sana ako ng isa ng biglang may kung anong dumagondong na boses na nakapag patigil sa kanila.

Lumingon ang mga ito dito. Ganun din ang ginawa ko.

Napansin kong nahintakutan ang apat ng mapagsino ang lalaking nagsalita. Napaatras ang mga ito at walang babalang lumuhod sa harapan ng lalaki.

Napakunot ang nuo ko habang nakatingin dito. Gaya kanina hindi ko mapigilan ang tignan ito mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo.

Matangkad ito. Marahil nasa 6'1" ang tangkad nito at makikita mo sa suot nitong fitted white t-shirt ang mga muscle nito sa katawan. Makikitang bumakat ang 6 packs of abs nito. At halata din sa suot na maong pants ang muscle nito sa mga hita na halos hindi na yata makahinga dahil sa hapit nito.

"Take them." Maawturidad na utos ng lalaking bagong dating sa mga kasama. Agad namang tumalima ang mga ito at pasukdol na hinawakam ang mga ito.

"Boss maawa kayo. Wala naman kaming ginawang masama. Naglalaro lang kami." Nanginginig na paliwanag ng pinakapinuno nila.

Matalim na tumingin ang lalaking humawak sa kanya. Tinuhod siya nito sa sikmura kaya napa igik ito at bahagyang nagduwal ng laway.

"Deretso ba sa punishment room, Master." Tanong ng isa dito.

Tango lang ang isinagot nito habang nakatingin lang ito sa akin. Unti unti naman itong lumapit at sa pagkabigla ko ay ang hawakan ako nito sa pisngi.

Pumiksi ako ng maramdaman ko ang paghaplos nito at marahas na tinampal ang kamay nito para mabitawan ako. Kunot nuo ko siyang tinignan.

"Asshole!"sita ko.

Damn! Narinig kong mahinang napamura ito. Saka mabilis na tumalikod sa akin at lumayo. Walang lingon likod na sinundan ang mga kasama.

Wierd!

Napailing ako at muli kong inayos ang sarili ko. Pinulot ko ang bag ko at isinabit iyon sa kaliwang balikat ko. Pinagpatuloy ko na ang pag uwi sa dorm na naudlot dahil sa walang kwentang lalaking pumigil sa akin.

******

"Are you okey there sweetie?" Tanong ng daddy ng sinagot ko ang tawag niya.

"Yes Dad, don't worry." Sagot ko. Naglakad ako patungo sa harapan ng salamin. Katatapos ko lang mag shower. Ipinatong ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa at ini on ko ang speaker.

Pinasadahan kong muli ng tingin ang mukha ko mula sa salamin ng banyo. Muli na naman akong napabuntong hininga ng mapagmasdan ko ang sarili ko.

Mga matang nangungusap. Mga pilik matang mahahaba. Magandang arko ng kilay. Makinis na balat. Katamtamang tangos ng ilong. At higit sa lahat ang natural na manipis at mapupulang labi. Kung aahitan ko pa siguro ang kilay ko ay masasabi na talagang babaeng babae na ako. Hindi din halata ang adams apple ko. Hindi din ako tinutubuan ng begote at balbas. Saan ba ako pinaglihi ng nagsilang sa akin at bakit ganito kaganda ang mukhang mayroon ako. At ang mga daliri ko. Malakandila ang hugis. Kahit palagi iyong nababatak sa pagtrai-training ko nuon ay hindi iyon nagkaruon ng malalaking buko.

"Naglagay pala ang papa mo ng pera sa account mo sweetie. Kaya kung anong gusto mong bilhin para sa sarili mo bilhin mo. Huwag mong titipirin ang sarili mo."sabi ng daddy na nakapagpabalik ng kamalayan ko dahil sa iniisip ko.

"Yes Dad!." Muli kong sagot.

Ah! Marahil nagtataka kayo kung bakit papa ang sinabi niya at daddy na ang tawag ko sa kanya. Tama kayo ng hinala. They are both male. But happilly married and they love each other. At hindi ko sila ikinahihiya na sila ang mga magulang ko.

Sa katunayan nga proud na proud ako sa kanila dahil kahit na anong pagsubok ang dumating sa buhay nila ay nalalampasan nilang dalawa.

At ako. Tunay nilang anak. At nag iisang anak. Ginawa nila ako sa natural na paraan at isinilang ng inang nagluwal sa akin.

Nuong una, naguluhan ako kung bakit parehong lalaki ang magulang ko dahil nakikita ko sa iba ay may mga ina sila. Pero ng nagkaisip na ako ay ipinaliwanag nina papa at daddy ang lahat. Kung paano ako naisilang at naging anak nila.

"Aayusin lang namin ng papa mo ang ilan sa mga negosyo natin dito at dadalawun ka namin diyan. Pero sweetie, anu itong nabalitaan ko na sa dorm ka nakatira at hindi sa penthouse na pinareserba ng papa mo diyan."

"Dad! The penthouse is so big, and you know that I hate to be alone in a huge place."

"But sweetie, what if your dormmate has-"

"Dad."putol ko sa sasabihin niya. Dahil alam ko na ang sasabihin niya. Keso daw baka magustuhan ako at pagsamamtalahan. Pero lagi ko naman sinasabi sa kanila na para saan pa ang galing ko sa lahat ng klase ng martial art kung papatalo ako sa mga taong may masamang motibo sa akin.

Kaya nga pinilit ko ang sarili ko nuon na matuto. Pero hindi parin mawala sa kanila ang pag aalala dahil sa taglay kung ganda. Langya! Ganda ba talaga. Bakit hindi na lang gwapo o kaya cute na lang mas tanggap ko pa.

"But if there something bad happen to you sweetie, alam mo namang masasaktan ako diba. So please, move in the penthouse now."

"Dad, your blackmailing me again."napabuntong hininga ako saka tumingin sa cellphone ko na para bang nakikita ko duon ang daddy ko. " ok! Ok! I will move tomorrow."tanging sagot ko na lang dito para hindi ito mag alala.

Sino ba kasi ang lintik na taong nagpaalam sa daddy na sa dorm ako tumuloy at hindi sa penthouse na inilaan sa akin ng papa.

"Thats a relief sweetie. Now ,makakahinga na ako ng maluwang."

"Yeah! You know how t0 blackmail me anyway dad."

Narinig ko bahagyang tumawa ito sa kabilang linya. "I love you sweetie. Your papa is here now. Do you want to talk to him?"

"No need dad. we talked earlier before you call. I will hung up now dad."

"Ok sweetie! I love you."

"I love you too Dad and regard to papa also." Pinindot ko ang end botton ng hindi na ito sumagot. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng pantulog ko bago ako lumabas ng banyo.

Napatingin ang tatlong kasalo ko sa kwarto sa akin ng lumabas ako. Makikita sa mga mata nila ang kakaibang kislap ng mata sa paghanga. Damn it! Ikaw ba naman ang makakita ng parang tunay na babae sa loob ng boys dorm. Sino ang hindi mabibigla. Pero hindi pa ba sila nasanay halos mag iisang buwan na ako dito at ganun parin sila kung makatingin.

"Your beautifull." Narinig ko ang mahinang pagkakasabi ni Tristan habang hindi maalis alis ang tingin sa akin.

"Cut the crap Tristan! Or do you want me to take your eyes off." Banta ko dito. Bigla namang nag iwas ng tingin ang dalawa at pati narin ito. "I'm about to move to the penthouse tomorrow that reserved by my father."

"What? Bakit naman biglaan Zoey! Akala ko ba ayaw mo duon."si Martin.

"Yeah! But my Dad insist me to move."sagot ko dito. Nagtungo na ako sa kama ko. Sumampa ako at umayos na ng higa. "Goodnight guys."

**********

to be continued

Next chapter