webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 380

"Tito Renzo!!!" Pag salubong ni Jacob na miss na miss na ang kaniyang tito Renzo.

"Baby boy."

Nang makapasok na sa loob ang mga kapatid ni Rica syang dating naman nila Vince at Kelly na nagtaka dahil may dalawang kotse sa labas ng bahay nila.

"Eh? May bisita kayo Pis?"

"Hindi ko alam, kita mo na ngang kararating lang natin eh malay ko dyan!"

"Tsk! Umandar na naman yang pag ka pilosopa mo! Halika na nga pumasok na tayo sa loob."

"Aba alangan namang pumasok tayo sa labas?"

"Kelly!!!!"

"Hahahaha!!! Pikon."

At nag kulitan pa nga ang dalawa gang sa makapasok na sila at nagulat silang may ibang mga tao nga.

"Kelly!!! Halika dito... ay, so— sorry po."

Siniko naman nya si Kelly "sino ang mga yan?" Pabulong ni Vince.

"Hi— Hindi ko alam."

"Tita Kelly." Bungad naman ni Jacob.

"Baby boy..."

"Bunso halika..." Ang sabi ni Kian.

At lumapit nga si Kelly na tinutlak pa si Vince "a— anong meron kuya?"

"Ah, babysis sorry di ko nasabi sayo na pupunta ang mga kapatid ko dito." Sabi ni Rica.

"Ahhh... O— Okay po. He— Hello po sa inyo." At nung tinignan n'ya ang mga kapatid ni Rica napahinto s'ya at napaisip "hmm? Renzo?"

"Hi. It's been a while..."

"Oh? Magkakilala kayo?" Sabi ni Rica.

"Oo ate s'ya yung unang naging kaibigan ko dito sa Village nyo. Right Jacob?"

"Um. Crush nga po ni tito Renzo si tita Kelly eh."

"Jacob!" Sambit ni Renzo at tinakpan agad ang bibig ni Jacob "ha... ha... nag jo—joke lang sya. Di ba Siopao?"

"Mmm... Mmm..."

Bumulong si Renzo kay Jacob "baby boy, gusto mo bang masapak ako ng mga ku..." at hindi na nga n'ya naituloy ang sasabihin dahil ng napatingin s'ya sa mga kuya ni Kelly na ang sama ng tingin sa kaniya na para bang gusto syang ibaon ng mga ito ng buhay.

"Ha... ha... ha... mabuti pa kumain na tayo? Di ba honey?" Ang sambit ni Rica na feeling awkward habang sinasabi n'ya iyon at siniko n'ya pa nga si Kian "honey... kakain na."

"O— Oo halina kayo." Sagot ni Kian pero ang sama ng tingin nya kay Renzo.

"Honey!"

"Oo eto na."

Habang papunta sa dining area humingi ng tawad si Renzo kay Kelly.

"Ah, wala yon mahilig lang talaga mag joke yang si Jacob pag pasensyahan mo na din sana sila kuya ha?"

"O— Okay lang wala naman silang ginawa." Pero sa isip-isip nya "wala nga pero yung mga mata nila parang kakainin na ko ng buhay. Si Jacob kasi!!!"

"Sige mauna ka na may kukuhanin lang ako sa kitchen."

"Oo sige."

Hinila naman ni Kelly si Vince.

"Ano? Kakain na ano pa bang gagawin natin dine?"

"Sira ka ba? May bisita kami paano ko ngayon sasabihin kila kuya yung about sa partnership?"

"Aba'y... mamaya nalang pag alis nila. Tska sino yung Renzo ha? Di mo yun na kwento sakin."

"Baliw! Tigilan mo nga ko basta tulungan mo ko mamaya na mag sabi kila kuya ha?"

"Anong sasabihin?" Bungad ni Kevin at nagulat naman yung dalawa sa biglaang pag sulpot nito.

"Ha?" Reaction ni Kelly.

"May gusto kang sabihin samin nila kuya? Ano yon?"

"Ah... eh... kasi kuya..." kinurot nya sa may hita si Vince ng palihim dahil di nya alam kung anong sasabihin sa kuya Kevin nya.

"AHHH... Aray masaket!!! Masakit mang isipin na di tayong dalawa...." napaka n'ya na nga s'ya ng di oras para di mahalata ni Kevin.

"Ayos lang ba kayong dalawa?"

"O— Oo naman kuya di ba, Pis?"

"O— Oo gutom lang. Ha... Ha..."

"Sya sige kayo na kumuha ng pitchel ng tubig diyan may juice din kunin nyo na rin at pumunta na kayo dun sa lamesa at kakain na."

"Oo kuya sunod kami ni Vince."

"Sige bilisan n'yo na dyan at kakain na."

"."

Nang matapos ang dinner nagkaayaan na uminom ng tsaa ang mga kuya ni Kelly habang andoon pa ang mga kapatid ni Rica.

"Sandali lang nalimutan ko may cookies and cupcakes nga pala sa ref nag bake kami ni Jacob nung isang araw kukunin ko lang." Sabi ni Rica.

"Ako na ate sa inyo ba?" Ang sabi ni Renzo.

"Ah hindi tito wala naman kami oven sa bahay ni mommy dito kami nag bake." Sambit ni Jacob.

"Oh... sorry."

"Halika po kunin natin."

"Okay sige."

At habang nag uusap usap nga ang mga kuya ni Kelly at mga kapatid ni Ricai about sa wedding sinamahan na nga ni Renzo si Jacob na kunin yung cookies at cupcakes sa ref.

"Baby boy."

"Hmm?"

"Yung kasama ng tita Kelly mo, sino sya?"

Nakita naman na ni Jacob yung cookies and cupcakes at kinuha nya sa loob ng ref tinulungan naman sya ng tito Renzo nya at ipinatong muna sa may mesa roon sa kitchen.

"Ahhh... si tito Vince? Hindi nyo pa ba sya kilala? Pinsan po sya nila tita Kelly pero kung may binbalak kayo na manligaw kay tita Kelly wag nyo nalang ituloy dahil ngayon palang busted na kayo."

"Wha— What?!"

"Opo bumalik na kasi ang first love ni tita Kelly kaya wag na kayong mag balak pa."

"Si— Sino naman ang may sabi sayo na gusto kong ligawan si Kelly?"

"Better not Uncle dahil I can't help you pag dating kay tita Kelly dadaan ka muna kila daddy."

"Alam ko naman yon di ako papasa sa standards ng mga kuya ni Kelly."

"Well, kumpara kay tito Patrick walang wala talaga kayo."

Pinisil naman ni Renzo ang pisnge ni Jacob.

"Ayos ah, parang hindi ako kapatid ng nanay mo ah kung i-bash mo ko. I know him at alam kong wala nga akong panama sa isang Santos."

"Why don't you try it, before you surrender?" Bungad ni Vince.

"Ti— Tito Vince!"

"Renzo right?"

"Ye— Yes..."

"May I ask, what is your standard pag dating sa babae?"

"H— Ha?"

"Gaya po ni tita Kelly, pero hindi naman sila pwede."

"Jacob!"

"Uncle, modern na ang panahon ngayon kaya nga nauuso yung mga vlog na yan eh lahat kailangan broadcasted na. Kaya bakit ka po mahihiya kung crush mo naman talaga si tita Kelly? Sya din ang first love mo di ba po?"

"Jacob!!!"

"Tsss! Ayos ah, so hindi pala mamayau agad si Kelly kasi "first love never dies eh" right baby boy?"

"Opo Tito Vince. Tita Kelly is a brave and strong girl."

"Wait, is she sick?"

Kumuha ng tubig si Vince at uminom "in born na may hika si Kelly nasa lahi din kasi namin then lately, madalas syang sinusumpong ng kaniyang hika sobrang bilis nya ng mapagod kaya sa kwarto nya may oxygen na sya doon dahil nababa ang oxgen level at pulse rate nya."

"Eh??? But she seems..."

"Healthy? Yeah... akala din namin nag simula yon nung pag graduate namin ng college nag hanap kasi sya agad ng work naging workaholic humantong sa di pag aalaga sa katawan."

"Why all of a sudden naging ganun sya? May pinagdadaanan ba ang pamilya nila? O sya? Bakit kailangan nyang mag paka pagod sa pag tatatrabaho?"

BAKKK!!!

Nagulat sila Renzo at Jacob sa pag dabog ni Vince ng baso nito sa mesa.

"Dahil yon kay Patrick! Yung bwiset na yon na stress at nakaranas ng depression si Kelly kaya naman nag sanhi yon ng pagkakasakit nya ngayon kapag nagka lintek-lintek na baka kailanganin nya mag undergo for pacemaker to prevent heart attack and other illnesses."

"Pacemaker?! Yun yung battery na nilalagay under the skin pero naka connect yun sa veins ng puso. Am I right?"

"Pero tito Vince, hindi po ba di pa naman yun sure? Narinig ko kanina kila daddy at tito Kevin sa wednesday pa daw po sasabihin ng cardio ni tita Kelly yung result eh."

"Oo baby, super rare condition ang nilalagyan ng pacemaker lalo at bata pa naman si Kelly unlike sa mga Senior Citizens yun kasi ang pangkaraniwan na nilalagyan ng pacemaker. At malaking halaga ang gagastusin para doon."

"I hope tita Kelly will be okay."

Renzo patted Jacob's head "Don't worry baby boy your tita Kelly is fine magiging okay rin sya pag pa-pray natin sya para gumaling na sya at hindi na s'ya lagyan ng pacemaker."

"Opo."

Vince smirked as if he is smiling and he thought "mukhang okay nga ito kay Kelly kesa sa bwiset na si Patrick. Pero paano ko kaya tutulungan si Kelly na sabihin sa mga kuya n'ya na gustong maki pag partnership nito? Kasi naman bakit ang liit ng mundo nila?!"

Sa mansion ng mga Snatos,

Pak!

Kararating palang ni Patrick at bumungad na agad ang palad ng ate May nya.

"What the?! Ano na namang tinotoyo mo dyan ate?! Bakit mo ko sinampal?"

"Nakakainis ka kasi!"

"Ano?! Ate, tigilan mo ko hindi porket ate kita di na kita papatulan! Pag ganireng ang daming pinagawa ni daddy sakin sa office!"

"Ah, ganon..." she bonked him furiously.

"Ate!!!"

"Why didn't you tell me na may sakit si Kelly?"

"Ano? Sino?"

May bonked Patrick again "ate!!!"

"Balitang balita sa DLRH yung about sa bunsong kapatid ni Kevin na kailangan daw mag palagay ng pacemaker. Don't tell me hindi mo alam?"

"WALA NGA AKONG ALAM!!!" Naupo s'ya sa sofa at tinapon ang bag nya sinundan naman s'ya agad ng ate May nya.

"So... Sorry kala ko kasi alam mo."

Patrick sighed "kita mo ngang di naman ako close kay Kelly ngayon eh paano ko malalaman?"

"Well, ngayong alam mo na anong gagawin mo? Kawawa naman ang Baby sister ko."

Sa isip-isip ni Patrick "pero sa pag sampal n'ya sakin di s'ya naawa. Tsss!"

"Patrick! Para namang wala kang pakialam eh. Si Kelly yon! Yung love of my life mo."

"Paano ako magpapakita ng pag aalala kung ayaw n'ya akong makita? Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko galit na galit s'ya sakin."

Binato s'ya ni May ng unan "idiot! Malamang iniwan mo si Kelly ng walang paalam nung pumunta ka sa America tapos mag iinarte ka dyan ngayon? Ang sabi baka daw lagyan ng pacemaker si Kelly battery yun para sa puso. Pag nilagyan si Kelly ng gano'n magiging limited na ang galaw n'ya pati ang pag gamit n'ya ng gadgets maapektuhan. Bawal kasi ang radiation sa pacemaker."

"What?! Eh halos lahat ngayon may gadgets na. Tsaka san mo ba nakuha ang ganyang balita? Baka naman hindi totoo mukha namang healthy si Kelly eh tsaka..."

"Tsaka ano?"

Bigla namang naisip ni Patrick yung pagiging weak ni Kelly.

"Kaya pala nag bago na sya...."

"What do you mean?"

"Ewan ko ate pero babalitaan nalang kita bukas magkikita kami ni Kelly kung papayag s'ya na maging mag partner kami."

Naging clingy naman bigla si May kay Patrick "partner? Anong klaseng partner yan Bro?" Aniya na parang kinikilig pa.

Tinanggal naman ni Patrick ang kamay ni May sa braso n'ya at tumayo "partner para sa negosyo! Kaya tigilan mo ko ate mag papahinga na ko."

"Bro!"

"Bahala ka dyan!"

"Wala ka talagang gagawin tungkol sa sakit ni Kelly?"

"No comment, ayokong mamisinterpret ako ni Kelly. Kung may gusto kang gawin about her condition, go! But don't drag my name cause I have my own way."

"Okay... Goodluck!"

"Yeah. Goodnight!"

Pagkapasok naman ni Patrick sa kwarto n'ya bumagsak syang agad sa kama "ano bang nangyayare sa mundo?! Nakakabaliw na!!!!" He sit up abruptly and get his phone from his pocket.

Patrick: Dave! Nasan ka?

Dave: Dude? Nasa condo ako kararating ko lang bakit?

Patrick: Anong alam mo?

Dave: Ha? San? Anong alam?

Patrick: Yung kay Kelly!

Dave: Alin? Anong meron kay Master?

Patrick: Hayssss... kahit kailan wala akong maasahan sayo. Bye!

At tinawagan naman ni Patrick si Mr. Johnsen.

Patrick: Oo check about Kelly's recent place na binisita alamin mo kung ano ang ginawa nya doon at kung bakit?

Johnsen: Yes Young Master.

Patrick: Bukas ng umaga gusto kong may update ka na. Understand?

Johnsen: Opo.

Patrick: Good. By the way, get me a bouquet of yellow, pink and white carnation tomorrow morning rin samahan mo na ng mint inhaler.

Johnsen: Noted po pero mint inhaler po?

Patrick: Oo yung original ha? Dun ka bumili sa legit na pharmacy and make it 2.

Johnsen: O— Opo Young Master.

"."

Mag hahating gabi na at kauuwi lang ng mga kapatid ni Rica at ang mga kuya na nga ni Kelly ang nag ayos sa kitchen.

"Oo honey, kami ng bahala dito puntahan mo na si Jacob baka magising pa yun makikigulo pa yun dito pag nalaman nyang gising pa kaming mga tito nya."

"Okay sige antok na rin ako eh. Matulog na rin kayo mamaya pag natapos nyo yan."

"Oo ate mabilis lang ito." Sabi ni Keith.

"Sige goodnight na sainyo."

"Goodnight rin ate." Anila Keith.

At pag alis nga ni Rica ng mga ilang minuto dumating naman si Kelly.

"Mga kuy's."

"Bunso!" Sambit ng mga kuya ni Kelly.

"Bakit gising ka pa? Late na,!di ka pwedeng mag puyat baka mapano ka." Sabi ni Kian.

"Nagising lang ako gusto ko sana uminom ng gatas."

"Sandali, ako ng magtitimpla maupo ka na muna." Sabi ni Kim.

"Salamat kuya."

"May cookies pa dyan yung binake ng ate Rica mo you want?" Sabi ni Kian.

"Sige kuya."

"Ako ng kukuha kuya." Sabi ni Kevin.

"Ayos ka lang ba babysis?" Tanong ni Keith na nagpupunas ng mesa.

"Um. Okay lang naman ako kuya."

Pero sa isip-isip ni Kelly "buset ka Vince, sabi mo tutulungan mo ko mag sabi kila kuya pero umuwi kang lintek ka!"

Ano nga kayang mangyayare kapag nalaman ng mga kuya ni Kelly ang about sa proposal na partnership ni Patrick?>_<

lyniarcreators' thoughts