webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 366

"Honey... gising ka pa?" Ang sambit ni Patrick habang nakahiga sa kama nila ni Kelly.

"Um... pero antok na ko may sasabihin ka ba?" Sagot naman ni Kelly na nakapikit at talikod kay Patrick.

"Tatanong ko lang sana kung galit ka sakin."

Humarap naman si Kelly kay Patrick at niyakap nya ito "matulog ka na nga di ako galit sayo baliw."

Ngumiti naman si Patrick at niyakap rin si Kelly "I love you." Hinalikan nya sa noo si Kelly.

"Goodnight."

"Hmm?"

Minulat ni Kelly ang mata niya at hinalikan si Patrick at sinabing "love you too."

Kilig na kilig naman si Patrick kaya niyakap nya ng mahigpit si Kelly "huy, hindi na ko makahinga yung tyan ko."

"So--Sorry."

"Syado ka... yung junjun mo pakalmahin mo yan."

Tumalikod namang muli si Kelly "ho--honey..."

"Tigilan mo ko twins na nga itong nasa tyan ko."

Napabangon naman si Patrick na para bang nahihiya at sobrang pula rin ng mukha niya "honey!!!"

"Ano?!"

"Nagiging green minded ka na."

Binato naman sya ni Kelly ng unan "kupal ka! Ako pa ngayon eh yang junjun mo di makapag timpi."

Napahawak naman si Patrick sa may down part nya "honey naman eh!!!"

Hinila naman sya ni Kelly at ginawang unan ang braso nito "matulog na tayo! Baka san pa mapunta ang usapan kasalanan mo yan, yang sperm mo wild ano ka ngayon? Edi di ka maka isa sakin? Ewan sayo!"

"Ho-- Honey naman!!! Tumigil ka na."

Tinakpan naman ni Kelly ang bibig ni Patrick at tinitigan niya ito na para bang may something "kung gusto mo talaga pede namang..."

"Mmm...Mmm..."

Lalong namula si Patrick dahil may hinawakan si Kelly sa may bandang baba nito "ayos na ba ang ganito, honey?" May pag taas pa ng kilay si Kelly kaya naman si Patrick di malaan ang kaniyang gagawin.

"Mmmmmmmmmm..."

Sa mag kaparehong oras,

Nasa may underground ang mga kuya ni Kelly na sinamahan si Flin kung saan sya matutulog "pasensya na kuya kung dine ka matutulog." Ang sabi ni Kevin.

"Ayos lang mas okay ito kesa sa selda."

"Pasensya na kuya...."

"Ha? I... I didn't mean anything ayos lang na dumito ako basta kasama ko kayo nila Kelly. Kaya maraming salamat mga tol sa pag tanggap sakin dito."

"Wala yon kuya kami nga eh nahihiya sa iyo't di kami nakakadalaw don sa..." ang sambit ni Kian na hindi pa nga na ituloy.

"No worries, dahil alam ko namang mga busy kayo tsaka alam ko ring kayo ang parating nag papadala kay Ethan ng pagkain para sakin araw-araw."

Siniko naman ni Julian si Jules "eto kuya sya parati ang nag papadala ng pagkain sayo."

"Julian!"

"Oh, eh bakit? Totoo naman."

"Salamat bro."

Napahimas naman sa ulo nya si Jules na para bang nahihiya " wa-- walang anuman kuya."

"Oh, paano?  Late na rin naman matulog na tayo para makapagpahinga ka na rin kuya." Sambit ni Keith.

"Oo mabuti pa nga tayo'y matulog na. Kuya pag may kailangan ka sabihan mo lang kami wag kang mahiya." Ang sabi naman ni Kian.

"Wala na, ayos naman na ako dito salamat."

Bumulong naman si Kevin kay Kim "oy, bakit di ka nag sasalita dyan tol?"

"Wala naman akong sasabihin."

Kevin made a facepalm "sighh...ewan ko sayo kuya."

At nung papalabas na ang mag kakapatid sa naging bagong kwarto nag paiwan naman si Kim "nung problema ni kuya Kim? Bakit nag pa iwan pa sya?" Sabi ni Keith.

Hinila naman ni Kian ang tenga ni Keith at sinabing "hayaan mo lang wag kang mangilam matulog ka na."

"Aw, aw kuya ang sakit."

"Anong aw, aw? Aso ka?"

"Kuya...."

Mabalik naman sa kwarto ni Flin...

"Wag mong alalahanin yun, kasalan ko rin naman kung bakit aloof ka sakin pero nag bago na ko at dahil yon sa inyo nila Kelly. Kaya babawi ako sa inyo simula ngayon sana mapatawad nyo rin ako sa mga nagawa kong kamalian." Ang seryosong sambit naman ni Flin habang naka upo sa kama samantala naka tayo naman at nakasandal sa may pader malapit sa pintuan si Kim.

"Past is past kuya ang goal natin ngayon  ay mapagaling si daddy at ikaw lang ang makakagawa nun."

"I know, and I'm prepared bro para kay Kelly."

"Salamat kuya."

"Wala yon gusto kong maging masaya si Kelly kahit na..."

"Kahit na ano kuya? Na galit ka kay daddy? Lahat naman tayo may galit o tampo kay daddy pero sa ngayon para maging maayos ang lahat ibaon na muna natin iyon sa limot. After all, dahil rin kay daddy naging kumpleto tayo dito at syempre dahil rin kay Kelly nag ka sama-sama na tayong mag kakapatid."

"Oo at masaya akong kasama ko na kayo."

"Kami rin kuya..."

Magandang ngiti naman ang isinagot ni Flin kay Kim at ang di alam nung dalawa nakikiniv sa kanila ang kambal at si Kevin.

"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?"Ang bungad ni Kian dun sa tatlo.

"Ku-- Kuya..." Anila.

"Hala sige magsi taas na kayo! Sabi ng magsi tulog na eh."

"Yes Boss." At kumaripas na nga yung tatlo sa pagtaas ng hagdan.

"Ang mga iyon talaga sinabihan ng magsi tulog na eh nakiki tsismis pa talaga."

Pero di rin nakatiis si Kian at lumapit rin sa kwarto ni Flin para makinig ngunit nung ididikit na nya yung tenga nya sa pintuan syang bukas naman ni Kim ng pinto.

"Anong ginagawa mo tol?"

"Ha? A... Ano... nag iistretching..." dali-dali nga syang nag inat-inat para maka lusot.

"Okay? Matulog ka na maya-maya dahil maaga pa tayo bukas."

"O--Oo... Ha...Ha...Ha..."

***

Bago makauwi sila Kelly kanina sa Dela Cruz residence nag punta rin ng mall si Flin para makipag kita sa mga kapatid nya.

"Kuya!!!" Ang masayang salubong ni Kelly kaya naman nag alala ang mga kuya nya at si Patrick dahil nag tatakbo ito sa sobranh excited na mayakap si Flin.

" Babysis!" Ang sigaw naman ng mga kuya ni Kelly kasabay rin naman ang sigaw ni Patrick na "honey!!!"

Muntik mutikan pa nga si Kelly matapilok buti na lang na salo agad sya ni Flin at sabay-sabay namang nakahinga ng malalim sila Patrick at ang mga kuya ni Kelly.

"You okay Bunso?" Ang tanong ni Flin pero di sya sinagot ni Kelly dahil niyakap sya nito ng mahigpit.

"I miss you kuya."

"Namiss rin kita pero bunso dahan-dahan ka naman sa paglalakad mo. Nakakatakot ka eh. Alalahanin mo buntis ka."

Lumapit naman sa dalawa sila Patrick "hehe... sorry kuya."

"Honey naman! Mag dahan-dahan ka naman paano nalang kung di ka nasalo ni kuya Flin?"

"Kaya nga wag mo ng ulitin yon!" Ang sabay-sabay namang sambit ng mga kuya ni Kelly.

"Okay, okay chill lang kayo masaya lang ako kasi kasama ko kayong lahat dito."

They sighed and smiled "yeah... anyways, kamusta ka kuya?" Ang tanong ni Kian.

"Ayos lang masaya ako at nakita ko kayong lahat muli."

Naiiyak naman si Kelly kaya nag alala sa kaniya ang mga kuya niya at si Patrick "ayos ka lang bunso? May masakit ba sayo?" Ang tanong ni Flin.

"Wala kuya masaya lang ako kasi di na kayo mag kakaaway. Masaya ako kasi bati-bati na kayong lahat. BOOHOO..."

Napalakas ang pag iyak ni Kelly kaya naman nakaagaw sya ng pansin ng karamihan "ha...ha...ha... wala po ito ayos lang po sya. Ha... Ha... Ha..." ang nahihiyang sambit ni Keith sa mga taong nakatingin sa kanila.

"Shhh...babysis chill ka lang dumadami na ang nakatingin satin." Ang sabi naman ni Jules.

"Don't cry na baka kala nila sinasaktan ka namin." Sambit naman ni Julian.

"Sniff... Sniff...sorry masaya lang po kasi ako...Sniff... Sniff..."

They can't help her but smile and they kissed Kelly's forehead "awww... are they siblings? Ang sweet naman nila." Sabi ng isang babaeng nakakita sa kanila.

Pero sa ibang nakamasid hindi talaga mawawala ang mga tsismoso at tsismosa "sino naman kaya sa mga lalaking yun ang tatay ng pinag bubuntis nya?"

"Oo nga grabe sya lang yung babae tapos ilan yung lalaking kasama nya. Ibang klase."

Ang hindi alam nung nag tsitsismisan na nasa likuran nila si Mr. Sensen " huh! Bakit kaya may mga taong sakit ng lipunan? Walang alam kung hindi mag tsismisan."

"Excuse me?" Sabi nung isa sa mga babaeng nag tsitsismisan.

"Dadaan kayo?"

"Are you insane?"

"Me? Are you talking to me? Kasi di ako nakikipag usap sa mga "gossipers" lalo na kung di naman ka level ng mga boss ko."

"YOU!!!"

Inawat naman nung isang babae yung babaeng  nakikipag usap kay Mr. Sensen.

"Sorry but I have to go baka hinahanap na ko ng may ari ng mall na ito. Adios mi chismakers."

"ANO?! Hoy!!!"

"Chismakers? Is he accusing us na tsismosa?"

Nakita nung isang babae na nag punta si Mr. Sensen sa lugar kung na saan sila Kelly

"look!"

Napatingin yung babaeng naka sagutan ni Mr. Sensen dun sa tinitignan ng kaibigan nyang tsismosa rin "what the? Yun ba yung pinakabatang CEO dito sa bansa na si Patrick Santos?"

"Girl, at yung babaeng buntis sya yung asawa nya na si Kelly yung may founder ng kabubukas mo palang na milktea shop diba nag franchise ka?"

"Oh my! She... She really is Madam Kelly!!!" Nanlambot namang bigla ang mga tuhod nya.

"Girl, you okay?"

"I think I'm dying."

"Girl!!! Hang in there."

Samantala...

"Anong meron dun?" Ang sabi naman ni Patrick dahil nakita nyang may nagkakagulo at ang sanhi nga noon eh yung babaeng nag tsitsismisan na nahimatay dahil sa kahihiyan.

"Ah, nothing Chairman mga ipis lang yun na feeling butterfly."

"Ha?"

"Basta yun na yon Chairman bilisan nyo na dyan naiiwanan na nila tayo."

"Minsan talaga parang kakambal ka na ni Kelly eh sabihin mo ikaw ang alter ego nya no? Di ko maintindihan mga sinasabi nyo kung minsan."

"Bilisan nyo na wag na kayong madami pang sinasabe." At tinutulak tulak nya pa nga si Patrick.

"Hey, don't push me."

"Gusto nyo buhatin ko kayo?"

"Heh!"

"Nga pala Chairman..."

"Hmm?"

"Bago po kami pumunta dito sa mall ni Sir Flin may dinalaw sya sa hospital pero hindi po yun si Sir Kemwell."

"Eh? Sino? Kilala ko ba?"

"Hindi po Chairman bago lang din po sakin ang mukha pero mukhang close po kay Sir Flin."

"Do some investigation."

"Yes Chairman."

Hiyiee geysh!♡

Sorry po kung di po ako parati nakakapag update naging busy na naman po kasi ang makulit nyong author. ^¿^

Bawi nalang po ako sa inyo sa January na po siguro pero sa ngayon baka madalang po ako makaka pag update sana po maunawaan nyo. ;-;

.

.

.

btw, may update po ako sa dalawa ko pang tagalog novels:

.

.

● Chasing Her Smile

● PRIDE of Friendship

lyniarcreators' thoughts