434 Kabanata 434

At nang gabi nga ring yon naunang dumating sila Kelly, Kevin, Blue at Res sa resort sila Kian, Keith at Kim ang sumundo sa airport doon sa kanilang ina.

"Mga kuy's iihi lang ako kanina pa ako naiihi." Ani Kelly.

"O-- Okay, pero ingat ka baka madapa ka naman kaka madali mo." Sagot ni Kevin na andoon na may room nila.

"Okay kuya, malapit naman dito yung room naming mga girls."

"Okay, bumalik ka dito di namin saulo ang lugar. May cr naman kasi dine bakit di ka nalang mag cr dito."

"Ehhhh..."

"Sya, sya... Lumakad ka na nga."

"Um."

At habang papunta naman ng kanilang room itong si Kelly may narinig syang nag uusap na dalawang babae na nabanggit ang pangalan nya.

"It's that ate Yannah? But why is she here?"

Lumapit pa ng bahagya si Kelly at nag tago sa halaman.

"Yes cous, akong bahala sayo hindi ka mahahalata ni Sir Patrick. Kaya nga invited tayong lahat sa party eh." Sambir ng isa sa mga staff ng resort na si Chickee.

"Make sure that they won't recognize me. Lagot tayo kapag nakita ako ng Dela Cruz siblings dito." Sagot naman ni Yannah na kahit gabi na eh naka shades pa.

"Hmm? Anong problema ni ate Yannah samin? At ano yung party?" Pabulong bulong ni Kelly habang nag tatago sa may halamanan.

"Relax, sabi ni Mr. Johnsen party lang daw itong staff at wala ang Dela Cruz siblings."

"Good!" Hinubad ni Yannah ang shades nya "dahil hindi ko sila gustong makita lalo na yang si Kelly."

"Bakit nga pala galit na galit ka sa gf ni Sir Patrick na gumawa ka pa ng issue."

"Simple lang, bias ka kasi sya kahit noong una palang di ko naman na bet yang bunsong kapatid ni Kim masyadong pabebe."

"Hmm? Why naman? Mukhang mabait naman si Ms. Kelly at ang ganda nya ha infairness."

"Huh! Ayoko sa kaniya masyado syang mapapel sa buhay namin ni Kim nung bf ko pa si Kim madalas sya nalang ng sya ang bukang bibig ng kuya niya at nakakainis! Tapos nalaman laman ko na sya pa pala ang nag pupush kay Kim para diyan kay Leny!"

"Oo nga pala yung video na kinuhanan namin nawala na sa website kung saan namin inupload at kahit iupload ulit namin wala na ayaw na talaga."

"What? Why didn't you tell me?!"

"Eh kasi, nabura na rin kasi sa phone ko yung video biglang corrupted."

"What the f*ck! Dapat sinabi mong agad sakin!!!"

"Sorry cous."

"Damn it! Paano na lulubayan ng Leny na yan si Kim?"

"Why should I do that? Sa tingin mo dahil sa simple video na yon hihiwalayan ko si Kim?" Bungad ni Leny.

"Ikaw?!"

"Kilala pala ni ate Leny si ate Yannah?" Pabulong ulit na sambit ni Kelly habang nakamasid at nag tatago.

Lumapit si Leny kay Yannah "do you think mababaw na tao ako para pumatol sa childish na scam mo?"

"How dare you!!!" She's trying to slap Leny pero pinigilan sya nito.

"Don't you dare mess up with me or else..." unti-untin nyang binabaliko ang kamay nito.

"Ahhh!!! Let me go!!! Chickee!!! What the heck?! Pigilan mo sya!!!"

"Ah... O-- Oo."

Pero bago pa man makalapit si Chickee sinipa sya ni Leny.

"Chickee!!!"

"Ahem... Ahem...Don't worry I'm okay."

"I don't care!!! Just help me get rid of her!!!"

Tumayo namang agad si Chickee pero sa pagkakataong ito lumabas na si Kelly at siya na ang humarap kay Chickee.

"Baby girl!" Ani Leny.

"Hi ate!" Sagot ni Kelly habang pinaparusan si Chickee.

"Cous, help me!!!" Pag mamakawang sambit naman ni Chickee.

"Dang it! You! Let me go or else tatawag ako ng pulis!"

"Oh really? Magawa mo pa kaya yan bago ko baliin ang kamay mo!!!" At lalo pa nga nyang binend ang kamay ni Yannah.

"Ahhhh!!!"

"Baby girl, sa tingin mo ba magugustuhan ng kuya Kim mo ang isang babaeng desperada?"

"Nope. He won't like that kind of woman. Cause, after all he found the girl that suits him and that was you ate Leny."

"Did you heard that? Ms. Desperate Girl Yannah?"

"Shut up and let me go!!!"

"Let you go? Huh! In your dreams!" Ani Kelly at sinampal ng malakas si Yannah na humandusay na sa sahig. Dali-dali namang siyang nilapitan ni Chickee.

"Cous, halika na! Ayoko pang mamatay dito!"

"SHUT UP!!!"

Binigyan naman ni Leny ng rubbing alchol si Kelly "thanks ate!"

"No worries, hindi ko hahayaang madapuan ka ng kahit anong bacteria baka mahawa ka pa sa desperate girl na yan."

"Anong sabi mo???!!!"

Binuksan ni Leny yung spray bottle na may lamang rubbing alcohol at itinapon kay Yannah.

"Oops! Sorry kala ko kasi may malaking bacteria."

"You!!!"

Lalapit sana si Yannah kay Leny ng biglang dumating si Kim.

"Subukan mong saktan ang asawa ko. Ako mismo ang kakaladkad sayo papalabas ng resort na ito."

"Ki--- Kim."

Nagulat naman si Leny ng biglang humarang si Kim sa kaniya at kinilig sya sa mga sinabi nito.

"Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nag pakalat ng video namin ni Kelly? Ganyan ka na ba Yannah?"

"Kim, let me explain!" Sambit ni Yannah na pilit niyayakap si Kim but Kim forcedly pushed her away.

"Don't you dare touch me again! Or kahit si Leny o sa pamilya ko kung ayaw mong ipakulong kita!!!"

"Kim!!! I loved you!!! Wag mo namang gawin sakin ito!!! Hindi ka talaga mahal ni Leny!!! At alam kong fake lang ang kasal niyo! At ako parin ang mahal mo!!!"

Nag tinginan na ang mga taong nandoon dahil nga kung saan may magandang topic andoon rin ang mga "marites" pero bukod sa mga chismosa andoon na rin ang mga kapatid nila Kelly.

"What fake are you talking about?!" Pagalit na sambit ni Kelly.

"Huh! Of course, I can do anything what do you think of me like you? Na spoiled brat?!"

"Ikaw!!!"

"Bunso, tama na don't lower your level sa taong yan."

"Pero kuya..."

Yannah gropes Kim's left leg "Kim... I know I am wrong please come with me. Hiwalay na ko kay Arthur."

"So? I don't care! So let me go!" Sinipa nya si Yannah para makawala sa mga kamay nito.

"Kim!!! Alam kong ginagawa mo lang ito para di ka mapahiya! Pero alam kong ako parin ang mahal mo!!!"

"Really? Then take a look at this bitch!"

Bigla nalang lumuhod sa harapan ni Leny itong si Kim at inalok ito ng kasal at sa pangalawang pag kakataon sure na si Kim na mahal niya si Leny hindi bilang best friend kung hindi bilang his future wife.

Sa mga oras din iyon marami na ang nag vi- video kaya di na namalayan ni Yannah na iniwan na pala siya ni Chickee.

"Yes, I... I will marry you Kim Dela Cruz."

Tuwang tuwa si Kim at di na nga nya naitago ang saya at hinalikan niya ito ngunit hindi parin nga nag papatalo itong si Yannah. Nakakita sya ng isang babae na kumakain ng fishball at dahil nga street food ang fishball instant food iyon kaya tinawag na tusok-tusok no need na ng any utensils. Kailangan lang eh stick kaya naman itong baliw na si Yannah kinuha yung stick dun sa babaeng kumakain ng fishball at sinugod si Leny.

"Malandi kang babae ka!!!!"

Sa pag sugod na yon ni Yannah di na natapos ang cycle ng pag pigil dahil sa pangalawang pagkakataon si Kelly naman ang humarang pero that time kaliwang kamay nya ang iniharang nya kaya naman ang matulis na stick na hawak ni Yannah ay medyo bumaon sa kamay ni Kelly.

"Kelly!!!" Sambit ng mga kuya ni Kelly pati na rin itong si Leny.

Pero bago pa man makalapit ang mga kuya ni Kelly may sinabi ito kay Yannah "back then, I really admire you ate Yannah cause you always expressed yourself to people. That's why I said to myself that I want to be like you..."

Nawalan na nga ng malay si Kelly dahil sa phobia nya sa dugo.

"We need to bring her to the nearest hospital mga tol baka ma infection yung sugat nya." Sabi ni Kevin.

"Yes, we will go to the hospital now!!!" Sagot ni Flin na galit na galit ng mga oras na yon dahil bilang eldest brother he will do anything for his baby sister. Lalo pa't nga-ngayon palang sila nag kakaayos mag kakapatid. Especially Kelly...

And that time natulal nalng si Yannah at napagtulakan ng mga kuya ni Kelly.

Sumama lahat papunta hospital pero nag paiwan si Kian at may huling sinabi kay Yannah bago ito tuluyang umalis para sumunod dun sa mga kapatid nya.

"You dare messed up with us? Remember this, walang sinasanto ang pamilya namin. Alam kong alam mong pamilya kami ng mga sundalo at mga pulis. Kaya you better hide yourself carefully Yannah. Dahil oras na makita ko pa ulit yang pag mumukha mo..." Lumapit sya kay Yannah at bumulong "baka hindi kita matantsa pati ang pamilya mo idadamay ko. Lintek lang ang walang ganti!" The he left.

Nanlaki ang mga mata ni Yannah at parang takot na takot ng lapitan sya ni Chickee.

"Cous! Are you okay? Cous!!!"

***

Nang sumilip ang haring araw sa hospital syang rin namang pag mulat ng mata ni Kelly.

Nagulat syang nasa hospital sya at bigla nya ngang nagalaw yung kamay nya kaya naman sa pag aray nya nagising ang mga kuya niya sabay-sabay.

"Bunso!" Anila.

"Hmm? What's going on here? Ang sakit ng kamay ko..."

"Don't move, Kevin call the doctor." Ani Flin na nasa may kanang side ni Kelly at si Kian naman yung nasa left side.

"Yeah, baka kailangan uminom ng meds ni Kellang. Don't worry bunso we are all here just say it lang kung saan masakit." Sambit ni Kian.

"O-- Okay po."

"Sandali lang tatawagin ko na muna yung doctor niya." Sabi ni Kevin.

At pag labas nga ni Kevin ang daming tanong ni Kelly na kahit si Yannah ay inaalala niya.

"Bunso, hindi mo na dapat pang alalahanin kung okay ba o hindi yung baliw na yon. Sya nga ang nanakit sayo concern ka parin sa kaniya!" Sambit ni Keith na ikinuha ng tubig si Kelly.

"Pero kuya, she still my ate."

"No, she's not your ate anymore! Si Leny, si Faith at si ate Ricai lang ang ate mo!" Pagalit na sambit ni Kim.

"O-- Okay... Pero teka, nasan si Mama? Hindi ba at sinundo niyo siya kuya Kian sa airpot?"

"Ah, hindi. Bago pa kami maka lapit-lapit sa airport eh... Tumawag si Ma na na move ang flight nya dahil sa weather doon di daw safe na bumiyahe kapag ang lakas ng snow storm." Sagot ni Kian.

"Um. That's why we went to resort immediately then we saw many people and that girl Yannah is like a crazy girl. Maybe we need to tell the police about what happened. After all, our babysister got injured because of her." Sambit ni Nick.

"Don't worry bro, Patrick handled everything last night." Sabi ni Keith.

"Oh... That's good! Cause that Yannah girl need a punishment! She hurt our precious baby girl."

"No kuya, she's still a girl pa rin kahit na masama ang ugali nya."

"No! We need to punish her she ruined everything and she hurt you!"

"Pero kasi kuya..."

"It's okay Kelly, I'm pretty sure that she won't show herself in front of us anymore. Huh! Subukan niya lang dahil malilintikan talaga sya!" Sambit ni Kian.

"What did you do kuya?"

"Don't bother, just care for yourself at kami ng bahala ng mga kuya mo sa iba. Right brothers?"

"Yeah!" Anila.

Kelly made a facepalm at nalimutan nyang may tama nga pala yung kamay nyang naigalaw.

"Awwww!!!"

"Kelly!!!"

Samantala,

Masama naman ang pakiramdam nitong si Patrick hanggang ngayon kaya panay ang bilin nya kay Mr. Johnsen about sa dadalhin sa hospital at sa sasabihin kay Kelly.

"Young Master, alam ko na po ang gagawin ko kayo eh may pahinga muna diyan sa kama niyo. At mamaya eh andine na po si Ma'Lady May ang ate nyo."

"What? Why did you tell her?"

"Young Master, pupunta rin naman po kasi sila dito at hahapin kayo sa akin kaya better na sabihan ko na sila."

"Wait, sila? Don't tell me pati sila dad and mom pupunta din dito?"

"Ah, kulang pa po kasi kasama rin po si Sir Richmond."

"What?!!! You're insane!!!"

"Young Master, nabalitaan po kasi nila na uuwi ang nanay ni Young Miss kaya naman dali-dali silang pumarito. Sure nasa biyahe na po mga yon sabi po kasi nila tatapusin lang nila ang errands nila last day."

"What the heck? Why didn't you tell them na hindi natuloy ang pag uwi ni tita Keilla?"

"I told them young master."

"So, bakit pupunta parin sila dito?!"

"Young Master, nay sakit nga po kasi kayo syempre concern po sila sa inyo. Basic!"

Binato naman ni Patrick ng unan ito ng si Johnsen.

"Get lost!!!"

"Sige po Young Master. Aalis na po ako at nga po pala wag nyo ng tangkaing lumabas ng room na ito dahil sa labas ko po ilo-lock. Wag po kayong mag alala may nurse po na titingin sa inyo. At syempre alam nya po yung password ng room nyo and wag nyo rin pong subukang i- blackmail yung nurse nyo dahil may cctv po dito. At ipapakita ko yon kay Young Miss kung ayaw nyong magalit sya. Byie!"

"Johnsen!!!"

avataravatar
Next chapter