webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 395

Kinahapunan sa Bulacan kung nasasaan sila Kelly...

"Hi!" Bungad ng isang babae na halos kasing edad ni Kelly.

"He— Hello..." Sagot ni Kelly na nagulat dahil busy s'ya ng cellphone habang nakatambay s'ya sa terace ng bahay nila Faith.

"Kayo yung galing sa Manila na kamaganak ni kuya Keith?"

"Um. Kilala mo ang kuya Keith ko?"

"Oo pinsan kasi ako ni ate Faith."

"Ahhh... hello ako nga pala si Kelly. Halika maupo ka."

Naupo naman yung dalaga.

"Ako nga pala si Tesa."

"Ohh... nice to meet you. Kapatid ko si kuya Keith."

"Ahh... ikaw pala yon yung bunsong kapatid ni kuya Keith."

"Hmm?"

"Na kwento ka kasi nya sakin sabi nya kasing age daw kita tapos parehas din tayong nag iisang babae sa mag kakapatid."

"Oh? Solong babae ka rin at bunso sa inyong mag kakapatid?"

"Ah, hindi naman middle child ako pero parang ako na ang bunso kasi ako pinaka maliit. Hehe..."

"Ohhh... hehe... ang cute naman. Ay, baka gusto mong pumasok andun sila sa loob. Inaantay ko kasi dito yung order naming food ang tagal pala dumating no?"

"Food delivery? Nako, oo medyo malayo kasi ang bayan dito pero narating naman ang mga order yun nga lang mag oorder dapat kayo 1hr before kayo kakain. Medyo mahirap pa kasi ang daan dine samin."

"Oo nga ginagawa pala no? Medyo malubak nga eh nung nasa biyahe nga kami nila kuya kala ko nawala na ang kaluluwa ko."

"Hahahahaha...."

Tawang tawa si Tesa sa sinabing joke ni Kelly.

Sa isip-isip ni Kelly "joke na yun sa kaniya? Ang cute naman ang bilis nyang patawanin parang bata."

Bigla namang lumabas si Kevin.

"Oh... mukhang may kaibigan ka pala dito bunso."

Bigla namang nanahimik si Tesa dahil biglang nahiya.

"Ay kuya, meet my new friend Tesa. Pinsan daw s'ya ni ate Faith taga dito lang din sya di ba no?"

"O— Oo kapitbahay lang."

"Ohhh... hello sayo ako nga pala si Kevin." Iniabot nya yung kamay nya kay Tesa para maki pag hand shake.

"He— Hello... A— Ako..."

Nagkatinginan naman sila Kelly at Kevin dahil nauutal sa pag sasalita itong si Tesa.

Kinuha nalang ni Kevin ang kamay ni Tesa at nag pa kilalang muli.

"Wag kang mahiya di naman nangangagat yang si kuya Kevin."

"Kelly! Lalo mong pinakakaba si Tesa eh ikaw talaga."

"Hehehe... bakit wala naman ako sinabing nangangain ka ng tao."

"Kelly!!! Yang bibig mo!!!"

"Bleeeh!!!"

Napabungisngis naman si Tesa dun sa dalawa dahil natutuwa sya sabay namang napatingin sa kaniya yung mag kapatid "ah... eh... sorry..."

"Ang cute mo naman may dimples ka pala." Sambit ni Kevin.

Namula naman at nahiya si Tesa at di na nakaimik.

"Kuya naman! Nahiya tuloy si Tesa." Sabi ni Kelly na inakbayan si Tesa.

"Ha? Bakit naman? Ang cute nga nya ka ko eh kasi may dimples sya parehas kami."

"Eiiii... so crush mo na syang agad?"

"Ha? Baliw ka!"

"So— Sorry pero aalis na ko." Sambit ni Tesa at nag tatakbo na ngang papalabas.

"He— Hey!!!" Pahabol na sambit ni Kevin.

"Ayan kasi!!! Puro ka kasi flirt kuya nahiya tuloy! Di kinaya yang charm mo!"

"Aba! At parang kasalanan ko pa?"

"Ay sus! Nag yabang na nga."

Kevin bonked her at kiniliti si Kelly "sinong mayabang ha?"

"Hahaha... kuya wag nga!!! Susumbong kita kila kuya Kim."

"Edi wow! Nag sumbong ka kinukulit mo ko ha... hala sige!"

Lalo namang kiniliti ni Kevin si Kelly gang sa lumabas si Keith.

"Anong ginagawa nyo? Wala pa ba yung order na pagkain?"

"Wala pa tol pero may nakilala si Kelly ay kami pala si Tesa."

"Nasan sya? Papakilala ko nga s'ya kay Kelly eh."

Inayos ni Kelly ang sarili "kasalanan ni kuya Kevin kaya umalis si Tesa."

"Ha? Bakit? Anong nangyare?"

"Aba! Wala akong alam dyan tol si Kelly lang yang issue."

"Hala! Ang arte mo! Sino kaya dito yung nag papa cute at nag fe-flex ng dimples nya? Nahiya tuloy nag tatakbo na pauwi sa kanila."

"Kevin!!!"

"Hala kuya! Wala nga nag iimbento lang yang si Kellang. Wala naman akong ginawa eh. Kelly epal ka ha!"

"Bleeeh!!!"

At biglang nag pakitang muli si Tesa na may dalang tapper ware na may lama ng ulam.

"Tesa!!!" Sambit ni Keith.

"Hello kuya. Eto nga pala pinabibigay ni nanay may fruits din po eh babalikan ko lang sandali."

"Nako, salamat mukhang masarap ito ah."

"Mechado po iyan nag luto po talaga si nanay dahil alam nyang parating ang mga kapatid nyo. Teka lang po at kukunin ko pa yung mga prutas na ipinabibigay rin ni nanay sa inyo."

Tinulak naman ni Kelly ang kuya Kevin nya na muntik ng masubsob kay Tesa buti nalang napigilan ni Keith.

"Umayos ka Kevin nakakahiya!" Pabulong na sambit ni Keith na ang higpit ng pagkakahawak sa braso ni Kevin.

"Ku— Kuya masakit... si Kelly naman yun eh tinulak ako." Pabulong namang sagot nito.

"Tigilan nyo na yan!"

"Pero kasi kuya..."

"Cough! Sige po babalik ako kuya kunin ko lang yung...."

"Isama mo na si Kevin para matulungan ka nakakahiya naman."

"Ha? Tol naman!"

Sinenyasan ni Keith si Kevin na para bang naiinis na "sige na sumama ka na kung ayaw mong masaktan!" Sambit nito pero sa mahinang boses lang.

"Pero ayos lang kaya ko naman yon kuya."

"Ayos lang hayaan mong tulungan ka ni kuya Kevin wala namang ginagawa yan dito. Di ba no kuya Keith? Halika na nga ipasok na natin yang mechado ng nanay ni Tesa mukhang masarap. Salamat dito ah!" Sambit ni Kelly at inaya na nga nya ang kuya Keith nya na pumasok habang iniinis ang kuya Kevin nya sa pag taas nya ng kilay.

Pabulong bulong naman si Kevin "lagot ka talaga sakin mamaya!"

"Bleeeh!" Reaction ni Kelly.

At ng makapasok naman na nga yung dalawa parang may dumaang anghel naman sa harapan nila Kevin at Tesa dahil biglang nanahimik.

"Cough! Ahm... Tara na?"

"Ah... O— Oo di— dito ang samin sumunod ka..."

"Sorry ha?"

"Hmm?"

"Ang kulit kasi ni Kelly."

"Ah... ayos lang ang cute nya eh close na close sya sa inyo."

"Hmm? What do you mean?"

"Nothing! Andito na tayo. Halika pasok ka."

"Wow! Literal na kapitbahay lang pala talaga kayo nila ate Faith sobrang dikit lang ng bahay nyo sa kanila."

"Ah... hehe... Oo pader lang ang pagitan. Halika pasok ka."

Binukasan ni Tesa ang gate at pumasok sila ni Kevin.

Sa isip-isip ni Kevin "malalaki ang bahay dito ah. In fairness mala subdivision."

"Nay... May kasama po ako."

Nag pa linga-linga si Kevin pag pasok na pag pasok nya sa bahay nila Tesa "Wow! Ang dami namang awards nyan sayo lahat yan?"

Napansin kasi ni Kevin na ang daming medals at trophy sa may sala nila Tesa na parang naging dekorasyon na sa dami.

"Ahhh... yung iba pero mas marami ang kila nanay at tatay mga varsity kasi sila bong nag aaral sila yung iba naman sa kuya at bunso kong kapatid varsity din sila eh ako lang hindi.

"Eh? Bakit?"

"May hika kasi ako eh. Kaya bumawi nalang ako sa academic."

"Wow! Angas mo parin kasi di ka nag patalo. Kaya pala gusto ka ni kuya Keith ipakilala kay Kelly parehas kasi kayo Na may hika. Hehehe..."

"Ohh... I see."

"Anong course na tinapos mo?"

"Isa akong nurse."

"Ehhh? Nurse ka rin?"

"Um. Why?"

"Ah... Eh... nurse rin kasi ako."

"Ohhh... galing naman parehas pala tayong nurse."

"Ahem! Sino sya?"

Pag lingon ni Tesa "ku— kuya?"

"Aha! I'm back!"

Niyakap naman agad ni Tesa ang kuya niya.

"Namiss kita! Bakit di mo sinabi na babalik ka na pala? San flight mo?"

Nakatingin yung kuya ni Tesa kay Kevin habang nakikipag usap "sino sya?"

"Ahhh... sya si kuya Kevin. Nga pala ito si kuya Jk isa syang pilot."

Sa isip-isip ni Kevin "ku— kuya? Ako? Bakit biglang kinuya nya ko? Kanina lang parang companions kami tapos kuya?"

"Ohh... andiyan pala ang mga kapatid ni Keith."

"Oo kuya bumisita sila kila ate Faith at Baby Elion."

"Oh?! May kasama may bisita pala tayo." Bungad naman ng nanay nila Tesa na si Aling Cora.

"Opo nay, kapatid po sya ni kuya Keith si Kevin."

Sa isip-isip na naman ni Kevin "oh nawala naman ang kuya ngayon. Feeling ko depende sa kausap nya kung paano nya ako ipakililala. Pero yung awra ng pamilya ng ito ang lakas parang ang tatalino nilang lahat."

"Hi! Halika maupo ka wag kang mahiya."

"O— Opo."

"Sandali lang at kukuha akong maiinom."

"Nako, hindi na po uuwi na din po ako may..."

Napatingin naman si Tesa kay Kevin "ah... Opo nay uuwi din sya agad kasi tutulungan niya lang kasi ako sa pag kuha ko ng mga prutas. Yung ibibigay nyo po sa kanila."

"Ahhh... Oo wait kukunin ko lang asa kusina eh."

"Tulungan ko na kayo inay." Sambit ni Jk na tumingin muna ng masama kay Kevin bago sumunod sa nanay nila.

Na upo naman sa sofa si Tesa kung san nakaupo si Kevin pero may space sila.

"Sorry ha? Uncomfy ba samin?"

"Ha? A— Ayos lang nakakahiya lang para kasing ang tatalino nyo dito at pag nakamali ako ng salita ibabaon na ako ng buhay."

"Hahahaha..."

Gaya kanina tumawa na naman ng tumawa si Tesa bilang sobrang dali nya talagang patawanin.

Napangiti naman si Kevin dahil ang cute ni Tesa kapag natawa lalong nalalim ang mga dimples nito.

"Nice... parehas kayong may dimples ni Tesa ko?" Bungad ni Aling Cora at kinagulat naman yon ni Kevin at biglang nag poker face ng makita si Jk.

"Opo nay parehas kaming may dalawang dimples. Galing po no?"

"Oo nga ang cute nyong tignang dalawa."

Pangiti ngiti naman si Kevin pero biglang nawawala ito kapag napapatingin siya kay Jk.

"Sige na Tesa tulungan mo na si Inay na ayusin ang mga dala ko ako ng mag hahatid sa labas ng bisita mo."

"Pero kuya..."

"Ako na nga di ba?!"

"Tsss!"

"Ikaw, halika na." He is referring to Kevin.

"O— Opo. Sige po tita salamat po sa fruits alis na po ako."

"Um. Salamat din sa pag dalawa dito samin bisita ka madalas."

Ang sama ng tingin ni Jk kay Kevin kaya hindi na ito nakasagot "Bye Kevin. See you around."

Ngumiti lang si Kevin at sumunod kay Jk papalabas.

"Salamat po sa fruits at sa pag hatid. Papasok kayo?" Sambit ni Kevin pag dating sa bahay nila Faith.

Iniabot naman ni Jk yung fruits of basket kay Kevin na mabigat pala.

"If you're interested to my sister tandaan mo bulkan lang ang sumasabog."

"Ho?"

At umalis na si Jk.

"Ano raw yon?"

"Sir!"

"Ay kabayo! Kuya delivery naman wag kang basta mangangalabit diyan!"

"Sorry po. Pero dito po ba nakatira si Keith Dela Cruz food delivery po."

"Oo dito nga sandali lang at ibaba ko lang ireng dala-dala ko."

"."

"Hahahahaha... bakit naman? Mas nakakatakot pa nga si kuya Kian dun eh." Sambit ni Kelly habang nakikipag usap sa kuya Kevin nya doon sa kwarto at nilalaro si Baby Ellion kasama rin nilansi Faith.

"Mukhang lang talagang nakakatakot si Jk pero mabait yun minsan lang kasi sya umuwi sa kanila gawa ng trabaho nya pilot kasi." Sabi ni Faith.

"Oh? Pilot? Ang angas naman."

"Ano namang maangas dun eh mga sundalo nga ang at pulis kamag anak natin yun ang maangas."

"Kuya... wag kang bitter maagas talaga kapag pilot ka kahit sang bansa makaka pag travel ka ng walang bayad ikaw panang babayaran di ba no ate Faith?"

"May point nga din naman si babysis, tol."

"Ewan ko sa inyo ng dalawa. Pero maangas din talaga ang pamilya nila Tesa no? Grabe yung awards nila halos mapuno na ang pader nila sa daming nakasabit na medalya."

"Ah... nakita mo pala well, yun naman kasi talaga ang center of attraction dun matatalino kasi ang mga yon tapos mga varsity pa kaya marami ring trophy kaya puro mga scholars ang mag kakapatid nila Tesa eh except her may hika kasi sya."

"Really ate?"

"Oo sabi nya sakin kanina pero bumawi naman daw sya sa academics kaya di sya nag patalo sa nga kapatid nya pag dating sa awards."

"Wow!"

"Oo sa pamilya nila di uso ang matulog ng walang bagong kaalalaman."

"Ilan pala silang magkakapatid? Wala kasi akong nakitang mga pictures dun. Oh baka di ko lang napansin puro kasi nga awards ang nandun sa bahay nila."

Binuhat ni Faith si Baby Ellion para patulugin na bilang gabi na rin.

"Tatlo silang magkakapatid kaso nung nag high school na si Felix yung bunso nagkaroon ng love affair ang tatay nila pero ang nauna magkaroon ng affair ay ang nanay nila."

"Eh?" Ang Reaction nung mag kapatid.

"Oo, pero di naman yun nag tagal yung sa nanay nila kasi nga inisip nito na may babae syang anak tapos may kinakalantari din naman yung lalaki ni tita kaya ayon nag hiwalay. Tapos naman dahil nga may kabet si tita nag hanap rin naman itong si tito na noon ay nasa Saudi seaman din kasi. Pero bago pa man magkaroon ng iba si tito isinama nya sila Jk at Felix papaalis san kanila kaya si Tesa ang naiwan kay tita."

"Ohhh... kaya pala sabi sakin ni Tesa buti pa daw si Kelly close saming mga kuya nya sabi na eh may ibang meaning yon."

"Um. Nanirahan sila tito sa Manila at doon na din nag patuloy ng pag aaral sila Jk at Felix na dalaw lang sila sa mag una kapag may okasyon. Pero nung panahong nakapag tapos na si Jk parati na syang nadalaw sa mag ina pero dahil nga pilot dumalang ito nung nag start Na syang mag work. Si Felix naman isa syang attorney pero madalas kahit may okasyon hindi sya na uwi kila tita."

"Bakit naman? Di nya ba namimiss ang nanay at ate nya?" Tanong ni Kelly.

"Hindi naman sa hindi namimiss may galit kasi sya kay tita Cora. Sinisisi nya ito kung bakit parating nag lalasing at nambabae ang tatay nila. Nasira kasi ang liver ni tito Vien dahil nga sa alak ayun nag kasakit at namatay. Pero hindi naman kasalanan yon ni tita Cora nakikipag balikan naman sya ayaw lang ni tito Vien kung tutuusin kaya lang naman nangaliwa si tita Cora nun nalaman niyang nasa iisang barko noon si tito at ang ex girlfriend nito. Syempre sino ba namang di magiging paranoid nun?"

"Sa bagay... Ang complicated naman pala nila."

"Yes sis... kaya ayon nag warla na ang family nila. Pero mga reponsable naman silang mga anak kay tita Cora."

Napatingin namang bigla si Kelly sa kuya Kevin nyang nakatulala. "Ayos ka lang kuya?"

"Um. May naalala lang ako."

"Hmm?"

"Wala sige labas muna ko."

"San ka pupunta?"

"Mag papa hangin. Ate pahiram ng motor ha?"

"Si- Sige... Nasa may likod ng pintuan ng main door yung susi."

"Thanks balik ako agad."

At pag labas nga ni Kevin syang pasok naman ni Keith at Jacob.

"San punta nun?" Tanong ni Keith.

"Inlove ang utol kuya."

"Ha? Wala... Siopa tara manood anime?"

"Sige po."

At inaya na nga ni Kelly ang pamangkin sa baba "ano bang nangyayare?"

"Hayaan mo nalang sila kunin mo nalang yung sapin ni Baby tulog na ito maibaba na."

"Okay sige sandali lang."

Pagbaba naman nila Kelly at Jacob sa sala...

"Ano pong papanoorin natin tita? May bago po ba ngayon?"

"Meron pero di pa pwede sayo brutal eh baka pagalitan ako ng tatay mo. Nasan nga pala sila ni kuya Kim?"

"Ah, nasa plaza po."

"Ha? Bakit di ako sinabihan ang daya naman."

"Ehhh... kasi ang sabi po wag na daw ako sumama kayo daw mag alaga sakin."

"Wow ha? Di pa talaga tayo isinama mamemerya siguro mga yon."

"Ano po yung mamemerya?"

"Ahhh... pag kasi mga ganireng probinsya normal na yung peryaan yun yung parang mini theme park pero mas marami yung laro na parang sugal na parang hindi sugal. Basta yon. Hehehe...."

"Ohhh... yung nakita po natin bago tayo pumunta dito? Mukhang masaya po dun."

"Oo masaya don ma daming tao parati minsan nga lang nag kakagulo kasi marami dun mga tambay pero part naman na yun ng fiesta. Char! Anyways pumili ka na muna ng mga anime na sinelect ko kukuha lang ako ng makakain natin habang nanonood."

"Opo."

Pag punta ni Kelly ng kusina biglang tumunog ang phone nya.

"Aba! Marunong pa pala syang gumamit ng telepono nya." She is referring to Patrick na tumatawag sa kaniya.

Patrick: Sorry na busy ako sa meeting di ko agad na sagot ang tawag mo.

Kelly: Tsss! Wala naman akong pake!

Patrick: Sorry na kasi... May sasabihin ka ba sakin?

Kelly: Alam mo kung hindi ka baliw, tanga ka eh no? Bakit sa tingin mo tatawag ang isang tao sayo kung walang sasabihin? Ano trip lang? Bored gusto lang mag pa ring ng phone, ganon?

Patrick: Sorry na nga kasi... pagod na pagod lang ako ngayong araw dami kong ginawa. Kaya ayoko munang makipag talo sayo kung ayaw mo na akong kausapin. Sige bye na...

Kelly: Parang tanga naman! Teka lang! Kumain ka na ba?

Naubo si Patrick "ano? Ayos ka lang ba? Bakit inuubo ka? Bakit kasi ayaw mong mag pahinga kung pagod ka na? Isa lang yang katawan mo at wag mong abusuhin."

Patrick: Concern ka ba?

Kelly: Ewan ko sayo!

Patrick: Miss na kita...

Kelly: Para kang...

Patrick: Nag papaka busy ako para hindi kita maisip pero kahit anong gawin ko na mimiss pa rin kita. Gusto na kitang makita honey...

Kelly: Honey mo mukha mo!

Patrick: Hehehe... sigurado akong namumula ka na sa gigil sakin. Sana nga half nung panaginip ko nung nasa coma ako totoo para mag asawa na tayo. Yung tipong mamatay na ko sa kilig kapag tinatawag mo kong honey o hubby.

Kelly: Sira ulo! Malabong mangyare Yang mga pinagsasabi mo! Dahil may fiancé ka na.

Patrick: Para ka namang ewan eh. Sabi ng hindi ko nga yon fiancée dahil na frame up lang ang pamilya ko wag kang mag alala pag tapos ng problema namin manliligaw na kong pormal sayo.

Kelly: Huh! BALIW!

Patrick: Bakit? Hindi mo na ba ako gusto?

Kelly: Wow! Wow ha! Sino namang may sabi na gusto kita? Kapal!

Patrick: Wag mo ng i-deny dahil ramdam ko kahit ipagtawilan mo pa ako.

Kelly: Sira na talaga ang ulo mo! Bye!

Patrick: Sandali lang....

Kelly: Ano na naman?! Wag mo ng ituloyan kung puro pick up line lang yan iba-block talaga kita.

Patrick: Ang sungit naman eh. Gusto ko lang mag thankyou kasi kinausap mo ako kahit na napilitan ka lang dahil alam ko namang nakausap mo si ate May para tawagan ako. Pero this is really special to me kahit parati kang galit sakin. Narinig ko lang ang boses mo okay na ko. Ikaw kasi ang pahinga ko.

*toot... toot... toot...*

Patrick: Hello? Kelly? Andiyan ka pa ba? Hello? Kelly!!! Baby!!!

"Sinong baby?" Bungad ni Dave na pumasok ng office ni Patrick.

"Si Kelly."

"Eh? Kayo na uli?"

"Sira! Syempre hinde! Galit na galit nga yung tao sakin eh. Pero ang gandang tawagan baby, ano? Ang sweet...."

"Hahahaha... parang di bagay sa inyo ni Master ganun tawagan baka masapak ka Dude."

"Sabagay, maton nga pala ang isang yon baka masiyahan pa sya kung "hoy" Ang tawagan namin."

"Hahahahahahahaha...."

Tawang tawa naman si Dave kaya binato sya ni Patrick ng takip ng ballpen.

"Dude naman..."

"Heh!"

"Nga pala, may site visit tayo bukas sa Bulacan hindi ka pala sasama?"

"Weh? Kailan? Saan?"

"Ha? Bakit parang di mo alam eh ikaw nga ang nag pa cancel nun kaya kami nalang ni Mr. Oliver ang pupunta."

"No, ako ang pupunta. Sabihin mo kay Mr. Oliver na ako na ang kasama mo. Pumunta na tayo ngayon tawagan mo si Mr. Johnsen mag pa book na kamo sya ng hotel."

"O— Okay? Bakit bigla naman atang nag bago ang isip mo?"

"Wala ka na don! Gawin mo nalang ang iniuutos ko!"

"Opo Boss eto na nga tatawagan na."

Pangiti ngiti naman si Patrick habang mag iisip "at last, makikita na kitang muli Kelly baby."

"Dude!"

"Ano?!"

"Yung hotel ba daw san mo gustong mag pa book?"

"Sa kanal! Bwiset! Malamang kung saan malapit yung site doon mag bo-book ng hotel mga gunggong!"

"Sus! Diyan ka magaling! Andun pala si Master sa Bulacan ha. Kaya naman pala...."

"Heh! Mag pa book na nga lang kayo!"

"Oo na! Maganda siguro kung malapit lang kung nasan sila Master Kelly no?"

"Dave!!!"

"Eto na lalabas na po... Mr. Undeniable! Hahahahahahahaha...."

"DAVE!!!!!"