webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
455 Chs

Kabanata 319

At nang makarating sila Kian sa bahay ng uncle Mike nila nakita nilang masayang nag lalaro ang kapatid nila kasama si Ethan.

"Andito na kami." Ang sabi ni Uncle Mike.

"Oh, andiyan na pala kayo tamang tama nakahain na po ang hapunan umalis lang po si Mommy sandali. Mga brad kamusta?"

"Ayos lang pero ano ang nilalaro nyo at di maingli ang kapatid namin?" Ang tanong ni Kevin.

Lumingon naman si Ethan "ahhh... anu pa edi yung paborito nating laro ang scrabble... Little princess andine na ang mga princes mo."

At dali-dali namang lumapit si Kelly s a kuya Kian niya at niyakap niya ito kaya at once ngumiti rin si Kian na kanina pa badtrip "mga kuy's ang saya po pala ng scrabble? Tinuruan po ako ni kuya Ethan pero hindi ko pa po maintindihan yung iba."

Niyakap naman ng mahigpit ni Kian si Kelly "wag mo ng uulitin ang ginawa mo ha?"

"Kuya?"

Napa buntong hininga nalang ang ibang kuya ni Kelly at nag patuloy na rin sila sa pagkain ng hapunan "gaya pa rin ng dati ang sarap mag luto ni auntie." Ang busog na busog na sambit ni Keith habang nag to-toothpick pa.

"Hoy! Mahiya ka nga ang dami mong nakain ikaw ang mag hugas ng mga pinggan." Ang sabi ni Kim.

"Nako, hindi na ako nalang brad sanay naman ako diyan." Ang sabi naman ni Ethan.

"Eh? Gaya rin po kayo ni kuya Kevin mahilig din sa pag huhugas ng pinggan?" Ang sambit naman ni Kelly na nakain ng icecream.

"Bunso kaya lang ako nag huhugas ng pinggan kasi ako lagi inuutusan nila kuya kaya wala akong choice." Tumingin pa sya ng patago sa mga kuya niya pero ang sama na ng tingin ng mga kuya nya sa kaniya. "Ha... Ha... Ha... pero naging hobby ko na rin naman talaga ang pag liligpit. Ha... Ha... Ha..."

At sabay-sabay namang nag smirked yung tatlo kay Kevin "nga po pala bakit wala pa po si Auntie?" Ang tanong ni Kelly na nakain pa rin ng icecream.

"Ahh... tumawag kasi ang kapatid niya na galing sa England dumating na kasi kanina kaya sumama muna sya sa pag sundo." Ang sabi ni Ethan.

"Kelly, tama na yan gabi na baka ubuhin ka." Ang sabi ni Kian.

"Pero kuya konti nalang po ubusin ko nalang po muna."

Kian sighed "sya sige na."

"Little princess may ibibigay sayo si ninong kaya tama na muna yang icecream." Ang sabi ni Mike At mag winked kay Kian.

At pandalas namang inilapag ni Kelly yung tasa ng icecream niya sa mesa "ano po yun?"

"Excited ka na?"

"Opo ninong."

Kinuha ni Mike ang kulang envelope sa bulsa ng pantalon nya at ibinigay kay Kelly "hmmm? Red envelope po?"

"Oo bilis buksan mo baby."

"Eh? May laman po?"

"Um. Tignan mo bilis."

At binuksan nga ni Kelly yung red envelope na bigay ng ninong Mike niya at nakita nyang pera pala ang laman nito kaya napatingin sya sa mga kuya niya "hindi po... hindi po ako pwede."

Napatingin naman si Mike kila Kian dahil ibinabalik ni Kelly sa kaniya yung pera "ah... hindi po kasi sya sanay sa pera kaya sige na po kunin niyo na Uncle hindi kasi namin sya tinuturuan na mag pera." Ang sabi ni Kian.

"Ohhh... ganun pala pero bigay ko talaga yan kay Kelly ang tagal na rin naming hindi nagkikita kaya anlaki na ng utang ko sa kaniya."

"Pero ang laki po nyan para sa batang tulad ni Kelly."

"No worries brad malapit na din naman ang birthday ni Kelly kaya kasama na diyan ang regalo ni dad." Ang sabi ni Ethan.

Habang nag uusap sila Kian May nakita si Kelly sa sala na isang electric snowball "wow!!!"

"Hmm?" Ang reaksyon ng lahat.

"Snowball po ba yun?"

At sabay-sabay namang napatingin ang lahat sa tinitignan ni Kelly "Ahh... oo sa Ninang mo yan." Ang sabi ng ninong Mike niya.

Bumaba si Kelly sa upuan at tinulungan naman sya ni Kevin "dahan-dahan..."

"Opo, pwede kobpong hawakan?"

"Sige lang." Ang sabi ng ninong Mike niya.

"Kelly dahan-dahan baka mabasag mo wala tayong ibabayad diyan." Ang sabi naman ni Keith.

"Haha... mura lang naman yan brad." Ang sabi naman ni Ethan.

At pinagmamasdan lang nila si Kelly na tuwang tuwa sa snowball "nabanggit sakin ni Ethan na may problema kayo sa daddy nyo?"

"Ah... sorry mga brad nabanggit ko kay dad para na rin ka ko mabigyan nya kayo ng payo."

"Ayos lang sa ngayon hindi namin alam ang gagawin. Kayo tito kung kayo ang nasa katayuan ni daddy anong gagawin nyo?" Ang tanong naman ni Kian.

"Kung ako naman ang daddy nyo hindi na ko babalik sa Cebu."

"Yun na nga uncle ewan ko ba kay daddy may pag punta pa dun."

"Pero kuya gusto lang din naman malaman ni daddy ang katotohanan kung kapatid ba talaga natin yung kambal." Ang sabi ni Keith.

"Pero mali din talaga ang daddy niyo pero hindi ko rin naman sya masisisi iba talagaang karisma ng ama nyo eh."

"Hirap na hirap na nga rin po ako daming chix sa school na nag hahabol." Ang kala mo naman kung sinong sambit ni Keith kaya nabatukan sya ni Kian.

"Kuya naman!!!"

"Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka!"

"Hayaan nyo kakausapin ko ang daddy nyo sa ngayon wag na muna kayo mag sasabi sa Mommy nyo mahirap na baka kung ano maisip nun."

"Opo uncle." Anila.

At tahimik lang nilang pinagmamasdan si Kelly na tuwang tuwa sa snowball.

"."

Kinabukasan,

Nagising si Kelly na busy sa bahay nila para sa ika limang kaarawan nya para sa makalawa.

"Hmm? Kuya Kevin ano ang ginagawa nyo? Where's mom?"

"Oh..." binuhat ni Kevin si Kelly "kanina ka pa ba gising? Nag aayos lang dito para sa birthday party mo sa makalawa si Mama naman nasa market may kailangan lang sila bilhin nila kuya Kian."

"Ohhh... pero gutom na po ako."

"Okay sige pupunta tayo sa kusina tapos ikukuha kita ng makakain mo."

"Um. Ahm... kuya..."

"Ano yon may kailangan ka pa ba?"

"Wala naman po pero bakit wala pa po si daddy? Sabi niya uuwi po sya agad."

"Ha? Ah... Eh..." nakita niya si Vince kya tinawag nya ito "Vincey!!!"

"Hmmm?" Reaction ni Kelly.

Lumapit naman si Vince sa kanila "kuya Kevin bakit po?"

Ibinaba ni Kevin si Kelly "Ayan mag laro muna kayo kukuha lang ako ng pagkain nyo okay?"

"Pero kakain ko palang po." Ang sabi ni Vince.

Iniabot ni Kevin ang kamay ni Kelly kay Vince "sige na ikaw na munang bahala kay Kelly."

"Po? Pero kuya..."

At kumaripas na ng takbo papalayo si Kevin dahil naiwas syang pag usapan ang Daddy nila "gusto mo mag laro ng baril barilan?"

"No."

"Ha? Ahm... akong gusto mong laruin?"

"Scrabble maganda yun magiging matalino ka."

"Ano?! Ano yung scrabble?"

"Board game yun." Ang sabi naman ni Alice.

"Ate Alice!!!" Ang bungad ni Kelly.

"Ano yung scrabble ate?" Ang tanong ni Vince.

Pinitik naman ni Alice ang niyo ng kapatid niya "puro ka kasi baril barilan gayahin mo si Kelly pang matalino ang laro."

"Pero bata pa ko."

"Mas matanda ka pa nga kay Kelly ng isang taon pero alam na nya ang laro g scrabble alam mo minsan di ko rin alam na kapatid ba talaga kita?"

"Ate!!!"

"Hahaha... ikaw naman di na mabiro." At pinisil nya ang pisnge ng kapatid niya.

"Ate Alice nakita niyo na po ba si Daddy?"

"Hmm? Wala pa si uncle bakit?"

"Wala naman po sabi kasi nya uuwi po sya agad eh."

Nalungkot namang bigla si Kelly ag nagkatinginan naman sila Alice at Vince "Ahm... ganito nalang laro muna kayo ni kuya Vince mo tapos tatawagan ko si Uncle tapos papakausap ko sayo ayos ba yon?"

At ngumiti na nga itong si Kelly "sige po."

"Ayos sige maiwan ko na muna kayong dalawa ha?"

"Opo."

"Hoy Vince ikaw na munang bahal sa pinsan mo."

"Oo na ate."

Piningot naman ni Alice ang tenga ng kapatid niya "aray ate!!!"

"Dapat lang yan sayo ang laki ng agwat ng edad ko sayo pero hindi ka man lang gumaya kay Kelly marunong gumalang. Marunong sya ng opo at po nako ikaw naman jusme!"

"Ate bata pa nga ako!!!"

"Heh! Tigilan mo Vicente!" Nag iba naman ang mood nga nung kinausap niya si Kelly "sige na baby aalis muna si Ate medyo maingay dito sa part na ito eh baka di ko matawagan si uncle."

"Sige po."

"Okay sige."

At habang papaalis si Alice sumenyas pa sha sa kapatid nya na para bang sinasabing "umayos ka!"

Pero ang ending hindi na pinakaupsap ni Alice sa uncle niya si Kelly dahil hindi pati pala ito nakakauwi. Kaya nilibang nalang nya ang mag lilimang taon na si Kelly. Pero kahit bata pa ito mabilis na syang maka pick up ng mga bagay-bagay sa murang taon marunong na agad ayang mag scrabble kahit na mabababang salita pa lamang ito at tinutulungan pa sya ng mga kuya nya. Kaya noon pa man scrabble na talaga ang naging paboritong laro ni Kelly.

***

Isang araw bago ang kaarawan ni Kelly...

"Buti tulog na si Kelly nakatulog na sa kababasa ng librong bigay ni Alice." Ang sabi ni Kevin sa mga kuya niyang nag aayos ng mga balloons.

"Mabuti naman kung ganon mag tatanong na naman kasi yun kung nasan na si Daddy." Ang naawang sambit ni Keith habang nag tatalo ng lobo.

"Kaya nga eh naiwas na nga laang din ako na pag usapan ang tungkol kay Daddy naawa kasi ako kay Kelly miss na miss na nga ang Idol nya."

"Hayaan mo na sabi naman ni dad uuwi sya ngayong gabi."

"Nag text sayo?" Ang sabay sambit nila Kian at Kim.

"Um. Hindi ba nag sabi sa inyo?"

"Hinde, di naman ako nag tetext na din kasi kay Daddy naiinis kasi ako sa kaniya pinag iintay nya tayo lalong lalo na si Kelly." Ang nagagalit namang sambit ni Kim.

"Tama na yan baka biglang magising si Kelly marinig pa kayo na nag uusap tungkol kay Daddy." Ang sambit naman ni Kian na nag gugupit ng pang design para sa fairy theme na birthday party ni Kelly.

"Pero sigurado naman daw ba si Daddy na uuwi sya? Malulungkot talaga si Kelly pag di umuwi si Daddy." Ang sabi naman ni Kevin na di makagawa ng gagawin nya.

"Pupunta si Daddy maniwala kayo." Ang sabi no Kian kahit na deep inside nararadar nyang di makakaabot ang ama nila sa kaarawan ng bunso nilang kapatid.

***

Kasalukuyan,

"Ano Doc kamusta po ang asawa ko?" Ang sabi no Patrick dun sa babaeng doctor habang nakahiga at di pa nagkakaroon ng malay si Kelly kaya na pa confine ito sa hospital kung nasasaan ang nanay ni Julian.

"No worries Mister ayos lang po ang asawa n'yo pero wag n'yo nalang syang iistresin masyado kasing maselan ang pag bububtis nga kaya paunawa lang po sana na wag na kayong mabibigay kay Misis ng oka iistress nya sa buhay."

Napatingin naman si Patrick sa mga kuya ni Kelly na parang ang sama ng tingin sa kaniya bigla dahil sa sinabi nyang iyon "si— sige po Doc maraming salamat po."

"Sige po mauuna na ako kung may nangyare man pag gising ni Misis paki tawagan nalang po ako sa nurse."

"Yes Doc,salamat po uli."

At pagkalabas nga ni Doc nag simula na naman ang diskusyunan at nauna na nga rine si Patrick "Ahm... alam ko po wala ako sa posisyon na mag salita dahil asawa lang naman ako ng kapatid n'yo pero paaa na din po sana maging aware ang lahat please lang po wag na muna kayong mag away-away kapag nasa harapan n'yo si Kelly alam n'yo naman pong buntis ang kapatid n'yo kaya sana konting konsiderasyon naman po."

"Um. Sorry ako na ang humihingi ng tawad para kay Jules." Ang sabi naman ni Julian.

"Why? Wala akong ginagawang masama yang mga yan ang na una hindi magkaka ganyan si Kelly kung nag uusap tayo ng mahinahon hindi yung mananapak agad." Ang galit na sambit ni Jules.

"Ako pa ang pinariringgan mo?!" Ang galit ring sambit ni Kim na balak pang sugudin si Julio.

"Enough! Hindi n'yo ba narinig ang sabi ng doctor?! Mahiya naman kayo sa asawa ng kapatid natin sya pa ang nahingi ng konsiderasyon satin eh tayo ang kapatid ni Kellh." Ang naiinis namang sambit ni Kian at lumapit sya kay Kelly at humagod hagod ang kamay nito. "Okay, mamaya lalabas ang lahat dine maliban kay Patrick na mag babantay kay Kelly. Mag open forum tayong mag kakapatid." Dagdag pa ni Kian.

"Pero kuya!!!" Ang galit paring sambit ni Kim na hindi pa nahinahon.

"Ang sino mang hindi sumama sa open forum hindi na makakalapit pang muli kay Kelly. Naiintindihan n'yo ba?!"

"O— Oo kuya." Ang sagot ng lahat.

"Sige na Patrick ikaw na munang bahala sa kapatid namin kapag may kailangan ka mag text o tumawag ka lang nasa labas lang naman kami."

"Opo kuya."

At ng makalabas na nga ang nga sila Kain sya namang mulat ng mga mata ni Kelly "gising ka na?!" Ang natutuwang sambit ni Patrick.

"Ano sa tingin mo tulog pa ko?"

"Wifey naman..."

"Bilis ibangon mo ko."

"Ha? Pero hindi pa pwede delikado."

Piningot naman ni Kelly ang kaliwang tenga ng asawa nya "arte lang yon ayos lang talaga ako."

"Ano? Ginawa mo na naman? Wifey naman alam mo bang aatakihin na ako sa puso nung nahimatay ka? Tapos arte lang pala ang lahat ng yon?"

"Syempre naman gagawin kong lahat magkabati lang ang mga kuya ko. Tawagan mo nga si Mr. Sensen tanungin mo kung nahanap na nga ang pinapahanap ko."

"Wifey naman!!!"

"Ano?! Dede ka ba? Para ka namang batang inagawan ng dede eh. Arte nga lang ang lahat at okay pa ako sa alright!"

Patrick sighed "okay, okay pero naman sa susunod na aarte ka sabihin Mon naman sakin sige ka baka mabalo ka ng maaga aatakihin talaga ako sa puso sa mga ginagawa mong yan."

"Haysss... oo na biglaan lang talaga yun alam mo namang magaling ako s apag acting kaya dapat masanay ka na ah."

"Fine pero please naman sasabihin mo sakin ang plano mo tutulungan naman kita eh asawa mo ko hindi ako manghuhula na parati nalang huhulaan ang mga susunod mong moves."

"Sige na, sorry na, promise sasabihin ko na sayk ang mga plano ko bast wag kang maingay okay?"

"Um. Promise rin." at hinalikan nya ang noo ni Kelly "kaya wag ka ng mag lilihim ulit okay?"

Hinalikan rin naman ni Kelly ang noo ni Patrick "Um. Hindi na ko mag lilihim pangako."

Minsan ba naisip n’yo ring bumalik sa nakaraan? Kung kayo ba ang mag kakapatid na Dela Cruz anong gagawin n’yo sa Daddy n’yo kung nambabae ito? Comment lang at pag usapan natin yan pero don’t forget to vote. Thankies! (ง^︠.^︡)ง

lyniarcreators' thoughts