webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 297

Nakalipas na nga ang dalawang araw sa resort at kinabuksan ay kailangan ng umuwi nila Kelly at ang mga kuya niya ay nag pasyang hindi muna umuwi ng Manila maliban lang kay Kevin dahil hindi naman ito gaya nila Kian at Keith na mga guro na wala pang pasok dahil naka summer break ang mga estudyante.

"Sulitin na natin uuwi na tayo bukas eh." Ang sabi ni Mimay na naka one piece na bathing suit at kasama si Aliyah na naka two piece bathing suit naman pero naka tapis ng bandana na floral ang design.

"Oo nga eh back to Manila na uli tayo balik chef na ulit."

"Buti ka pa nagamit mo yung course mo sa work mo nuh?"

"Hehe…salamat sa family business namin baka kung wala baka di ko rin nagamit yun."

"At least nagamit mo samantalang ako ang pagiging IT graduate ko ni hindi ko na gamit ni minsan."

"At least nagamit ka parin ng computer."

"Oo kaso callcenter naman sabi ko nga dyan kay Dave gusto ko namang mag explore pero alam mo sabi nya wag na walang mag aalaga kay Meinard."

"Pero sila tito at tita ba? Di pwedeng iwan dun si Meinard?"

"Hindi eh may mag trabaho rin kasi busy kasi ang pamilya ni Dave ayoko naman dun kay mommy ang layo nasa Capiz sila eh."

"Ay, oo nga ang hirap pala buti nalang pala ko may napag iiwanan."

"Oo nga eh pero okay lang at least nag eenjoy naman ako sa work ko kasi kahit na work from home eh nakakasama ko naman ang anak namin."

"Sa bagay may point ka naman sabi nga rin sakin ni Vince di ko naman daw kailangan mag work pero syempre iba parin ang may sariling sweldo para di naman asa lahat sa kanya."

"Oo tama ka dyan."

"Hi mga Miss." Ang sabi nung isa ng lalaki na isa ring turista sa beach na may kasamang dalawa pang lalaki rin.

"Baka gusto nyong sumama samin malapit lang ang cottage namin." Sabi naman nung isang lalaki.

Nakaramdam naman ng takot sila Mimay at Aliyah dahil hindi ka aya-aya ang itsura nung tatlong lalaking nakasalamuha nila dahil para ito mga naka inum.

"Mga miss tara para naman hindi kayo loner." Ang sabi naman nung pangatlong lalaki na umakbay pa kay Aliyah.

"Hey! Don't touch her!" Ang pagalit na sambit ni Mimay at tinabig ang kamay nung lalaki.

"Wag kang mag selos andito naman ako." Sabi nung unang lalaki na nag salita kanina.

"YAHHH!!!" Ang sigaw ni Dave at sinipa yung umakbay kay Mimay.

"Honey!" Ang pagulat na sambit ni Mimay.

"Ayos ka lang ba?"

"O—Oo ayos lang pero si Aliyah…"

Pag lingon ni Mimay yumakap na pala si Aliyah kay Vince "don't worry andito na ko."

"I'm scared they look like they're drunk already."

"Ah…mukhang okay naman na pala sya." Ang sabi ni Mimay kay Dave.

Hinubad naman ni Dave yung t-shirt nya at ibinigay kay Mimay "sabi ko naman kasi sayo wag kang lalabas ng ganyan!"

"Pero kasi…"

"KAYOOOO!!!!" Ang sigaw nung sinipa ni Dave.

"Ay, andiyan pa pala kayo ang sabi ni Dave…Mims kaya mo na??"

"Um..Liyah tara!" Hinila nya si Aliyah.

"Pe---Pero…"

"Ayos lang kami ng bahala dito noi Dave dun muna kayo sa tabi ni Mims."

"Um."

Nang makaalis yung dalawa tumawag agad si Mimay ng isang staff habang tinuturuan ng leksyon nung dalawa yung tatlong lalaking mga lasing na.

"Dad…" Ang nag aalalang sambit ni Aliyah.

"Wag kang mag alala tatlo lang naman yung mag lukong yun ayos lang yan."

"Pero…"

"Don't worry magiging okay rin sila."

Samantala sinapak naman ni Dave yung isang lalaki at si Vince naman ay binalian ng kamay yung nag tangkang suntukin sya pero yung isang lalaki nanatitira ay may dalang balisong bilang sikat sa Batangas ang balisong.

"Bro…" Ang sabi ni Dave kay Vince.

Sumenyas naman si Vince kay Dave na sabay silang susugod pero biglang dumating si Kelly "YAHHHHHH!!!!" umikot sya at tumalon bago nya sinipa yung lalaking may dalang balisong kaya yung pwersa nya na punta lahat sa paa kaya yung lalaki ay nawalan ng malay dumugo pa nga ang ilong nito.

"Ke—Kelly!!!" Ang sabi nila Bince at Dave.

Lumapit naman agad sila Mimay at Aliyah "bakit mo ginawa yon?" Ang nag aalalang sambit ni Vince at dumating naman yung mag security guard at dinakip yung tatlong lalaki at bago umalis bineltukan pa ni Dave yung isang lalaking sinipa nya kanina.

"Hmm? Nakita ko kasing may commotion dito kaya tinignan ko tapos nakita kong kayo pala ni Dave ang kalaban kaya tinapos ko na."

"Haysss!!! Ano ka ba? Alalahanin mo buntis ka!"

"Chill lang wala namang nagyari sakin okay naman ako."

"Pero mali pa rin yun Kelly." Ang sabi ni Mimay.

"Nasan si Dude malalagot kami dun pag nalaman nya."

"Wala umalis kaya wag na kayong mag alala."

"Pero Kelly, delikado talaga ang ginawa mo kanina dapat lagi mong nilalagay sa isip mo na buntis ka at sobrang fragile mo." Ang pag alalang sambit ni Aliyah.

"Tama si Liyah kaya please lang wag mo ng uulitin kung hindi ako ang malilintikan kila kuya Kian." Ang sabi ni Vince.

"Oo na dami nyong sinasabi."

"Ma'am, maaari po ba naming hingan ng statement ang isa sa inyo para dun sa tatlong lalaki na nanggulo po?" Ang sabi nung isang securigty guard kay Kelly.

"Sige ako nalang." Ang sabi ni Vince.

"Sasama na ko bro girls maiwan na kayo dito." Ang sabi naman ni Dave at sumangayon naman sa kanya sila Kelly at umalis.

"Ano? Ayos ka lang ba talaga? Wala bang masakit sayo? Hindi ba masama ang pag bagsak mo kanina?" Ang sabi ni Mimay at chinecheck nya pang mabuti ang katawan ni Kelly.

"Ayos nga lang ako."

"Pero naman babygirl wag na wag mo ng uulitin ang ginawa mo ha? Sobra talagang delikado nun tandaan mo buntis ka at oo marunong ka sa martial arts pero jusme naman wag ngayon alalahanin mo dalawa na kayo ngayon."

"Oo pangako hindi ko na uulitin…Eh ikaw Aliyah? Ayos ka lang ba namumutla ka."

"Hmm? Ah…oo ayos na ko nagulat lang talaga ko duns a mag lasing kanina."

"Sorry ako ng humihingi ng dispensa sa hindi maagang pag aksyon."

"No, hindi naman kami nasaktan ni Mimay."

"Oo nga tsaka wala ka namang kasalanan yung mag lasing na yon lang talaga ang epal."

"Siguro sasabihin k okay Patrick na mag dagdag pa ng guard para bawat kibot o galaw ng mag tao ay may naka bantay para hindi na maulit ang ganitong insidente."

"Well, tama ka naman diyan babygirl mabuti pa ngang sabihan mo ang asawa mo para hindi na mabastos yung mga babaeng turista. Nasan nga pala sya?" Ang sambit ni Mimay.

"Maaga syang umalis eh kasama sila kuya mamimingwit daw ng tilapia."

"Ahhh…oo parang narinig ko nga sila kaninang umaga nga pala nabanggit sakin ni Vince na pupunta pala kayo ng Cebu?"Ang sabi naman ni Aliyah.

"Ha?"

"Hindi pa ba nasabi sayo ni Patrick? Ikaw Mims hindi mo ba alam?"

"Ahhh…yung summit? Nabanggit rin sakin yun ni Dave ang sabi pa nga nya hindi sabay sila Kelly at Patrick ng flight."

"Ano? Bakit wala akong alam sa di'yan?"

Nagkatinginan naman sila Mimay at Aliyah na para bang ninenerbyos dahil sa tingin nila hindi nila iyon dapat sinabi kay Kelly.

"Ah…eh…baka surprise? Ha…Ha…Ha…" Ang palusot ni Mimay at siniko nya pa si Aliyah para umayon sa kanya.

"Ha…ha…ha…Oo nga baka surprise."

"Surprise pero hindi kami sabay ng flight papuntang Cebu? Talagang surprise yon at bakit hindi kami sabay kung ganon? May babae ba sya?"

"Ha? Ba—Babae agad?" Ang sagot nung dalawa.

"Malilintikan talaga sya sakin!"

"Sa—San ka pupunta?" Ang pahabol na sambit ni Mimay.

"Uuwi na sa bahay!"

"Ha? Sa—Sandali lang."

Tinapik naman ni Mimay si Aliyah "girl, tawagan mo si Patrick sabihin mo tinotoyo na naman ang asawa nya."

"Ha? O—Okay."

"Sige susundan ko lang ang babaitang yun."

"Um."

"Sige ikaw na munang bahala kay Meinard ha?"

"Okay ako ng bahala."

"Oh sige mauna na ko ikwento nalang kila Vince ang nangyare."

"Um."

"Okie byie na…Kelly!!! Intayin mo ko!!!"

At hinabol ng ni Mimay si Kelly habang si Aliyah naman ay sinunod ang sinabi nito.

***

Samantala sa bahay nila Kelly sa Batangas kung saan na mimingwit sila Patrick at sila Kian sa may fish pond…

"So, pupunta kayo ng Cebu ni Kelly?" Ang sabi ni Kevin.

"Um. Kaya ipagpapaalam ko po sya sana sa inyo."

"Ohh…pero alam na ba yan ng OB nya? Baka mamaya hindi pwede. Right Kevin?" Ang sabi ni Keith.

"Oo nga nasabi niyo na ba kay Dra. Jinzel?"

"Opo kuya naipaalam na rin po kay doktora."

"Eh si Kelly? Alam na ba nya?" Ang tanong naman ni Kian.

"Ahm…hindi ko pa po sinasabi eh."

"Ano?" Ang tugon nung tatlo.

"Bukas na ang flight pero hindi mo pa nasasabi sa kanya?" Ang sabi naman ni Keith.

"Actually, nagkaroon po kasi ng kaunting aberya sa booking ng flight."

"Huh! Don't tell me hindi sabay ang flight nyo?" Ang sabi ni Kian at hindi nga naka sagot na itong si Patrick.

"Ano? Paano? Bakit hindi sabay?" Ang sabi naman ni Kevin.

"Eh…kasi po ang totoo nyang nakalimutan ko na pao talaga yung summit nay un sa Cebu ipinaalala lang sakin nila Dave at Vince at sila rin po ang nag ayos ng flight namin."

"Eh…bakit nga hindi mo kasabay si Kelly? Siguro may kung anong kabulastugan kang ginagawa ano? May babae ka?" Ang pagalit na tanong ni Kian at kinuwelyuhan nya pa si Patrick.

"Ku—Kuya kumalma ka muna hayaan mong mag paliwanag si Rick." Ang sabi naman ni Kevin na pinapakalma yung kapatid nya para bitawan ang bayaw nya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang kung anong ginagawa kung ayaw mong mag halo ang balat sa tinalupan!"

"O—Opo kuya promise hindi ko po magagawang mambabae."

"Kuya sige na bitawan mo sya." Ang sabi ni Kevin at binitawan nga ni Kian si Patrick ng basta na.

"Hala sige, spill the beans kung ayaw mong itulak ka namin dyan sa pond." Ang sabi naman ni Keith.

"Kuya!" Ang sambit ni Kevin na parang sinasabing wag takutin si Patrick "sige na mag paliwanag ka." Dagdag nya pa.

"Si---Sige po."

"Mga kawsin! Dumating si Kellang!" Ang humahangos na sambit ni Joshua.

"Si Kelly?" Anila.

"Oo at mukhang galit na galit hinahanap nga si Patrick eh."

"Ha? Ba—Bakit raw?"

"Hindi ko alam pero mukhang malilintikan ka kinuha nya yung samurai ni Lolo na naka display sa sala."

"Ano?"

"Haysss… si Kelly talaga sigurado nalaman nya na yung about sa pag punta nyo ng Cebu." Ang sabi ni Kevin at nakita nga ni Patrick ang text message sa kanya ni Aliyah.

"PATRICIO!!!! LUMABAS KA!!!" Ang galit na galit na sigaw ni Kelly at na gulat naman si Patrick sa sigaw na iyon ng asawa nya kaya nag tago sya sa likod nila Kian.

"Sabihin mo nasa labas ka naman." Ang pabirong sambit naman ni Joshua.

"Manahimik ka na nga lang at ikaw naman Patrick lakad harapin mo yung asawa mo di naman totoo yung samurai na hawak nya." Ang sabi ni Kian.

"Sigurado po kayo?"

"Oo display lang yon dahil matagal ng wala ang orihinal na samurai ni lolo replica nalang yung hawak nya."

Pero sa isip-isip ni Patrick "replica nga pero in the end matalim na bagay parin yon at maaaring makasakit. Haysss…bakit ba naman kasi ang bilis uminit ng dugo ng mga Dela Cruz. Bakit??!!!"

"PATRICIO!!!!"

"Wi—Wifey?"

"Sino ang BABAE MO SA CEBU?" Ang galit na galit na sigaw ni Kelly at iniwawasiwas pa nya yung dala nyang samurai na diplay lang daw pero ang totoo yun talaga yung orihinal na samurai na minana pa ng lolo nila sa mga ninuno nila nung panahon pa ng mga hapon.

"Wi—Wifey le—lemme explain…"

"HUMANDA KA!!!"

"Wi—Wifey…maawa ka!!!"

Magkaroon kaya ng espadahan este ng sakitan sa pagitan ng KelRick? Ohhh... baka nag aalala lang si Kelly para kay Patrick? Hmmm...•.•

lyniarcreators' thoughts