webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 277

Dinala na ni Patrick si Kelly sa kwarto nila while kissing her "sandali lang..."

Kelly stopped Patrick on what his doing to her.

"Sorry did I make you embarrass?"

"Ahm... actually I'm shy."

"Hmm? But were couple and I'm your husband at wifey kita."

"I know... but..."

"It's okay kung ayaw mo hindi kita pipilitin matulog nalang tayo."

"No! A— Ayoko pang matulog."

Patrick chuckled "wifey, ano ba ang kinakatakot mo o nahihiya ka?"

"Ahm... both, nung last time kasi na ginawa natin ito parehas tayong wala sa ulirat ikaw lasing ako naman naka kain ng aphrodisiac. Tapos ngayon parehas tayong..."

Patrick kissed Kelly and he laid down her to the bed "I love you mahal kong wifey. You provoke me kaya hindi ko na mapipigilan ito."

"Sa— Sandali lang..."

"Don't worry akong bahala."

He kissed Kelly again "Wait!"

"Wifey naman..."

"Pero... paano kapag na buntis mo ko?"

Pinitik ni Patrick ang noo ni Kelly "awww! Bakit mo ginawa yon?"

"Ako ang asawa mo kaya responsibilidad kita at kung may mabuo man tayo blessings yan at parehas natin yang tatanggapin dahil anak natin yan."

"Pero handa na ba tayo maging magulang?"

"I'm pretty sure that you will be a good mother and I will do my best to become a good husband and a father too to our future kids. Kaya don't worry na okay?"

"Um..."

***

Matapos nga ang gabing yon lalo pang naging matatag ang samahang KelRick hindi na rin na iwas si Kelly kapag pinag uusapan ang tungkol sa anak. Naging open siyang bigla pero ganun parin sya mahiyain kapag ang pinag uusapan ang tungkol naman sa couple thingy nila ni Patrick madalas parin syang nagger at bully pagdating sa asawa niya.

Sinimulan na rin naman nila Kelly at ng mga kuya nito ang plano nila para makabangon muli ang kumpanya ng mga Santos. Sila Kian at Kim ang nag imbenstiga kay Mr. Tuazon sa mga illegal nitong gawain at natuklasan pa nga nilang pusher pala ito ng mga droga at lulong rin sa casino. Samantala, sila Kevin at Keith naman ang umayos ng mga papel sa archive ng SM Corp. pinagaralan nilang mabuti ang lahat ng lumalabas at pumapasok na pera sa company katulong rin nila ang mga kapatid ni Patrick na sila May at Richmond.

Samantala sila Kelly at Patrick naman ang umaarte para hindi maka halata sila Mr. Tuazon at gaya ng dati pinapakita nilang wala silang pakialam sa SM Corp. pero palabas lang ang mga iyon para maka pag investigate naman sila sa ibang board members at isa na nga roon si Mr. Curinay na iniipit pala ni Mr. Tuazon para pumanig ito sa kaniya. Nang nalaman iyon ng KelRick sinabi nila na sila ng bahala dito at wag ng matakot pa dun sa ganid na si Mr. Tuazon.

Bukod sa pag investigate ng KelRick kumuha sila ng taong mag papanggap na bagong investor sa SM Corp.para hindi mahalata si Mr. Tuazon.

"Yes Sir mamaya na pong 1pm ang board members meeting at naka ayos na po ang lahat ng ibinilin niyo sakin ni Ms. Kelly." Ang sabi ni Johnsen kay Patrick na busy sa kanilang office sa tea shop nila ni Kelly.

"Okay sige makaka alis ka na."

"Yes Sir."

"Ahm.... Wait lang Mr. Sensen."

"Sir? May ipaguutos pa po ba kayo?"

"Nothing, I just want to clear something to you."

"About what Sir?"

"About how you addressing my wife?"

"Po? Minsan po Madam pero madalas Ma'am."

"No, yung sinabi mo kanina Ms.Kelly..."

"Ho?"

"Call her as Mrs. Santos or Mrs. Kelly kaya napagkakamalang single pa ang asawa ko eh madami natawag sa kaniya ng Ms!"

"Sir?"

"Ahhh basta! Sundin mo nalang ang ipinag uutos ko!"

"O— Okay po?"

Paglabas ni Johnsen ng opisina "ano raw yon? Tawagin ko lang na Mrs. Santos si Ms. Kelly? Ay Mrs. pala ibang klase rin itong si Sir syadong bantay sarado ang asawa. Well, ang ganda naman kasi talaga ni Ms. Kelly." Ang pabulong bulong niya pang sambit ng biglang dumating si Kelly at para bang may pa slow motion pang naganap at may pa wind effect pa sa buhok ni Kelly.

"Mr. Sensen nandiyan ba sa loob si Patrick?" Ang sambit ni Kelly pero tulalang tulala lang sakaniya si Johnsen.

"MR. SENSEN!!!" Ang sigaw naman ni Kelly kay Johnsen.

"Ma—Ma'am, andiyan na po pala kayo."

"Ano ba ang iniisip mo? May problema ka ba? Para kasing lutang ka."

"Ho? Wa— Wala po... may kailangan po ba kayo?"

"Tinatanong ko nga sayo kanina kung nasa loob ba ang Sir Patrick mo."

"Ahhh... Opo nasa loob po sya busy lang po dahil may board meeting po mamaya. Alam niyo naman po yun di ba?"

"Oo, sana nga maging maayos ang plano siige na bumalik ka na sa trabaho mo." She patted Johnsen's shoulder bago sya pumasok sa office.

"A— Ahm... Ma'am..."

"Hmm?"

"Ioorder ko po ba kayo ni Sir ng pagkain n'yo ngayong lunch?"

"No need, mag dadala dito si Manong Berto."

"Ohhh... sige po Ma'am."

"Um."

At pagpasok ni Kelly sa office nakatulala si Patrick habang nakatingin sa labas.

"Huy!"

"Oh, kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi kararating ko lang bakit ang lalim ata ng iniisip mo?"

"Kinakabahan lang ako para mamaya."

Umupo si Kelly sa lap ni Patrick at hinalikan niya ito sa pisnge "Hmm? Para san yon?"

"Para hindi ka kabahan at wag kang mag alala dahil lahat kami nila kuya pati ng tropa ay suportado ka. Kaya sige na wag ka ng sad."

Niyakap sya ni Patrick at ngumiti "thankyou so much my beautiful wifey hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong mo at nila kuya."

"No worries, para san pa at partners tayo sa buhay kung hindi tayo mag tutulungan di ba? O baka naman ayaw mo na ko maging partner?"

"Sinong may sabi? Ikaw lang ang one and only wifey ko."

Hinalikan niya si Kelly sa noo "sus, one and only daw bakit gusto mo pa bang humanap ng iba?"

"Syempre hinde! At wag na wag mong iisipin na ipagpapalit kita dahil nag iisa ka lang dito sa puso ko at kung may humarot man sakin wala akong pakialam ipapatapon ko agad sya kay Johnsen!"

"Sira! Tapon talaga?"

"Oo, balak ko nga pala ang pa tattoo okay lang ba?"

"Tattoo? Bakit?"

"Niyayakag kasi ako ni Dave eh pero kung ayaw mo ayos lang naman."

"Hmmm... parang gusto ko rin."

"Ha? Wag na! Masakit yun baka masaktan ka."

Bineltukan siya ni Kelly "buang malamang masasaktan talaga ako."

"Ah basta! Hindi na ako mag papatattoo kung mag pupumilit ka na mag lagay din ng sayo."

"Pero gusto ko lang naman maliit."

"Kahit na! Ayaw kong masaktan ka."

"Humph! Bahala ka na nga sige na ayusin mo na yang mga papers mo."

Tumayo na si Kelly pero hinila siya ni Patrick "mamaya ka na umalis dito ka muna."

"May gagawin pa ko chineck lang naman kita dito kung okay ka."

"Ehhhh... dito ka muna 5minutes lang."

"Haysss... ang kulit! Nakakahiya baka mamaya pumasok dito si Mr. Sensen."

"Eh ano naman? We're couple naman at he understand na mag asawa tayo kaya we need "we time" kaya sige na dito ka muna ha?"

"Humph! Sige na basta wag kang gagawa ng kung ano!"

Bumulong sa kaniya si Patrick to tease her "Bakit may gusto ka bang gawin natin dito sa office, my dear wifey?"

Itinulak naman ni Kelly ang bibig ni Patrick "tumigil ka nga! Napaka green minded mo talagang tao ka!"

"Isang goodluck kiss lang."

"Heh!"

"Sige na para naman di ako kabahan mamaya."

"Tsk! Sige na isa lang ha?"

Tuwa ng tuwa naman itong si Patrick "oo promise isa lang pero kung gusto mo more pa okay lang... beke nemen."

"Sapak gusto mo?"

"Ito naman nag lalambing lang eh."

"Tsss... sige na, close your eyes."

"Okay... okay..."

Hahalikan na sana ni Kelly si Patrick ng biglang may kumatok "Wifey ano na?"

"Di mo ba narinig may nag knock sa door."

"Ha? Mamaya na. Kiss ko muna."

"Knock... Knock..."

"Mamaya na buksan mo muna yung pinto."

"Wifey naman!"

"Bubuksan mo o wala kang kiss?"

"Tsk! Oo ere na."

Nag dadabog pa itong si Patrick at tamad na tamad kumilos "nag dadabog ka?"

"Ha... Ha... hinde po mahal na reyna."

"Buksan mo na!"

"Oo ere na nga."

Pagkabukas ni Patrick ng pinto bumungad sa kaniya sila Johnsen at Manong Berto na may dalang lunch nila ni Kelly

"Ano bang kailangan niyo?"

Nagkatinginan yung dalawa "Ayos lang po ba kayo Sir?" Anila.

"Hinde!"

"So— Sorry po."

"Ha? No, wala kayong kasalanan pero is there something wrong? Manong Berto why are you here?"

"Ahhh... Opo Sir andito si Manong Berto para ibigay ang lunch niyo ni Ma'am Kelly."

"Opo Sir, pinabibigay po ito ng Mommy niyo at goodluck po pala sa gagawin niyo mamaya."

"Salamat Manong Berto."

"Sige po Sir mauna na po ako ihahatid ko pa po kasi si Ma'am May sa Batangas."

"Anong gagawin ni Ate don? Di ba sya aattend ng meeting?"

"Ang alam ko po hinde pero ang sabi niya po may tiwala daw po sya sa inyo ni Ma'am Kelly."

"Okay sige po baka inaantay na kayo ni Ate pero kumain na po muna kayo ni Mr. Sen."

"Sir?"

Kumuha ng 2k sa wallet niya si Patrick at binigyan ng tig 1k ang bawat isa "pero Sir hindi na po kailangan."

"Opo nga Sir tama si Mang Berto. May baon naman po akong pagkain."

"No, I insist sige na ha? Bye."

Nag madali ng pumasok si Patrick "anong meron kay Sir?" Ang sabi ni Johnsen.

"Hayaan mo na ganyan yan simula ng nakilala niya si Ma'am Kelly yung tipong laging nag mamadali."

"Ho?"

"Oo maraming nag bago sa kaniya simula nung nakilala niya ang asawa niya at mabuti nga nag kasundo sila parati kasi silang nag aalitan parang aso at pusa nung college sila."

"Talaga po?"

At nag pa tuloy sa kwentuhan yung dalawa habang nag lalakad palabas.

"Si Manong Berto ba yung dumating?"

"Oo ere may dala syang lunch natin bigay daw ni Mom."

Excited naman agad itong si Kelly at kinuha ang dala ni Patrick "Oh, dahan-dahan lang naman gutom na gutom lang?"

"Heh!"

Kumuha naman agad si Kelly ng pinggan ngunit pag bukas niya ng lagayan ng ulam bigla syang nakaramdam ng sama ng sikmura kaya dali-dali syang nag punta ng cr at nag suka doon nag alala naman si Patrick sa kaniya "Wifey, are you okay?"

"Yung curry ni Mommy di ko gusto ang amoy."

"Ha?"

Nag patuloy naman sa pag susuka si Kelly at tumigil lang ito nung inilabas ni Patrick yung chicken curry.

Waahhhhh... bakit kaya nasusuka si Kelly? Ano sa tingin niyo? Comment na! Hihi...XD

lyniarcreators' thoughts