webnovel

Kabanata 316

"Nasan si Ate?"

"Tita Jenny?" Ang sabi ni Kelly.

May babaeng nag tungo sa hospital kung nasasan si Wilma ang kinikilalang ina ni Julian.

Habang nag uusap naman sila Kelly at yung Jenny nag bubulungan naman sila Kevin at Kim kasama na rin si Mr. Sensen.

"Ano? Sya ang tunay na ina ni Julian?" Ang pagulat na sambit nila Kim at Kevin.

"Shhh... wag kayo maingay sikreto lang po yun."

"Pero kuya, hindi ba si Aling Wilma ang nagpa patay kay Daddy? Dahil may selos sya kay mommy at satin hindi ba?" Ang sabi ni Kevin.

"Yun ang alam ko pero hindi ko alam na yan pala ang tunay na ina ni Julian ni hindi ko nga alam na may ganyang kaganapan."

"Pero hindi ba nag pa DNA si daddy kay Julian at totoong kapatid natin sya pero paanong nangyari na sya ang..."

"Opo mahirap paniwalaan pero sya talaga ang nanay ni Sir Julian at matagal na po yung alam ni Madam."

Nagkatinginan sila Kim at Kevin dahil hindi nila inaasahang marami na palang nalalaman ang bunso nilang kapatid.

"Opo tita under obsevation pa po sya eh pero wag kayong mag alala malakas po si nanay Wilma lalaban po sya."

"Nanay? Are you referring to my ate?"

"Ah... eh opo ayos lang po ba? I know kayo naman talaga ang..."

"Its okay, as long as you okay with that and you can also call me nanay too if you want."

"Talaga po? Pero..."

Napatingin si Kelly mula paa gang ulo sa tita Jenny niya dahil sobrang susyalera nito tapos English speaking pa tapos "nanay" lang ang tatawag sa kaniya inisip ni Kelly na hindi ata bagay kung nanay ang itatawag niya rito.

"Are you okay?"

"O— Opo tita may naisip lang po ako, nga po pala papakilala ko po senio sila kuya Kim at kuya Kevin sila po ang mga kapatid ko."

"Ohh... yes I remember them last kita ko sa kanila mga teenager pa eh."

"Kilala niyo kami?" Ang sabay sambit nila Kevin at Kim.

"Of course, after all kapatid kayo ng anak kong si Julian. I hope you guys accept him na."

Natahimik namang bigla ang kapaligiran "ha...ha...ha... may dumaang anghel anyways, tita bago ko makalimutan sya nga pala si Mr. Sensen ang secretary namin ng asawa ko."

"Oh... I see kaya pala hindi ko sya na mumukhaan."

"Ehe... Hello po sa inyo."

"Hi, it's nice to meet you."

"Ako rin po it's very nice to see you po."

"Sino po ang kaanak ng pasyente?" Ang bungad naman na sabi ng isang doktor na lalaki na galing sa E.R o Emergency Room.

"Ako po!" Ang sagot agad ni Jenny.

"Kaano ano ka ng pasyente?"

"Kakambal niya po ako."

"Kakambal?" Ang pagulat na sambit nila Kim at Kevin.

"Shhh..." Ang reaction naman sa kanila ni Kelly.

"Kamusta po ang Ate Wilma ko?"

"Sorry Misis pero ginawa na po namin ang lahat ng anong makakaya ngunit kumalat na po sa katawan niya ang cancer at maipapayo ko lang sa inyo na ihanda nyo na ang mga sarili niyo."

Na out of balance naman na parang nanghihina si Jenny buti nalang na alalayan agad siya ni Kelly "Tita ayos ka lang po ba?"

"Um. I'm fine."

"Sige po mauna na ako sa inyo maaari niyo ng silipin ang pasyente kapag nailipat na sya sa room niya."

"Maraming salamat po doc." Ang sagot ni Kelly at bago umalis yung doctor hinawakan niya pa ang balikat ni Jenny at sinabing "lakasan niyo po ang loob niyo."

At pag kaalis ng Doctor talagang nanghina na ang mga tuhod ni Jenny kaya inalalayan na sya ni Sensen at iniupo sa may bench doon sa hospital.

"Ayos ka lang ba talaga tita?"

"Oo pero iniisip ko kasi si Julian matagal nyang nakasama si Ate natatakot akong baka hindi nya matanggap kapag nawala na ito."

"Wag po kayong mag alala hindi po namin sya pababayaan nila kuya."

Napatingin naman si Kelly kila Kim at Kevin na para bang sinasabi niyang "sumangyon nalang kayo."

Niyakap naman ni Jenny si Kelly "maraming salamat hulog ka talaga ng langit sa amin."

"Walang anuman po iyon. Pero nag aalala po ako sa inyo ayos lang po ba talaga kayo namumutla kasi kayo eh."

"Ayos lang don't worry about me."

"Sige po pero para maka siguro tatawag na po ako ng Doctor para matingnan kayo."

"Sige salamat."

Papaalis na sana si Kelly ng nag prisinta na sumama si Kim at Kevin sa kapatid "Oo sasamahan ka na namin baka maligaw ka pa." Ang sabi ni Kevin.

"Pero ayos lang ako...."

"No, you need company buntis ka so you need to take care of yourself." Ang sabi naman ni Kim.

"Kung gusto niyo po ako nalang ang tatawag dumito nalang po kayong lahat." Ang sabi naman ni Sensen.

Pero hinila naman na nila Kevin at Kim ng dahan-dahan "hindi na kami nalang." Anila Kim at Kevin at nag patuloy na nga sila sa pag alis kasama si Kelly na napipilitan.

"Sandali nga nasasaktan na ko!" Ang pagalit na sambit ni Kelly sa mga kuya niya at tumigil sila sa pag lalakad.

"So— Sorry babysis." Ang sagot nung dalawa.

"Ano ba kasing kailangan nyo?!"

"Kuya ikaw na." Ang sabi ni Kevin kay Kim.

"Ano? Bakit ako?"

Napakamot naman sa ulo nya itong si Kelly dahil naiinis na sya dun sa dalawang kuya niya dahil nag tuturuan pa kung sino ang kakausap kay Kelly.

"Enough! Alam kong may kailangan kayo sakin at alam ko rin na kaya nyo ko sinamahan hindi dahil nag alala kayo sakin kung hindi gusto niyong sumagap ng tsismis."

"Bu— Bunso ang samin lang kasi..."

"Okay fine! Oo marami ako nalalaman sa buhay ni kuya Julian pero hindi ibig sabihin nun ay kilalang kilala ko na sya. Tsaka eh ano naman sa inyo? Hindi ba ayaw niyo sakaniya? Kaya bakit pa kayo mag kakaganyan? Tsss! Wag niyong sabihin na concern na kayo kay kuya Julian na noon pa man ay hate na hate niyo!"

At iniwan na ni Kelly yung dalawa "Bunso!!!" Ang pahabol na sambit nung dalawa.

"Ikaw kasi!" Ang sabi ni Kim kay Kevin.

"Ano? Bakit ako? Ikaw nga yung naka isip na sumama kay kuya Kian eh nanahimik kami dine ni Kelly sa Cebu eh. Tapos bigla- bigla nalang kayo sumusulpot ni kuya Kian?"

Bineltukan naman ni Kim si Kevin "Aba't anong gusto mong palabasin hindi na kami pwedeng pumunta dine sa Cebu ni kuya Kian? Gusto mong makatikim?!"

"Ah.. A—Ano kasi kuya... Ang akin lang naman..."

"Heh! Tawagan mo na nga lang si kuya Kian sabihin mo may problema tayo."

"Problema?"

Bineltukan uli ni Kim si Kevin "Ungas! Kita mo na ngang ang dami na nangyare dine kailangan umisip tayo ng paraan para hindi na magalit satin si Kelly."

"Ay, oo nga pala pero kuya kung ang nanay ni Julian ay si Aling Jenny bakit si Aling Wilma ang na parusahan?"

"Hindi ko alam kailangan pa nating mag imbestiga marami pa tayong hindi nalalaman pero isang tao lang ang sigurado akong alam ang lahat."

"Sino?"

"Si Mama."

***

Samantala, kausap ni Patrick si Kian habang papaalis naman na si Julian dahil tinawagan na sya ng nanay niya na si Jenny.

"Ano? Hindi tunay na ina ni kuya Julian si Aling Wilma?" Ang pagulat na tanong ni Patrick habang nakaupo sila sa likod ng sasakyan at nakatanaw sa burol.

"Oo, nung una hindi rin ako maka paniwala pero dahil kambal sila hindi talaga mahahalata."

"Ka— Kambal? May kambal si Aling Wilma?"

"Oo at yun nga ang nanay ni Julian na tumawag sa kaniya si tita Jenny na giliw na giliw kay Kelly."

"Teka kuya, so alam na ni Kelly ang tungkol dun?"

"Oo matagal ko ng pinasusubaybayan si tita Jenny at one time kasama niya si Kelly at kitang kita mismo ng nga mata ko kung gaano nya ito ka gusto."

"Pero wala kayong ginawa?"

"Wala, dahil wala naman syang balak na masama sa kapatid ko."

"Pero kuya kung ang nanay talaga ni kuya Julian ay si Aling Jenny bakit ang nag dusa ng mahabang panahon ay si Aling Wilma? Hindi ba ang nanay ni kuya Julian ang nag papatay kay Daddy?"

"Oo pero, napatunayang wala naman talagang kasalanan si tita Jenny. Si Aling Wilma talaga ang may kagagawan kung bakit namatay si Daddy at mahabang salaysayin pa yon brad."

"Pero hindi ko parin maintindihan. Hindi ba pinikot lang si Daddy ng nanay ni kuya Julian na si Aling Wilma? Pero ngayon ang tunay na nanay pala nito ay si Aling Jenny? Hindi ba at totoong kapatid niyo naman sya?"

"Oo nag pa DNA si Daddy."

"Pero paanong nangyare na si Aling Wilma ang kinalakihang nanay ni kuya Julian?"

"Sabihin na nating wala namang perpektong asawa."

"Hmm?"

"Sayo ko lang sasabihin ito dahil number one fan ni Daddy ay si Kelly kaya hindi sya maniniwala kapag sinabi kong hindi naman talaga responsableng ama samin si Daddy."

"Ha? Hindi kita maintindihan kuya..."

"Sabihin na nating lapitin talaga ng chix ang mga Dela Cruz."

"Okay?"

"Bakit parang di ka naman naniniwala diyan?"

"Ho? Ang akin lang naman eh okay as in okay na okay kasi kahit naman si Kelly habulin din kaya di na po yun bago sakin."

"Well, ganun talaga nasa dugo na namin yon."

"Nasa dugo niyo na rin po ba ang pagiging hambog?" Ang pabulong bulong na sambit ni Patrick pero narinig naman iyon ni Kian kaya bineltukan niya ito.

"Aw... aw... sorry na kuya ang sabi ko po humble hindi hambog."

"Tumigil ka! Kung ayaw mong salaksakin kita ng sapatos diyan."

At nanahimik na nga ireng si Patrick .

"Gaya nga ng sinabi ko wag na wag mong babanggitin kay Kelly na si Daddy ay naging babaero."

"Um."

"Kapag nalaman kong sinabi mo yon malilintikan ka talaga sakin."

Hindi naman nagsalita na itong si Patrick at umiling nalang "mag salita ka nga!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Sa—Sabi mo kasi kuya wag ako mag salita eh."

Umaahakmang sasapakin na sana ni Kian si Patrick pero di niya yun itinuloy "bata palang si Kelly humahanga na sya kay Daddy pero ang hindi niya alam may tinatagong baho ang tatay namin. Nagkaroon ng ilang karelasyon si daddy habang kasal siya kay Mama."

"Eh? Pero paano mo nalaman yan kuya?"

"Kung mapapansin mo hindi naman nagkakalayo ang agwat ng edad ko sa mga kapatid kong lalaki maliban kay Kevin at syempre yun na nga kay Julian kaya hindi naman sa sinasabi kong mga bobo ang mga kapatid ko pero ako ang unang naka radar na may babae si Daddy."

"Talaga kuya? Paano mo nalaman? Nag pa imbestiga ka rin?"

Pinitik naman ni Kian ang kanang tenga ni Patrick "aray! Bakit mo ginawa yun kuya?"

"Anong tingin mo sakin milyonaryo na nung ipinanganak? Malamang ako mismo ang gumawa ng imbestigasyon dahil 3rd year highschool ko lang yun nalaman kaya di ko pa kaya mag hire ng investigator kaya ako mismo ang gumawa."

"Ohhh... astig nun kuya."

"Sa totoo lang hindi yun astig siguro sa iba pero para samin ni Mama katalinuhan lang yon."

"Teka, alam ni Mama ang tungkol sa pambabae ni Daddy?"

"Oo pero wala mahal na mahal niya si Daddy kumbaga martir na kung martir ewan ko nga rin kaya hindi ko rin ginustong maging pulis kung san-san kasi na dedestino. Pero hindi ko naman sinasabing ang nga pulis eh mga babaero siguro yung iba lang at isa na nga roon si Daddy."

"Pero ikaw kuya, anong ginawa mo? Nanahimik gaya ni Mama?"

"Sabihin na nating oo pero ako kasi yung tipo ng tao na prangka kaya sinabi ko kay Daddy ang nalalaman ko sa kaniya."

"Talaga? Ang astig mo talaga kuya kung ako yun nako hindi ko magagawang kumprontahin si Daddy ayoko kasi ng gulo."

"Hindi naman porket sinabi ko yun kay Daddy eh gusto ko na ng gulo ang gusto ko lang ay ang buo ang pamilya namin."

"Ohhh... pero paano si Kelly?"

"Kinausap ko si Daddy ng lalaki sa lalaki nakiusap ako na tigilan na niya yung ganun kung ayaw niyang sabihin ko sa unica ija niya ang lahat ng nalalaman ko nung ipinanganak kasi si Kelly parang hindi pa noon na hinto si Daddy sa pambabae niya marupok eh."

"Eh? Pero menopause baby si Kelly di ba?"

"Oo, marupok nga di ba?"

"Ay, hehe... pero si kuya Julian lang ba ang naging anak ni daddy sa labas?"

"Ahh... Hinde, may dalawa pa."

"Ano?! I mean talaga?"

"Oo pero yung isa naman doon eh kakambal ni Julian si Julio."

"May kakambal rin si kuya Julian?"

"Oo pero nasa ibang bansa yun kasi ang lumaki sa piling ni tita Jenny."

"Ohhh... eh yung isa sino?"

"Yun ang hindi ko pa nakikita pero alam ko taga Bantangas lang yun."

"Oh, eh province nyo yun pero di niyo pa nakikita?"

"Oo, hindi pa, kasi matagal ng wala don yung mag ina ang sabi lumipat na sa Mindanao."

"Wow! Ang layo pero ano yun nakababata nyo ring kapatid?"

"Ah hinde, sya yung kuya naming lahat."

"Kuya nyong lahat? So lalaki uli?!"

"Oo, anak sa pagka binata yun ni daddy sa kabaata ni daddy ang nanay ni kuya Flin."

"Alam rin nila kuya Kim?"

"Oo kilala rin yun nila Kim pero hindi ni Kelly. Hindi na namin sinabi kasi nga wala naman kaming balita na dun."

"Teka, si kuya Flin, kuya Julian at kuya Julio tapos kayo nila Kelly lima so walo pala kayong magkakapatid? Wow such a big family."

"Oo pero kami ang legal dahil si Mama lang ang pinakasalan ni daddy. At yung kay tita Jenny at sa nanay ni kuya Flin ay fling lang. Dahil si Mama parin naman ang mahal ni Daddy in the end."

Hiyie!!!(っ^▿^)

*Kamusta naman po ang lahat? Sana’y nasa maayos kayong kalagayan. Pasensya na po ngayon lang ako naka pag update pero maraming salamat po at parati parin kayong nagbibigay sakin ng vote shoutout po kay Ms. Maui Carolyne and Ms. Alma Canlas na parating may vote araw-araw. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

*At sa lahat po maraming salamat po nagbabalik na uli ang inyong makulit na author na mangungulit na ulit sa KelRick. (ˆ‿ˆԅ)

lyniarcreators' thoughts
Next chapter