webnovel

Kabanata 402

Kinabukasan...

"Multo!!!" Sigaw ni Jacob.

"Anong nangyayare?!" Sambit ng mga Uncle at daddy nya.

Nasa baba noon ang mga boys at pababa naman si Kelly ng hagdan.

"Ke— Kelly?" Anila maliban kay Jacob na ang sabi ay "tita Kelly ikaw po ba yan?"

"Hello sa inyo... Good morning..." Ang walang ganache sabi ni Kelly na para bang lantang gulay at ang gulo ng buhok at may malaki pang eyebags.

"Tsk! Hindi ka na naman ba natulog? Hindi ba ang sabi naming sayo matulog ka ng maaga!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Yeah... sorry." At dumiretso Na sya ng dinning area na para bang lasing kung mag lakad kaya naman inalalayan agad siya ni Kevin at Jacob.

"Kim!"

"Kuya?"

"What happened to her yesterday? Did Leny reported it to you?"

"Ahm... ang sabi nya naki pag meet up si Kelly sa cartoonist ng novel nya."

"Ohh... magiging comics na nga pala yung novel nya." Sabi ni Keith.

"Um. And ang sabi nya rin may new branch rin na inasikaso si Kelly kahapon."

"So, she met that guy again?"

"Oo bro, ang sabi kasi sa ibang mall ng mga Santos ilalagay yung new branch ng café ni Kelly."

"Ohhh... So, may new offer na naman pala si Babysis sa mall nila Patrick. For me not bad ang maging partner si Patrick ni Kelly." Opinion ni Keith at ang sama ng tingin sa kaniya nung dalawa. "Ha... Ha... What I mean is magandang partner ni Kelly si Patrick sa negosyo. Oo yun ang ibig sabihin ko. Ha... Ha..." at kumaripas na sya ng takbo.

"Tell Ethan to give us secret bodyguard for Kelly."

"Sige kuya sasabihan ko si Ethan."

"Sure akong may hindi tama dito..."

"Daddy, Uncle Kim. Kakain na po ng breakfast!" Pa sigaw ni Jacob.

"Oo andiyan na!" Anila.

Makalipas ang ilang oras...

"Ha? Bakit? May sakit ba si Ma'am Kelly?" Sabi nung staff at may ka usapin mga ilang staff ng café.

"Anong meron dito? Back to work!" Bungad ni Leny.

"Miss... may sakit po ba si Madam? Bakit parang wala sya sa mood tapos kanina nakita lang namin sya sa office tulog." Sabi nung isang staff na babae habang nakikipakinig naman yung iba.

"Back to work!!!"

"O— Opo!!!" Anila.

"Puro kayo chismisan ng chismisan.

Chime... Chime...

"Good day Welcome to Coffee and TeaNapay!" Bungad ng mga staff sa dumating na customer.

"Hello, andiyan ba ang boss nyo?" Patrick said as if he is in a good mood at may dala pang pink na carnation.

"Yes Sir. Pero she's busy kaya bumalik nalang po kayo sa ibang araw." Sagot ni Leny.

Pabulong bulong naman ang nga staff at narinig ni Patrick na "di ba natutulog lang naman si Madam? Ito talagang si Ms. Leny."

Patrick smirked "oh... I see, can you just give her this flowers? And paki sabi babalik ako mamaya we will eat lunch together sunduin ko sya dito."

"O— Okay." Sagot ni Leny at kinuha yung bouquet of pink carnation.

"Thanks!"

Pagka labas naman ni Patrick "OMG!!! Sya ba yung tagapagmana ng mga Santos mall? Nanliligaw kaya sya kay Madam?" Sabi nung staff na babae.

"Oo siguro ang ganda nung bulaklak at sya pa talaga ang dumayo dito."

"Kaya nga nakaka kilig naman."

"Tapos mamaya kakain daw sila sa labas nakakakilig naman napaka swerte ni Madam."

"Back to work!!!" Pagalit na sambit ni Leny at dali-dali namang bumalik nga yung nga staff sa kani-kanila nilang gawain. "Puro kayo chismis! Mas swerte ang Santos na yon dahil ang Boss natin ang nililigawan nya higit na mas worth it si Kelly sa ibang mayayamang spoiled brat. Naiintindihan nyo?"

"Opo Miss." Anila.

"Tsk! Mga ito!"

At umakyat na nga si Leny para puntahan si Kelly. Dahil sa second floor lang ang office nito.

Nag usap na naman ang nga staff ni Kelly...

"May point naman si Ms. Leny mas responsible at napaka friendly ni Madam."

"Kaya we must protect her sa mga basher."

"Basher? May basher si Madam?"

"Isipin nyo lalabas si Madam at yung si Sir Santos mamaya for lunch kaya sure akong may naka sunod ba mga paparazzi tapos mag vaviral yung iaupload nya na pic or video we need to make Madam fans club. Tayo ang mag tatanggol sa kaniya sa mga basher."

"Oo tama! Hindi natin hahayaan na ma bash ang ating mahal na Madam Kelly."

"Oo!!!" Anila na para bang ready na silang mag welga kung saan.

"Silly!" Sambit ni Leny na nakikinig parin pala sa usapan ng mga staff habang nasa may hagdan.

"Ate Leny? What are you doing?"

"Oh! Kanina ka pa ba dyan?"

Nilapitan ni Leny si Kelly na nasa may pintuan ng office nya na dapat ay pababa na.

"Not really. Pero bakit ka nasa hagdan?"

"Ah... Nothing. Nga pala here."

Iniabot ni Leny kay Kelly yung bouquet.

"Eh???"

"Kagagaling lang dito ng Young Master ng mga Santos."

Kelly blushed "si... si Patrick?"

"Um. At ang sabi nya pa susunduin ka raw nya dito mamaya sabay raw kayong kakain ng lunch."

"Haaaaa?"

"Um. Pero alam mo namang hindi pwede di ba? Magagalit ang mga kuya mo especially si Kian."

"I know ate... pero I want to see him."

Leny smiled "do you like him?"

"Ha??? A... Ano kasi ate..."

"Don't worry I understand napag daan ko rin ang napagdadaan mo ngayon kaya sige sumama ka sa kaniya mamaya ako ng bahala sa mga kuya mo."

"Talaga po?"

"Um. Pero... mag iingat ka kasi nabanggit sakin kanina ni Kim na may secret security guard na kinuha ang kuya Kian mo para bantayan ang galaw mo 24/7."

Kelly made a facepalm "si kuya talaga... bakit kasi di nya nalang tanggapin si Patrick?"

"So, you admitted na you like him na?"

"Ehhh... ate naman eh."

"Hahahahaha... like what I have said ako ng bahala sa mga kuya mo. I will help you. Basta don't do anything na lubis nilang ikagagalit. Alam mo ang ugali nila mabait sila sa mabait sa kanila pero kapag na galit na..."

"Yah... para silang mga lion na gustong manlapa."

"Aha. Kaya beware okay?"

"Um. Thanks to you ate. The best ka talaga hayaan mo ako ng bahala kay kuya Kim sabihin ko ligawan ka na."

"Kelly!!!"

"Hehe... ate alam ko namang dati mo pa gusto si kuya Kim at boto ako sayo para kay kuya after all kayo ang childhood friend and I want you to be my sister in law."

"Ikaw talaga... Amina nga yang flowers mo ilalagay ko sa vase."

"Thanks... Ahm.. lalabas na muna ako ate."

"Hmm? Pero wala ka namang meeting ngayon."

"Yeah... I just want to breath feeling ko kasi hindi ako productive ngayon."

"Ohhh... oo nga parang wala ka sa mood mga work gusto mo bang mag pahinga na muna ako na munang bahala dito sa café."

"No its okay I just need alone time babalik din ako agad."

"Are you sure? Samahan na kaya kita."

"No I'm fine as in... Gusto ko lang ng me time to think sa mga bagay-bagay."

"O— Okay... just text or call if you need something. Are you riding your atv?"

"Um. Don't worry mag iingat ako."

"Sige. Balik ka agad ha?"

"Um."

At the same time sa Teacher's Office...

Busy mag check ng mga test papers sila Kian at Kim habang nakatunganga lang itong si Keith na nag iintay ng klase nya.

"Mga tol..." Sambit ni Keith.

Silang tatlo lang noon ang nasa teacher's office.

"Kung wala ka pang klase mag check ka ng papel ng mga students mo wag kang mang distorbo." Sabi ni Kim.

"Tu naman! Naisip ko lang kasi na mag punta tayo sa bench sa weekend treat ko tutal uuwi na ang mag ina ko satin."

"Tumigil ka! Wala kang pera." Sagot naman agad ni Kian.

"Kaya nga, pa beach-beach ka pang nalalaman. Ipunin mo nalang yan sa mag ina mo." Opinyon naman ni Kim.

"Pero mga kuy's may pera nga ako. Ano namang tingin nyo sakin poor?"

Napatigil naman sa ginagawa nya si Kian at kumuha ng maiinom "then, how much is you savings?" Anito.

"Well, kung hindi nyo kasi naitatanong mahilig ako tumayo sa lotto."

"Tsss! Na parating walang tumatama ni isa sa number mo. Alam namin yun ugok!" Opinyon ni Kim.

"Ay nako! Sinasabi ko sa inyo mga kuy's may pera nga ako gusto nyo ng bagong phone? Bibilhan ko kayo."

"Tsss! Don't tell me nanalo ka sa lotto?"

"Ah... Eh... parang ganun na nga."

Napabuga naman si Kian ng iniinom niyang tubig "magkano?!"

"Ahm... kalhati nga lang eh kasi dalawa kaming nanalo."

Lumapit yung dalawa kay Keith at sabay sinabing "magkano nga???"

"2..."

"2???"

"22Million plus."

"Anooooooo????"

At hindi na nga makapaniwala yung dalawa na nahimatay sa sobrang pag kagulat.

"Hoy mga kuy's!!! Hindi pa ko tapos mag kwento!!!"

Samantala sa office naman ni Patrick...

"Eh? Nasan si Dude?" Sambit ni Dave at bigla namang pumasok si Ms. Maricar.

"Ang President ba ang hanap mo? Wala sya dito lumabas."

"Eh? Bakit di sinabi sakin?"

"Kasama naman nya si Mr. Johnsen kaya wag ka ng mag alala. Isa pa sure akong kasama na nya ang Young Miss."

"Ehhhh???"

Ang Young Miss na tinutukoy nga ni Ms. Maricar ay si "Kelly!!!" Bungad ni Patrick kay Kelly na nag punta palang Cemetery.

"Pa— Patrick??!!!"

Lumapit si Patrick kay Kelly at iniabot ang dala nitong isang box ng eggpie at nakiupo rin "hello po Tito, ako po si Patrick ang boyfriend ng napaka ganda nyo anak na si Kelly."

"Hoy!!!"

"Why? Nag pakilala lang naman ako sa father in law ko."

Hinampas naman ni Kelly si Patrick "tumigil ka nga! Daddy, wag po kayong maniwala sa isang yan di ko po sya boyfriend."

"Ano?! But we... yesterday... we kissed each other na!"

Tinakpan naman agad ni Kelly ang bibig ni Patrick at nag pa linga-linga "ano bang ginagawa mo?!"

"Mmm..."

Tinanggal naman ni Kelly ang kamay nya sa bibig ni Patrick "you hand smell so good."

"Pervert!"

"A— Ano?!!! Ako? Huh! Fine! Aalis na ko!"

Pinigilan naman ni Kelly si Patrick.

"Wait lang... you stay here with me..."

Patrick smiled at kinikilig na di na nakapag pigil niyakap nya si Kelly "I Love You!"

"Tsk! Lumayo ka! Baka may makakita satin!"

"Wala! Maiayos na ni Mr. Johnsen."

"Hmm? What do you mean?"

"Ate Leny told me about the secret security of yours. Kaya ginawan ko na ng paraan."

"Ha?! Anong ginawa mo?"

"Wala!"

"Patrick!"

"Fine! Pinatahimik ko lang."

"Ano?!"

"Don't get the wrong idea alam mo namang sa mundong ito kapag may pera ka may kalalagyan ka. What I mean is kapag may pera ka kaya mong lahat kaya sinuhulan ko lang."

Kelly sighed... "ewan ko sayo!"

Binuksan naman ni Patrick yung eggpie at sinubuan si Kelly "wala ako sa mood!"

"Hmm?" Kinuha nya agad yung phone nya.

"Eh? Anong ginagawa mo? You need to go?"

"Nah, I'm just checking the month."

"For what?"

"For your time of visit."

"Ha??? Anong visit? Sino?"

"Hindi sino..."

"Eh ano?"

"You period of time."

"Ha?? Di kita ma gets."

"Tsk! Eto ha, di ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa pero siguro dahil nung na coma ako I used to do that thing about your menstruation."

PAK!

"Aray! Bakit mo ko sinampal?"

"Pervert! How dare you do that?!"

"Tsk! Kainis naman ito eh! In my dreams nga habang coma ako married na tayo at alam ko ang date kung kailan ka magkakaron you know..."

Nag blushed naman si Kelly dahil sobrang nakakahiya iyon sa side nya "shut up!"

"Sorry na! Gusto ko lang naman maging considerate alam kong mahirap maging babae kasi lagi kayong may buwanang dalaw kaya I make sure na may schedule ako para hindi kita gagalawin."

"Ano?!!!"

"I mean, I can't just touch you basta-basta kasi nga sobrang sensitive niyong girls pag meron kayo."

"Humph! Ewan! Pero wala ako ngayon! Wala ako sa mood kasi..." Napatingin sya kay Patrick na kumakain ng eggpie.

Chomp... Chomp... "Anong problema ng Baby ko? I will help you money is not an issue just tell me." Patuloy langsya sa pag nguya ng egg pie na dapat ay kay Kelly.

"What a messy one."

Nanlaki ang mga mata ni Patrick when Kelly licked his side lips "the egg pie is good pero mas masarap parin ang sa café ko."

"Where am I? Who am I? Nasa langit na ba ako? Lord!"Patrick's thought.

"Hmm? You okay?"

"Cough! O— Oo naman. You... You want more?"

"Ha?"

"Yung... Yung eggpie baka ka ko gusto mo pa."

"Nah. I'm good pero may gusto akong kainin eh."

Patrick gulped "a— ano yon? Ba— Baka matulungan kita."

Sa isip-isip ni Patrick "ano kaya yung gusto nyang kainin? Ready na ba ako? Kahapon nag kiss kami tapos ngayon she licked my..."

"Patrick!"

"H— Ha? Ano yon?"

"Ang sabi ko gusto ko ikaw..."

"A— Ako? Ako ang gusto mong kai..."

"Oo nga... gusto ko ikaw ang mag luto ng Ramen nakakainin ko. Gusto yung spicy."

"Ha???!!!!"

"Anong ha? Di ba sabi mo sabihin ko lang ang gusto ko? Yun, yun ang gusto ko pero kung di mo nmn kaya ibigay edi wag nalang. Humph! Paasa!"

"Hi— Hinde... eto na tatawagan ko na si Mr. Johnsen para mag dala dito."

"Dito? Paano ka naman mag luluto dito sa Cemetery? Pumunta nalang tayo sa condo mo di naman malayo yun dito right?"

"Sa... Sa condo ko?"

"Um. Ayaw mo? Wala naman akong meeting ngayon at wala ako sa mood mag work kaya may free time ako. Ikaw?"

"Ha? Ano... cancel na."

"Cancel?"

"I mean na cancel na lahat ng appointment ko bukas nalang daw."

"Ohhh... I see, then lets go na?"

"O— Oo sige."

Samantala sa kotse ni Patrick ung nasaan naman si Mr. Johnsen na mag kausap sa phone.

"Ahm... Yes po sorry pero bukas okay na po ang Young Master masakit lang po talaga ang ulo nya kaya hindi nya po kaya maki pag meeting. Sige po bye."

Kabababa lang ni Mr. Johnsen ng phone nya may tumawag na naman at ganoon din ang sinabi nya at nung si Richmond na ang tumawag "Vice... Pres... Ahm... opo eh masama po talaga ang pakiramdam ni President." Kahit nakita nyang nag haharutan papalapit sa kotse yung dalawa ni Kelly.

Richmond: Are you sure?

Johnsen: Ahm... opo sigurado po ako sa katunayan nga po pauwi na kami sa condo nya.

Richmond: Cut the crap bro, I know Patrick very well at hindi sya basta nag kakasakit kahit tumigil pa sya sa ulanan. Sabihin mo sa Young Master galingan nya manligaw kay Kelly ako na munang bahala sa mga agenda nya ngayon.

Johnsen: Talaga po?

Richmond: Yah, don't worry kamo dahil wala akong gagawing kung ano basta goodluck kamo sa kaniya.

Johnsen: Maraming salamat po Vice...

Richmond: Yeah.

Nakahinga naman ng maluwag si Johnsen dahil hindi na nya kailangan pang mag kunwari.

"Sighh... Si Young Master talaga pag dating kay Young Miss hindi sya mapakali.

"Mr. Johnsen!" Sambit ni Kelly habang papalapit.

Lumabas naman ng kotse si Johnsen at pinagbukas ng pintuan ang mga ito.

"Eh? No, hindi ako sasakay I will follow nalang you guys may ATV kasi ako."

"Hmm? Pero ipapakuha ko nalang yan." Sabi ni Patrick.

"No, ayoko ng may ibang sasakay sa ATV car ko."

"Sigh... fine... Mr. Johnsen bumalik ka na sa company."

"P— Po?"

"Sasabay nalang ako kemcay Kelly."

"Ano??!!!"

"Bakit ayaw mo? Gusto ko lang naman sana maka experience sumakay sa ganyan."

Nag paawa si Patrick at di naman nga sya na tiis ni Kelly.

"Tsk! Sige na nga! Basta mag behave ka!"

"Um... Um..."

Sa isip- isip ni Kelly "kailan pa sya natutong mag pa cute? Gusto ko syang halikan sa pisngi!"

Natulala lang si Mr. Johnsen dahil hindi nya inaasahang mag ganoong side pala ang boss nya. "Anong... nangyayare sa mundo?"

"Ano yon Mr. Johnsen?"

"Wa— Wala po Miss."

"Okay. See yah, ako na munang bahala sa kaniya."

"Um. Sige po. Ingat po kayo."

"Okay, ikaw rin."

At na una na ngang umalis yung dalawa na si Kelly ang driver at si Patrick ang naka angkas na yakap na yakap kay Kelly.

Napangiti si Mr. Johnsen at sinabing "Ang Young Master talaga minsan parang bata but... he learn how to handle everything." He look up the sky "its look like maganda ang panahon ngayon..."

Hey geysh! >.<

.

.

If you have time please do read my other Tagalog Novels. ^_^

.

.

• Chasing Her Smile

.

.

• PRIDE Of Friendship

.

.

Thanks po. God bless y’all (:

lyniarcreators' thoughts
Next chapter