webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 368

Sa DLRH...

"Good morning dad, kamusta ang tulog n'yo?" Bungad ni Kevin na duty sa DLRH.

Maganda naman ang ngiti ni Kemwell at bumati rin s'ya kay Kevin ng magandang umaga.

"Ayos naman ang tulog ng daddy n'yo ngayon hindi s'ya nahirapang matulog." Sagot naman ni Feliza na ngumiti kay Kevin at ganoon rin naman ito sa kaniya.

"Salamat po sa palagiang pag babantay n'yo kay daddy."

"Maliit na bagay, dati pa man eh lagi na kaming sangang dikit ng daddy mo."

"Oh, baka san pa mapunta ang usapan. Nak, pupunta ba dito si Kelly?"

Masayang masaya ang awra ni Kemwell ng sinabi n'ya iyon at lalo pa syang naging masaya ng sinabi ni Kevin na "opo dad pupunta sila dito kasama n'ya din sila kuya at ang kambal."

"Talaga nak? Feliza anong itsura ko? Mukha ba kong maputla? Lagyan mo kaya ako ng lip stick baka kasi hindi lumapit sakin si Kelly kapag mukha na akong bangkay."

Feliza bonked him and she said "sira! Wag ka ngang mag sasalita na mukha kang bangkay. Hindi mangyayari yon magiging okay ka rin. Lalo pa ngayon na malapit ka ng operahan? Kaya lakasan mo ang loob mo."

"Yeah... sorry."

Tahimik lang at nakamasid si Kevin dun sa dalawa at sa isip-isip n'ya "they really are close kung nakikita lang ito nila kuya sure akong grabe-grabe ang magiging reaksyon nila."

"Kevin dear?" Ang sweet na sambit ni Feliza.

"Po? A— Ano po iyon?"

"Pwede bang bihisan natin ang daddy mo ng maayos para hindi naman isipin ni Kelly na nakakaawa ang daddy n'yo. Pwede bang wag na muna syang mag patient gown ngayon?"

"Ah... Opo pwede naman hayaan n'yo tatawag po ako ng caregivers para dyan."

"Hindi na... kaya ko naman na tulungan mo lang ako."

"H— Ho? Ka— Kayo?"

Nagkatinginan naman sila Feliza at Kemwell "ha... ha... ha... nako, binibiro ka lang nyang tita Feliza mo nak. Wag kang maniwala dyan di ba Feliza?" Ang sambit ni Kemwell at kinurot n'ya ang kamay ni Feliza.

"Ahhhh!!!" Reaksyon nito kaya naman na gulat si Kevin.

"May problema po ba, tita?"

"H— Ha? Wala... ha...ha...ha... may langgam ata dito kinagat ako." Ang palusot na sambit ni Feliza habang hawak ang kaniyang kaliwang kamay.

"Ohhh... sige po hayaan n'yo ipapalinis ko na ang roon ni daddy."

"O— Oo salamat. He... He..."

"Sige po lalabas na muna ako may mga patient pa ho kasi akong titignan."

"Sige anak, salamat ha?"

"Sige po. Tatawag na rin po ako ng caregivers para sa inyo."

Kemwell rise his eyebrows to Feliza para ito ang sumagot kay Kevin "o— oo sige iho salamat."

"Sige ho."

Pag labas naman ni Kevin ng room ng daddy n'ya di pa muna s'ya nag move "what the heck I just heard? Kala ko ba wala silang relasyon bakit na sabi ni tita Feliza ang ganung bagay kay daddy? S'ya talaga ang nag prisinta na mag bibihis kay daddy? Wow ha?!"

"Kevin!" Sambit naman ng isang lalaking nurse.

"Yow, saglit lang intayin mo ko."

Samantala sa loob ng room ni Kemwell...

"Sorry na nga di ko kasi na pigilan." Ang sabi naman ni Feliza na nag tatalop ng mansanas.

"Buti nalang di nag tamang hinala si Kevin nako, kung hindi baka akalain na naman ng mga anak ko may babae na naman ako."

"Eh ano naman?"

Binato naman ni Kewmell si Feliza ng unan "ungas ka talaga! Baka nakakalimutan mo di ka na yung dating Felliano!"

"Hoy!!!"

"Oh, tignan mo! Kahit ikaw magagalit eh. Buddy, wag mong kalimutan na babaeng babae ka na ngayon at kapag naka kita ng butas ang mga anak ko na may kakaibang relasyon tayo baka lumayo na naman sila sakin."

Sinubuan naman ni Feliza si Kemwell ng mansanas para manahimik ito "mmm..."

"Heh! Tumigil ka na nga, kung mag duda man sila edi mag pagpaliwanag ako after all may asawa na kong tao."

Habang na nguya sinesermonan n'ya si Feliza "kaya nga umayos ka sa pananalita mo."

"Nga pala, sabi ng sekretarya ko may isang lalaki daw ang nag tatanong kung sino ako."

"Ha?"

"Hindi ko alam kung sino pero sa tingin ko isa sa mga anak mo ang pinapa background check kung sino ako."

"What?! Hindi ba sabi mo hindi ka na kilala bilang si Felliano?"

"Of course, ibang iba na ang anyo ko pero syempre may iba pa rin namang nakakakilala sa totoong ako maliban sayo ."

"Hala! Eh paano? May malalaman ba sila?"

"Sa ngayon, hindi ko alam pero okay na rin yon para hindi na tayo pag hinalaan ng mga anak mo lalo na ni Keilla."

Natahimik namang bigla si Kemwell nung binanggit ni Feliza si Keilla "oh? Nyare sayo? Bigla ka na namang natameme dyan. Buddy, matagal ng panahon ang nangyari sigurado naman akong napatawad ka na ni Keilla."

"Hindi na ko umaasa, matagal ang panahong lumipas syang lahat ang nag taguyod sa lima naming anak at ni minsan di man lang ako nag pakita habang lumalaki ang mga bata."

Patuloy namang kumakain ng apple si Feliza "eh... nagka amnesia ka nga alangan namang maalala mo silang lahat ka agad? Tsaka naiintindihan ka na ng mga anak mo. Lalo na si Kelly na halos buong buhay n'ya eh absent ka."

"Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Mamaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga anak ko kapag nagkita kita kami."

"Buddy, sabihin mo lang kung ano yang nararamdaman mo malaki at nakakaintindi na ang mga anak mo kaya wag kang mag panic."

Kemwell sighed then he looks up and stare at Feliza "sa pagkakaalam ko binili mo yang mansanas na yan para sakin. Hindi mo naman sinabing ikaw rin pala ang kakain."

"Ah... Sorry nagutom kasi ako sa pag dadrama mo."

"Felliano!!!!"

Binato na naman ni Kemwell ng unan si Feliza at nag kalat na ang unan sa sahig pati na rin ang kumot ng biglang pumasok si Kevin kasama yung dalawang lalaking caregiver "a—anong? Maling room guys labas." At isinara na nga ni Kevin yung pintuan.

"Ha? No!!! Kevin anak!!! Sandali lang!!!"

Sa magkaparehong oras sa mansion ng mga Santos ka babalik lang ni May galing ibang bansa para sa business venture.

"Welcome back po Ma'am." Ang bungad ni Wena na kinuha ang mga dala ni May na isang maleta at shoulder bag.

"Thanks, pakikuha na rin ang ibang things ko na nasa kotse."

"Yes Ma'am."

"Anyways, sila Kelly at Patrick are they here?"

"Wala po Ma'am madalas pong hindi sila nauwi dito."

"Ohhh... kaya pala walang sumalubong sakin. How's everything here?"

"Okay naman po ang lahat kaso may bigla pong naging bisita."

"Bisita? At sino naman?"

"Ate May!!!" Ang bungad naman ng isang babae na mukhang yayamanin rin na blonde ang kulay ng buhok at mahaba.

"Cindy?"

"You're here na pala why didn't you reply me back and you ain't answer my calls rin."

"Ah... Eh... W— Why are you here anyways?"

"Of course, I came back because of Patrick."

"Ha? B— But..."

Dahan-dahan naman umalis si Wena at nakasalubong n'ya yung mga kapwa nya kasambahay na nag bubulungan "ano sabi daw?"

"Ha? Ewan ko pero ang sabi nung Cindy bumalik daw s'ya dito para kay Chairman."

"Ano?!" Anila.

"Ano sa tingin n'yo ang ginawa n'yo?!" Ang bungad ni Manang Tina.

"Ay kalabaw." Ang pa gulat na reaction ni Wena.

"Hala sige balik sa mga ginagawa n'yo."

"Yes Manang." Anila.

Lumapit naman si Wena kay Manang Tina "Manang, sino ba yang si Ms. Cindy?"

"Oo nga manang." Anila.

"Heh! Tigilan n'yo ko! Puro kayo tsismis!"

"."

Napauwi naman ng di oras si Patrick sa mansion nila dahil sa sinabi ni May na nasa kanila si Cindy.

"Ano?! Bakit mo s'ya pinapasok?" Ang sabi ni Patrick na sa likod dumaan at nag bubulungan sila roon ng ate May nya na doon s'ya kinaladkad pagkababa n'ya ng kotse.

Piningot naman ni May ang tenga ni Patrick at sinabing "baliw! Hindi ko nga alam na andito s'ya! Pag uwi ko kanina sya na ang bumungad sakin."

"Tsk! Nasan s'ya? Sabihan ko para mapabalik ko na s'ya sa kanila."

Susugod na sana s'ya sa loob pero pinigilan s'ya ni May "wag ka nga! Pag na nakita ka n'ya ngayon hindi ka na nun pakakawalan naalala mo nung mga bata kayo? Umiyak s'ya ng umiyak para lang di ka umalis sa kanila."

"Haysss... bwiset! Bakit raw kasi nandito yan?"

"Hindi ko pa alam kung anong motibo n'ya pero sabi n'ya sakin kanina bumalik s'ya para sayo."

"What? Hindi pwede ate, papasok na talaga ako sa loob at papauwiin ko na s'ya sa America!!!"

"Shhh!!! Kumalma ka nga! Ako ng bahala sa bagay na yon."

"Ehhh... bakit mo pa ko pinapunta dine? Kung di mo naman pala ako papakausap sa babaeng yon? May meeting pa ko!"

May bonked her Brother "aba syempre, kailangan mo kong tulungan."

"Ha? Para saan naman?"

"Papunta na dine ang bf ni Cindy kaya gusto kong umarte kang walang alam na naririto s'ya tapos umarte kang masayang masaya ka na may fiancé na sya. In short, umarte kang parang kuya kay Cindy."

"Ha? Ayoko nga! Mas matanda pa nga sakin si Cindy ng isang taon. At teka, may fiancé na si Cindy? Sino naman ang lalaki na yon? Matino ba? Mapagkakatiwalaan? Baka naman habol lang nun kay Cindy eh pera. Kilala mo ba ate?"

"Huh! Ayos ah, nag aalala ka kay Cindy? Baka nakakalimutan mo may Kelly ka na s'ya ang dapat inaalala mo."

"Ano ba naman ate? Syempre kababata ko si Cindy at naging matalik ko rin naman s'ya noong kaibigan kaya normal lang na mag alala ako sa kaniya."

"Ohhh... really? So, paano mo sasabihin ang bagay na ito kay Kelly? Sasabihin mo bang dumating ang kababata mo na galing sa America? Aba Baby Bro, kapag nalaman ni Kelly na galing America si Cindy baka isipin n'ya nagkaroon kayo ng relasyon doon nung andoon ka nung panahong na andoon ka."

"A— Ate naman eh. Wag mo kong takutin. Wala naman kaming naging relasyon ni Cindy eh kaibigan ko s'ya at hanggang doon lang yon."

"Kaso, hindi kaibigan ang tingin sayo ni Cindy at sigurado akong alam mo ang bagay na yon."

Honk... Honk...

"Mukhang dumating na ang boyfriend ni Cindy. Handa ka na?"

"Oo ate."

***

Nakarating na sa DLRH ang Dela Cruz siblings at pa sakay na sila sa elevator para pumunta sa room ng daddy Kemwell nila.

"Oo nga hindi ba pupunta dito ang asawa mo?" Ang sambit naman ni Kim.

"Ah, hindi kuya eh may meeting kasi s'ya sa bagong share holders kaya busy s'ya ngayong araw."

"Oh... kaya ba ang aga niya umalis kanina?" Tanong naman ni Jules.

"Oo kuya, sa Pampanga pa kasi yung meeting place nila."

"Mukhang busy man talaga yang asawa mo ano? Gaya ng sabi ni Mr. Sensen." Sambit naman ni Flin.

"Nako, kaya nga ba tutol ako sa dalawang yan nung nanliligaw palang dyan si Patrick."

"Kuya Kian naman."

"Haysss... bilis na move na."

Ngumiti naman si Kelly at sumakay na silang magkakapatid sa elevator si Keith pa nga ang pumindot "vip room right?" Aniya.

"Yeah." Anila.

"Mga kuy's ano sa tingin n'yo magiging reaksyon ni daddy satin?" Tanong ni Julian.

"Child lang, hindi naman na ngangagat si daddy." Pabirong sagot naman ni Keith at binatukan s'ya ni Kian.

"Tumigil ka nga!"

"Hehe... wag kasi kayong kabahan."

"Sino naman ang kinakabahan?" Ang sabi naman ni Kim.

"Sino nga ba ha bunso?"

"Kuya Flin ohhhh... si kuya Keith niloloko ako."

"Hehe... Oh tama na yan baka mag away pa kayo."

"Bleeeh..." Pang aasar na reaction ni Barbie kay Keith.

Natahimik at nag iba ang mood ni Kian at napansin naman iyon ni Kim.

Ting...

"Tama na yan Keith andito na tayo." Ang seryosong sambit naman ni Kian at ang sama ng tingin n'ya kay Keith.

"O— Oo kuya sorry."

Inalalayan naman ni Flin si Kelly na ganoon rin naman si Kian "sige na Kian, ako ng bahala kay Kelly."

"O— Okay."

At pinauna na nga n'ya yung dalawa na mag lakad

"Thankies kuya." Ang masayang sambit naman ni Kelly.

Habang nakatingin lang sa likuran si Kian kinulbit naman siya ni Kim "ayos ka lang?"

"Oo naman."

"Cheer up Bro."

"Hmm?"

"Bilisan mo na dyan."

"O— Oo."