webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 304

Mga ilang minuto pa ang lumipas maraming reporters na ang dumating dun sa hotel kung saaan nagaganap ang photoshoot at kinagulat naman iyon ng karamihan lalong lalo na ni Herald.

"Bakit may mga reporters dito?" Ang sabi ni Herald habang kasama si Yumi at ang KelRick na umaawra sa harap ng camera.

"Is there something wrong Mr. Elmedrez?" Ang sagot naman ni Kelly na patuloy na umaanggulo sa camera pati na rin yung tatlo na di nag papahalatang nag uusap usap sila.

"No---Nothing…pero bakit may mga reporters dito? They are not supposed to be here."

"Why not? After all its publicity for us." Ang sambit naman ni Patrick.

Nagkatinginan naman sila Herald at Yumi na para bang hindi mapakali "hindi ba may interview tayo mamaya?" Ang pa inusenteng sagot ni Kelly na para bang hindi nya alam ang nangyayare kahit na ang totoo sya talaga ang may pakana kung bakit dumagsa ang mga reporters sa hotel.

"Yes, but not to them! Ako lang dapat ang mag iinterview sayo dahil nanalo ako sa pustahan namin ng asawa mo." Ang nagagalit ng sagot ni Herald.

"Huh! What did you say? Nanalo? Aren't you blind? We both know na patas ang naging laban dahil parehas tayong nasa front page ng newspapers dito sa Cebu. So, that means, hindi lang kami sayo mag papa interview sa lahat ng reporters na gustong mag tanong."

"No! It can't be! Dapat ako lang!"

Sumenyas si Kelly dun sa photographer ng time out at kinumpronta niya si Herald "sorry but…I'm curious lang bakit ba gustong gusto mong halungkatin ang buhay namin? May gusto ka bang patunayan or may nag utos sayong gawin mo ito? O baka naman gusto mo lang talagang makakuha ng atensyon? Bakit? Kulang ka ba sa pansin?"

"Ano?!"

Pinigilan naman ni Yumi si Herald at bumulong "kumalma ka maraming reporters ang nandito at sigurado akong may isa sakanila na nag li-live stream kaya kapag may ginawa kang kung ano masisira ang reputasyon ng pamilya mo pati na rin sakin. Kung ayaw mong umatras ang mga investors, umayos ka!"

Herald sighed furiously "fine!"

Lumapit naman si Mr. Guievarra "guys, pasensya na pero maaari bang makuhanan kayo ng konting katanungan ng mga reporters specially you Mrs. Santos."

"Ohh…okay lang po kung ayos kay Patrick."

"A—Ayos lang naman sakin pero paano po ang photoshoot?"

"It's okay konting shot nalang naman at matatapos na magaling kasi kayong mga modelo. Anyways, Herald and Yumi hindi na kayo ang napili kong maging cover ng magazine ko."

"What?" Ang sabay sambit nung dalawa.

"Dahil hindi nyo deserve! Lalong lalo ka kana Herald, you disappoint me!"

"What? What are you talking about?" Ang ninenerbyos na sagot ni Herald but he seem so relax para hindi halatang kinakabahan sya.

"Wag ka ng mag kunwari pa dahil alam kong tuta ka ni Janica! Mabuti nga at nalaman kong agad baka mamaya ako pa ang lumabas na manggagaya ng designs kahit na, ako naman ang original!"

"M…Mr. Guievarra hindi ko po maintindihan ang mga sinasabi nyo."

"Buti nga hindi kita kinasuhan dahil may nakiusap sakin…"napatingin naman sya kay Kelly at umarte lang naman na walang alam si Kelly na kunwari inaayos ang bangs nya "kung hindi dahil sa taong yon baka na sa kulungan ka na pulutin ngayon!"

Napahawak naman sa kamay ni Mr. Guievarra si Herald "M…Mr. Guievarra…pangako ko po sa inyo wala po talaga akong kinalaman sa sinasabi nyong yan. Kung sino man ang taong nakausap nyo baka…."

"What Mr. Elemedez? Baka…gusto ka lang nyang siraan? O gusto ka nyang ibaon ng buhay?" Ang nambubuyo na sambit ni Patrick.

"You!!!"

Sasapakin na sana ni Herald si Patrick ng biglang humarang si Kelly at Yumi "tumigil ka na Herald! Buking ka na! Kaya wag ka ng mandamay pa ng mga inusenteng tao." Ang lakas loob na sambit ni Yumi kahit na ninenerbyos sya nung sininabi nya yon kaya napatingin sa kamay nya si Kelly at hinawakan sya nito.

Kinagulat naman yun ni Yumi at hindi na sya nakapag salita pa kasi ngumiti sa kanya si Kelly "huh! so, ganun nalang yon? Pinagtutulungan nyo ko dito?"

"Walang ganon! Ikaw ang masama dito kaya kung pwede umalis ka nalang." Ang sabi ni Kelly.

Tumingin naman ng may kasamang emosyon itong si Herald kay Kelly "Ms. Kelly…wag kang maniwala."

"Hey! Hindi ba sinabi ko sayong…"

"Honey, lemme handle this."

"O—Okay."

Lumapit si Kelly kay Herald at hinawakan niya ang pisnge nito at nakunan naman yun ng mga reporters dahil ang akala nila may halikang magaganap pero "PAK!"

Sinampal ni Kelly si Herald "ba—bakit mo ginawa yon?!"

"Honey, alcohol."

"Yes, my dear."

At nilagyan nga ni Patrick ng alcohol ang kamay ni Kelly at hinalikan naman sya nito sa pisnge "thanks dear."

Hindi naman naka pagsalita na si Patrick sa kilig at talagang kotang kota na ang mga reporters sa mga news na pwede nilang isulat "Mr. Guievarra pwede po bang mag request?"

"Yes my dear Kelly kahit ano."

"Salamat po pero gusto ko po sanang sabihin nyo sa mga reporters na isa lang itong role play. Maaari po ba?"

"Ku—Kung yun ang gusto mo sige."

"Sige na po kayo na po ang maunang mag pa interview susunod na po kaming apat mamaya."

"Si—Sige."

"Thanks Mr. Guievarra."

"Um."

At lumapit na nga si Mr. Guievarra sa mga tsismoso at tsismosang reporters at nag patuloy sa kunwaring role play yung apat "kunan mo lang sila." Ang sinabi ni Mr. Guievara dun sa videographer nya bago sya lumapit sa mga reporters.

"Ngayon, tatapatin na kita Mr. Elmedez hindi ako yung taong nag papatalo at hindi rin ako yung tipong pinagpupustahan kung premyo man ako kay Patrick lang ako mapupunta." Ang sabi ni Kelly at tumingin sya sa kinikilig na si Patrick.

Siniko naman ni Yumi si Patrick at bumulong "How to be you couz?"

"Shhh…maliit na bagay."

Samantala nag patuloy naman sa pag kumpronta itong si Kelly kay Herald "my Kelly, wag mo namang gawin sakin ito alam mo bang nung una kitang nakita sa DLRU na inlove na talaga ako sayo."

"Ano?!" Ang pag sugod na sambit ni Patrick pero pinigilan sya ni Kelly.

"Honey, ako na sabing bahala dito!"

"Pero kasi…"

Hinila na nga ni Yumi ang pinsan nya "dumito ka nalang nga!"

"Eh…kasi naman."

Hinawakan pa ni Herald ang kamay ni Kelly pero nag pumiglas ito sa kanya "wag na wag mo kong hahawakan! Dahil nakakaridir ka!"

"Ms. Kelly…wag mo namang gawin sakin ito ako ang number one fan mo!"

"Hindi ako isang idol o isang santo para hangaan ng gaya mong ganid! Alam mo kilala na kita at sinasabi ko sayo oras na may saktan ka na namang babae hindi lang talaga sampal ang gagawin ko sayo!"

Tumingin naman ng masama si Herald kay Yumi "ikaw ang may kagagawan nito Yumi? Talaga bang sawa ka na sa buhay mo!!!"

Sinugod ni Herald si Yumi pero pinigilan sya ni Patrick "bitawan mo ko!"

"Hindi ko hahayaang saktan mong muli ang pinsan ko!"

"Ohhh…pinsan, pinsang ni minsan hindi mo naman talaga naging ka dugo!"

"Wha---What?"

"Herald tama na!!!" Ang sabi ni Yumi.

"Ohh…bakit? Nahihiya ka na malaman ng pinsan mo na…ay hindi pala pinsan kasi nga pala isa kang ampon."

"Yumi, totoo ba ang sinasabi nya?"

"Ah…Ahm…kasi…"

"Ano?! Mag salita ka at nga pala dahil nga ampon lang sya nakipag relasyon sya sa step brother nya."

"Ano?!"

"Pa—Patrick let me explain."

"Explain? Sige mag explain ka." Hinila ni Herald si Yumi patungo kung nasan ang mga reporters pero hinarangan sya ni Kelly.

"Mr. Elmedez! Itigil mo na ito."

"Ms. Kelly ayokong saktan ka kaya umalis ka diyan!"

Itinulak ni Herald si Kelly at nakita yun ni Patrick na kanina ay nakatulala dahil sa mga nalaman niya "dugo!!!" ang sabi ni Yumi at napalingon naman si Herald.

"Dinudugo si Mrs. Santos!!!" ang sabi ni Yumi at nag pupumiglas sya sa hawak ni Herald sa kaniya at nung nakawala sya tinulungan naman agad nya si Kelly.

"Ayos ka lang ba? Patrick!!!"

Nag madali naman si Patrick at binuhat si Kelly "wifey, calm down mag relax ka dadalhin kita sa hospital."

Kinakabahan naman na si Kelly at unti-unti na ring bumabagsak ang mga luha nya "hubby, yung anak natin…"

"Don't worry magiging ayos ka at ang anak natin."

Lumapit naman sa kanila si Herald at humingi ng tawad "hi—hindi ko sinasadya…."

"GET LOST! Oras lang na may mangyare sa mag ina ko pinapangako ko matitikman mo ang lupit ng isang Santos!!!"

Binangga nya si Herald at tinitigan nya ito ng masama habang papalagpas sya dito at para bang naging slow motion na ang nangyare patuloy na may kumukuha ng mga larawan ang iba naman ay nagmamasid at ang karamihan naman ay nag aalala kung ano ang mangyayare kay Kelly at sa batang nasa sinapupunan nito.

Habang nasa slow motion ang lahat para bang nasa isang eksena silang dumating yung herong lalaki at iniligtas yung babaeng sugatan tapos inilipad nya ito para mailigtas. At halos ganoon nga ang naganap sa KelRick buhat-buhat ni Patrick si Kelly at habang naglalakad nahahawi naman nito ang mga tao na nag bibigay naman sa kanila ng daan at sa dulo nun andun na agad ang kotse ni Patrick at dali-dali nitong dinala ang asawa nya sa hospital at dahil sports car ang gamit nya talagang pinaspasan nya ang pagmamaneho dito.

"Nakunan mo bang lahat ng yon?" Ang pabulong pa ni Mr. Guievarra dun sa videographer nya.

"Yes Boss."

"Napaka gandang eksena hindi ba? Kaya mo bang gawing mala pelikula yung dating ng mag nakuhanan mo? Gusto ko sana maging kakaiba ang behind the scene ng mga photoshoot."

"Noted po Boss pero hindi po ba parang mali ang gagawin natin? Masama po ang nangyare kay Mrs. Santos."

"Don't worry si Mrs. Santos naman ang may sabi na para itong role play kaya wag kang mag alala gusto ko pag natapos mong i-edit lahat ng nakuhanan mo i-upload mo agad sa youtube channel natin at dun sa page ko sa FB at IG naiintindihan mo ba?"

"Ye—Yes Boss."

"Clap…Clap…"

Pumalakpak si Mr. Guievarra para makakuha ng atensyon "okay, pack up na sa mga reporters mag si uwi na kayo dahil wala na kayong iinterviewhin dito."

"Ano po kaya sa tingin nyo ang mangyayare kay Mrs. Santos?" Ang tanong ng isang reporter na babae at sumangayon naman ang iba pang reporters na ang sama ng tingin kay Herald.

"Don't worry guys ako mismo ang tatawag sa inyo kapag may nahagap akong balita sa ngayon mag dasal kayo na sana maging maayos ang kalagayan ni Mrs. Santos at ng bata sa kanyang sinapupunan."

"Kasalan mo Mr. Herald!!!" Ang sabi nung isang staff na babae at marami ang naki simpatiya sa kaniya kaya kinuyog nila si Herald at pinag babato ng itlog at binuhusan ng harina na bigla nalang meron dung ganun.

"San galing ang itlog at harina? Masyado naman ata silang prepared." Ang pabulong na sambit ni Tinay at nagulat sya na biglang lumapit sa kanya si Sensen.

"Bakit nandito ka? Hindi ka sumama sa mga boss mo?"

"Hindi na kailangan."

"Ha? Pero secretary ka nila hindi ba?"

"I know."

"Eh ano pa ngang ginagawa mo dine?"

"Sinigurado ko lang na magiging maayos ang lahat dito. At sa tingin ko mission accomplish naman."

"Ha? Ano yung misyon mo?"

"Wag ka ng maraming tanong bumalik ka na sa trabaho mo."

"Tsss…nag salita naman yung loyal sa mga amo nya. Bakit nga hindi ka sumama? Promise hindi ko pag sasabi."

"Kahit ipag sabi mo pa wala akong pakialam."

"Hoy grabe ka kamo!"

Bineltukan naman ni Sensen si Tinay "alam mo ang slow mo sports car yung sinakyan nila at hindi jeep na sampuan ang laman. Haysss…makaalis na nga."

At iniwan na nga ni Sensen si Tinay na nag iisip pa rin kung ilan ba ang sakay ng isang sports car "sabagay, mamahalin yung ganung sasakyan…hmmm…ilan nga kaya? Haysss…ewan di ko na alam."

"Tinay!"

"Bo-Boss."

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Kilos!"

"O—Opo Boss..."

"Binabayaran kita hindi para tumunganga!"

"E—Eto na nga po Boss mag liligpit na nga po ng mga gamit nyo."

"Bilisan mo!"

"O—Opo…"

Hala! Ano kaya ang magiging kalagayan nila Kelly at nung bata sa sinapupunan nya? Kayo geysh ano sa tingin n’yo?Hmmm... •᷄ɞ•᷅

lyniarcreators' thoughts