webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 298

Matapos ang gera este ang paliwanagan ay naunanawan na ni Kelly yung nangyare at naintindihan rin naman nya ang sitwasyon ngunit may tampo parin ito kay Patrick dahil hindi agad nito sinabi sa kanya ang about dun sa summit sa Cebu.

"Sorry na… Kahit naman ao nalimutan ko na yun kasi nga nag eenjoy tayo dito sa Batangas kung pwede nga lang sila Dave at Vince nalang ang padadaluhin ko kaso hindi pwede bilang ako na ang bagong C.E.O ng SM Corp. kaya sana maintinhan mo ko…" Ang sambit ni Patrick habang hawak ang kamay ni Kelly at nakaupo sa ilalim ng punong mangga na silang dalawa lang.

"Humph! Ganyan ka naman lagi mong rason ang pagiging bagong Chairman mo kala ko ba may usapan na tayo na walang lihim? Bakit ganon? Malalaman ko nalang na bukas na ang flight mo tapos ako oneweek pa? Paano na tayo?"

Napakamot naman si Patrick sa leeg nya at huminga ng malalim "wifey, makinig ka sa oneweek na yun naman pwede tayong mag video call or laging mag tawagan kaya hindi natin mamimiss ang isa't-isa."

"Tsss! Sinungaling! Sa summit na yon puro mag businessman and business woman ang naroroon syempre puro negosyo ang pag uusapan nyo so, ano na ko? Makakalimutan mo na kasi busy ka!"

Tinabig naman ni Kelly yung kamay ni Patrick at tumayo "sabihin na nating trabaho mo yan naiitindihan ko rin namang hindi sabay ang flight natin pero ano? Magiging Patrick version 2.0 ka na naman? Yung nalimutan na ang pamilya at trabaho nalang ang mahalaga! Ganon ba?"

Sa isip-isip ni Patrick "kumalma ka asawa mo sya at buntis sya kaya ganyan sya emosyonal kaya kahit oneweek lang na hindi kayo magkakasama kung ano-ano na ang pinagsasabi nya na para bang mag aabroad na ko at mawawala ako ng isang dekada."

"Tignan mo? Hindi ka makapagsalita kasi tama ang lahat sinasabi ko."

Tumayo naman si Patrick at kumuha ng dahon ng mangga tapos hinati nya ito sa dalawa at ibinigay yung kalhati kay Kelly "ano namang gusto mong gawin ko dito?"

"Amuyin mo."

"Ano?"

"Kaamoy ng bungga nitong mangga ang kanyang dahon."

At inamoy nga ni Kelly yung dahon at tama nga si Patrick na among mangga nga ito at walang sense ang sinasabi niya "ako ba pinagloloko mo ha Patricio?"

"Ang akin lang kahit na hinati ko yung dahon parehas parin ng amoy di ba?"

"Ano naman ngayon?"

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly at itinabi dun sa kalhati ng dahan ng asawa niya yung sakanya "parang tayo yung dahon kahit mag kalayo hinding hindi pa rin mag babago dahil iisa na tayo mahal ko. Kaya wag ka ng magalit pangako tatawag ako sayo every one hour o kaya naman mag tetext ako sayo o chat basta wag ka ng magalit mabilis lang naman ang one week kaya mag tiis muna tayo para naman sa future natin itong ginagawa ko at para rin sa magiging anak natin."

"Pero…ngayon nalang ulit tayo magkakahiwalay ng matagal simula nung nag punta ka ng America nagkaroon na ko ng phobia na baka hindi ka na bumalik o baka may mangyare sayong masama."

Napangiti naman si Patrick at hinalikan nya si Kelly at niyakap "wag kang mag alala hindi na mangyayare yung nangyare nung nasa America ako pangako ko yan sayo mag iingat ako ng mabuti tsaka kasama ko naman si Mr. Johnsen kaya kung di man ako makatawag o text sayo dahil may meeting tanungin mo lang ako sa kanya sya dahil kung san man ako mag punta andun sya. Kaya wag ka ng mag alala okay?"

Niyakap naman sya ng mahigpit ni Kelly at sinabing "basta kapag aalis kayo ni Mr. Sensen mag ingat kayo sa pag dadrive ha? Tapos yung paligod nyo maging alerto kayo baka mamaya may mga kung ano ng tao ang nakapaligid sa inyo syempre wala naman kayo sa Manila hindi natin teritoryo ang Cebu kaya please lang mag ingat at maging alerto kayo ni Mr. Sensen, okay?"

"Um. Pangako."

","

Gabi na at tulog na rin si Kelly hindi na sila nag punta ng resort sa bahay ng lang sila ng tigil hindi naman makatulog itong si Patrick dahil inaalala nya rin ang asawa nya kaya lumabas muna sya sa balcony kung saan ang katabi nito at balcony naman ng kwarto ni Kevin na naroon rin pala sa labas "kuya?"

"Oh, bakit gising ka pa? Late na may flight ka pa bukas."

"Hindi po ako makatulog eh."

"Bakit? Dahil ba kay Kelly?"

"Um."

"Wag kang mag alala kami ng bahala sa kanya samin na muna sya tutal wala naman syang kasama sa inyo."

"Sige po yun rin naman po ang ipapakausap ko sa inyo na dun muna sa inyo si Kelly."

"Kahit di mo sabihin alam na namin yan syempre mag aalala kami kay Kelly bunso namin syang kapatid kaya kung nag aalala ka mas nag aalala kami sa kanya ngayon pa at buntis sya sa kalagayan nya madalas ang mood swings sa ganyan lalo pa ngayon na mag kakalayo kayo."

"Yun nga po eh ngayon nalang ulit kami magkakalayo ng matagal at hindi po ako sanay na hindi ko sya katabi sa pag tulog."

"Ganyan talaga mag asawa kayo ngayon pa na magkaka anak na rin kayo. Pero gaya nga ng sabi ko wag mo syang aalahanin kami ng bahala sa kanya lilibangin namin sya at syempre bilang personal nurse nya aalagaan ko sya ng mabuti bilang kuya na na rin."

"Ahm…nga po pala kuya nag pa book na rin po ko ng ticket kay Ms. Maricar para sayo."

"Hmm?"

"Gaya nga po ng sinabi nyo personal nurse at kuya kayo ng asawa ko kaya tama lang na sumama kayo sa kanya. Alam ko rin pong ito ang unang pagkakataon na makakasakay sya ng eroplano kaya mapapalagay po ako kung kasama nya kayo."

"Ahhh…ganun ba ayos lang naman sakin pero dapat hindi mo inaalala si Kelly sa pag sakay sa eroplano dahil gusto nya talaga nung bata pa na makasakay dun yun nga lang hindi pa natutuloy ang pag petisyon sa kaniya ni Mama sa Canada tapos ngayon dito pala sa Cebu ang unang nyang destination kaya sigurado akong excited yan."

"Sa tingin nyo po?"

"Oo naman kilalang kilala ko yan si Kelly."

***

At makalipas nga ang limang araw…

Nag uusap sila Kevin at Jacob dun sa may gilid habang nanood na naman ng video clips sa tv itong si Kelly sa kanilang sala pa tungkol sa pag sakay ng eroplano.

"Tito Kevin, ayos lang po ba si tita Kelly? Pang limang araw na po nyang nanonood ng do's and don't about sa pag sakay ng eroplano."

"Ah…oo nga eh hayaan mo na natetense kasi yan."

"Po? Pero sasakay lang naman po sya sa eroplano kinakabahan po sya?"

"Ah…parang ganun na nga baby pero wag kang maingay sa tito Patrick mo ha? Baka mag alala yon sabi ko pa naman excited yang tita Kelly mo sa pagsakay ng eroplano yun pala kabado."

"Hehe…opo nga eh pero hindi naman po nakakatakot sumakay sa eropalano eh."

"Hmm? Bakit nakasakay ka na baby?"

"Opo, nung 5years old po ko nung wala pa po kami dine nun sa Manila nasa Bulacan pa po kami nag punta po kami nila mom at uncle Renzo sa Boracay po."

"Wow! Ang susyal naman baby daig mo pa kami ng daddy mo. Gang beach lang sa Batangas ang napupuntahan namin,. Hahaha…"

"Ahh…hindi naman po sa mismong beach ng Bora kami ng punta eh sa labas lang."

"Ha?"

"Opo taga dun po kasi ang mga grandparents ng side ng daddy ni mommy."

"Ahhh…yung great grandparents mo?"

"Yun po ba yung tawag dun?"

"Oo kasi ang lolo at lola mo na nanay ng mommy at daddy mo sila ang tinatawag mo grandaparents kumbaga sila yung latest na generation nila Mamsie mo si mama."

"Ahhh…opo tapos yung nanay at tatay po ni Mamsie yun po ang great grandparents ko yun po yun di ba?"

"Oo kung may nanay at tatay pa yung great grandparents mo ang tawag naman dun ay…"

"Great-great grandparents tama po?"

"Um. Mabilis ka talagang maka pick up mananag mana ka sa daddy mo. Para kang tita Kelly mo."

"Hehe…ang basic naman po kasi nun tito."

"Sa bagay pero ganyan din ang tita Kelly mo nung bata sya kala mo ba isip bata sya ngayon? Hindi ganyan lang talaga yan pero sobrang mature nya mag isip nung nasa edad mo rin sya."

"Talaga po?"

"Um. Hindi nga lang halata ngayon. Hehe.."

"Opo nga hehe."

Sa mag kaparehong oras naman nakatulala lang sa isang event si Patrick habang busy naman si Mr. Sensen na i-discuss sa kanya ang mga magiging event pa nilang dadaluhan hanggang sa may lumapit sa kanyang isang business woman na si Ms. Yumi Calderon na pinsan nya pala sa side ng mommy niya at kasama rin naman nito ang kanyang boyfriend na si Mr. Herald Elmedez "Hey!"

"Hmm?" Ang reaction ni Patrick at napatingin sya kay Mr. Sensen na parang sinasabing sino sya?

Napailing naman si Mr. Sensen dahil wala syang idea kung sino yung dalawang lumapit sa table nila.

"Ahm…sorry but do I know you?"

Nagulat naman si Patrick na bigla syang bineltukan nito "what the?!"

Umawat naman agad si Mr. Sensen "Sir, lemme handle this."

"Hoy! Hindi mo ba ako kilala? Ako si Yumi!"

"Yumi?" Ang patanong na sambit ni Patrick.

"Yumi as in Mimi remember the chubby cheeks from Laguna."

"Mimi? Ikaw na yan?"

Bumulong naman si Mr. Sensen kay Patrick "Sir, kilala nyo sya?"

"Um. Sya yung inaanak nila mom and dad na pinsan ko sa side ni mommy."

"Ohhh…"

Sa isip-isip naman ni Mr. Sensen "kala ko kung sino na namang bbae ang nag hahabol sa kanya buti nalang at pinsan nya pala kung hindi lagot ako kay Ma'am Kelly."

"So, kasama kasama ka rin pala dito sa summit?"

"Um. Kaya nga andito ko eh nga pala ito si Herald boyfriend ko kasama rin siya sa summit."

"Ohhh… I see nice to meet you bro."

At nakipag kamay naman si Herald sa kaniya "it's pleasure to meet you the new C.E.O of SM. Corp."

Napangiti lang naman si Patrick dahil hindi nya alam ang sasabihin nya dito "anyways, we heard na nag pakasal ka na pala? Bakit hindi ako invited?"

"Ah…nako, sorry actually konti lang ag imbitado nun kasi may pandemic nung mga panahong yon. Kaya pasensya na."

"No its okay we understand naman I just teasing you."?"

"But where is she? Your Wife?"

"Oo nga nasan sya? Bakit hindi mo kasama dito?"

"Ahh…susunod sya sa linggo parating sya nagkaroon kasi ng aberya sa pag book ng ticket namin kaya hindi ko sya naka sabay."

"We heard na isa ring businesswoman yung asawa mo she owned 14 branches of milktea shop, right? And she even got the highest honor during college days." Ang sabi ni Herald at bigla namang nag bago ang mood ni Patrick dahil nakaramdam sya ng pagkailang.

Pabulong bulong pa nga sya habang napipilitang ngumiti "bakit parang interesadong interesado ang mokong na ito sa asawa ko?"

Sumagot naman si Mr. Sensen "napansin ko nga rin po Sir hindi kaya fan sya ni Ma'am Kelly?"

"Manahimik ka nga diyan!"

"Ano yon?" Ang sabi ni Herald.

"Ah…wa—wala what I mean is yes tahimik lang ang asawa ko introvert kasi yon."

"Ohhh…isa pala syang introvert."

"Actually, Herald is a journalist too kaya kung nagtataka ka bakit ang dami nyang alam sa asawa mo yun eh dahil pinagaaralan nya talaga ito."

"What?! I...I mean why? She just an ordinary girl."

"No, your wife is amazing and a good role model for new generation of introvert people."

"O—Okay?"

"Can I interview your wife?"

"Ha?"

"Sorry ha? Pero may column kasi sya sa isang newspaper at gusto nyang mainterview ang asawa mo fan kasi sya. Ha…Ha…Ha…"

"Yes, I'm a fan so I hope mainterview ko sya kahit 10minutes lang."

Sumenyas naman si Patrick kay Mr. Sensen para i-interupt ang usapan tungkol kay Kelly at naitindihan naman sya nito "ahem…Sir, kailangan na po nating umalis may meeting pa po kayong kailangang daluhan."

"Ah…Okay…sorry guys but we need to go. See you around."

At nag madali na ngang umalis yung dalawa "Mr. Santos!!!" Ang pahabol na sambit ni Herald.

Habang nag mamadali namang maglakad sila Patrick "wag ka ng lumingon ayoko ng kausapin ang psycho na yon baka kung ano pang gawin nya sa asawa ko."

"Pero Sir, hindi po ba parang mali ang ginawa nating pag alis sa event? Hindi pa po ito tapos sa katunayan nag sisimula palang po ito at mamaya may inaasahan kayong matanggap na award."

"Ikaw ng bahala mag palausot basta ayoko ng bumalik dun at siguraduhin mo bukas hindi ko na makikita yung dalawang yon!"

"Pero Sir, sila na po may sabi na kasama sila sa summit so, magkikita at magkikita po kayo sa ayaw at sa gusto nyo."

"Pwes gawan mo ng paraan!"

"Ye---Yes Sir.."

Ano ang tingin niyo mag Herald at Yumi? May iba kayang agenda ang nga ito sa KelRick lalong lalo na kay Kelly? Abangan! >_<

lyniarcreators' thoughts