webnovel

Ang Kaawa Awang si Kate

Bihasa sa martial arts si Kate pero pagod pa sya sa katatakbo at marami sila.

Nagmamadaling bumaba ng sasakyan ang mga humahabol sa kanya, bawat isa may hawak na ratan.

Binilang ni Kate ang mga parating.

'Isa ... dalawa... tatlo.... pito?'

Sige Kate, hinga pa ng malalim para bumalik na ang lakas mo!'

"Walanghiya kang babae ka, pinagod mo kami!"

Sabi ni Nato na idinuro pa si Kate gamit ang hawak nyang ratan.

Kita ang pagkainis nito pati ang anim pang papalapit kay Kate.

"Ako ho yung tumatakbo gamit ang mga paa ko, kayo ho nakasakay sa sasakyan, paano ko ho kayo pinagod, eh nakaupo lang naman kayo?"

Sagot ni Kate.

"Aba't pilosopo ka! Bastos ka na, pilosopo ka pa! Wala kang respeto sa matatanda sa'yo!"

"Tama! Dayo ka lang dito, kaya matuto kang lumugar! Kung makaasta ka akala mo pagaaari mo 'tong lugar na 'to!"

"Manong, nasa lugar ako! Sa gilid ho ako ng kalsada nag jojogging! Kayo itong wala sa lugar! Bakit, kasalanan na ho ba ang mag jogging sa umaga, sa gilid ng kalye?"

Sagot ni Kate.

"Aba't talaga naman! Kami pa talaga ang babaligtarin mo?! Bastos ka talagang babae ka, wala kang galang sa matanda at hindi ka marunong rumespeto sa amin na tagarito!"

"May kayabangan pa, akala mo kung sino kung umasta, dayo lang naman dito!"

Napipikon na si Kate paulit ulit ang paratang na hindi naman nya alam kung ano ba talaga ang mali sa ginawa nyang pagjojogging?

'Bakit ba pinalalabas nilang ako ang may ginagawang masama sa kanila eh hindi pa naman ako naguumpisa?'

"Mga manong, nag jojogging lang ho ako dito, ano ho bang masama sa pagjojogging, kayabangan na ho ba yun?

At kayo ho ang nambabastos hindi ho ako! Kung makapagsalita ho kayo parang kilalang kilala nyo na ako samantalang ngayon ko lang kayo nakita!

Hindi ko ho kayo kilala at wala ho akong alam na atraso sa inyo kaya bakit nyo ako binabastos ng ganito?"

Tanong ni Kate.

Kahit na matatanda ang mga ito sa kanya papatulan nya. Bakit sya mananahimik kung nasa katwiran sya?

"Aba't nangangatwiran ka pang babae ka! Dapat sa'yo turuan ng leksyon! Isa kang demonyita!"

Agad na lumusob si Nato at hinambalos ng ratan si Kate pero madali nya itong nailagan.

Kita ang pagkadismaya ni Nato ng hindi tumama ang palo nya kaya sabay sabay na naglusuban ang lahat.

Sinubukang ilagan at sanggain ni Kate ang bawat palo ng ratan pero hindi lahat naiilagan at nasasangga nya, may mga tumatama din sa kanya.

Hindi pa rin kasi bumabalik ang buong lakas nya pero hindi nya ipinakita sa kanila na nasasaktan sya, bumabangon ito at muling lumalaban.

Naiinis na si Kate, puno na ng latay at galos ang katawan nya.

'Naku naman, mapapagalitan ako ni Mommy pag nakita ang mga galos at sugat ko!'

Galit na si Kate.

Nakakarami na ang kalaban.

Kaya ng muli syang hambalusin ni Nato ng ratan, imbis na iwasan, sinalo nya ito.

Kahit masakit hindi nya ininda iyon.

Hindi nya ito binitawan kahit namaga ang kamay nya sa palong tinamo, nakipagagawan sya.

Pinaulanan sya ng palo ng anim ng makitang ayaw nyang bitiwan ang ratan ni Nato, tiniis nya ito hanggang sa maagaw nya ang ratan.

Nagulat ang lahat at napahiya naman si Nato.

Naagawan sya ng armas ng isang babae?

Ang lampa naman nya?

Ito ang iniisip ni Nato. Kahit wala namang sinasabi ang mga kasama nya, ito ang nadidinig nya.

"Ngayon, pasensyahan ho tayo, pero ako naman!"

Sabi ni Kate na naghahamon sa kanila.

Dahil may armas na sya, sa muling paglusob ng kalaban, nagagawa na rin nyang saktan ang mga ito.

Samantalang si Nato ay nagtungo sa owner jeep at kinuha ang tubo na lagi nyang dala.

'Lintek na demonyitang babaeng 'to, akala nya nagtagumpay sya sa pag agaw ng armas ko? Tingnan natin, lulumpuhin kita ngayon!'

Napuno na ng galit ang isip ni Nato sa pagkakapahiya nya.

Nakakalamang na si Kate sa kalaban, namimilipit na ang tatlo sa kanila at hindi na makatayo.

Dala ang tubo bilang armas, muling lumusob si Nato na ikinagulat ni Kate tinamaan ang binti nya, napaluhod ito sa sakit.

Nakakita ng pagkakataon ang tatlo pa na natitira at nilusob sya pero nakatayo pa rin si Kate at nilabanan ng hataw ang bawat hataw nila.

Kahit na masakit ang pagkakapalo ng tubo sa binti nya, hindi pa rin makikitaan ng sakit ang mala ang anghel na mukha nito.

'Anak ng .... tao ba 'tong babaeng 'to?'

*****

Samantala.

Nagaalala na si Mel kay Kate dahil sa sobrang tagal nitong magjogging, kaya hinanap na nya ito.

Kasama ang isang tauhan ng hacienda, sinundan nila si Kate.

"Naku naman Kate MyLabs, saan ka ba naman nagpupunta? Pinagaalala mo ako ng husto!"

Madami na silang natanungan pero hindi pa rin nila nakikita si Kate.

"Huwag kayong magaalala Sir Mel, mababait po ang mga tao dito sa hacienda kaya wala pong mangyayari sa kanya! Baka naligaw lang po si Ms. Kate!"

Sabi ni Rene habang magmamaneho. Ito ang tauhang isinama ni Mel para maghanap kay Kate.

"May sense of direction si Kate MyLabs ko, kaya hindi sya basta maliligaw!"

Sabi ni Mel.

"Hindi ho kaya .... napaglaruan sya ng mga maligno?"

Sabi ni Rene.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Nasa bukirin tayo wala sa gubat, may maligno rin ba sa bukid?"

Kinakabahan na si Mel.

"Meron po Sir Mel, nasa mga puno. Balita ko po may mga kapre dyan sabi ng lola ko!"

"Juskopo, si Kate MyLabs ko baka makursunadahan ng mga kapre! Bilisan mo Rene at baka kung makuha ng kapre si Kate MyLabs ko!"

Natatarantang sabi ni Mel.

Hanggang sa may matanaw si Rene sa gitna ng bukid.

"May nagaaway ata sa banda run Sir, tara lapitan natin!"

"Teka, si-si Kate MyLabs ko yun, pinagtutulungan ng mga sanggano! Bilisan mo Rene!"

Samantala, pagod na ang mga kalaban, hindi na nila kayang sabayan ang bilis ni Kate, kaya isa isang silang natumba, namimilipit sa sakit na natamo hanggang si Nato na lang ang natira.

'Natamaan ko na sya minsan, matatamaan ko ulit!'

Muli itong lumusob pero sa pagkakataong ito, handa na si Kate.

Nasangga nya ng ratan ang bawat hambalos nya at sa huli binitiwan na nya ang bakal.

Dahil sa bigat ng bakal hindi na nakayanan ng kamay ni Nato ito kaya binitiwan nya ito at pinalitan ng isang ratan pero kahit anong gawin nya, hindi na nya muling tinamaan si Kate at sa huli napatumba sya ni Kate.

"Kate MyLabs! Anong nangyari? Saan ang masakit?"

"Melabs, huhuhu! Pinagtitripan nila ko, pinagtulungan nila ako! Eto o tingnan mo! Huhuhu!"

Si Kate na kanina hindi makikitaan ng anumang sakit sa mukha nito, ngayon punong puno ng sakit ito ng makita si Mel, sinabayan pa nya ng walang tigil na pagiyak.

"Huhuhuhu!"

Iyak ito ng iyak.

"Jusko, anong ginawa ng mga hayop na yan sa'yo?!"

Nanlaki ang mga ni Mel ng makita ang namamagang mga kamay nito.

"Kawawa naman ang MyLabs ko!"

Inakap nya si Kate, awang awa sa sinapit nito.

Ang mga kalaban ni Kate: "????"