webnovel

MULAT (Tagalog Story)

kmarieabella28 · Teen
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 2

Chaper 2

Kinabukasan 4:30am pa lang gising na ako. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

"HAPPY BIRTHDAAAY!!!" nagulat ako dahil sabay-sabay pa sila Mama, Papa at Kuya sa pag-bati sakin. Hindi ako nakapag-salita agad, hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko kaya niyakap ko na lang sila isa-isa. Medyo nahiya tuloy ako, kahit lagi naman nila to ginagawa sakin tuwing birthday ko iba pa rin yung feeling ko ngayon, mas overwhelming...

"Magkape muna tayo bago maligo para may laman man lang ang mga sikmura natin." nag-lagay si Mama ng apat na baso at kutsara sa lamesa. Kumuha naman ng tinapay si Papa sa cabinet at inilagay din sa gitna ng mesa.

Nakakatuwa sila dahil alam kong excited at masaya din sila ngayong birthday ko. Sobrang swerte ko dahil buo ang pamilya ko. Kahit lagi akong nilalamangan at binubully ni Kuya, proud pa din ako na sya yung naging Kuya ko. Sobrang proud at pinag-mamalaki ko din sila Mama at Papa kasi kahit hindi kami mayaman, sinisikap pa din nila na magtrabaho para samin ni Kuya at mapag-aral kami sa isang magandang School. Kontento na ako dun basta masaya at buo kami. Hindi naman nabibili ng kahit anong kayamanan ang saya at kompletong pamilya.

Si Julie nga mayaman eh pero ampon lang siya at hindi nya alam kung sinong totoong mga magulang nya dahil baby pa lang sya yun na ang nag-alaga sa kanya at kinalakihan nya. Wala ding tumatayong tatay sa kanya dahil hindi naman nag-asawa yung umampon sa kanya. Silang dalawa lang ang magkasama sa bahay. Pero kahit hindi nya kadugo yun, tinuring nya pa din na parang tunay na nanay at tinuring din naman sya na parang tunay na anak. Kahit na ganun, swerte pa din sya.

Pagkatapos namin magkape, naligo na kami at nagbihis. Nagdress ako ng kulay pink at nagsuot ng sandals. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sila Mama na palabas na din. 6am ang simula ng misa kaya kailangan na namin magmadali dahil 5:45am na. Sumakay na kami sa sasakyan na niregalo nila Lolo at Lola kay Papa nung kinasal sila ni Mama.

Sa passenger seat nakapwesto si Mama katabi ni Papa na nasa driver seat tapos magkatabi naman kami ni Kuya sa backseat. Naboboring ako sa byahe kaya naisipan kong kulitin si Kuya. Mukhang inaantok pa sya dahil nakasandal sya sa sandalan tapos nakapikit.

Alam ko na!

Hinawakan ko ang dulo ng buhok ko at sinundot ko sa ilong nya. Bigla syang napamulat at kinamot nya yung ilong nya. Hahahaha!

"Wala ka talagang magawa sa buhay mo. tsk" Lagoot! mukhang nagalit ata, parang pang-angry bird na yung kilay nya. "Sungit! Nireregla kana naman siguro."

"Ano tingin mo sakin? Babae?" Sagot nya habang nakakunot pa rin yung noo. "Ay hindi ba? hehe". Hindi na nya ako pinansin at sumandal na lang ulit sya sa sandalan at pumikit.

Ilang sandali pa tumigil na yung sasakyan, nag-park na pala si Papa sa gilid ng Simbahan. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Medyo madami na ring tao pero hindi naman kami nahirapan mag-hanap ng mauupuan. May isang upuan pa sa may gitnang parte ng Simbahan kung saan kasya pa ang apat na tao. Pang-limang tao yung haba ng upuan pero may isang lalaki na nakaupo kaya sakto lang yung space kahit tabi-tabi kaming apat na uupo dun. Habang pumupwesto kami sa upuan, biglang lumingon yung lalaki sa samin at nagulat ako nang makilala ko kung sino sya.

Si Francis.

Nakatingin lang sya samin hanggang sa makaupo kami... Katabi ko si Francis sa kanan ko tapos nasa kaliwa ko si Kuya habang katabi naman nya si Mama tapos si Papa.

"Happy Birthday."  Nilingon ko sya at nag-thank you.

Nag-smile lang sya at binalik na nya yung tingin nya sa altar. Maya-maya biglang tumunog yung kampana, senyales na mag-uumpisa na ang misa.

Pagkatapos ng mahigit isang oras, natapos na ang misa.  Nag-sindi muna kami ng kandila sa may gilid ng Simbahan kung saan nakalagay yung iba pang mga nakasinding kandila. After that, sumakay na kami sa sasakyan pero pagtingin ko sa bintana natanaw ko si Francis na sumakay sa motor nya at pinaandar iyon at tuluyan nang umalis. Pagdating sa bahay, andun na pala yung mga Tita, Tito tsaka mga pinsan ko para tumulong sa pagluluto ng mga handa ko para mamaya.

"Jelo hiramin mo muna sa Papa mo yung susi ng sasakyan at pumunta ka sa cake shop para tapos mag-order ng cake"

"Teri wag na. Magbake na lang tayo. Jelo pumunta kana lang sa palengke tapos bilhin mo to" may hawak na papel at ballpen si Tita Agnes tapos may sinusulat sya doon. Sa tingin ko mga ingredients ng cake na ipapabili nya Kuya.

"Sagot ko na yan. Oh eto ang pera." Inabot ni Tita Agnes kay Kuya yung papel na sinulatan nya kanina kasama yung pera na pambili. Umalis na si Kuya para bilhin yung mga pinapabili sa kanya.

"Naku! Bakit ikaw pa ang gumastos?" Angal ni Mama kay Tita.

"Sus! Yaan mo na. Regalo ko na yun kay Jestine. Eh hindi naman ako nakabili ng pang-regalo ko sa kanya" sabay ni ngiti ni Tita sakin.

"Thank you Tita" Tapos niyakap ko sya. Wala naman ng nagawa si Mama.

Kinahapunan, naging busy na kaming lahat dahil isa-isa nang nagsisidatingan ang mga bisita. Wala pa yung mga friend's ko pero kakatext lang nila kanina na otw na daw sila. Baka on the water, naliligo pa lang ang mga kumag.

Nandito na din mga friends ni Kuya. At nakakatuwa lang dahil lahat sila may dalang gift para sakin kahit minsan binubully ako ng mga iyan...

"Pre 18 na yung kapatid mo, pwede ko na ba yang ligawan?" Nagulat ako sa sinabi ni Kian. Yung isang kaibigan ni Kuya. Dahil sa sinabi nya, nakatikim sya ng matinding batok kay Kuya. Haha buti nga.

"Wag mo nga idagdag yung kapatid ko sa mga babae mo". Nagtawanan kami sa sinabi ni Kuya. Pero mas nakakatawa yung reaction ni Kian kasi parang napahiya sya sa aming lahat tapos nagtinginan pa yung ibang mga bisita dahil napalakas yung pagkakasabi ni Kuya.

"Babaero ka pala Kian eh. Wahahahahaha" Tuwang-tuwa naman si Neil sa pang-aasar kay Kian. Hindi sya makaimik at halatang hindi nya talaga alam kung anong sasabihin nya. Parang nabunyag ang isang big secret nya. Hahahaha! Nakikitawa na lang ako sa kanila, baka mamaya ako pa asarin nila eh...

Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang boses nila Julie, nandito na sila. Lumabas ako at nakita ko silang lahat na nakatingin habang may hawak na cake at balloons.

"Happy Birthday beeees" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa sigaw ni Julie. Kala mo naman nasa kabilang kanto sya eh. "Hoy kanta muna tayo" pagkasabi nun ni Francis, sabay-sabay silang nagkantahan. Natawa pa ako kasi parang trying hard yung pagkanta nila, mga sintunado naman. Haha

"Thank you sa inyong lahat. Buti nakarating pa kayo. Kala ko bukas pa kayo makakarating eh." Kinuha ko na yung cake na inabot nila sakin at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Pinaupo ko na sila sa mga upuan habang nasa gitna nila ang isang round table na nireserve ko talaga para saming magkakaibigan at saktong pitong upuan talaga yung nilagay ko doon dahil pito kaming magkakabarkda.

"Oh! Nandito na pala kayo. Upo na kayo at kumain na." Sabi ni Mama nang makita nya sila Julie na kakapasok lang' "Sige po Tita, thank you". Sagot ni Christian.

May nakahain naman nang mga pagkain sa bawat table at mga plato at kutsara na rin kaya pagkaupon namin, kanya-kanya na kaming naglagay ng pagkain sa mga plato namin at nagsimula nang kumain.

"Baklaaaaaaa! Hinayhinay lang. May bukas paaa" Dahil sa sinabi ni Elle, sabay-sabay kaming napatingin kay Alvin at lahat kami natawa dahil punong-puno na ng pagkain yung bibig nya at halos hindi na sya makapag-salita.

"Oh baka mabulunan" Tinapik-tapik ni Kinley yung likod ni Alvin at hindi ko alam kung tapik pa ba yun kasi parang ang lakas, medyo lagabog na.

Uminom ng tubig si Alvin at nang malunok na nya lahat ng pagkain na nasa bibig nya, binatukan nya si Kinley ng pagkalakas-lakas na halos masubsob na ito sa platong kinakain nya.

"Ang sakit nun ha! Hampas na yun" Nagtawanan kaming lahat dahil sa mga kalokohan ni Alvin at Kinley.

"Kain na. Tama na ang tawa" Napalingon ako kay Francis na nasa tabi ko. Ipinagpatuloy na ulit nya ang pagkain nya.

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa terrace at doon muna tumambay.

"Ay Jestine regalo ko pala sayo" Kinuha ko yung maliit na box na inabot sa akin ni Christian. "Uy thank you." nakangiti kong sagot.

"Ano laman nyan, wedding ring?" tanong ni Julie habang pakindat-kindat pa. "Hindi ah. Basta maya tine buksan mo"

"Ah kala ko wedding ring. Sumbong sana kita sa gf mo. hehe" Lakas talaga mantrip nitong si Julie, sarap sabunutan minsan eh.

Akala ko si Christian lang yung may regalo sakin, lahat pala sila meron at sabay-sabay pa nila inabot sakin. "Thank you sa inyong lahat. Swerte ko dahil kayo yung naging kaibigan ko" Ibinaba ko muna yung mga gifts nila sakin dahil hindi ko kayang hawakan lahat.

"Swerte din naman kami sayo eh" Pagkasabi nun ni Elle, nag-group hug kaming lahat.

Malapit na mag 9pm kaya nagpaalam na sila na uuwi na. Sinamahan ko sila hanggang sa makalabas kami ng gate. "Salamat sa inyong lahat ha! Hindi ko na kayo mahahatid hanggang sa inyo. Mag-ingat na lang kayo sa pag-uwi"

"Salamat din sayo. Happy Birthday ulit. Ang sarap nung pagkain. Haha" Natawa ako sa sinabi ni Alvin. Kahit kelan talaga, ang takaw ng baklang to. "Sige na alis na kami, bye bes" Pagksabi nun ni Julie niyakap nya ako tapos nakiyakap din samin si Elle.

"Ako din payakap" Lalapit na sana sakin si Christian para yumakap din kaso bigla syang hinila ni Francis. "Wag na! Uuwi na tayo. Bye Jestine". Sumakay na sila sa mga motor na dala nila at tuluyan ng umalis.

Papasok na sana ako sa loob kaso paglingon ko, nagulat ako dahil may matandang babae na nasa tabi ko na pala, hindi ko sya napansin kanina. Nakatingin sya sakin pero walang emosyon. Nagulat ako nang bigla syang ngumiti, ewan ko pero medyo kinilabutan ako sa ginawa nya. "Maligayang kaarawan Hija" Sabi nya habang nakangiti pa rin. Creepy.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya ngumiti na lang ako. Tumatayo yung mga balahibo ko dahil sa pagtitig nya.

"Isa ka nang ganap na dalaga. Ihanda mo ang iyong sarili." Napakakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Naguguluhan ako.

"P-po?" Nagtataka kong tanong. "Bantayan mo ang mga kaibigan mo dahil walang permanente sa mundo, lahat maaaring magbago. Hindi lahat ng taong malapit sayo ay pwede mong pagkatiwalaan." Hindi ko talaga maintindihan yung mga pinagsasabi ni Lola.

Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog yung phone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sinong nag-message.

Si Francis.

'Nakauwi na kami :)' Napangiti na lang ako dahil nakauwi sila ng ligtas. Pag-angat ko ng ulo ko, nagulat ako dahil wala na yung matanda na nasa harapan ko lang kanina. Dahil sa takot, dali-dali akong pumasok sa loob at agad na isinara ang gate. Patakbo akong akong pumasok sa loob ng bahay...

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*