webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
455 Chs

Kabanata 328

Ang pagpapatuloy ng nakaraan…

Kinaumagahan nag aayos na sila Kian ng kanilang mga bagahe para pauwi ng Manila sa hapon.

"Knock…Knock…"

"Pwede bang pumasok?" Ang sabi ni Kelly sa mga kuya nya na nasa hotel room ni Kevin.

"Um. Patapos na kami dine." Ang sagot naman ni Kim.

"May problema ba?" Ang tanong naman ni Kian.

Naupo naman si Kelly sa kama habang naka upo naman sa sahig ang mag kuya niya na nag titiklop ng mga damit nila at iba pang abubot na pampasalubong sa kaanak nila sa Manila.

"Nakapag ayos ka na ng gamit mo?" Ang tanong naman ni Kevin.

"Um. Kagabi inayos na ni Patrick."

"Bakit ma putla ka ayos ka lang ba?" Ang nag aalalang sambit ni Kevin kaya lumapit ito sa kapatid.

"Ayos lang ako kuya."

"Hindi ba ang sabi namin sayo wag kang mag paka stress magiging okay rin si Julian." Ang sabi naman ni Kian.

"Hindi naman kuya hindi lang talaga ako mapagkatulog lately."

"Gusto mo bang dalhin ka na namin sa hospital?" Ang nag aalala namang sambit ni Kim at lumapit na rin kay Kelly.

"Hindi na uuwi na rin naman tayo ng Manila."

"Kaya ka ba nag kakaganyan sa kadahilanang ayaw sumama ni Julian satin?" Ang seryosong sambit ni Kian.

"Ahm…"

"I knew it! Ano ba naman Kelly?! Hindi pa ba kami sapat ng mga kuya mo?"

"Kuya…" Ang sambit ni Kevin na para bang umaawat sa kuya Kian nya.

"Hinde, mabuti ng malaman rin nya ang side natin ano ganito nalang parati? Tayo nalang lagi ang magiging considerate?"

"Kuya… sorry…" Ang mahinahong sambit ni Kelly.

"No need to say sorry ang akin lang tignan mo naman yung mga taong nag alaga sayo ng ilang taon may nakita ka lang na iba ipag papalit mo na kami?"

"Hindi naman sa ganun kuya gusto ko lang ay ang mabuo ang pamilya natin."

"Mabubuo? Kelly, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Una, wala na si daddy pangalawa, may kani-kaniyang suliranin ang mga kapatid natin at pangatlo, hindi kami mag kakasundo tapos sasabihin mo gusto mong mabuo? Sige nga paano?! Wag ka namang maging selfish Kelly. Isipin mo rin naman ang nararamdaman namin. Kinonsider mo na ba na gusto naming makasama yung mga kapatid natin sa labas? Hindi! Kasi nag dedesisyon ka lang ng sa sarili mo, baket? Kasi iniisip mo pag bibigyan ka namin kesyo ano? Dahil ba bunso ka? Kelly naman! Nakaksawa na! Kung ayaw nilang makipag ayos pwes ayaw rin namin naiitindihan mo?"

At nag walked out si Kian "kuya…" Ang pahabol na sambit naman nila Kim at Kevin.

"Sige na ako ng bahala sa isang yon. Wag ka ng mag alala dyan okay?" ANg sabi ni Kim kay Kelly at sinundan ang kuya Kian nila.

Bigla namang umiyak si Kelly at nag worry naman si Kevin "bu—bunso… tahan na hindi makakaigi sayo ang pag iyak baka mapano ka wag mong masyadong istressin ang sarili mo. Nasabi lang ang mag yun ni kuya Kian kasi mahal ka nya at ayaw ka nyang masaktan."

"Nagiging pabigat na ba ko sa inyo?"

"Bakit ka naman magiging pa bigat samin? Eh mga kuya mo kami at responsibilidad ka namin." Ang sagot naman ni Kevin na pinupunasan ng panyo ang luha ng kapatid.

"Sabihin mo kuya problema lang ba lagi ang dala ko? Ayaw nyo na ba talagang maging buo tayong mag kakapatid?"

"Alam mo kasi bunso may mga bagay na hindi nakukuha sa santong paspasan eh. Minsan it takes time para maging maayos ang lahat. Siguro magiging okay rin naman tayong mag kakapatid balang araw kaya sana wag mong madaliin okay?"

"Um. Sorry kuya."

Niyakap ni Kelly ang kuya Kevin nya at umiyak ng umiyak "sya tahan na hindi naman galit sayo si kuya kailan ba naman ako nagalit sayo? Kung ano ang gusto mo dun rin ako alam mo namang kampi tayo eh."

"Boohoo…salamat kuya."

"Tahan na sige ka baka pumangit si baby sige ka hindi namin yan tanggapin."

Lalo namang umiyak si Kelly "WAHHHHH…"

"Ah… Eh… joke lang naman maging ano pa man yang magiging anak mo syempre tatanggapin namin nila kuya after all walang Dela Cruz na pangit maliban kay Vince."

"Pffft…susumbong kita."

"See, ang babaw lang ng emosyon mo kaya naman ang bilis mo ring mag tiwala kaya sana babysis baguhin mo yan kasi baka yan ang mag dala sayo sa kapahamakan balang araw. Ang corny ng joke ko tumawa ka na agad well, di naman ka gwapuhan kasi si Vince ano?"

"Ehe…susumbong talaga kita kuya. Pero ganun ba talaga ako kuya? Sobrang babaw ko lang na tao?"

Naupo naman si Kevin sa tabi ni Kelly at ibinigay yung panyo "hindi naman pero kasi gaya nyan nag titiwala ka agad porket ka dugo natin misan kasi bunso kahit ka dugo yun pa ang nag dadala ng kapahamakan sayo. Pero hindi ko naman sinasabing sila Julian at Julio yun pero based on my opinion lang ha wala akong tiwala talaga sa mag kapatid na yon eh."

Napahinto naman sa pag pupunas ng luha nya itong si Kelly "hmmm? Bakit naman kuya? Mabait kaya si kuya Julian well, si kuya Julio kasi ngayon ko palang nakita kaya hindi ko pa talaga masasabi."

"See, ,may instinct ka na ganun kaya yun ang pairalin mo wag yung pagiging mababaw mo tumingin ka sa malawakan na pwedeng mangyare sa future wag ka lang mag stick sa isang paniniwala mo. Kaya may plan a, b, c at marami pang alphabet letters na pwedeng maging part nito."

"Noted po kuya."

"Okay, sige na bumalik ka na sa hotel room nyo ni Patrick at mag ayos ka ng gamit mo baka may maiwan ka sige ka ang layo ng Cebu sa Manila."

"May eroplano naman eh."

"Haysss…na mamana mo na yan kay Patrick ha. Hindi ganyan ang tinuro namin sayo nila kuya. Hindi porket may pera hala sige gastos alalahanin mo madadagdagan na ang miyembro ng pamilya nyo kaya mag tipid. Okay?"

"Opo Sir."

"Sus…lakad na at i-double check mo ang mga gamit nyo siguraduhing walang naiiwan."

"Sir, Yes Sir."

Pag labas naman ng hotel room ni Kelly na kita nya si Julio na pasakay ng elevator.

"Si kuya Julio ba yon?"

Sinundan nya ito at nakita naman siya ni Mr. Sensen na may sinusundan kaya sinabi nya agad yon kay Patrick "Si Kelly? Sumakay ng elevator?"

"Opo Chairman hindi po ba mamaya na ang alis nyo?"

"Anong nyo? Natin bakit hindi ka ba sasabay?"

"Ah…sasabay naman po. He…He…"

"Pero, may nakita ka bang kasama nya?"

"Ah…eh… hindi ko po nakita eh sasara na po kasi yung pinto ng elevator."

"Tukmol ka! Imbes na sundan mo yung asawa ko ako pumasok ka pa dito hala sige sundan mo."

"Ye---Yes Sir."

Hinila naman ni Patrick yung damit ni Sensen "Cha—Chairman?"

"Mabuting sumama na ko baka kasi hindi ko malaman ang lahat ng pangyayare eh hindi ako sure sa loyalty mo."

"Chairman naman… syempre sa inyo po."

"Heh! Bilisan mo."

"Opo."

At sinundan nga nung dalawa si Kelly buti nalang at may operator dun sa loob ng elevator at nalaman nila kung san bumaba si Kelly.

"May kasamang lalaki?" Ang sambit nung dalawa dun sa lalaking operator ng elevator na taga pindot.

"Yes Sir, narinig ko po niyakag nung lalaki si Ma'am na mag breakfast dun po sa baba."

"Aba't!" Ang na iinis na sambit ni Patrick.

"Chai…Chairman…huminahon kayo."

May paghawak pa nag itong si Sensen kay Patrick "bitawan mo nga ko nasa loob pa tayo ng elevator sa tingin mo magwawala ako dine?"

"Ah…eh… baka lang naman po inaalala ko lang naman kayo."

"Eh kung ikulong kita dine gusto mo?"

"Chairman naman…"

"HEH!"

At pag kababa nung dalawa sa may ground floor hinanap agad ni Patrick si Kelly dun sa may eating area ron at pasubok-subok sila "Chairman, di ba po si Sir Julian yon? Pero parang may mali…"

Bineltukan naman ni Patrick si Sensen habang nag tatago sila sa likod ng newspaper sa kalapit na table kung nasan sila Kelly at Julio "tungaw! Si kuya Julio yan ang kakambal ni kuya Julian."

"Ohhh…kaya pala iba yung awra at yung pananamit parang model."

"Engot! Model talaga yan wag ka na ngang maingay at baka makahalata sila na nakikinig tayo umorder ka nalang nag pagkain bilis."

"Ye—Yes Chairman."

At nakinig nga yung dalawa sa usapan nung mag kuya "ahh…ganun po ba wala po yun pasensya na rin po kayo sa inasal nila kuya Kian nung nakaraan." Ang nahihiyang sambit ni Kelly.

"How old are you?" Ang out of the topic na sambit ni Julio.

"P—Po? A---Ahm… 26 years old na po ako."

"Ohhh…so Julio and I are 3years older than you."

"Ahhhh… 29 na po pala kayo ni kuya Julian isang taon lang po pala ang agwat ni kuay Kevin sa inyo."

"Ohhh…I see."

"Hindi nyo po alam?"

Umiling lang si Julio "ahm… alam ko po hindi pa tayo ganoong mag kakilala ng lubusan pero pwede po bang mag request?"

Napatigil sa pag inom ng kaniyang tsaa si Julio at sinabing "ano yon?"

"Pwede po bang makipag ayos na kayo kay kuya Julian?"

Julio smirked "ah…ahm… a—ano po kasi…"

"Ikaw."

"A—Ako po??"

"Tell me, bakit hindi ka galit samin?"

"Po?"

"Lemme direct you to the point ayoko sayo."

"P—Po? Pe---Pero…"

"Oo alam mo kung bakit?"

Umiling lang si Kelly dahil hindi naman nya talaga alam pero nangingilid na ang mga luha nya dahil nagulat sya sa sinabing iyon sa kaniya ni Julio "buong buhay namin ni Julian hindi namin nakasama si daddy ng matagal and you know hindi lang ako galit sayo dahil galit na galit ako sayo!"

"So—Sorry po."

"Sorry? Huh! Pinili ni daddy na mag celebrate ng birthday mo kesa ang makasama kami ni Julian alam mo hindi ako naiinggit sayo kinamumuhian kita!"

Nang mga oras na yon unti-unti ng pumapatak ang luha ni Kelly at gusto na ring lumapit ni Patrick dahil nakikita nyang naiyak ang asawa nya pero pinigilan sya ni Sensen "Chairman, kumalma muna kayo hayaan nyo lang muna si Madam ang mag handle ng sitwasyon."

"Pero…naiyak na sya at sobra na ang sinasabi ng kuya Julio nya hindi na tama yon."

"Mas makakabuti po na malaman ni Madam na ganyan ang tingin sa kanya ni Sir Julio alam naman po natin na ayaw rin nila Sir Kian kay Sir Julio dahil hindi pa naman nila alam kung ano talaga ang tunay na ugali nito. Mabuti pong habang maaga malaman ni Madam ang tunay na ugali ng kuya Julio nya."

Kung kayo si Kelly anong gagawin nyo para mapagbati ang mga kapatid nyo na iba-iba ang prinsipyo sa buhay? (⊙.⊙(◉̃_᷅◉᷅)⊙.⊙)

• Comment it and lemme know your opinion. (>‿◠)

• Mag update po ako sa Sunday ng chapter sa “Chasing Her Smile” Abangan nyo po sana.

(•ؔʶ̷ ˡ̲̮ ؔʶ̷)✧

lyniarcreators' thoughts