webnovel

Kabanata 450

Isang linggo ang nakalipas,

"Tita Kelly!" Ani Jacob sa tita Kelly nyang pa sikretong aalis ng bahay.

"Shhh! Wag kang maingay di alam nila kuya at ate na aalis ako ng bahay."

"Pero tita Kelly ang bilin po ni daddy wag na wag kayong aalis ng mag isa."

"Ayos lang ako pupunta lang naman ako ng café ko."

"Pero tita Kelly..."

"Ganito, bored na bored na kasi ang tita mo sa bahay isang linggo na kong di man lang naarawan tignan mo ang putla-putla ko na. Di ka ba naawa kay tita?"

Sa isip-isip ni Jacob "kailan ka po ba nangitim eh in born ka naman na pong maputi. Sighh..."

"Kelly!" Pa galit na sambit ni Kian.

"Ku-- Kuya..."

"Saan ka pupunta at bihis na bihis ka?"

"Anong nangyayare dito?" Ani Kim na kapapasok lang ng pintuan na may hawak na bola ng basketball kasama si Keith at Vince.

"Oh. Kelly." Sambit ni Keith.

"Wait, aalis ka?" Ani Vince.

"Kelly, ika'y tumigil kung ayaw mong hindi na makalabas ng pintuang yan habang buhay." Ang nagagalit ng sambit ni Kian.

"Ah... Eh... Kuya..."

"Ako po! Opo ako po daddy yung may sabi kay tita Kelly na lumabas kami." Sambit ni Jacob at hinawakan nya ang kamay ng tita Kelly niya. "Di ba po tita ako ang nag aya na lumabas tayo. Gusto ko po kasi manood ng basketball nila tito Kim. Kaya mag papasama po ako sana kay tita Kelly. Di ba po?"

"O-- Oo yun nga..."

"Pero hindi ba ang sabi mo kanina ayaw mo sumama kasi nag lalaro ka sa iPad mo?" Sabi ni Keith.

"Ah! Ano po kasi tinamad na po ako saka sabi nga po ni tito Vince dapat nag e-exercise ako para mabawasan timbang ko."

"Hmm? May sinabi ba ako ganun?"

"Opo! Kanina bago kayo umalis nila tito Kim at tito Keith."

"Ohhh... Alam mo makakalimutin na talaga ako minsan eh."

"He... He... Ayos lang po yun."

"Andito na ang mga tito mo kaya hindi na kayo lalabas."

"O-- Opo daddy."

"Sige na Kelly, mag palit ka na. Pupunta lang sa court pormang porma pa."

"Ah... Kasi kuya ano..."

"Lakad na!"

"O-- Oo kuya eto na."

"Jacob."

"Dad?"

"Maligo ka na! Aalis tignan mo nga yang damit mo ang dumi!"

"O-- Opo daddy sorry po."

"Umakyat na kayong dalawa."

"Opo." Sabay sambit nung dalawa na pumunta na nga sa kani-kanilang room.

Samantala naupo naman sila Kian doon sa may terrace at pinag usapan si Kelly.

"Oh? Anu't ang se-seryoso nyo diyan?" Bungad naman ni Ethan na may dalang envelope na brown at naka uniporme pa ngang pang pulis.

"Kuya! Tapos na ang duty mo?" Sabi naman ni Vince.

"Ay, oo maaga akong nag out nga pala mga tol, ere iyung report na pinapahanap nyo sakin."

At iniabot nga ni Ethan kay Kian yung dala nyang brown envelope.

"Salamat tol."

"Wala yon. Nga pala, si Kelly? Kamusta? Hindi nyo pa rin ba sya pinalalabas?"

"Hindi muna, mahirap na baka kung sino na naman ang kumuha sa kaniya."

"Kayo bahala, pero wag naman kayong mag alala dahil gaya nga ng sabi ni Papa may 24hrs na naka bantay dito sa inyo kaya safe na safe kayo lalo na si Kelly girl."

"Mabuti na rin yung kami mismong mga kuya nya ang bantay mahirap na at baka masalisihan na naman." Ani Kim.

"Um. Lintek lang talaga ang mag tatangkang dukutin muli ang aming prinsesa." Sabi ni Keith.

Habang nag uusap usap naman sila Ethan busy sa pag babasa itong si Kian dun sa laman ng envelope.

"Are you sure ito lahat yung report nung 2001?" Sabi ni Kian kay Ethan.

"Oo tol, sinort ko na nga rin yan para hindi ka na mahirapan sa pag hahanap. Nga pala, gusto mo bang ipabukas muli yung case ni tito?"

"Oo, hindi kasi ako makatulog ng ayos kapag napapanaginipan ko yung sinabi ni Senior Edilberto."

"Pero kuya, hindi ba sya talaga yung pumatay kay dad? Bakit kailangan pa nating buksan yung kaso?" Ani Keith.

"Hindi kasi ako makapaniwalang ang ganung tao na may anak na babae at best friend pa ni Kelly ay may kakayahang pumaslang."

"Pero tol, wag mo ring kalimutan na isa siyang leader ng sindikato kaya lahat kaya nyang gawin alang alang sa pera." Sambit ni Ethan.

"Sabihin na nating dahil sa pera, naalala niyo ba bago dumating si Mimay dun sa mansion may sinabi si Senior Edilberto na may nag utos sa kaniya." Sabi ni Kim.

"Oo tol, pero kaya naging close yung kaso ni tito Kemwell sa kadahilanang yung sinasabi nitong tao na nag utos sa kaniya ay hindi naman talaga nag eexist. Oo, nga't na diagnosed syang may depirensya sa utak pero lahat ang evidence ay sya talaga ang tinuturong salarin." Opinyon ni Ethan.

"Hindi pa rin ako mapanatag eh dahil kay Mimay. Kung may sakit sya sa pag iisip bakit ganun nalang sya maging concern kay Mimay? Oo anak nya yon pero tao pa rin sya at may damdamin para sa anak. Kitang kita ko sa mga mata nya ang longing nya para kay Mimay. At yun ang lagi kong napapanaginipan. Na para bang I need to seek justice for them."

"Pero kuya Kian, hindi pa rin naman natin sigurado na wala na nga si Mimay di ba kuya Ethan, hindi nyo nakita ang bangkay nya." Ani Vince.

"Oo hanggang ngayon, meron paring kaming mga tao na nag mamasid doon sa lugar. Kaya oras na may balita na sasabihan ko kayo agad lalo ka na bayaw."

"Salamat kuya. Nanalangin parin talaga ako na ayos lang si Mimay na hindi sya nakasama sa pag sabog."

"Pag sabog? Saan?" Bungad ni Kelly na kinagulat ng lahat.

"Ke-- Kelly, kanina ka pa ba diyan?" Ani Vince na namumutla sa pag dating ni Kelly dahil hindi pa nila nakukwento dito ang mga nangyare habang ito ay wala.

"Oh? Anyare sa inyo? Para namang nakakita kayo ng multo diyan. Saka ano yung sumabog?"

"Ha? Wa-- Wala! Yung pipe ka ko sa nadaanan namin kanina nila kuya Kim at kuya Keith eh sumabog sigurado akong anlaki ng babayaran nilang bill dun."

"Pipe? San?"

"Ah, doon kila Mrs. Madrigal. Oo dun kanina sayang nga eh halos baha na ang daanan." Sabi ni Keith na tinatapik si Kim para tulungan sila ni Vince mag paliwanag sa kapatid.

"Oh? Pero sino si Mrs. Madrigal? Parang ngayon ko lang narinig ang surname na yun dito sa village."

"Ah... Ano kasi bago silang lipat. Tsaka paano mo naman malalaman ang mga taong nakatira dine sa village natin? Ikaw ba'y secretary ng president ng homeowners association?" Sambit ni Kim.

"Nga naman bunso. Bakit ga ika'y interesado sa pagiging secretary eh CEO ka ng sarili mong negosyo." Ani Keith

"Ah, sa sobrang buryong ko kasi sa bahay ako yung nag sort ng papers ni ate Rica hindi ba sya ang secretary ng president ng homeowners?"

"Ano?!! Sya ang secretary?" Anila.

"Um. Hindi nyo alam? Ikaw rin kuya Kian?"

"Ah... Eh... May nabanggit nga sya na sinalihan nyang org. pero hindi ko naman alam na dito yun sa village."

"Kuya!" Anila Keith maliban kay Kelly na nawiwirduhan sa mga kuya nya.

"Haysss! Tama na nga yan. Kelly, kumuha ka ng mirienda para kay Ethan."

"Okie."

***

Bantay sarado nga ang mga kuya ni Kelly sa kaniya. Kumuha pa nga ang mga ito ng leave of absence para lang mabantayan ng mabuti si Kelly kaya naman bawat kibot nito ay limitado lang sa kanilang bahay.

"Young Master, andito na po tayo sa bahay nila Young Miss." Ani Mr. Johnsen.

"Ah... Okay." Sagot ni Patrick na busy sa laptop nya.

"Young Master? Ayos lang po ba kayo?"

"Hmm? What do you mean? Get our things na ibibigay kila Kelly."

"Opo, pero Young Master simula ng makabalik si Young Miss... parang naging tahimik po kayo. Hindi po kayo yung dating sobrang clingy kay Miss hindi na rin po kayo lagi na punta sa kanila. Magka galit po ba kayo? Isa pa, hindi po kayo busy nag lalaro lang po kayo sa laptop niyo."

Isinara naman agad ni Patrick ang laptop niya "ahem! Ang ingay mo na Johnsen."

"Young Master kasi naman... curious po ako lalo na po ang ate nyo kinukulit po ako na kausapin ko daw po kayo."

"Sabihin mo sa magaling kong "Marites" na ate ayos lang ako!"

"Pero Sir, bakit po parang wala kayong gana para po kasing hindi na kayo excited makita si Ms. Kelly. Hindi nyo na po ba sya mahal?"

Patrick bonked him "stop being a driver for ate May! Pati pagiging overthinker niya nakuha mo na!"

"Eh kasi naman po Sir, concern lang din po kami sa inyo."

"I'm fine and I love Kelly so much. It's just that, gusto ko lang bigyan ng time si Kelly para sa family niya."

"Ayos lang po yon sa inyo? Si Miss po ayos lang din sa kaniya na di kayo na bisita sa kaniya?"

"Hindi ko alam pero nag usap na kami about dun kaya tara na!"

"Opo Young Master."

Samantala sa room ni Kelly may kausap ito sa cellphone via videocall.

Kelly: Sige po lola Lucia, mag kita po tayo pag pinayagan na po ako nila kuya na lumabas.

Lola Lucia: Pasensya ka na ha? Hindi ka tuloy makalabas dahil kay Jarious.

Kelly: Ayos lang po La, talagang over-over po mag react sila kuya eh pag dating sa mga ganito-ganito pasenya na rin po kayo kasi di ko na pigilan sila na di kasuhan si Jarious.

Lola Lucia: No worries neng. Ayos lang, kasalanan naman kasi talaga ni Jarious eh padalos dalos kasi sya sa mga desisyon nya. At naiintindihan ko naman ang mga kuya mo kung ako rin naman sila papakulong ko talaga si Jarious sa pag kidnap sayo.

Kelly: Pero La, wag po kayo mag alala kakausapin ko po sila kuya para palayain si Jarious.

"Ano?! Sino yang kausap mo?!"

Kelly: Patrick?

Lola Lucia: Anong nangyayare neng?

Kelly: La, tawagan ko nalang po ulit kayo ha? May bisita lang po ako.

Lola Lucia: Oo sige Neng.

"Sino yang kausap mo?!"

Isinara na ni Kelly ang phone nya at tumayo sa kama "kanina ka pa?" aniya na para bang walang tinatanong sa kaniya si Patrick at bigla syang nag busy-busyhan sa laptop niya.

"Kanin pa ako katok ng katok pero dahil may kausap ka pala hindi mo ko naririnig!"

"Sorry! Okay? Bakit ba ang init ng ulo mo? Tsaka hindi ka nag sabi na pupunta ka dito."

"What?!"

Isinara ni Kelly ang laptop nya at nag pony ng kaniyang buhok.

"At ano yung sinasabi mo ha? Bakit gusto mong palayain yung Jarious na yon? Nababaliw ka na bang talaga?"

Lumabas si Kelly sa may balcony at sinundan naman sya ni Patrick "sinabi ko na sa inyo hindi nya ko sinaktan!"

"Huh! Are you that concern to your kidnapper? Kaya gusto mong palayain nalang sya? Aba Kelly, sobrang nag alala at kahit ano gagawin namin ng mga kuya mo mahanap ka lang tapos sasabihin mo na wag ng hulihin ang mokong na yon?!"

"Kasi nga na misinterpret nyo sya!"

"Huh! Kelly naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Ibang lalaki ang pinagtatanggol mo sa harap ng fiancé mo?"

"Wag mo kong artihan Patrick. Alam mo naman yung buong kwento ko wag kang ano!"

"Tell me, did you fall for him?"

PAK!

At di na nga napigilan ni Kelly ang sarili at na sampal nya si Patrick "so--sorry... I... I didn't..."

"Simula ng makabalik ka samin nag bago ka na!"

Patrick walked out.

"Patrick!"

At nag taka naman ang mga kuya ni Kelly na aalis na agad itong si Patrick eh kararating lang nito.

"Ha? Aalis ka na?" Ani Kevin.

"Patrick! Sandali lang!" Pahabol na sambit ni Kelly.

"Te-- Teka lang! Saan ka pupunta Kelly?" Sambit ni Kian na pinigilan si Kelly.

"Kuya sorry, pero I need to talk to Patrick. Nag away kasi kami saglit lang kuya sige na."

"Hinde! Hindi ka aalis."

"Pero kuya..."

Sumenyas si Rica kila Leny at Faith na hinawakan sila Kim at Keith.

"Sige na babysis!" Anila Leny at Faith na naupo sa lap ng mga asawa nila at binack hug naman ni Rica si Kian.

"Sige na bunso, sundan mo na si Patrick." Ani Kevin.

"Kevin!" Anila Kian.

"Kuya sorry pero masyado na kayong mahigpit kay Kelly. Bunso, sige na ako ng bahala sa kanila."

"Thanks kuya Kevin and sorry mga kuy's!"

At hinabol na nga ni Kelly si Patrick.

"Kelly Ann Marie! Bumalik ka dito!!!" Ang galit na sambit ni Kian pero kahit si Jacob ay naki sali na rin at sinusi ang kanilang pintuan at inihulog sa aquarium yung susi.

"Jacob? Pati ba naman ikaw anak?"

"Sorry po dad, pero naaawa na po ako kay tita Kelly."

"AHHHH!!! KELLY ANN MARIE!!!"

Next chapter