webnovel

Kabanata 409

Matapos yung pangyayare sa pag sigaw ni Leny inihatid naman ni Kevin si Jarie gamit ang motor nya.

"Ayos ka lang diyan?" Tanong ni Kevin.

"O-- Oo." Sagot ni Jarie.

But Jarie's thought "paano naman ako magiging okay first time kong sumakay ng motor."

"Jarie, humawak kang mabuti!"

"Ahhh!"

Bigla kasing huminto si Kevin ng biglang may tumawid na stray dog.

"Are you okay?"

Hindi naman napansin ni Jarie na napayakap na sya kay Kevin sa takot nya.

"Oo... Pero ano bang... Ay, Sorry..."

Tinanggal namang agad ni Jarie ang kamay nya kay Kevin.

"It's okay, kasalan ko, ako yung driver."

Pero iniiwas na ni Jarie ang kamay niya kay Kevin at humawak nalang muli sa may metal don sa likod ng motor.

"Oh, may aso?"

"Um. May biglaan kasing dumaang aso kaya napatigil ako."

"Ah... Kaya pala."

"Ahm... Nag mamadali ka ba?"

"Ha? Hi-- Hindi naman."

"Ahm... Sakto kasi malapit na tayo sa café ni Kelly pwede bang pumunta muna tayo dun?"

"O--- Okay. Ayos lang."

"Alright! Baba kana."

"Ha?"

"Ayun lang kasi sa bandang taas yung cafè."

"Ohhh... Okay."

At pinark nga muna ni Kevin yung motor niya at hinantay naman sya ni Jarie sa isang gilid.

"Let's go?"

"Um."

Pag pasok naman nila sa café masayang bumati ng good afternoon ang mga staff ni Kelly.

"Hello sa inyo! Ah, we have new customer here her name is Jarie."

"Hello Ms. Jarie welcome!" Anila.

"H-- Hi..."

"Sir Kevin, gaya po ng dati?" Sabi ng babaeng staff.

"Um, wintermelon and eggpie sakin."

"Noted Sir."

"Ikaw Jarie? Anong order mo?"

"Ha? Ahm... Iced americano."

"Oh. Meron ba tayo nun dito?"

"Yes Sir, pinadagdag na po yun sa menu ni Madam."

"Oh... Nice. Give her na rin a dessert yung specialty natin para matikman nya."

"Ah, no... I'm not into sweet."

"Really? A girl like you? Hindi mahilig sa sweets?"

"Um. Diabetic kasi ako kaya moderation lang."

"Ohh... Sorry..."

"It's okay. No problem."

"Beri, less sugar the iced americano."

"Yes Sir."

At humanap na nga ng pwesto si Kevin para sa uupuan nila at sumunod naman si Jarie.

"Do you think gf yun ni Sir Kevin? Ngayon lang sya nag dala dito ng girl." Sabi nung isang staff na babae.

"Ba malay ko! Pero in all fairness bagay sila." Sabi ni Beri yung kaninang staff.

"Oo narinig ko di into sweet yung girl di ba ganun din si Sir Kevin di masyado sa sweets mahilig lang talaga sya sa eggpie sila ni Madam Kelly."

Mapunta naman tayo dun sa dalawa...

"Oh? Ito pala yung café kung san nag wowork si Couz?"

"Um. Minsan andito ako para tumambay lang minsan para mamburaot lng sa kapatid ko."

"Close kayo mag kakapatid no?"

"Um. Yun kasi ang turo ng magulang namin."

"Ang saya siguro ng may kapatid."

"Hmmm? Only child ka?"

"Oo maaga rin kasi akong na ulila."

"Eh? Sorry..."

"No worries sanay na ko. Tsaka bakit ka ba nag sosorry di mo naman kasalanan na mawala sila."

"Ah... Sorry ay..."

"Pffft..."

"By the way, mag kasama kayo ni Leny sa bahay?"

"Um. Kaya nga malungkot din ako kasi ako nalang sa apartment ngayon."

"Wala kang boyfriend? I mean iba pang kasama sa bahay"

"Ah, wala actually single since birth ako."

"Eh? Sa ganda mong yan?"

"Maganda? Ako?"

"Oo ah! Ang puti mo ang kinis ang tangos ng ilong tas singkit may dimples pa! Kung alam ko lang na may katulad mo edi..."

"Edi?"

"Ha? Wa-- Wala... Ano... Edi ka ko di ka single... Yon!"

"Eh? Pero single nga ako since birth!"

"Ahem! Malay mo nasa tabi-tabi lang yung lalaking para sayo."

"Sus! Parang wala naman."

"Eh... Ano bang ideal type mo? Mataas naman kasi ata ang standard mo."

"Ha? Di ren may ilong may bibig. Char! Hahahaha.... Ay, sorry."

Kevin smile "ang cute."

"Hmmm?"

"Nawawala kasi ang mata mo pag natawa ka."

"Ah... Oo nga raw minsan nga tinignan ko yung sarili ko sa salamin habang natawa."

"Oh anong nakita mo?"

"Wala."

"Eh?"

"Oo na realized ko na pag natawa pala ko wala akong makita kasi naka pikit na pala ko pag ganun."

"Talaga? Hahaha... Pero ang cute mo pag natawa ka."

Nahiya naman bigla si Jarie.

"Ahm... San ka pala pupunta? Gusto mo hatid na kita?"

"Ha? Nako, hindi na kahit dito na nga lang ako tatawag nalang ako ng grab car."

"No, its okay I insist magagalit din sakin si kuya Kim kapag di kita inihatid."

"Pero sabi mo pupunta ka pa ng hospital. San ka nga palang hospital?"

"Ah, sa DLRH."

"Eh? Dun ka?"

"Um. Why?"

"Ah... Dun din kasi ako pero hindi kita nakikita."

"Eh? Ano ka ba?"

"Tao! Char! Hehe..."

"Silly!"

"Pero med-tech ako."

"Oh? Ikaw yung bago?"

"Um. Bakit?"

"Wala naman, balita ka na kasi sa buong department namin."

"Eh? Bakit?"

"Di mo ba na pansin na madaming nag papa test lately ng dugo?"

"O-- Oo?"

"Mga lalaking nurse yon na walang magawa gusto ka kasi nila makita."

"Ako?"

"Um. Kilala mo si nurse Vier?"

"Oo, sya kasi yung nag hahatid samin ng mga blood sample ng patients."

"Yun! Sya ang nag kalat about sayo."

"Hala! Anong sinasabi nya?"

"Good thing, na maganda ka maputi etc. at totoo naman pala. Siguro dapat nag pa blood test na rin ako."

"Sira!"

"So, I assume that na ang pupuntahan mo eh ang hospital rin? Kasi sweldo ngayon... Hehe."

"Ah, hindi."

"Eh? Bakit nakuha mo na ang sweldo mo?"

"Hindi."

"Eh bakit hindi ka pupunta ng hospital?"

"Eh kasi wala naman akong pasok isa pa wala pa naman akong sweldo kasisimula ko palang naman."

"Ahhh... nga naman. Eh san ka pupunta?"

"May kikitain lang ako sa mall."

"Hmm? Sabi mo wala kang boyfriend."

"Wala nga, pero may kaibigan naman ako."

"Ay, sorry..."

"Ikaw talaga. Nag sorry ka na naman. Kikitain ko lang yung best friend ko bago lang din kasi sya sa mall kaya bibisitahin ko sya dun."

"Oh... lalaki?"

"Ha?"

"I mean... kasi ayaw mo kong isama sa pupuntahan mo baka kasi..."

"Hayssss... ito naman! Kahit lalaki yun eh okay lang naman kung makita ka nya."

"Wait lalaki yung bff mo?"

"Um. Nung pinanganak sya. Hahahaha..."

"Ha?"

"Kasi mas babae pa sya sakin ngayon. Hehe."

"Eh???"

Samantala,

Sa may sala busy ang mag kakapatid na mag laro ng board games kaya ng bumaba si Leny di nya alam kung san sya pupunta.

"Leny!" Sambit ni Rica.

"Hmm..."

At lumapit naman si Leny kay Rica na nasa may dinning area.

"Masanay ka na."

"Hmm?"

"Gusto mo ng juice or tea?"

"Tea nalang, pero ako na."

"It's okay gusto ko ng may ginagawa."

"Ohh... Salamat. Ahm... Ano yung sabi mo kanina about sa masanay na ako?"

"Masanay ka na sakanila kasi mahilig silang mag kakapatid sa board games pag naririto sila sa bahay."

"Oh? I didn't know na mahilig pala si Kelly mag laro nun."

"Hehe... Si Kelly talaga at hindi ang asawa mo?"

"Ah... Bata palang kami ni Kim mahilig na talaga sya sa mga ganyan."

"Ahhh.... Oo nga pala mag kababata kayo at mag bff right?"

"Um."

"Kaya pala sanay ka na kay Kim."

"Um."

"At mukhang close ka rin sa kanilang mag kakapatid."

"Ah, nako hindi naman kay Kelly lang talaga kasi Boss ko sya at oo kay Kim. Actually, natatakot ako kay kuya Kian."

"Eh? Kay Kian?"

"Sorry, pero ang strikto nya kasi kahit nun pa man. Kaya madalas nun sa province namin sa Batangas di ako napunta sa kanila"

"Hehe... Ganyan lang yan pero mabait naman yan kahit nung una di ko rin gusto ugali nyang si Kian. Pero no choice may anak na kami and nung nakasama ko sya sa iisang bubong doon ko sya naintindihan kung bakit masungit, parati kala mo pinaglihi sa sama ng loob kasi sya na ang tumayong tatay sa mga kapatid nya nung nawala si Tito Kemwell."

"Oh... Oo nga bata pa kami ni Kim nung nawala ang daddy nila."

"Pero mabait si Kian at mapag bigay later on makaka vibes mo na rin sya."

"Um."

"Here na. Camomile tea yan maganda yan sa katawan para mahimbing ang tulog mo sure kasi akong mahihirapan kang matulog sa di mo naman kama."

"Salamat Miss."

"Ate Rica nalang ikaw naman new member ka na ng family eh."

"Um. Salamat ate."

"Nga pala, wala ba kayong balak ni Kim umalis?"

"Umalis? San kami pupunta?"

"Ha? Pero bagong kasal kayo hindi ba kayo mag ho-honeymoon?"

Namula naman ang mukha ni Leny "ha? A... Ano kasi..."

"Tomorrow aalis kami." Bungad ni Kim na kumuha ng tubig para uminom.

"Really? San kayo mag ho-honeymoon? Ang saya naman."

"Ate, bakit parang excited ka pa? Buntis ka na uy! Hindi nyo na kailangan ni kuya mag honeymoon."

"Hoy Kim! Yung ano lang ba ang gagawin kapag mag hohoneymoon?"

"Eh ano pa? We're married! Right Leny?"

"Ha?"

"Kuya Kim!!! Ikaw na ang titira!" Pasigaw na sambit ni Kelly.

"Oo andiyan na."

Lumapit naman si Kim kay Leny at bumulong "mamaya ikaw naman ang titirahin ko so be prepared darling!" The he winked at her.

Pag alis ni Kim napansin ni Rica na namumula si Leny.

"O-- Okay lang ako."

"Are you sure? Ang pula ng mukha mo. May allergy ka ba sa mga tea?"

"Wala... Mainit... Oo mainit kasi... Ha... Ha... Ha..."

But she thought "anong sinabi ni Kim? Pe-- Pero contracted wife nya lang ako gagawin ba namin yung ginagawa ng mag asawa? Pero... hindi pa ko handa!"

"Leny? Leny!"

"H-- Ha???"

"Sabi ko kung marunong ka mag luto."

"Ah, oo ate pero di ako masyadong magaling."

"Mag pirito at mag laga lang?"

"Ah... Eh... Parang ganun na nga."

"Hehe... Halika mag luto na tayo ng dinner tuturuan kitang gumawa ng kare-kare nilang paborito na walang mani."

"Eh? Pero hindi kare-kare yun kung walang mani. Well, allergy si Kim sa mani pati si Kelly."

"Aha, actually silang mag kakapatid ang may allergy sa mani pero gusto nila ang kare-kare."

"Oh...."

"Kaya halika na mag cook na tayo ng kare-kareng walang mani."

"Um."

Samanatala sa may Sala,

Ka chat ni Jacob ang tito Patrick nya at sinasabi nya rito kung anong ginagawa ng tita Kelly nya.

Jacob: Opo, nananalo po si Tita Kelly sa scrabble di naman po sya natatalo nila daddy kahit sa chess.

Patrick: Gaya pa rin ng dati hustler pa rin ang tita mo sa board games.

Jacob: Opo at ngayon may pustahan po sila.

Patrick: Pustahan? Ano?

Jacob: Ahm... Kung sino raw po ang matatalo susundin ng isang araw ang utos ng mananalo.

Patrick: Eh? Di ba parating nanalo ang tita mo parang ang unfair nun sa mga kuya nya.

Jacob: Okay lang po nilagyan kasi nila ng twist ang bawat game kaso wala paring nagawa sila daddy sa talino ni tita Kelly.

Patrick: Eh? Paanong twist naman yon?

Jacob: Sa bawat board game na lalaruin nila mag papatalo ng isang moves si tita Kelly.

Patrick: Eh?

Jacob: Opo, eto tapos na po sila at panalo parin si tita Kelly.

Patrick: Nice! Good job kamo.

Jacob: Sige po sasabihin ko. Sige na po baka makita pa ni daddy na ka chat po kita.

Patrick: Sige bebe boy salamat sa pag update may reward ka sakin pag nag kita kami ng tita mo.

Jacob: Sige po salamat. Hehe...

At binura naman agad ni Jacob ang conversation nila ng tito Patrick nya dahil alam nyang papakialamanan ng daddy nya ang ipad nya.

"Opo tita kaya chat nyo nalang sya mamaya." Pabulong na sambit ni Jacob.

"Okay sige salamat tataas na rin muna ako sa room ko."

"Sige po ako na pong bahala dito."

"Um."

"Hep! San ka pupunta?" Sabi ni Keith kay Kelly na hinarangan pa ang kapatid.

"Aakyat na muna ko kuya mag papalit ng damit kanina pa tayo dumating gang ngayon ito parin suot ko."

"Bakit di ka muna mag sabi ng iuutos mo." Sabi ni Kim.

"Bukas na kuya hapon na rin naman ngayon isang araw ang pustahan."

"Pero bakit di pa ngayon mo simulan ganun din naman yun para tapos na agad." Sabi ni Keith.

"Ehhh... Ayoko maganda kung umaga."

"Hayaan nyo na. Sige na umakyat ka na at mag palit bumaba ka agad at mag video call daw si Mama." Sambit naman ni Kian.

"Okie."

At tumaas na nga si Kelly "si Kelly talaga naka lusot na naman." Sabi ni Keith.

"Para namang di nyo pa alam ang gusto nyan kaya hayaan nyo ng bukas." Ani Kian.

"Well, sorry sya wala ako bukas." Sabi ni Kim.

"San ka pupunta?" Tanong agad nung dalawa.

"San pa ba nag pupunta ang bagong kasal?"

Nagkatinginan sila Kian at Keith at di na umimik "wag kayong mag alala isang linggo lang naman kami mawawala ni Leny."

"Ano? Isang linggo?" Anila.

"Um. Honeymoon namin kaya we need space and time."

"Pero tol... Paano si Yannah? Nasa Pinas na sya ngayon."

"Keith!"

"It's okay kuya, sanay naman na ko sa bibig nyang si Keith. Pero ano naman kung nasa bansa na si Yannah? Kasal na ko at later on ikakasal na rin sya. We have separated lives now."

"Are you sure?"

"Kuya...Alam kong nag tataka kayo sa biglaang pag papakasal ko pero kilala nyo naman si Leny dati pa at we're in love to each other kaya pinakasalan ko na sya gusto ko na din kasing mag settle down di naman na ako bumabata pa."

"Then, bakit hindi mo sinabi samin na may relasyon kayo ni Leny nung una palang?"

"Kuya, chill... Kilala nyo naman ako di ako masyadong makwento pero ito lang ang sasabihin ko sa inyo. Mahal ko si Leny at yun na yon.... Sige linisin ko na muna yung kotse gagamitin namin yun bukas."

"Si-- Sige."

Don't forget to read my other tagalog novel... "PRIDE OF Friendship" and "Chasing Her Smile" kung may wattpad account kayo may bago rin akong novel dun "I'm Your Ideal Man" thankies and godbless! ^_^

lyniarcreators' thoughts
Next chapter