webnovel

Kabanata 309

"Dinner is ready." Ang masayang masayang sambit ni May.

"Wow, ang bango Ate ano po yan curry? Ang sambit ni Kelly.

"Adobo yan."

"Po? Pero amoy curry."

"Pero it's adobo talaga."

"O—Okay..."

"Nasan pala sila Patrick at yung kuya mo?"

"Andun po sa balcony."

Dahan-dahan kumuha ng kutsara si Kelly para tikman nya sana yung niluto ni May.

"Nag uusap parin sila?"

Titikman na sana ni Kelly yung dala ni May kaso ipinatong na nito sa mesa kaya sumala.

"Ano ba ang pinag uusapan nila?"

Mag tatangkang tumikim ulit si Kelly pero humarang naman si May.

"Babysis, are you listening to me?"

"Hmm?"

"Sabi ko ano sa tingin mo ang pinag uusapan nila?"

"Hi— Hindi ko rin alam Ate eh pero sa tingin ko about sa past ni kuya Kevin."

Pandalas naman si May na hinila si Kelly at pumunta sila sa May balcony pero nag tago sa May gilid para makinig.

Pero bago pa man makapunta sila dun sa me gilid may pahabol pang dukot tikim si Kelly kasi di nya na naabot.

"Gusto ko lang namang tikman..." Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly.

"Naririnig mo ba?" Ang sabi ni May pero di sya pinapansin ni Kelly dahil nakatingin sya sa may mesa.

Tinatapik tapik sya ni May pero napansin sya nito na naka focus ang attention dun sa mesa.

"Gutom ka na ba?"

"Hmm?"

May sighed "okay let's go na nga kumain ka na."

"Talaga Ate?"

"Um."

Pandalas naman si Kelly ng katulad ng takbo at nag tungo na agad sa mesa.

"Mag dahan-dahan ka." Ang sabi ni May at sumunod na rin kay Kelly ka agad.

Pagkaupo ni Kelly kumuha na agad sya ng kanin at yung adong curry daw na niluto ni May.

"So? What's the taste?" Ang sabi naman agad ni May nung sumubo si Kelly.

Habang nanguya naman si Kelly "Ahm... ayos naman ate pero sigurado ka talagang adobo ito at di curry?"

"Adobo nga yan."

"Ah... o—okay..."

Naka dalawang subo lang si Kelly at kumuha na agad ng ibang ulam na niluto mismo ng kuya Kevin nya gaya ng butter glazed crab na naging favorite nya at yung adobo sa gata na sariling version ni Kevin.

"Wow ate ang sarap po ng butter grabe n'yo pati po itong adobo sa gata."

Nag iba naman bigla ang mood ni May "ate?"

"Hindi ako ang nag luto niyan."

"Po? Pe— Pero kayo po ang nasa kusina kanina di ba?"

"Oo pero ako lang ang na huling mag luto kasi na una ang kuya mo na mag luto nag kanya-kanya kasi kami eh."

"Ay, sorry po ate kala ko kasi..."

"No worries, alam ko naman na masarap talaga mag luto yang kuya mo kesa sakin. Wala talaga akong talent sa pag luluto. Boohoo..."

"Ah... eh... ate wag ka ng malungkot ma—masarap naman ireng niluto mo eh..." kumuha nmn ulit sya ng adobong curry ni May at pabulong bulong pa "bakit kasi ayaw nya pang aminin na pork curry talaga ang niluto nya."

"What did you say?"

"No— Nothing ate, sabi ko adobo po talaga ire na lasang curry lang."

"Actually pork curry talaga yan nilagyan ko lang ng toyo so para maging adobo."

"Ah... ha... ha..."

"Yah, yung kuya mo kasi he wants to compete so I make kunwari nalang na marunong talaga mag luto para naman proud sya sakin."

"Ahhh... ga— ganun po pala ang nangyare."

"But I think I'm not good talaga sa pag cook eh but It's okay we have cook naman sa bahay di ba? So I don't need to learn how to cook. By the way, I know naman How to fried hotdog and eggs and ham also."

"Ahhh... opo..."

Sa isip-isip ni Kelly "iba talaga pag ritskid eh may pa cook."

"Ahm... anyways, bakit nga pala kinausap ni Mr. Elmedez ang kuya mo?"

"Ahhh... about po yun kay Prof. Mina do you know her po ba?"

"Ahhh... the girl who rejected your Brother?"

"Um. Mukhang na kwento nya sainyo ah."

"Well, hindi naman namin na pag usapan nakita lang kasi namin sya nitong nakakaraang araw sa isang café."

"Really?"

"Um. And she's with her hubby and son."

"Eh? May asawa at anak na pala si ProF. Mina?"

"Sabi ng kuya mo kapwa teacher rin daw ni Mina at naging bf din daw nun yon dati."

"Ohhh... si Prof. Arnie po?"

"Oo yun nga naging teacher n'yo?"

"Opo sila din kasi ni kuya ang nag karibal nun kay Prof. Mina pero hindi ko po alam na nagkabalikan na pala sila uli at sila pala ang nagkatuluyan."

"Pero bakit ba sila nagkahiwalay ng kuya mo?"

"Hindi po na kwento ni kuya?"

"Konti lang na kwento nya eh para kasing ayaw nya pag usapan kaya ayun I changed nalang the topic."

"Ohhh... yun po kasing si Prof. Mina ang di lang basta nag reject kay kuya kasi si Prof . Mina ang first gf ni kuya tapos nag propose pa sa kanya ng kasal si kuya tapos ayun sobrang na broken si kuya nun di nya po binanggit samin pero nahalata ko kaya ayun nag tanung-tanung po ako."

"Aww... kawawa naman pala si Kevin."

"Gaya n'yo po may masalimuot ding karanasan si kuya."

"Yah, dapat talaga sa mga nang iiwan pinarurusahan dapat tinatamaan sila ng kidlat. Para naman maramdaman nila how we felt nung iniwan nila kami na mag isa."

"Ah... Ahm.... hindi po ba parang sobra na ata yung tamaan ng kidlat? After all family person na si Prof. Mina."

"Well, you have a point naman kahit si Lester ang bwiset kong ex-husband na yon lakas ng loob nya na pag nakawan ako. Kung di lang talaga naawa ako dun sa anak nya ng kabetchina nya. Nako!!!"

"Kabetchina?"

"Yes, kabet, karelasyon, kerida, mistress, KABET! Wag mo ko ma Terry-Terry."

"Po?"

"Hahahha... napanood ko lang yun line kasi yun sa movie ni ate V you know her ba?"

"Opo pero di po yung movie. He... He..."

"Ahhh... alam mo nalimutan ko na din ang title eh but I still remember the lines hahaha..."

"Mukha nga po. He... He..."

***

Mabalik tayo sa nangyare kanina pagkarating ng KelRick sa hotel room nila na kasama sila Herald at Yumi....

"Hmm? Bakit gusto nya akong kausapin?" Ang sabi ni Kevin kay Kelly habang nasa may isang tabi sila at nag bubulungan at nasa sala naman sila Patrick at Herald at kausap naman ni Yumi si May.

"Basta importante lang."

"Para nga san?"

"Kay Prof. Mina."

"Ha?"

"Sige na saglit lang."

"Ano na naman ba ireng pakana mong ire ha, Kellang?"

"Hindi ba curious ka kung bakit di nag yes si Prof. Mina nung nag propose ka sa kanya?"

"Ano ba Kelly? Matagal ng panahon ang lumipas at ayoko ng ungkatin pa."

"Alam ko naman pero kasi gusto ko lang naman na malaman mo ang buong pangyayari wala namang mawawala di ba? May ate May ka na kaya bakit ka magiging bitter?"

"Sino namang may sabi sayo na bitter ako?"

"Kow! Wag nga ako kuya! Alam ko namang mahal na mahal ko si ate May at nag pagawa ka na rin ng ring para sa kanya pero ano? Takot ka mag propose kasi ang inisip mo yung nangyare sainyo ni Prof. Mina. Hindi ka ba curious kung bakit ka nya hindi sinagot?"

Hindi naman na nakapag salita si Kevin "sige na! para na rin lumuwag yang dibdib mo. Mabigat yang ganyan kaya sige na kausapin mo na si Herald."

"Tsk! Sige na nga pero gusto ko kami lang kaya wag kang makiki dutdot diyan!"

"Tsss! Oo na!"

At nag usap nga yung dalawa sa may balconu ng hotel room ng KelRick.

"Why don't you speak?" Ang sabi ni Kevin sa nahihiyang si Herald.

"Sabi ni Kelly may sasabihin ka daw kaya go!"

"Ah... O—Op... gusto ko po sanang humingi ng tawad sa inyo."

"Sakin? At bakit? Dahil sa ginawa mo kay Kelly? It's okay after all the sympathy of people is for my sister naman eh kaya no need to say sorry. Ikaw naman ang napahiya at di ang kapatid ko."

"Grabe! Kapatid nga sya ni Kelly napaka straight forward" ang pabulong bulong na sambit ni Herald.

"Hmm?"

"Pero hindi po para dun kung bakit ako a binge ng sorry but para na din po dun sa ginawa kong mali sa kapatid n'yo pero okay na po na explain ko na po sa kanya ang side ko at na sampal na rin nya po ako."

"Pffft... Hahahaha... sinampal ka lang nya?"

"Lang?"

"Alam no kung fan ka talaga ng kapatid ko dapat alam mong marunong sya sa martial arts kaya mag pasalamat ka nga sampal lang yang inabot mo kung hindi baka wala ka ng ngipin at basag yang mukha mo."

"Ha... Ha... Ha...." natawa nalang sa kahihiyan si Herald.

"Didiretsuhin na rin kita ayoko sayo at kung andito pa ang iba naming kuya baka sa ospital na talaga yang abutin mo. Ni one dares to hurt our babysis kaya pasalamat ka at walang nangyare sa kapatid namin at sa batang dinadala nya nung itinulak mo sya during the photoshoots kung hindi talagang malilintikan ka samin."

"So— Sorry po."

"Lets proceed anong gusto mong sabihin about kay Mina? And how did you know her?"

"I just mey her at the birthday party ng kaibigan namin."

"Ohh... colleagues."

"Um. Actually, I don't know her naman talaga pinakilala lang kami sa isa't isa ng kaibigan naming may birthday."

"Then? Anong nangyare?"

"If there's a party there's..."

"May alak and pag may alak may... balak." Nag iba na doon ang mood ni Kevin at sinapak nya si Herald "What did you do to Mian?!!!"

"So—Sorry but promise I... I..."

Nakita ni Patrick na sasapakin ulit ni Kevin si Herald kaya unaware na ito "kuya, chill muna."

"Bayaw, bitawan mo ko nanggigil ako sa isang yan!!!"

"Calm down kuya baka mag panic si Kellh at ma stress yun alalahanin mo buntis sya."

Kumalma namang agad si Kevin "pasalamat kang lintek ka."

"So— Sorry po talaga pangako Wala po akong masamang intensyon."

"Manyak ka!!!" Ang gigil na Gigil an sambit ni Kevin at nag pupumiglas Sa pagkakahawak sa kanya ni Patrick.

"Sige na Herald umalis ka na!" Ang pa sigaw namang sambit ni Patrick.

"Pero..."

"Get lost!!!"

At pandalas namang umalis na nga itong si Herald at nakita naman yun agad ni Yumi "He—- Herald!!!" Aniya.

"What's going on? Bakit sya umalis? Dito na kayo kumain nagluluto ako." Ang sabi ni May.

"Nextime nalang Ate. Sige na aalis na ko."

"O— Okay..."

Nakasalubong naman ni Kelly si Yumi "oh? Aalis ka na?"

"Oo sige na ha? Salamat sa pag invite samin dito." At dali-dali na nga si Yumi na umalis at hinabol si Herald.

"Anong nangyari dun ate?"

"Hindi ko rin alam pero kasi bigla nalang umalis si Herald."

"Eh?"

Samantala naiwan namang nag uusap sila Patrick at Kevin dun sa balcony.

"Bakit mo naman ginawa yon? Dapat di mo ko pinigilan para naman nabasag ko ang pag mi mukha ng lintek na yon!"

"Sorry kuya iniisip ko lang naman ang kapakanan mo at syempre ni Kelly lalong lalo na kapag nalaman ni Ate May na interested ka parin kay Prof. Mina."

"Hindi naman sa interested ako gusto ko lang din talagang malaman ang alam ng mokong na yon."

"Pero sa totoo lang wala talaga syang kasalanan sa pang re-rape kay Prof. Mina. May inihalo sa iniinum nila yung isa nilang ka samahan at nung wala na sila sa kanilang ulirat marami na ang sumunod na nangyare."

"Paano ka naman nakaka sigurado?"

"Si Herald mismo ang nagvpa DNA test sa ngayong anak ni Prof. Mina."

"Wait, may anak na si Mina?"

"Oo kuya, sa hindi inaasahan nung gabi bago ka mag propose kay Prof. Mina na rape sya at ang pinag bintangan si Herald kahit ang totoo si Prof. Arnie ang gumawa."

"Teka lang, you mean si Arnie yung nan rape kay Mina kaya nung nag propose ako sa kanya hindi nya ako sinagot?"

"Sa kasamaang palad ganun na nga kuya. Inisip kasi ni Prof. Mina na kapag nalaman mong ni rape sya baka nandito ka sa kanya kaya ayun pinili nalang niyang i- reject ka para na rin sa kapakanan niyong dalawa kaya lumayo sya at umuwi sa province nila. Then later on na buntis nga sya ng rapist nya at huli na niyang nalaman na si Prof. Arnie pala ang gumawa nun sa kaniya."

"Walanghiya yang Arnie yan ah! Humanda sya sakin!!!!"

Susi gising sana ni Kevin si Arnie Pero pinigilan sya Patrick "kuya calm down nakikinig sila ate at Kelly sa gilid."

Napatingin naman si Kevin at nakita nya yung paa ni May "bwiset!!!"

"Wag ka ng mag alala kuya okay na si Kelly na ang bahala kay ate ay yung kay Prof. Mina naman pinanagutan sya ni Prof. Arnie nag pakasal sila para sa bata."

"Talaga?"

"Um. Wag kang mag alala pinaimbestigahan ko na sila lalobna yang si Prof. Arnie at ayos naman ang lahat so far. Kaya wag ka ng mag alala kuya."

"Matanong ko nga, si Arnie at Herald mag kaano ano sila? Parehas sila ng surname ang Elmedez."

"Ahhh... kinagulat ko rin ito dahil nalaman kong mag kapatid sila sa ama."

"Ano?!"

Anong masasabi nyo sa revelations ng mga ELMEDEZ? Kung kayo ang nasa katayuan ni Prof. Mina ano ang gagawin nyo?

( ͡❛ ﹏ ͡❛)

lyniarcreators' thoughts
Next chapter