webnovel

Kabanata 404

Gabi na at yung mag tita ay nag ayos ng hapagkainan...

"Sa tingin mo makakauwi agad sila?"

"Di ko po alam pero baka late na sila makakauwi mag 7pm na po eh."

Napatingin naman si Kelly sa wall clock nila.

"Yeah. Buti nalang nag order na tayo ng pagkain. Mag OT rin kasi si kuya Kevin kaya mukhang tayo lang dalawa ang kakain."

"Okay lang po yun pwede nating sabihin kay tito Patrick yung plan natin."

"Ha? Tatawagan natin ang tito mo?"

"Eh tita Kelly paano nya po malalaman kung di natin sasabihin?"

"I know, pero di ko sure bebe eh."

"Hmm? Ayaw nyo po ng plano ko?"

"Hindi naman sa ayaw ko pero paano kung lalong magalit sila kuya kay Patrick?"

"Tita Kelly di ba nga po ang sabi nila kung hindi susubukan paano malalaman? Kaya nga po di ba take a risk. Malay nyo po worth it naman."

"Yeah... nag aalala lang ako na baka di magustuhan nila kuya yung plano natin. I mean yung plano mo."

"Tita naman eh kaya nga po gagawin natin. Wag po kayong mag alala tutulungan ko kayo. Tsaka dalawa nalang naman po ang ayaw kay tito Patrick eh sila daddy at uncle Kim."

"Yeah. Pero sure ka ba talaga na effective yung plano mo? Parang hindi ko ata kayang sabihin kila kuya na aalis ako ng bahay ng isang linggo."

"Tita, hindi ka naman po talaga aalis eh you just need some space."

"Pero paano ko sasabihin yun kila kuya?"

"Gaya po ng sabi ko gagamitin natin ang pagiging partnership nyo ni Tito Patrick sa business."

"Oo pero paano nga? Kinakabahan ako bebe."

"Just say it po sabihin nyo lang na may summit at 1week po kanyo yun."

"Paano kung di ako payagan nila kuya? Kilala mo naman ang daddy mo paranoid yun."

"Don't worry hindi nyo naman sasabihin na ang kasama nyo ay si Uncle ang sasabihin nyo ay si Tita May."

"Ha?"

"Like what I have said ako na pong bahala dun kilala nyo naman si tita May love po ako nun kaya tutulungan nya po tayo."

"O— Okay."

"Hindi naman po ata kayo ready eh."

"Ha? Eh kasi bebe di talaga ako sanay na malayo kila kuya. Yun lang ba talaga ang naisip mo? Baka naman may iba pa."

"Hmmm..."

Makalipas ang isang oras may naisip na ulit na plano si Jacob at sa pag kakataon na yun ka video call na nila si Patrick.

"Really? May plan si Jacob?"

"Um. Sandali lang tawagin ko may kinuha kasi sa taas eh. Beh! Okay na?"

"Opo eto na ko."

Kausap ni Kelly via video call gamit ang laptop nya itong si Patrick...

"Ha? OPLAN Membership?"

"Oo yan nga yung na isip nyang title para daw maganda ewan ko ba sa batang yan."

"Eto na nga po ang plano ko po ay "ligaw old way" yung gaya po nung tinuturo po samin ngayon sa history about harana, panunuyo sa mga nakatatanda and everything that need to do in house. Sa madaling salita tito Patrick maging yaya po kayo nila daddy for a day or for everyday kung kailan kayo matatanggap."

"What? Baby boy, do you know who is your tito Patrick?"

"Opo sya lang naman ang President ng company nila at ang pinakabatang CEO sa bansa ngayon. Kaya maganda po yung chance para mapatunayan talaga ni Uncle kila daddy na mahal niya kayo. Na kahit mataas ang lebel nya sa buhay ehhhh... he still make ligaw parin to show his sincerity to you. What do you think Uncle?"

"Pero bebe, busy na tao yang inuutusan mo."

"No it's okay Babe I mean Match... Tama si Jacob eh para maipakita ko sa mga kuya mo na worth it ako para sayo. Kaya G ako!"

"Tsk! Pero baka ang hassle nun sayo."

"Well, hindi naman I used to do some household chores... Remember nung doon pa ako naninirahan kila Dave?"

"Ohhh... Yes, naalala ko pero paano kung pahirapan ka nila kuya? Lalo na si kuya Kian."

"Don't worry tita Kelly, hindi natin iiritahin sila daddy just keep in touch lang po Uncle."

"What do you mean?"

"Ehhh... kasi po tita Kelly kung aaraw arawin ni Uncle ang panliligaw sa inyo baka pahirapan nga po sya nila daddy kaya... we need to go by process... In one week 3x lang po pupunta dito si tito Patrick then hindi po same day or same time."

"Ohhh... so surprise parati ang pag punta ko sa bahay nyo? Ganun ba?"

"Opo Uncle... hindi po ba mas okay ang nag papamiss? Para hindi po mairita sa pag mumukha nyo sila daddy. Dahil ang ugali po nilang mag kakapatid ay hindi mga pasensyosa at pasensyoso. Right tita Kelly?"

"Yeah. Madalas kaming ma bored at uminit ang ulo."

"Well, try and tested ko naman yan sayo."

"Ohh... so napipikon ka na?"

"Oh tignan mo bebe, mainit na agad ang ulo ng tita mo."

"Opo ganyan po sila. Anyways, we need to end this meeting na po mukhang nasa labas na po sila daddy."

"Ay oo nga, may nag bukas ng gate. Sige na Match I will chat you nalang later. Byie."

"Um. Bye... Bye na din baby boy and thankyou."

"No worries Uncle, sige na po close na namin ito papasok na sila daddy."

"Were home!" Sambit nila Kevin.

Sinalubong naman ng mag tita ang mga ito.

"Aba, anong meron at parang energetic kayo kahit gabi na." Sabi ni Keith na binigyan ng tsinelas ni Jacob.

At si Kelly naman ang kumuha ng mga bags ng mga kuya nya.

"Syempre kasi andito na kayo. Di ba Bebe?"

"Opo! Kaya may pasalubong po ba kami?"

"Syempre naman, kayo pa ba? Here, bumili kami ng hopia." Sabi ni Kim.

"Hopia lang?" Sambit ng mag tita.

"Andun pa sa kotse ang iba lakad tulungan nyo si Kevin." Ang sabi ni Kian.

"Yehey!" Reaction nung dalawa at lumabas na nga papuntang garahe.

"Mukhang good mood ang mag tita ah. Ano kayang nangyare habang wala tayo?" Sabi ni Keith.

"Kim, any update."

"Nothing special kuya mag hapon lang nasa office nya si Kelly ang sabi ni Leny sakin."

"Good. Siguraduhin mong sinasabi sayong lahat ni Leny ang tungkol kay Kelly kung ayaw mong ako mismo ang mag hanap ng bagong asistant ni Kelly."

"Don't worry kuya, na sakin parin naman ang loyalty ni Leny."

"Chill lang kayo, mukhang okay lang naman talaga si Kelly. Nga pala, hindi ko pa nababanggit kay Kelly yung good news about sa jackpot. Sa tingin nyo ba sabihin ko na? Baka matulungan nya ko mag open ng business eh no?"

"Ikaw bahala pera mo naman yan." Sagot ni Kian.

"Pero tol, pera ko pera nyo na rin tsaka ang laki naman nun gaya ng sabi ko hahatian ko kayo."

"Hindi mo kami responsibilidad may pamilya ka na kailangang matuto kang gumamit ng sapat lang na pera maging masinop ka."

"Oo naman kuya, pero syempre mga kapatid ko kayo at gusto kong bigyan kayo ng kung anong meron ako. Yun naman ang tinuro satin ni daddy ang maging mapagbigay at wag maging madamot sa kapwa."

"Hmm? Anong meron? Bakit parang ang seryoso nyo ata mga kuy's? Grabe ang dami nyo palang pinamili. Busog na naman kami ni Siopao nito. Di ba Bebe?"

"Opo. Thankyou po sa pasalubong nyo samin ni tita Kelly."

"Wag kayong mag alala madami pa yan. Sabihin nyo lang sakin ang gusto nyo I will buy anything." Sabi ni Keith.

"Talaga po?"

"Oo bebe just tell me."

"Don't spoil him." Sabi ni Kian.

"Di naman kuya..."

"Sige na ayusin nyo na ang mga iyan at mamaya may pag uusapan tayo sa sala."

"Ano po yon Uncle Keith?"

"Basta!"

"Okie po. Tita Kelly lets go na."

"Yeah."

***

Parating gumagala sila Kelly kasama ang mga kuya niya at isinantabi nya muna ang tungkol sa panliligaw ni Patrick...

Sunday ng Tanghali,

"No! That's Enough! Tama na ang gala! We need to think our future! Keith tigilan mo na ang pag libre samin. Hindi ba ang sabi mo mag open ka ng business kung parating gastos ng gastos wala kang maiipon kung hindi palabas lahat." Ang sabi ni Kian habang kumakain sila ng tanghalian.

"Alam ko naman yun kuya at may nakalaan na akong pera para doon." Sagot ni Keith.

"Make sure! Para hindi ka magsisi sa huli."

"Nakausap mo na ba si Faith sa business na itatayo nyo?" Tanong naman ni Kim

"Um. Okay naman kay Faith na mag open kami ng new branch ng café ni Bunso."

"Talaga kuya?!"

"Um. Gusto nya lang ding dagdagan ng convenience store sa gilid gusto nya rin kasing may ginagawa sya eh."

"Ohhh... sige kuya pag uusapan namin ni Patrick I mean ni Mr. Santos."

"At bakit kasama sya?" Tanong ni Kian.

"Eh kuya, hindi ba sya na ang business partner ko."

"I know! But still sariling negosyo mo parin iyon."

"Pero kuya... nalimutan mo na ba na kapartner na ng SMC ang café ko. Kaya..."

"Ano?! Anong partner? What do you mean?"

"Daddy, ibig sabihin lang po nun hindi lang si tita Kelly ang may ari ng Coffee and TeaNapay. Si Tito Patrick na ang COO nito."

"Ano?! Hindi ba kami paring mga kuya mo ang may malaking shares?"

"Ah... Eh... kasi kuya..."

"Enough! And Jacob what did I told you about the matter of adults?"

"So— Sorry po daddy I just want to help tita Kelly for explanations."

"You are grounded for one week."

"Kuya! Wag naman..."

"Its okay lang po tita. I know why daddy is like that po gusto nya lang po na maging disiplinado ako."

"Ang matured naman mag isip ng Siopao namin daig pa ang tita Kelly nya:" Sambit ni Kim na para bang nang iinis."

"Sorry... If I didn't tell you guys. Alam ko kasing hindi kayo papayag about the partnership."

"No worries babysis its okay. Actually gusto ko rin talaga mag invest sa mga Santos eh. Do you think they will accept me as their investor?" Sabi ni Keith.

"Bakit naman hindi kuya? Investment yon kaya go lang."

"Thanks."

"Sabihin ko kay Patrick mamaya balitaan nalang kita."

"You are grounded too Kelly." Sambit ni Kian na parang badtrip na.

"Kuya, hindi na bata si Kelly." Opinyon ni Kevin.

"Oo nga naman kuya." Pag sang ayon naman ni Keith.

SLAM!

Hindi na nga nakapag pigil si Kian at nag dabog na...

"Enough! When I said she is grounded yun na yon!" Then he walks out.

"Tol..." Pahabol na sambit ni Keith.

"Ako ng bahala sa kaniya. Kelly, Jacob grounded kayo wag na kayong makulit! Naiintindihan nyo?" Sabi ni Kim.

"Um." Reaction nung mag tita na nalulungkot.

At umalis na nga rin si Kim.

"Hayaan nyo na masanay na kayo." Ang sabi ni Keith.

"Lalamig din ang ulo nun sa ngayon sundin nyo na muna si kuya. Dahil di naman kayo mananalo dun." Opinyon naman ni Kevin.

"Hindi naman po ako nag rereklamo naiintindihan ko naman po si daddy pero para kay tita Kelly? Ang unfair po nun di naman na po kasi bata si tita Kelly."

"Ayos lang sanay na ako sa daddy mo."

"Sorry po. Ako na po ang humihingi ng sorry para kay daddy."

"Ayos lang... you don't need to apologized wala ka pa man ganun na si kuya Kian." Tumayo na sya na para bang wala na sa mood "una na ko senyo mga kuy's... bebe boy tapusin mo yang kinakain mo okay?"

"Opo. Ako na rin pong bahala sa ligpitin."

"Um."

"Bumaba ka mamaya andito sila Ethan kasama si Alice at Vince." Sabi ni Kevin.

"Sige kuya."

Pagka alis ni Kelly...

"Tita Kelly is sad..." Sabi ni Jacob.

"Yeah. Don't worry bebe mamaya lang okay na rin sya kilala mo naman ang tita Kelly mo." Sabi ni Keith.

"Opo."

"Siya sige na kumain ka na baka magalit pa ang daddy mo." Sabi ni Kevin.

"Opo Uncle."

Kinagabihan nag kayayaang mag inom ang mga kuya ni Kelly dahil na sasakanila sila Ethan at Vince kasama nga itong si Alice.

Medyo tipsy na si Keith "alam tol, wag ka ng masyadong mag higpit kay Kelly baka mamaya hindi yun mag ka asawa. Kawawa naman si Bunso."

Uminom lang si Kian ng tagay nya...

"Alam nyo mabait at masunurin naman yang si Kelly kayo lang talagang mga kuya nya ang mahigpit." Sabi ni Vince na medyo tipsy na rin.

Tinakpan naman ni Ethan ang bibig ng bayaw nyang si Vince "ha... ha... lasing na ang isang ito. Wag nyo ng pansinin."

Wala sa terace sila Kelly, Alice at Jacob kung saan nag iinom ang mga kalalakihan.

"De, tama naman sya. Kung ako lang ayos na sakin yang so Patrick eh." Sabi ni Keith na natapon pa ng kaunti ang iniinom.

"Shhh... tama ka na nga lasing ka na kuya." Sabi ni Kevin.

"Hindi ako lasing! Sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin di ba nga its a free country we can do what we want!"

"Haysss... ipapasok ko na nga ang isang ito."

"Hayaan mo sya Kevin! Mag paka lasing sya hangga't gusto nya!" Sabi ni Kian na animo'y badtrip na.

"Pero kuya may pasok pa tayo bukas."

"De, wala akong pasok bukas! Sasamahan ko si Babysis sa trabaho nya!"

"Tsk! Tumigil ka na nga! Monday bukas!"

"Kevin!"

"So— Sorry..."

At tumangay pa nga itong si Kian.

"Inom pa kayo! Sagot kong lahat ng yan!" Sabi ni Keith na sobrang tipsy na talaga.

"Ge inom pa!" Sabi naman ni Vince na tumangay pa at pag tapos na tumba na

"Ba— Bayaw!!!" Sabi ni Ethan.

"Just leave it there. Mahihimasmasan rin yan mamaya mababaw lang kasi ang alcohol tolerance ng isang yan." Sabi ni Kim.

"O— Okay. Ngayon ko lang kasi nakitang nag inom ireng si Bayaw."

"Saming mga kalalakihan ng Dela Cruz si Vince at ireng si kuya Keith ang mahina ang tolerance sa alak." Sabi ni Kevin.

"Oh... ganun pala."

Sa isip-isip ni Ethan "mukhang mapapalaban pa ako sa tatlong ito knock out na si Vince at pa tumaba na rin itong si Keith."

Tinagayan naman ni Kim si Ethan.

"Ahm... tol, si Bunso... galit ka pa ba sa kaniya?" Sabi ni Kevin.

"Kung kukumbinsihin mo akong tanggalin ang grounded sa kaniya wag ka ng mag sayang ng laway mo." Sagot ni Kian at uminom.

"Hindi naman sa ganun kuya, ang akin lang sana intindihin mo si Kelly. Business naman nya yun at sya pa rin ang masusunod."

BAAM!

Padabog na ipinatong ni Kian ang shot glass nya sa mesa na kinagulat naman nila Kevin.

"Wala akong pakialam! Panganay ako sa ating mag kakapatid kaya matuto kayong sumunod!!!"

"Huh! Hahahahaha..." Reaction ni Keith na bigla nalang tumawa "so what kung ikaw ang panganay?"

"Tsk! Tama na nga yan! Halika na... matulog ka na..."

"Hayaan mo sya Kevin!" Pagalit na sambit ni Kian.

"O... Oo."

"Bitawan mo nga ko Kevin! Gusto ko lang sabihin kay kuya Kian... Yeah... ang panganay... Tsss! Panganay? Na parating gustong sya ang na susunod? Bakit? Ikaw ba si Daddy? Sino ka ba? Para hawakan kaming lahat sa leeg? Lalo na si Kelly?"

"May problema ka?"

"Oo! Dahil simula pagkabata na kakauma ka na! Kung umasta ka kala mo ka kung sino! Bakit? Porket ba sayo kami iniwan ni daddy? Hindi porket ikaw ang panganay ikaw na parating masusunod may sarili kaming utak! May sarili kaming desisyon! Hindi ka namin kailangan! Dahil pala desisyon ka!"

"Oh... tapos?"

"Kuya, wag mo na syang patulan."

"Manahimik ka Kevin!"

"Pero kuya!"

Tinignan lang ni Kian si Kevin ng masama at nanahimik na nga ito at kahit itong sila Kim at Ethan ay tahimik lang.

"Tignan mo, hindi ka marunong makinig gusto mo lang ikaw ang pinakikinggan. Sa tingin mo ba masaya kaming lagi ka nalang ang nasusunod?"

"Kuya Keith, that's enough!" Bungad ni Kelly.

"Oh! Babysis, you are here pala." Ang sambit ni Keith na lasing na at niyakap si Kelly.

"Kuya, lasing ka na..."

"Hinde, hindi pa lasing ang kuya... Pinagtatanggol nga kita kay kuya Kian eh. Ayoko kasing malungkot ka dahil sobrang bait mo saming mga kuya mo."

"Kuya Kevin, sige na ipasok mo na ito."

At inalalayan nga ni Kevin si Keith "sandali lang!" Sigaw ni Keith.

"Kuya, bukas na tayo mag usap lasing ka na."

"Okay pa ang kuya... gusto ko lang sabihin sayo na... boto ako para sa inyo ni Patrick wag mong pansinin yang si Kian! Akong bahala sayo."

Kelly made a facepalm "sige na... kuya Kevin dalhin mo na yan. Ang kulit na."

"Oo ako ng bahala."

Paglingon naman ni Kelly kay Kian.

"Ay halimaw!"

Ang sama kasi ng mukha ni Kian kaya ganoon nalang ang pag kagulat ni Kelly.

"So— Sorry kuya... Ahm... wag mo nalang pansinin mga sinabi ni kuya Keith. Alam mo naman kapag na lasing yon..."

Ininom ng straight ni Kian ang nasa vote ng alak "ku— kuya!"

"Bro! Tama na yan!" Sabi naman ni Ethan.

Pero hindi nakinig si Kian sa dalawa at inubos.

"Sige! Simula ngayon hindi ko na kayo pakikialamanan sa mga desisyon nyo!" Pagalit na sinabi ni Kian at pumasok.

"Ku— Kuya!"

Kim pat Kelly's head "don't worry about him. Ayos lang yon." At pumasok na rin ito.

"Pero... ku— kuya!!!"

"Hayaan mo na sila baka na enlightened na rin yang si Kian." Sabi ni Ethan na inaayos na ang lamesa ng pinag inuman nila.

"Ah... Eh... ako na diyan. Ahm... Si ate Alice nasa tabi ni Jacob nakatulog na kasi sila eh."

"Oh... mukha lang bukas nalang ng umaga kami makakauwi lasing na rin ang isang ito eh."

"Ah. Mabilis talaga malasing ang kumag na yan. Ipaghahanda ko nalang kayo ng tutulugan nyo."

"Salamat."

"Iwan mo na yan dyan ako ng bahala pag balik ko."

"Hindi na ayos lang ako na. Isa pa alam kong pagod ka na rin. Tsaka wag mo masyadong pansinin ang kuya Kian mo. Ganun lang yon kasi overprotective sya nag iisang babae ka lang at pressure din sya na may masabi ang ibang tao sa inyo."

"Hmmm?"

"Na kwento sakin ni daddy na strict si Tito Kemwell nung nabubuhay pa sya kaya siguro nakuha ni Kian ang ganung ugali. Kaya sana intindihin nyo nalang sya dahil sya na rin kasi ang tumayong daddy nyo nung nawala si tito. Pero tama rin naman si Keith na nasasasakal na niya kayo kaya dapat lang na ipaliwanag nyo rin ang side nyo. Wag kayong matakot dahil si Kian lang naman yon ang kuya nyo."

"Um. Salamat kuya."

"Eh? Namiss kong tawagin mo kong kuya."

"Hehe..."

"Mmm... Cr. Nasan ang Cr?" Biglang sabi ni Vince na hindi na napigilang masuka.

"Ah... Eh... sige kuya... mauna na ko sabi mo naman kaya mo na dito di ba?" Sambit ni Kelly na nag mamadaling pumasok.

"Ha? Te— Teka lang! Kelly!!! Bumalik ka!!!"

Next chapter