264 Kabanata 264

"Ano? May nangyari kila Kelly at Patrick?" Ang pagulat na sambit ni Faith kay Kevin.

"Shhhh... wag kang maingay Ate Faith baka marinig ka nila kuya!"

Sinadyang iparinig nila Kevin at Faith ang about sa dalawa.

"Ano yung sinabi mo Faith?" Ang sambit ni Kim na saktong kukuha ng inumin sa kusina kung nasan din sila Faith at Kevin.

Nagkatinginan sila Faith at Kevin at pangiti ngiti pa ng palihim at pinagpatuloy nung dalawa ang kanilang pag arte "ah... ahm... Oo kuya yun kasi ang sabi sakin ni Ma'am May." Ang pagkukunwaring sagot ni Kevin.

Sumenyas naman si Kevin kay Faith at naki simpatya kuno pa ito "Pano yan kung may nangyari na dun sa dalawa baka magkaroon na ng bunga yun pano yun eh di ba pa pupuntahin niyo si Kelly sa Canada? Kawawa naman yung baby pag lumaki ng walang ama right Kevs?"

"O— Oo pero kasi naka pag desisyon na sila kuya at nakabili na rin ng ticket."

"Hindi pwede! Kailangang malaman ito ni kuya." Ang galit na sambit naman ni Kim at nag tungo agad sa sala kung nasan si Kian at Keith na kasalukuyang nagka laro ng chess kasama si Jacob at sumunod na rin naman sila Kevin at Faith agad.

"Tol!!!"

"Anong meron at may pag sigaw ka pa diyan Kim." Ang sabi ni Kian na iniisip kung ano ang next move niya sa laro.

"May nalaman si Kevin tungkol kila Kelly at Patrick."

"Malalaman at malalaman rin naman natin yan mamayang gabi di ga nga at pupunta tayo sa bahay ng mga Santos." Ang sabi naman ni Keith.

"Pero mas mabuti ng malaman niyo ng maaga para mapag planuhan na natin ang magiging aksyon natin."

"Just direct to the point Kim!"

"O— Oo kuya.... Kevin ikaw na nga."

"Ha? Ba— Bakit ako?"

"Ay Sino? Ako? Turuan kayo ng turuan diyan! Kapag yan walang kwenta makakatikim talaga kayo saking dalawa."

"Ako na nga! Si Babysis baka magkaroon na ng baby magiging tito na ulit kayo." Ang sabi ni Faith na para bang normal lang sa kanya ang pag sambit niya noon na wala man lang naramdamang takot kay Kian.

"ANO?!" Ang sabay na sambit nila Kian at Keith.

Nakisabat naman si Jacob "Tita Faith, ano po ang ibig niyong sabihin? Magkakaroon na ng baby si tita Kelly? Pero... paano po?"

Lumapit naman si Faith kay Jacob and she bends and talk to the kid sincerely "mahirap ipaliwanag baby pero once na nasa legal age ka na malalaman mo rin yun. Pero ngayon halika na muna sa taas hayaan na muna natin sila mag usap dito."

"Pero..."

"Halika na baka gising na si Tum-Tum."

"Sige po."

At tumaas na nga yung mag tita at nag pa tuloy sa pag uusap yung mga kuya ni Kelly "paanong nangyari ang ganung bagay? I mean bakit? Saan mo nalaman ang ganyang balita?" Ang sabi ni Keith.

"Sinabi lang sakin ni Ma'am May nung isang araw niya pa yun nabanggit sakin kaso di ko masabi sa inyo baka kasi kung anong gawin niyo."

"THUD!"

Sa galit ni Kian itinapon niya ang chessboard "hindi maaari!!! Mag bihis kayo at ngayon rin pupunta tayo sa mga Santos!"

"Pero kuya mga busy silang tao baka mamaya wala naman tayong madatnang tao sa bahay nila." Ang pag dipensang sambit ni Kevin.

"WALA AKONG PAKILAM!!!! Kung busy sila pwes busy rin ako na balabugin sila! Naiintindihan mo?!!!"

"So— Sorry kuya."

"Talagang ginagalit na ako ng mga Santos na yan!!! Lalong lalo na yang si Patrick!!! Ang lakas ng loob niyang gawin ang ganun kay Kelly? Humanda sya!!!"

Nag walked out si Kian at sa underground ang direksyon ng way niya "Anong gagawin dun ni kuya?" Ang sabi ni Kevin.

"Teka, hindi kaya..." Ang sabi ni Keith at sabay-sabay nilang sinabing tatlo nila Kevin at Kim ang salitang "yung baril!!!"

"."

Sumugod nga sila Kian sa bahay ng mga Santos kahit na ang oras ng pagkikita nila sa pamilyang ito ay sa gabi pa. Hindi nila inaasahang may ibang tao rin pala doon sa bahay nila Patrick.

"Sabi ko naman kasi sa inyo busy silang tao mukhang mga business partners nila ang mga naririto. Bumalik nalang tayo mamayang gabi." Ang sabi ni Kevin.

"Wala akong pakialam!!!" Ang galit na galit na sambit ni Kian at nag paputok sya gamit ang baril ng kanilang Daddy na matagal ng nakatago sa bahay nila.

Nag panic ang mga taong nandoroon sa bahay ng mga Santos at naka agaw atensyon nga ang mga kapatid ni Kelly pinaligiran namang agad ng mga security guard sila Mr. and Mrs. Santos.

"What's going on here dad?" Ang sambit ni May paglabas niya an humahangos pa at nakita niyang andoon na ang mga kuya ni Kelly "Holly crap! Sila ba yung nag pa putok?"

"Miss, dito lang kayo." Ang sabi ng isang guard.

Samantala nakikipag tunggali naman sila Kian sa ibang guard ng mga Santos at dahil galit na galit nga sila gigil na gigil silang makipaglaban "What are they? They good at fighting?" Ang sabi ng isang lalaking chinese na business partners ng mga Santos.

"They're action star." Ang sambit naman agad ni Richmond pag dating niya.

Napatingin naman sa kaniya ang parents nila at si May na ang itsura ay para bang nag sasabing "Ano ang pinagsasabi mo?"

"Action star?" Ang sagot naman ng mga di nakaka kilala sa mga kuya ni Kelly.

Richmond went in front of everyone and explain what's going on pinagtakpan niya ang mga kuya ni Kelly dahil once na malaman ng iba na may issue ang pamilya nila sa mga Dela Cruz tiyak na pag pipyestahan sila ng madla lalong lalo na ng media.

***

Sa magkaparehong oras malapit ng matapos si Patrick sa pagdrawing niya kay Kelly at talagang napaka galing niya pag dating sa kaniyang passion.

"Di pa ba yan tapos? Ngalay na ako!"

"Konti nalang mabilisan na nga ito eh black and white ang ginawa ko para art."

"Ano? Anong para art? Hindi pa ba art ang tawag mo sa ginagawa mo?"

"I know I just want to say something alam ko namang mag cocomment ka eh. Hahahahaha..."

"Ahhh... ganon..." pinagbabato niya ng unan na nasa sofa si Patrick.

"Heyyyy!!! Di pa ako tapos!"

"Ewan ko sayo! Ayoko na."

"Ayan di tuloy pantay ang ilong mo dito."

"Ano? Ayusin mo yan!"

"Hahaha... joke lang tapos naman na talaga ako gusto mo na bang makita?"

"Tsss! May choice ba ko? Pag yan pangit lagot ka talaga sakin na ngalay ang leeg ko sa pag posing."

Lumapit naman si Patrick at ipinakita niya ang kaniyang natapos na isa na namang master piece para sa kaniya "how is it? Do you like it? Pinag tuunan ko talaga ng pansin diyan yung mata mo kasi naka tingin ka sakin."

"Heh!"

Naupo naman si Patrick sa tabi ni Kelly habang pinagmamasdan ang kaniyang ginawa "Alam mo kahit nagkaroon ako ng amnesia pakiramdam ko para akong nasa langit habang na guhit. Alam mo yung ganung feeling yung cloud nine na tinatawag."

"Yeah... actually you said it before na sa arts and crafts ka talaga magaling at hindi sa computer napilitan ka lang kasi against sa mga magulang mo ito dahil ang gustong course nila para sayo ay business course."

"Kahit ngayon naman pinipilit pa rin nila ako na pumasok sa negosyo namin pero ayoko."

"May amnesia ka man o wala marunong ka paring manindigan and that's the thing I really admire from you."

"Really? You admire me?"

Bineltukan naman sya ni Kelly "wag ka ngang assuming nasabi ko lang yon kasi di gaya mo di ko kaya yon dahil kila kuya. Gusto kasi nila parati akong susunod sa mga naisin nila para sakin pero..."

"Pero, sakal na sakal ka na? Tama ba ko?"

"Oo, hindi ko lang masabi kasi mahal ko sila at ayokong masaktan ko sila. Dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila simula ng nawala ang daddy namin at nag OFW si mama sila kuya na ang tumayong mga magulang sakin. Kaya mahirap para sakin na suwayin ang mga gusto nila. Pero dahil sayo madami akong nilabag."

"Eh?"

"Ayoko na sanang balikan pero one time nasampal ako ni kuya Kim kasi sinagot ko sya at alam mo ba ang tagal kong hindi kinausap nun si kuya. Pero kahit na magka ganon mabigat yun sa kalooban ko. Ako kasi yung tipo ng tao na di mapag tanim ng galit pero syempre pag sobra na abuso na yon."

"Why don't you try na ikaw naman ang mag decide para sa sarili mo?"

"Hmm? What do you mean?"

"Hindi ko naman sinasabing suwayin o wag kang sumunod sa mga kuya mo ang akin lang nasa free country tayo kaya we can do what we want. Hindi ko naman sinasabing mag rebelde ka pero for once lang mag decide ka ng ikaw lang para na rin naman sa ikasasaya ng puso at isipan mo."

"I dunno kung kaya ko mahirap kapag mag isa lang ako apat sila kuya anong laban ko sa kanila?"

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly at sinabing "hindi ka na nag iisa ngayon dahil kasama mo na ko. At pangako sasamahan kita kahit saan ka man mapadpad sa new journey na gagawin mo gusto kong sabay nating gawin yun ng mag kasama. Kung ayos lang sayo..."

Nagkatitigan yung dalawa at masayang ngumiti si Patrick kay Kelly "new journey na kasama sya? Siguro hindi na rin masama... masaya naman akong kasama sya." Ang sabi ni Kelly deep inside.

"Kelly, pwede bang mag sama na tayo?"

"Ha?"

"I know its so sudden pero sa loob ng dalawang linggo na nakasama kita pakiramdam ko ilang taon ang lumipas at sa tingin ko hindi na ko sanay na hindi ka kasama."

"A— Anong pinagsasabi mo?"

Lumuhod si Patrick at sinabing "Kelly Ann Marie Dela Cruz a.k.a Ms. Hoodie will you be my wifey/my partner in life forever and ever? Pangako, magiging mabuti akong asawa sayo at ama sa magiging anak natin balang araw. Alam ko namang ayaw mo pang mag ka anak at ayaw mo rin sakin pero ayoko ng mahiwalay pa sayo. Kaya will you marry me for the second time Mrs. Santos, please?"

avataravatar
Next chapter