webnovel

Matabil

"Cong. Mendes, ano bang plano mo sa matandang yan? Bakit isinama mo pa yan dito?"

Tanong ni Leon kay Cong. Mendes habang pinagmamasdan nila sa di kalayuan si Lemuel.

Busy itong nakataw sa Hacienda Remedios.

Kitang kita ang hindi maitagong ngiti ng pagkagaham sa mukha nito habang tinatanaw ang malawak na lupain ng hacienda na parang ninanamnam ito.

"Nakikita mo ba ang itsura nya? Kung makaasta akala mo pagaari nya ang lupain."

Sagot ni Cong Mendes.

"Kung ganyan ang lolo, ano pa kaya ang apo? Sigurado akong plinano nila ito. Pero paano natin mabubunyag ang huwad na pagkatao ng Aaron na yun? Nakita mo naman, hindi sya kumagat sa kahit anong hamon natin!"

"Inaasahan ko na na hindi kakagat sa mga pain natin yung huwad na Aaron na yun. Yan ang dahilan kaya isinama ko yang matandang yan dito! May apo bang tatalikod sa lolo nya kung nasa kapahamakan ito?"

Sabi ni Con. Mendes.

"Nakuha ko na ang ibig mong mangyari Congressman. Gusto mong gawin natin pain yang matandang yan para sa huwad na Aaron na yun! Kelan mo naman planong gawin ito, malapit na ang party?"

"Tama ka Don Leon! At sa araw ng party kailangan IKAW ang makita ng tao hindi sya!"

"Oo dapat lang na ako, dahil AKO lang ang may karapatan sa Hacienda Remedios!"

"Hahahaha!"

Nakakakilabot ang mga tawa nila na maging si Lemuel ay napalingon sa kanila.

'Ano bang problema ng dalawang yun? Kung makatawa parang akala mo may binubuong masamang balak!'

Wala syang kamalay malay na sya ang binabalakan nila ng masama.

Pero ang inaasahang nilang si AJ ay hindi agad dumating ng Hacienda Remedios.

Syempre maiiwan ba nito si Eunice.

Espesyal na araw ito para sa Coffee nya kaya kailangan naroon sya.

Natuloy din ang award's night at naging successful pa.

Dumating si Eunice at escort nya si AJ na nagpanganga sa lahat.

"OMG! They are like the king and queen! Bagay na bagay sila!"

Ito ang unang beses na nakita ng media ang mukha ng dalawa. Ang dalawa na pinaguusapan pa rin hanggang ngayon sa social media.

Hindi nila sigurado kung anong relasyon meron ang dalawa at curious ang lahat kaya dinumog sila ng mga reporters na nandun.

Ang unang pakay ng mga reporters ay para mainterview si Eunice sa mga kaganapan kamakailan lang pero ng makita nila ang dalawa, umandar ang kuryusidad nila.

"Ms. Eunice, ano pong relasyon nyo kay Mr. Aaron, bakit po kayo magkasama?"

"Ms. Eunice, ang ganda nyo po pala bagay po kayo ni Mr. Aaron, kayo na po ba?"

"Mr. Aaron, ang ganda po ng date nyo, girlfriend nyo na po ba si Ms. Eunice?"

"Magandang gabi po!"

"Maraming salamat po!"

Ito lang ang sagot ng dalawa saka ngumiti sa lahat, hindi sinagot ang tanong nila.

"Nabitin tuloy ang lahat.

Kasunod nilang dumating sila Nadine, Kate at Mel.

Si Nadine ang magaabot ng trophy kaya sya napasama.

"OMG! She's a GODESS!"

Ito ang reaction ng mga tao ng makita nila si Kate na hindi naman pinapansin ang sinabi nila.

'Sino bang goddess ang tinutukoy nila?'

'Haaay naku, malamang si Mommy yung tinutukoy nila!'

Habang nagbablush naman si Mel sa naririnig na papuri nila kay Kate MyLabs nya. Feeling nya sya ang pinupuri.

'Eeeeeiiii! Grabe naman sila kay Kate MyLabs!'

'Asus, Godess daw! Naman, syempre Kate MyLabs ko yan! eeeeeiiiii!'

Tuwang tuwa si Mel at kinikilig pa sa sobrang papuring natatanggap ni Kate.

Syempre naruon din si Doña Isabel at si Don Miguel. Gusto nilang makita ang magaganap.

"Doña Isabel, humihingi po ako ng tawad sa inyo dahil sa nangyari. Sana po pagkatiwalaan nyo po ulit ako at ang mga staff ko ng pangalawang pagkakataon? Pinapangako kong sa susunod pagbubutihin na po namin!"

Sabi ni Madam Debbie.

"Debbie, huwag kang magalala hindi ko na bubuwagin ang organization! Masaya ako at nagawa mong makumbinsi si Eunice at the last moment. Sobrang busy ng batang yan dahil yung mga magulang nagfefeeling bata, ayun naglalamyerda! Hahaha!"

Masayang masaya ang lahat sa success ng award's night, nakalimutan nila ang mga naganap na parang hindi ito nangyari.

Kinabukasan, ang anniversary naman ng NicEd Corp., at ginanap ito sa isang 5 star hotel na pagaari ng mga Belmonte kaya syempre present din sila Enzo at Nelda, ang parents nila Nadine at Nichole.

Inimbitahan din kasi sila ni AJ sa Hacienda Remedios kaya maaga silang lumuwas ng Maynila.

May mangilan ngilan na news media ang naimbitahan sa nasabing event pero ng may mag post sa internet ng picture nila Eunice at AJ, naglusuban ang ibang media sa venue na ikinagulat ng security ng hotel at ipinaalam nila ito kay Edmund.

"Anyare? Bakit ang daming mediang nagpunta? Ala naman tayong inimbitahang artista ah!"

Nagtatakang tanong ni Edmund.

"At nagtanong ka pa damuho ka! Saan saan kayo nagpupunta ni Nichole ni hindi nyo man lang alam ang mga naganap? Haiist! Ayusin nyo yan!" Hambalusin ko kayong dalawang mag asawa dyan eh!"

Naiiritang sabi ni Belen sa pamangkin nyang si Edmund.

Pero pag labas nya, nandun na si Earl at kinakausap ang mga reporters.

"Pasensya na po kung hindi namin kayo mapapaunlakan, kasi po pili lang po kasi ang mga bisita at hindi po tayo kakasya lahat sa loob! Saka po medyo nagugulo na po ang peace and order ng hotel so please, please po ... "

"Sir Earl, may ilang katanungan lang po kami, promise aalis po kami pag nasagot po ito!"

"Okey sige, susubukan ko pong sagutin ang mga tanong nyo!"

"Sir Earl totoo po bang si Ms. Eunice na ang bagong CEO ng NicEd Corp?"

"Yes po! Starting today sya na po ang bagong CEO ng NicEd Corp.!"

"Ano pong relasyon nila Ms. Eunice ba at Mr. Aaron?"

"Mag jowa po sila!"

"Balita ko po may party na magaganap sa Hacienda Remedios, aattend po ba si Ms. Eunice?"

"Yes po! Kasabay po ng welcome part ang engagement party ng dalawa!"

"Ooohhh!"

Masayang masaya ang mga reporters ng magalisan sa venue. Nagmamadali silang lahat bumalik sa opisina nila upang maisulat ang nasagap nilang bagong balita.

Nagulat si Edmund.

"Ilang linggo lang kami naglamyerda ng asawa ko naging celebrity na agad ang anak ko? Ano bang nangyari nung wala kami?"

"Wala lang po Dad, namatay lang po si Mr. Reyes!"

"Patay na pala si Reyes. Anyway good job anak!"

Nangiti naman si Earl, first time syang napuri ng Daddy nya.

"Although, I'm not sure kung matutuwa ang ate mo sa mga sinabi mo sa media tungkol sa kanila ni AJ!"

Napatigil si Earl.

'Masyado ba akong naging matabil?'

Hindi alam ni Earl na pwedeng ikapahamak ni Eunice o ni AJ ang mga sinabi nya.

Bago maghating gabi, naglabasan ang balita tungkol kila Eunice at AJ.

THE HEIR AND THE CEO ENGAGED!

Kagulo ang ingay sa social media at nagtrending pa!

Hindi ito nakalagpas sa mga mata ni Cong. Mendes.

"Kaya pala ang lakas ng loob ng huwad na Aaron na yun, malakas pala ang background ng girlfriend nya!

Mukhang kailangan ko ng gawin ang ikalawang parte ng plano ko, ang pasunurin ang huwad na si Aaron! Hehehe!"

"Sa ayaw at sa gusto mo huwad na Aaron magiging puppet kita! Hahahaha!"

Next chapter