webnovel

Kabanata 410

Matapos mag luto ng kare-kare sila Rica at Leny nag hain na rin sila sa hapagkainan para sa kanilang hapunan.

"Si tito Kim po? Nasa garahe po sya nag lilinis parin po ng kotse." Sabi ni Jacob.

"Tawagin mo na sila baby boy sabihin mo kakain na ng dinner." Sambit ni Rica na nag aayos ng mga utensils.

"Opo Mommy."

"Ako ng tatawag kay Kim." Sabi naman ni Leny.

"Sige po."

"Um."

At si Leny na nga ang tumawag kay Kim at may dala pa syang inumin para dito.

"Kim? San ka?"

"Eto ko."

Nagulat naman si Leny ng biglang lumabas galing sa gilid ng kotse si Kim dahil wala itong suot na shirt.

"So-- Sorry... I didn't know na..."

Hindi naman na naituloy ni Leny ang sinasabi nya cause Kim interrupts her.

"Is that for me?"

"Ye-- Yeah..." Sagot ni Leny na feeling awkward at di makatingin ng ayos kay Kim.

Ininom naman ni Kim ang inuming dala ni Leny.

"Why are you here? And, are you being shy? Para namang di mo ko nakitang half naked. Remember were classmate sa swimming class nung elementary tayo."

"Hayssss... Elementary ka non! Gosh! Mag damit ka!"

Kim smirked and starts to tease Leny na lumapit pa dito.

"Yahhh!!! Don't come close!!!"

"Why not? We're married. Natural lang na makita ng asawa ko ang katawan ko."

"Hayyyyyyssss!!! Baliw ka na!!!"

Then she pushed him away.

"What the?! Hoy! Why are you..."

"Bye! Pumasok ka na! Kakain na!"

"Hey! Comeback here!!!"

"Put some shirt pervert!"

"Ano?! Hoy!!!! Leny!!!"

At nag tatakbo na nga pabalik si Leny sa loob.

"Tsss! Kala mo naman talaga di pa namin nakita ang katawan ng isa't isa eh wala namang pinag bago yung..." Napatigil si Kim sa pag sasalita at biglang namula ang mukha dahil naalala nya yung kanina about sa pag bibihis ni Leny.

"Nyare sayo kuya?" Bungad ni Kelly na galing sa labas na may binili sa tindahan.

"Ay kabayo! Ano ba Kelly?"

"Bakit namumula ka kuya?"

"Ha? Hi-- Hindi mainit lang kasi."

Napatingin naman si Kelly sa kalangitan.

"Mainit? Eh kulimlim na nga kuya mukhang uulan. Haysss... Pamasok ka na nga! Kak selpon mo yan! Baboo!" At pumasok na nga sya sa loob.

"Hoy! Kelly! Nag lilinis ako ng kotse paanong kaka selpon ko to? Baliw!"

"Heh!"

"Aba't! Kelly!!!"

Samantala...

Nasa Mall na sila Jarie at Keith at kasalukuyang day off pala yung kaibigan ni Jarie na bibisitahin nya sana sa bago nitong work.

"Ah, ganun pala hindi nya kasi nabanggit sakin na off pala sya ngayon. Sige salamat." Sambit ni Jarie sa isang staff na lalaki at umalis na sila ni Keith.

"Ano ng plano mo?" Tanong ni Keith habang nag lalakad sila ni Jarie.

"Ahm... Baka umuwi nalang ako mag grocery lang ako muna. Ikaw? Hindi ka pa ba pupunta ng DLRH?"

"Ha? Ahm... Hindi na, sasamahan nalang kita."

"Eh? Hindi ba kukunin mo yunh sweldo mo?"

"Nako, kahit naman di ako pumunta dun okay lang nasa bank account ko naman na ang sweldo ko."

"Eh? So, bakit sabi mo kanina pupunta ka pa ng DLRH para sa sweldo mo?"

"To make it sure."

"Hahaha... Hanep ah. Parehas pala tayong sigurista."

"Um. Pero chineck ko naman na sa online banking at dumating na nga ang sahod ko kaya mag gagala nalang din muna ako dito."

"Oh? So.... Free ka na?"

"Um."

Hinawakan ni Jarie ang kamay ni Kevin "tara, samahan mo kong mag happy-happy."

"H-- Ha?"

At pumunta nga yunh dalawa sa arcade place doon sa mall at nag laro sila ng pwede nilang malaro.

"Wow! Magaling ka pala sa shooting?" Sambit ni Jarie kay Kevin.

"Hindi naman tsamba lang yun."

"Tsamba? Eh na patay mong lahat ng kalaban."

"Hehe... Actually, lahat kaming mag kakapatid nag aral ng shooting."

"Eh? Astig nun!"

Kevin smiled "really? You think I'm cool?"

"Um. Si Kelly rin ba marunong?"

"Oo. Sa katunayan sya ang pinaka magaling samin pag dating sa pag hawak ng baril."

"Talaga? Ang angas naman!"

"Gusto nya nga na mag pulis gaya ng daddy namin kaso hindi kami pumayag nila kuya at mommy."

"Hmm? Bakit naman? Sayang naman kung ganun."

"Ayaw kasi naming matulad sya sa nangyare kay daddy."

"What happened to your dad?"

"Na baril sya ng isang kaaway. Dahil pulis maraming galit sa daddy namin isa kasi syang magaling at napaka responsableng pulis marami na syang na huling mga criminal kaya siguro may na inggit o may galit ang gumawa nun sa daddy namin."

"Oh... Sorry..."

"It's okay. Nakulong na din naman ang gumawa nun sa daddy namin."

"That's a relief."

"Um. Pero hanggang ngayon miss na miss pa rin namin sya di pa rin kasi namin matanggap na nawala syang agad. Dahil yung criminal na pumatay sa daddy namin gang ngayon di parin nag sasalita kung bakit nya pinatay si Daddy."

"Oh? Grabe naman yun walang kunsensya."

"Um. Kaya nangako kami kay mommy na walang mag pupulis samin kahit nasa blood line namin ang mga pulis at sundalo."

"Wow!"

"Ehe... Marami na kong na kwento tara mag laro na ulit tayo?"

"Sige. Then turuan mo ko sa shooting."

"H-- Ha?"

"Oo, dyan sa game."

"Ahhh... Akala ko kung ano na..."

"What do you mean?"

"Wa-- Wala... Ha... Ha..."

Mukhang ibang shooting ang pumapasok sa isip ni Kevin ng mga oras na yon. Bigla syang naging "green minded" na di naman nya nagagawa sa iba.

"."

Di na nga namalayan nila Kevin ag Jarie ang oras kaya ng matapos silang mag laro napag pasyahan nilang mag dinner sa isang fast food chain.

"Ako? Bakit naman?" Sabi ni Kevin habang nakain sila ni Jarie.

"Um. Akala ko kasi parati kayo sa isang mamahaling resto nakain."

"Hoy hindi ah! Paborito nga namin dito ng mga kapatid ko eh lalo na si Kelly. Mag take out pala akonng favorite nyang eggpie. Masarap ang eggpie dito you want to try?"

"Hindi na, di kasi talaga ako sanay sa mga desserts."

"Ay sorry... Nalimutan ko na di nga pala pwede sayo."

"No worries, kahit naman wala akong diabetes di talaga ako into sweets."

"Same."

"Ikaw rin?"

"Um. Kami ni Kelly actually."

"Hehe..."

"Hmm?"

"Napansin ko lang na close na close ka sa kapatid mo lalo na kay Kelly. Kasi parati mo syang nababanggit."

"Ay, sorry... Nakasanayan ko na kung ano kasing gusto ko yun din ang gusto nya. Siguro, dahil ako madalas ang kasama nya nung nag dadalaga sya."

"Oo nga pala no? Madalas nasa ibang bansa ang mommy nyo nabanggit sakin ni Leny na kayo na nga daw mag kakapatid ang nag palaki kay Kelly."

"Um. Kami na nila kuya ang tumayo nyang nanay at tatay. Nung nawala kasi si Daddy si Mommy na ang nag taguyod saming mag kakapatid kaya habang lumalaki si Kelly kami na talagang mga kuya nya ang kinagisnan nya kaya... ayun medyo may pagka boyish kung mag aasta."

"Eh? Pero ang girly-girly nya kanina dun sa kasal at ang ganda nya nga eh."

"Nako, kung alam mo lang kami pang mga kuya nya ang bumili ng dress na yun."

"Oh? Hahaha... Di lang pala kayo kuya/ nanay/ tatay ni Kelly kung hindi stylist rin."

"Oo, hindi kasi talaga nabili ng damit nya si Kelly kahit may sarili na syang work. Napaka sinop nya kasi pag dating sa pera kaya nga saming mag kakapatid sya palang ang may negosyo kahit sa batang edad nya palang."

"Wow! I think fan na ko ni Kelly."

"Hehe... Di ka naman nag iisa kasama mo kaming mga kuya nya. Sobrang bait rin nya kahit wala na sa kaniya basta kami meron okay lang sa kaniya. Isang beses nga di namin inaasahan na bibigyan nya kami ng kotse."

"Kotse? Wow!"

"Well, hindi naman kami each of us meron bumili sya ng isang kotse para saming lahat hindi kasi namin sya hinahayaan na mag drive kaya family car lang talaga yun. Isa lang kasi talaga kotse namin nun kay kuya Kian. Eh na isip kasi ni Kelly na hindi sapat samin ang isa kasi halos lahat kami naalis ng bahay kaya ng lumaki na ang kita ng café nga kotse agad ang binili nya."

"Ahhh... Ang sweet naman ni Kelly."

"Sobra! Kaya mahal na mahal namin sya kaya nga gang ngayon wala pang bf si Kelly ayaw pa nila kuya baka kasi masaktan lang sya. Kahit alam kong meron na."

"Hmm?"

"Siguro naman may na babanggit sayo si Ate Leny about kay Kelly."

"Ah, oo peo mahirap na kasing mag salita ayoko namang sakin pa manggaling. Hehe..."

"It's okay alam ko namang si Kelly na at si Patrick ayoko lang din na pangunahan ang kapatid ko alam ko namang ayaw niya kami ma disappoint sa kaniya kaya minabuti nyang mag lihim nalang. Mahal na nya si Patrick simula nung college days nila."

"And you understand her?"

"Um. Naiintindihan ko si Kelly kahit nung una nag tampo ako kasi she used to tell her secret to me. Pero nung nag dalaga na sya kahit ako pinaglilihiman na rin nya."

"Hehe... Ganun talaga kaming mga babae mahirap kasi mag kwento sa lalaki talaga tapos sa kuya pa? Ang awkward kaya nun!"

"Sus! Wala ng mas a-awkward pa sa pag bili ng pads ni Kelly."

"Wa-- Wait what?!"

"Aha, kami pa nila kuya ang na bili ng girl things ni Kelly. At proud kami don."

"Huh! Ibang klase!"

"Well, we used to it hindi nalang namin pinapansin ang sinasabi ng iba dahil may kapati kaming babae na mahal namin kaya kahit ang pag bili ng pads nya ayos lang samin."

"Hehe... Ang cute naman. I like the guy rin na nangingialam sa girly thingy."

Kevin smiled "really? Ayos lang sayo na may ganun akong experienced?"

"Ha?"

"I mean... Ka-- Kami..."

"Oo naman. Kung sa future nga may makilala akong gaya nyo di ko na sya pakakawalan kasi may respeto ang gaya nyo sa aming mga babae."

"Bakit mag iintay ka pa andito naman ako?" Mahinang sambit ni Kevin.

"Hmm?"

"Wa-- Wala."

"Antagal ata ng sundae natin."

"Sige puntahan ko na."

"Okay lang?"

"Um. Wait k lang dito."

"Thankies."

Pag alis ni Kevin tinawagan agad ni Jarie si Leny.

Leny: What? Kasama mo parin si Kevin?

Jarie: Yun nga eh, ang hyper nya at sobrang gentleman.

Leny: What? Hoy Jarie! Umayos ka!

Jarie: Kinakalma ko nga ang sarili ko pero I think I'm in love na!!!

Leny: Hoy Jarielle!!! Tumigil ka!!! Baka magaya ka sakin!

Jarie: Bakit naman? Mag kapatid naman silang parehas responsible at mabait higit sa lahat ang gwapo!

Leny: Tigilan mo yan, sinasabi ko sayo! Masasaktan ka lang!

Jarie: Tsk! Kahit kailan talaga KJ ka sa fantasy ko!

Leny: Sige na, baba ko na ito at umuwi na kayo!

Jarie: Oo na! Humph!

Bigla namang dumating si Kevin "are you okay? Dadalhin nalang dito ng crew yung sundae wait pa tayo konti."

"Ah... Okay. Thanks!"

"Sinong kausap mo sa phone? You looked mad kasi."

"Ha? Wa-- Wala yon may wrong number lang. He... He..."

"Oh... Block mo agad para di kanna kulitin."

"O-- Oo... Sige kain na uli tayo."

"Um."

Sa mag kaparehong oras naman,

Nasa kwarto na si Kelly at nakikipag video call kay Patrick.

Patrick: Okay lang, you don't have to worry about me. Mas okay ba ring di ako umattend ng kasal nila kuya Kim at ate Leny baka kasi masira ko pa. Lalo na akong nalintikan sa mga kuya mo.

Kelly: Don't worry bukas mag kikita naman tayo eh.

Patrick: Miss you.

Kelly: Miss tou too. Kumain ka na ha?

Patrick: Yeah. Uuwi na rin ako mamaya pagtapos ko dito sa office.

Kelly: Sya sige na, you look so tired na eh.

Patrick: Sabi ko na nga di ba sayo ayos lang basta kausap kita.

Kelly: Okay ka ng okay pero yang mata mo iba na inaantok ka na eh. Pero promise mo sakin na kakain k muna bago matulog ha? Nalilipasan ka na ang payat mo na tuloy.

Patrick: Babe concern ka masyado miss mo na ko no? Love you!

Kelly: Ewan ko sayo sige na umuwi na kayo agad ni Mr. Johnsen para makakain ka na at makapag pahinga.

Patrick: Walang i love you? Tampo na ko!

Kelly: Haysss... Pasaway! Oo na love you na. Pag di mo pa ito iooff pupuntahan kita dyan!

Patrick: G! Come here baby.

Kelly: Sira! Alam mo namang di pwede andito sila kuya sa bahay isa pa gabi na.

Patrick: What if ako nalang pumunta diyan?

Kelly: Pasaway ka na naman... Bukas na tayo mag kita wag ka ng makulit. Baka masira pa ang plano ko.

Patrick: Miss lang naman kita eh.

Kelly: Fine! Pumunta ka dito pero sa may tindahan ka mag intay at wag sa labas ng bahay namin.

Patrick: G! Dun ba sa tindahan malapit sa inyo?

Kelly: Syempre! Alangan naman sa Bicol pa!

Patrick: Babe naman eh!

Kelly: Basta chat mo ko pag malapit ka na para maka labas ako agad.

Patrick: Um. May gusto kang pasalubong?

Kelly: Wala... Ikaw lang.

At biglang inoff ni Kelly yung video call nila ni Patrick.

"Ba-- Babe? Babe? Hey!"

"Ano pong nangyare Young Master?"Sabi ni Johnsen.

"Nawala kasi si Kelly bigla mahina na naman ba ang internet sa company?"

"Hindi po. Bakit po?"

"Nawala kasi bigla si Kelly nung ano gusto ka ko nyang pasalubong."

"Tapos po?"

"Sabi nya kasi wala... ikaw lang."

Johnsen sighed "Young Master, malamang po mahihiya si Young Miss sa sagot nya kaya bigla nalang po syang nawala."

"Eh?"

"Kasi po wala syang gustong pasalubong kasi ang gusto nya eh ang makita lang kayo."

"Re-- Really?"

"Um."

Ngiting ngiti naman si Patrick sa sobrang kilig nya.

"May tinatago rin naman pa lang romantic side ang hopeless romantic na si Ms. Kelly. Hindi na lalong makakatulog ang Young Master nalintikan na... Sighhh..."

Kamusta? Sana ayos po kayong lahat! ^.^

Wag nyong kakalimutan basahin ang dalawa ko pang nobela ang "Chasing Her Smile" at ang "PRIDE Of Friendship" sana po ay magustuhan nyo! ^U^

lyniarcreators' thoughts
Next chapter