webnovel

Kabanata 315

Nag punta sila Kelly sa beach tapos kumain sila ni Julian kung saan nay pinakamasarap na letchon talagang nag enjoy ang dalawa sa kanilang bonding. Kahit na alam nilang tumakas lang sila kila Kian at dahil nga walang dalang bag si Kelly wala syang pera o phone man lang na dala.

"You want to use my phone? Baka nag aalala na sayo si Patrick."

"Ays lang kuya sure naman akong nasa paligid ligid lang ang isang yon."

At totoo nga ang sabi ni Kelly dahil sa katapat na kinakainan nila andun sila Patrick at Sensen na nakamasid sa kanila.

"Buti pa si Patrick kilalang kilala mo na."

"Wag ka ng sad kuya later on naman makikilala pa natin ang isa't isa ng husto may alam ka naman na sakin di ba?"

"Um. Pero hindi gaya nila kuya Kian."

"Kuya, wag ka ng mag alala malay mo mamaya o bukas maging okay rin kayo nila kuya Kian hayaan mo ilalakad kita sa kanila. Mabait naman ang mga yon."

"Babysis salamat talaga ha?"

"Para san? Eh ikaw nga ang nag bayad ng mga na gastos natin."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin dahil nag papasalamat ako na tinanggap mo ako kahit na anak lang ako sa labas ni tatay."

"Tatay? Si Daddy?"

"Um. Hindi kasi ako sanay na Daddy ang itawag sa tatay natin eh."

"Ayos lang yon kuya at least parehas tayo ng tatay kahit na mag kaiba tayo ng nanay ay..."

"It's okay totoo naman kasi na mag kaiba tayo ng nanay eh pero sana lang matanggap na din ako nila kuya Kian kasi pagod na kong maging mag isa lalo pa ngayon..."

"Bakit anong nangyare kuya?"

"Nalaman ko kasing may taning na ang buhay ni Nanay matagal kasi kaming nagakawalay."

"Sorry kuya."

"Wag kang mag alala ayos lang ako anu pa at nag sundalo ako?"

"Hehe... opo nga ang angas niyo, dati gusto ko din po ng ganyan kahit pulis kaso ayaw nila kuya at mama eh."

"Hayaan mo na babae ka kasi kaya ayaw nila."

"Hindi kahit naman naging lalaki ako di parin sila papayag natatakot kasi sila na mangyare sakin ang nangyare kay Daddy eh. Binaril kasi sya ng wala man lang kalaban laban pero alam ko ba kuya sabi nila isa daw yun sa galit kay Daddy kaya pinapatay nila ang tatay natin. Pero mag kagayunpaman naiitindihan ko kasi kasama na yon sa work nila Daddy eh isa syang pulis kaya kahit buhay pa sila nasa hukay na ang isa nilang paa di ba ganun din sa mga sundalo? Mas mahirap pa nga yung sa inyo eh kasi na sabak kayo sa gera mas nakakatakot."

"Natatakot ka na ba na kasama mo ko?"

"Hmmm?"

"No nevermind, so san mo na gusto pumunta?"

"Kay tita Jenny pwede ba kuya?"

Na gulat si Julian sa sinabing iyon ni Kelly dahil nga mas matanda sya dito alam na nya yung nangyare sa tatay nila matagal ng panahon ang nakalilipas "Gu—Gusto mong pumunta samin?"

"Um. Taga dito kayo sa Cebu di ba po?"

"O—Oo pero kasi..."

Hinawakan na ni Kelly ang braso ng kuya Julian niya "tara na kuya pero bago tayo pumunta sa inyo buy muna tayo ng foods ha? Utang muna kuya tapos babayaran ko pag nasa hotel na ko. Send ko nalang sayo via online banking."

Napangiti at na ngilid ang luha ni Julian sa sinabing iyon ni Kelly sa kaniya dahil naramdaman niyang sobrang bait pala talaga ni Kelly na kahit hindi nya ito gaanong kakilala willing ito na sumama sakanila ng walang pag aalinlangan at makita ang nanay nya sa kauna unahang pag kakataon.

"Kuya? You okay?"

"Ha? O— Oo tara na?"

"Um."

Nang umalis nga sila Kelly at Julian sa restaurant na kinainan nila sumunod rin sila Patrick at Sensen sa mga ito.

"Chairman, bakit po di natin dikitan yung kotse nila Madam? Baka mawala sila."

"Alangan naman gusto mo bang mahuli nila tayo na sinusundan natin sila? Alam kong alam na ni Kelly na sinusundan natin sila pero sure rin ako na di nya yon sinabi sa kuya Julian niya."

"Paano n'yo naman po nasabi?"

"Alam mo kapag may asawa ka na malalaman mo na lahat ng gesture o kahit anong tungkol sa asawa mo kumbaga instinct. Basta sure akong alam na ni wifey na sinusundan natin sya matalino ang asawa ko kaya di sya gagawa ng maling hakbang na ikapapahamak nila ng anak namin."

"Sabagay po parang kalkulado kasi ni Madam ang mga ginagawa nya yun nga lang nagkamali sya dito ngayon."

"Actually, hinde nasa plano na rin niya ito para magkaayos ang mga kuya niya."

"Eh? Pero di po alam ni Madam na darating din sa Cebu ang kuya Kim at kuya Kian niya."

"Sabihin na nating ganun na nga pero alam ko na may plan B yan kaya ganun ang ginagawa nya ngayon."

"Ano po ang ibig sabihin n'yo sa plan B?"

"Madali lang alam ni Kelly na galit na galit sila kuya Kian kay kuya Julian kaya lalo pa nyang ininis ang mga ito."

"Ohhh... kaya po ba sumama sya kay Sir Julian?"

"Nadale mo! Hindi ka naman pala slow."

"Chairman naman..."

"Anyways, natawagan mo na ba ang DLRH?"

"Yes Chairman okay na po ang lahat."

"Mabuti kung ganon ngayon mag text ka kila kuya Kian."

"Po?"

"Oo sabihin mo nasan na kayo o kaya naman nahanap niyo na ba si Kelly?"

"Chairman? Ano po ang sinasabi n'yo? Pero hindi ba sinusundan na nga natin si Madam? Bakit ganun pa ang gusto n'yong sabihin ko sa kanila?"

"Oo ganun talaga hindi natin pwedeng sirain ang plano ni Kelly."

"Ano po ang ibig n'yong sabihin?"

"Like what I have said hindi natin pwedeng sirain ang plano ni Kelly."

"Yes Chairman."

***

Sa hardin kung saan hinihinala nila Kian na andun sila Julian at Kelly...

"Sabi ko naman sa inyo di dadalhin ni Julian dito si Kelly!" Ang pagalit na sambit ni Kevin.

"May problema ba Kevin?" Ang pagalit din namang sambit ni Kim.

"Ang... Ang akin lang naman kasi kuya hindi naman porket dito madalas si Julian at ang nanay niya dito nya rin dadalhin si Kelly."

"Tahimik! Kung ang dinadaldal niyo dyan ay iniisip niyo kung saan ang bahay ng lintek na si Julian baka natuwa pa ko sa inyo." Ang nagagalit na ring sambit ni Kian.

"Sorry kuya." Ang ninenerbyos na sagot naman ni Kevin.

"Hindi ba sabi ni Ethan dun parin ang bahay nila Julian?" Ang malumanay na sambit ni Kim.

"Kung doon parin nakatira ang tukmol na yun edi sana kanina ko pa kayo sinabihan na dun tayo pumunta pero hindi di ba? Puro kasi kayo daldal!"

Nagkatinginan naman sila Kim at Kevin na para bang nag sisisihan.

"Tigilan niyo na yan naiinis na ko sa inyo!" Ang galit na galit ng sambit ni Kian at pabulong bulong naman itong si Kevin at Kim.

"Kung hindi naman dahil sa kaniya di aalis si Kelly." Ang pa bulong na sambit nung dalawa.

"Narinig ko yon!"

"So— Sorry kuya." Anila.

Napatingin naman si Kian sa phone nya at nakita nya na may message si Sensen sa kaniya.

"Itext niyo nga si Patrick wala akong load sabihin n'yo wala pa kanyo kayong alam. Pero wag na wag syang tatawag ng pulis."

"Oo kuya." Ang sagot nung dalawa at sinabi ni Kim kay Kevin na sya na ang mag text kay Patrick.

"Ano ng balak natin tol?" Ang tanong ni Kim kay Kian.

"Tawagan mo si Ethan tignan kamo sa NBI ang information ni Julian sa pag makaalala ko laya na ang nanay nya kaya sure akong gugustuhin ni Kelly na mag punta dun."

"Sige tol."

At tinawagan nga ni Kim si Ethan samanatala sa condo unit kung nasasaan ang Nanay at ang bagong bahay nila Julian kasalukuyang nainum ng hot choco si Kelly dahil biglang umulan pag karating na pag karating nila doon.

"Pasensya na hindi high class ang hot choco na inoffer namin sayo ija." Ang nanghihinang sambit ng nanay ni Julian na si Wilma.

"Nako, ays lang po sanay naman din po ako sa mga ganire di naman po ako lumaking may ginto ng kutsara sa bibig ko." Ang sagot naman ni Kelly at humigop sya ng mainit na hot choco na may kapares na otap na malutong na tinapay.

"Sadya ngang anak ka ng Daddy mo sobrang lalim mo rin managalog."

"Ah... nakasanayan na rin po eh lam niyo na Batangeña."

"May punto ka nga babysis sana ganyan din ako."

"Kuya magaling ka naman mag English."

Napakamot naman sa ulo niya itong si Julian at napatingin at ngiti naman ang nanay niya sa kaniya ng palihim na pakiwari ba niya ay masayang masaya sya na makita ang anak na masaya habang kausap nito si Kelly.

"Nay..." nagulat naman ang mag ina sa sinabing iyon ni Kelly "ay, sorry po kayo po kasi ang nanay ni kuya Julian kaya gusto ko lang po na..."

Lumapit naman agad si Wilma kay Kelly at hinawakan nito ang kamay at sinabing "ayos lang masaya nga akong tawagin mo akong nanay o inay kahit saan ka kumportable."

Masayang masaya naman si Julian gaya ng kaniyang ina kaya hindi rin nito mawari ang kaniyang nararamdaman.

"Salamat po sa pag recognized masaya rin po akong tanggap niyo po ako bilang kapatid no kuya Julian."

Napaluha naman si Wilma at niyakap niya rin si Kelly "ako nga ang dapat mag pa salamat sayo kasi tinanggap mo si Julian bilang kuya mo."

Tumugon rin naman ng yakap si Kelly "maraming salamat po at may kuya Julian ako." Ngumiti sya kay Julian habang hawak si Wilma.

Napaluha naman si Julian ng biglang may nag doorbell "ako na ang mag bubukas." Sambit ni Julian.

Pagkabukas nga ni Julian ng pinto nakita niya sila Kian, Kim at Kevin "ku—kuya..."

"Nasan si Kelly?!" Ang pagalit na sambit ni Kian at tinabig nya si Julian at pumasok ng walang permiso sumunod din naman sila Kim at Kevin.

Bago naman pumasok si Kim at Kevin may sinabi sila kay Julian "eto ang tandaan mo wag na wag mo na ulit gagawin ito!" Ang pagalit na sambit ni Kim at pumasok na.

Tinapik naman ni Kevin ang balikat ni Julian "pag pasensyahan mo na sila pero hindi ibigsabihin nito na gusto na kita maging kapatid wala lang akong choice dahil mahal ka ni Kelly at susubukan kong maging kuya na rin sayo."

Napangiti naman si Julian at wari ba'y naiiyak ito samanatala hinila naman ni Kian si Kelly "bitawan mo ko kuya!"

"Tumigil ka! Hindi ka dapat maging malapit sa babaeng yan!"

Nag pumiglas naman si Kelly at lumapit kay Wilma "nanay sya ni kuya Julian kaya kailangan tanggapin natin sya pero kung ayaw niyo hindi ko kayo pipilitin pero wag na wag niyo akong pipigilan!"

"Kelly! Alam ba yang sinasabi mo?!" Ang pagalit na sambit ni Kim.

"Kim!"

"Pero kuya!"

"Ako na!"

Umatras naman si Kim "kuya, kung pipigilan n'yo na naman ako na maging malapit kila kuya Julian at kay nanay Wilma hindi ako papayag!"

"Ano? Nanay Wilma?!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Oo kuya! Nanay Wilma kasi nanay sya ni kuya Julian at kailangan n'yo ring tanggapin ang bagay na yon!"

"Tumigil ka na Kelly!"

"Kuya, kumalma ka muna baka maistress si Kelly alalahanin mo buntis sya." Ang pabulong na sambit ni Kevin.

Bigla namang lumuhod si Wilma at kinagulat yon ng lahat lalong lalo na si Kelly "Inay..." ang nag aalalang sambit ni Julian na lumapit sa nanay niya.

"Ayos lang kailangan ko itong gawin."

"Nanay Wilma hindi niyo po ito kailangang gawin...." Ang sambit ni Kelly at tumingin sya ng masama sa mga kuya Kian niya "masaya na kayo? Alam niyo bang may sakit si Nanay Wilma maging considerate person naman kayo! Maawa kayo sa kaniya!"

"Pe— Pero kasi Bunso..." Ang ninenerbyos na sambit ni Kian.

"Umalis na nga kayo kuya! Hindi kayo kailangan ni Nanay Wilma at ni kuya Julian kung puro galit lang ang alam niyo!"

"Anak Kelly..."

"Ayos lang po yan Nanay Wilma para malaman nila kuya na di maganda ang ginagawa nila sa inyo."

"Pero... ako talaga ang may mali dito at hindi ang mga kuya mo kaya galit na galit sila sakin."

"Ho? Ano po ang ibigsabihin niyo?"

"Inay..." Ang sambit ni Julian.

"Kailangan ng malaman ni Kelly wag mo na kong pigilan Julian."

"Pero Inay..."

"Ano po ang pinag uusapan n'yo?"

"Anak Kelly... wag ka sanang mag babago kapag nalaman mo ang katotohanan."

Napatingin si Kelly sa kuya Julain niya "katotohanan? Nanay Wilma ano po ba ang sinasabi niyo? Hindi ko po kayo maintindihan."

"Ahem... sa tingin ko po di na po kailangan malaman ni Kelly ang mga ganung bagay buntis po sya at..."

"KUYA!!!" Ang pagalit na sambit ni Kelly kaya di na naituloy ni Kevin ang sinasabi nito.

"Kelly, tama na yan umuwi na tayo." Ang sabi ni Kian.

"O— Oo nga Bunso baka pagod ka na." Ang ninenerbyos namang sambit ni Kim.

"Tumigil nga kayo! Hindi na ko bata at alam ko kapag may nililihim kayo sakin ibahin niyo ang topic kaya tantanan niyo na yan. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Nanay Wilma!"

"Pero kasi Bunso..."

"Kuya Kevin tama na! Gusto ko ng matapos ito!"

"O— Okay."

Tinulungan naman ni Kelly na tumayo si Wilma at umupo sila sa may sofa "salamat anak."

"Nanay Wilma, pasensya na po kayo kila kuya pero pwede niyo po bang ipagpatuloy ang sinasabi n'yo?"

"Ahm... bunso pwede naman nating pag usapan ito sa susunod na araw." Ang sabi naman ni Julian.

"Kuya Julian pati ba naman ikaw?"

"Pero kasi Bunso."

"Ayos lang hindi ako magagalit magiging kalmado lang ako kung ano man ang malalaman ko ngayong araw na ito alam kong matagal na rin itong nililihim nila kuya sakin at ni mama kaya sige na para wala na akong isipin pag tulog ko."

"Ang tinatawag mong Nanay Wilma ay ang nag papatay sa Daddy natin!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Kuya!" Ang sabay na sambit ni Kim at Kevin.

"Ano? Gusto malaman ni Kelly hindi ba? So ayan na!"

"Alam ko." Ang sagot naman ni Kelly.

Sabay-sabay namang napatingin ang lahat kay Kelly at talagang nagulat sila.

May bigla namang pumalakpak at ito ay si Patrick "yan ang wifey ko."

"Andito ka?" Ang sambit ng mga kuya ni Kelly.

"Ah... Eh... oo mga kuy's kanina pa talaga ko nakikinig nasa kabilang condo unit kasi ako alam niyo maganda pala ang condo dito binili ko na nga yung kabila eh."

"Ano?! Baliw ka na talaga!" Ang sambit ni Kelly.

"Ehhh... kasi wifey..."

"Pe— Pero hindi ka galit sakin bunso?" Ang sambit ni Julian.

"Hindi kuya kahit kay Nanay Wilma nung unang nalaman ko yon aaminin ko oo pero sabi nga kung ang panginoon marunong mag patawad, kaya ano naman ang karapatan kong hindi mag patawad hindi ba?"

Napaiyak naman si Nanay Wilma at niyakap naman siya ni Kelly "wag po kayong mag alala naiintindihan ko po at napagbayaran niyo na rin naman po ang kasalanan n'yo di ba?"

"Um. Sobra-sobra ang aking pagsisisi kaya nga siguro nagkasakit ako at ngayon nga may taning na ang buhay ko."

"Dapat lang yan sa inyo!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Kuya..." Ang sambit nila Kevin at Kim.

"Kulang pa ang sakit n'yo para sa kabayaran sa buhay ng tatay namin!"

"Kuya..."

"Wala na kong pakialam Kelly kung ayaw mong makinig pero hinding hindi ko sila mapapatawad!"

At nag walked out na nga itong si Kian "kuya!!!" Ang pahabol na sambit ni Kelly.

"Ako ng bahala bunso." Ang sabi ni Julian.

"Sasama ko baka kung ano pang magawa sayo ni kuya." Ang sabi naman ni Patrick.

Nag winked naman si Kelly kay Patrick at nag ka intindihan yung mag asawa at sinundan nga nila Julian at Patrick si Kian ng bigla namang nahimatay si Nanay Wilma.

"Nanay Wilma!"

"Ako na, dun ka na muna sa isang tabi at kumalma." Ang sambit naman ni Kevin kay Kelly.

"Pero kuya."

"Sa kalagayan niyang yan maputla at nanghihina pangkaraniwan na yan sa sakit nya kaya di na nakakagulat kung nahimatay sya."

"Pero kuya ayos lang ba sya?"

"May cancer sya sa atay at hindi talaga sya okay kaya sige na dun ka na ako ng bahala kuya Kim pwede bang tumawag ka na ng ambulance?"

"Okay na po nasa baba na po ng condo na ito may pupunta na rin pong staff dito." Ang bungad na sambit ni Sensen na galing sa may balcony na pinanggalingan din ni Patrick kanina.

"Eh?" Reaction nung tatlo.

"He— Hello po?"

Magkabati pa kaya ang nga kuya ni Kelly? Ano sa tingin nyo? Abangan n’yo po ang mga susunod pang kabanata. ٩(˘◡˘)۶

lyniarcreators' thoughts
Next chapter