webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 266

Habang nasa biyahe ang mga kuya ni Kelly...

Si Kevin na ang nag drive ng van nila katabi nya naman sa may front seat si Kian na wala sa mood samantala nasa likod naman sila Kim at Keith.

"Hayyyyss... Ang tahimik naman pero ano na ang plano natin ngayon mga tol?" Ang sabi ni Keith.

"Ahm... kung ako yung tatanungin mga kuy's may point naman yung kuya ni Patrick nasa tamang gulang na si Kellang at alam na niya ang tama sa mali." Ang sambit ni Kevin at napatingin sa kaniya si Kian ng masama.

"Ah... Eh ang akin lang naman kuya..."

"Manahimik ka!"

"Pero kuya... hindi ba sabi nila tita kapag lalong pinipigilan lalong nag pupumiglas halata naman kay Kelly na gusto niya rin si Patrick kaya... why bother? I mean hindi ko naman sinasabing boto ako kay Patrick pero isipin niyo kahit papano kilala na natin yung tao he even sacrificed himself para lang mailigtas si Kelly nung nakidnap sya di ba? I know his fault kung bakit naman na kidnap si Kelly pero kahit na mag ka ganon nakita natin yung sincerity niya kung paano niya inexpress yung love niya kay babysis."

"Well, you have a point baby bro nung nag punta kami para sunduin si Kelly sa condo ng tukmol na yon ni hindi man lang nag hesitate si Kelly na sumama dun kay Patrick she ain't call us para iligtas siya." Ang opinyon ni Keith.

"Kasi nga she loved him. Kaya sana maintindihan nyo na ang babysis natin ay matured na. Alam ko hindi tayo sanay na wala sya sa tabi natin pero darating at darating talaga yung ganitong pagkakaton na kailangan na niyang bumuo ng sarili niyang pamilya. Tignan niyo, ikaw kuya Keith may Faith at baby Tum-Tum ka na ikaw naman kuya Kian may Jacob ka na and eventually you and ate Rica will decide to get married we know naman na kayo na ulit. At kami naman ni kuya Kim is eventually magkakaroon na rin ng sarili pamilya. Oh, paano na si babysis?"

"Family? Ikaw? Eh wala ka pa ngang gf dyan!" Ang sagot naman ni Kim kay Kevin.

"Kuya kaya nga may eventually."

"Sus! Palusot ka pa! Pero tama ka naman eventually magkakaroon na tayo ng kani-kaniya nating pamilya. Hindi rin naman pwede na sa panahon na yun eh na kay Kelly lang ang atensyon natin. Well, ang ibig sabihin ko naman din eh hindi natin siya mababantayan 24 hours kasi nga magiging busy na tayo sa kani-kaniya nating pamilya balang araw."

"See, naiintindihan niyo naman pala ang ibigsabihin ko eh kaya tama lang siguro na hayaan nalang natin si Kelly kung saan sya masaya. Para na rin hindi tayo mag aalala sa kaniya dahil may gagawa na nun sa kaniya at iyon nga ay si Patrick."

"Enough!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Pero tol, tama rin naman talaga si Kevin eh agree na rin naman si kuya Kim di ba?" Ang sabi ni Keith.

"Ha? Ah... eh... siguro? Di ko alam, syempre nag dedecide naman tayo kapag sang ayon ang lahat. Kung hindi sangayon si kuya edi di na rin ako."

"Manahimik kayo nag iisip pa ko!"

***

Nasa isang branch na ng SM sila Vince at inaantay nalang sila Kelly at Patrick...

"Gutom na ko di pa ba tayo kakain? Kanina pa tayo nakatayo dine nangangalay na rin ako pumasok na kaya muna tayo dun sa Korean resto na yon." Ang sabi ni Harvey.

"Ako nga rin gutom na ang layo pa ng binyahe ko tapos wala pa pala dine yung dalawa?" Ang sabi naman ni Mimay.

Busy naman sa kaniyang phone si Vince habang ka text si Kelly "konti nalang parating na daw sila ni Patrick medyo traffic raw kasi."

"Sabi ko naman kasi kay Dude bumili na sya ng motor ayaw pa ayan di tuloy sila makasingit." Ang opinyon naman ni Dave na nakaupo na sa sahig.

"Nga pala, anong balita sa iba nating mga kaklase? Simula nung umalis ako dito sa Manila wala na kong na balita sa kanila." Ang sabi ni Mimay.

"Kahit naman kami wala na rin simula nung grumaduate kami wala pang reunion na nagaganap." Ang sabi ni Harvey.

"Ikaw ang president bakit di mo pamunuan?" Ang sabi naman ni Dave.

"Kung pwede nga lang kaso masyado akong busy these days. Dalawang trabaho kasi ang hawak ko isiningit ko na nga lang itong araw na ito eh wala pa nga rin akong tulog."

"Para namang isang barangay ang sinusustentuhan mo brad. Chill din pag nag time."

"Kaso nga walang time walo kaming mag kakapatid at alam niyo naman ako lang inaasahan samin kasi nga mga bata pa mga kapatid ko dalawa na ang College sa kanila kaya kailangan ko talagang kumayod parang kalabaw. Ang mahal mag paaral ngayon tapos puro online class pa susme."

Naupo na rin si Harvey sa sahig katabi ni Dave at nakiupo na rin naman si Mimay pero hindi sya tumabi dun sa dalawa. "Dati gusto ko rin magkaroon ng kapatid pero ngayong meron na parang ayoko na pala."

"Mimay, are you okay?" Ang sabi ni Harvey at nakatingin lang naman si Dave kay Mimay.

"Actually... hinde at hindi rin totoo na umuwi kami ni mommy dito sa Manila lumayas lang ako samin."

"Ano?" Ang pagulat na sambit nung tatlo nakiupo na rin naman si Vince.

"Ano ang nangyare? Kala ko ba dito na kayo ng mommy mo uli titira sa Manila tapos lumayas ka lang pala?" Ang sambit ni Vince.

"Si Daddy kasi nagkaroon na ng ibang pamilya at nalaman kong nagkaroon na siya ng anak sa bago niyang asawa si mommy naman may bagong boyfriend at buntis sya ngayon."

"Tapos lumayas ka? Baka naman mag alala ang nanay mo niyan at kung mapano sya at yung dinadala niyang baby." Ang sabi naman ni Harvey at nanatiling tahimik lang si Dave.

"I know, pero di naman niya malalaman na umalis ako dahil busy sya sa bago niyang boyfriend at sa anak nito."

"Wait, may anak yung bf ng nanay mo?" Ang sabi ni Vince.

"Oo at simula nung nag sama sila na itsapwera na ko di na nga ko napapansin samin kaya di naman na ako kawalan kung umalis man ako."

"Huy! Hindi ganyan yon wala namang magulang na nakaka tiis sa anak kaya wag mong imisinterpret ang nanay mo."

"Oo nga tama si Harvey kaya mabuti pa umuwi ka na ngayon din. Baka nag aalala na ang nanay mo sayo." Ang sabi ni Vince.

"Ayoko nga! Dito muna ko sa Manila tsaka nag sabi na ko sa grandparents ko kung hanapin man ako ni mommy alam na nila kung san ako hahanapin."

"Pano yan san ka ngayon tutuloy? Hindi ba at binenta n'yo na yung bahay niyo?" Ang sabi ni Harvey.

"Sa ngayon di ko pa alam pero may pera naman ako dito kaya bahala na kung san."

"Ano? Bakit bahala na? Baliw ka ba? Delikado ang panahon ngayong lukaret ka! Dun ka na lang muna samin." Ang sabi ni Vince.

"Ha? Di na nakakahiya ako ng bahala sa sarili ko."

"Pwede sana samin kaso alam mo naman maliit ang bahay namin tapos 8 pa kaming mag kakapatid."

"Para kayong baliw dalawa ayos nga lang ako."

"Sa condo nalang ni Dave mag isa lang sya don!" Ang sabi ni Harvey.

Napatingin naman si Mimay kay Harvey at nagka iwasan naman rin sila ng tingin "pre hindi ba may bago kang condo? Dun mo na muna patuluyin si Mimay." Dagdag pa ni Harvey.

"Ha? Ah... eh..."

"Hindi na! Tatawagan ko nalang ang tita ko malapit lang yun dito kaya ayos lang ako wag na kayong mag alala."

Napatingin si Vince kay Dave na para bang nakakaradar sya na may mali dun sa dalawa ng biglang dumating naman na sila Kelly kasama si Patrick na naka alalay dahil di parin ito makalakad ng ayos ito "guysssss!!!!"

"Kelly?" Anila.

Lumapit naman si Patrick sa kanila habang inaalalayan si Kelly "anong nangyare sayo?" Ang sabi agad ni Vince na alalang ala.

"Ayos na ko medyo..." napatingin siya kay Patrick at ganito rin naman ito sa kaniya "medyo shunga eh lam mo na may pag ka lampa ako." Ang pag pagpatuloy niyang sabi.

Napatingin naman si Vince kay Patrick "baka naman kung ano na ang nangyare sayo? Sabihin mo lang at talagang tatamaan sakin ang may gawa nito sayo."

Alalang ala rin naman si Mimay kay Kelly "mukhang namamaga pa ayos ka lang bang talaga?"

"Oo ayos lang bali pang 2days ko pa lang kasi na nagka ganire kaya ayun medyo talagang maga pa yan pero okay na ko don't worry."

"Mabuti pa pumasok na tayo sa resto para makaupo na si Kelly." Ang sabi ni Harvey.

"Oo nga halika bubuhatin na kita para mapabilis." Ang sabi ni Vince.

"No need, I can carry her." Ang sabi agad ni Patrick.

"Wag na! Lagi mo na nga akong buhat gusto kong mag lakad."

"Pero wifey..."

"Wifey????" Ang pagulat na sambit nung apat.

Sumenyas naman si Kelly na parang naiinis kay Patrick "ayieee... wifey and hubby na ba ang tawagan niyo?" Ang panunuksong sambit naman ni Dave.

"Ha? Hi— Hinde no! Bakit ko naman tatawagin na hubby ang tukmol na yan?!"

Kinurot naman ni Kelly si Patrick.

"AHHHHH..."

"Dude, anong nangyari?" Ang sabi ni Dave.

"Ahhh... Ang banas yun lang tara na kumain na tayo?"

Nauna na sa isang Korean restaurant si Patrick at iniwanan na si Kelly "hoy!!! Tamo ang taong ito iniwanan lang talaga ko ng papaganire dine?" Ang naiinis na sambit ni Kelly inalalayan naman agad ni Vince at ganoon rin naman itong si Mimay.

"Pasensya na Master mukhang dala ng amnesia niya nalimutan niya na ding mag care sige ako ng bahala sumunod nalang kayo ha?" Ang sabi ko Dave at sinundan agad si Patrick sa loob ng resto.

"What just happened?" Ang sabi ni Harvey.

"Hayyysss... tara na nga pumasok na tayo gutom na ko." Ang sabi ni Kelly.

"Kami nga rin ang tagal niyo kasi." Ang sabi ni Vince.

At nag tungo na nga sila sa restong lahat at habang nag lalakad kinakausap nung tatlo si Kelly "ano? 2weeks kayong na lockdown sa condo ni Patrick?" Ang sabi ni Harvey.

"Mag seen ka kasi sa gc pre para alam mo ang kaganapan saming lahat." Ang sabi ni Vince.

"Ehhhh...kasi nga masyado akong busy sa work kung di ko pa nga nakita si Dave na may ganireng lakad tayo eh di ko malalaan."

"Anyways, ano ng plano ng mga kuya mo?" Ang sabi ni Mimay.

"Ngayon, di ko alam sigurado akong galit na galit ang mga yon sakin at pag umuwi ako siguradong hindi na nila ako papayagang lumabas pa."

"Alam mo naman pala na ganyan ang mangyayare bakit di ka pa sumama kahapon sa kanila nung sinundo ka? Sumama ka pa kay Patrick." Ang sabi ni Vince.

"Wala na kong nagawa kung kayo rin siguro ang nasa sitwasyon ko baka ganun na rin ang gawin niyo."

"Sana lang humupa na ang galit ng mga kuya mo lalong lalo na si kuya Kian sabi sakin ni kuya Ethan sumugod daw sila sa bahay ng mga Santos."

"Ano? Bakit hindi ko alam? Wala rin namang nabanggit sakin si Patrick."

"Baka ayaw ka niyang mag alala pa." Ang sabi ni Mimay at nakarating na rin sila sa kinauupuan nila Patrick at Dave pero tahimik lang na naupo si Kelly habang pinag mamasdan niya si Patrick.