webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 191

Kinagabihan,

Kumakataok si Jacob sa kwarto ng tita Kelly niya "Tita Kelly? Kakain na raw po dumating na po sila daddy."

"Oo bababa na ako saglit lang."

"Sige po!"

Sa isip-isip ni Jacob "Hmmm...ano kayang ginagawa ni tita Kelly ni hindi man lang ako pinapasok sa kwarto niya."

Nakasalubong naman sya ni Keith habang pababa ng hagdan "Oh? Bakit ikaw lang asan ang tita Kelly mo?"

"Tinawag ko na po susunod na lang daw po."

"Oh...mukhang busy ang tita Kelly mo may midterms kasi sila ata sabi ng tita Faith mo kaya nag rereview siguro."

"Kung yun nga po ang ginagawa niya talaga." Ang pabulong na sabi ni Jacob.

"Ano yon?"

"Ahhh...sabi ko po bumaba na po tayo at wag na nating istorbohin si tita Kelly."

"Oo sige tulangan natin maghain ng hapunan ang tita Faith mo."

"Opo..." At habang pababa sila napasulyap sya sa kwarto ng tita Kelly niya.

Samantala sa kwarto ni Kelly,

Nakahiga lang sya at may katext "Okay lang ako wag ka ng mag alala." Aniya habang tinatype yung mga binanggit niya at sinend kay Patrick.

"Emeged, why am I like this? Hmm...Teka nga kinakausap ko na naman ang sarili ko nakakabaliw na."

At nag pagulong gulong sya sa kama "Ahhhhh...ano kayang gagawin ko bukas?"

"Pero simpleng kain lang naman yun at hindi yun date sa cafeteria nga lang eh ano ka ba Kelly?!"

Bumangon sya at humarap sa salamin "Ibahin ko kaya ang hairstyle ko?"

"Kaso kapag iniba ko naman mahahalata ako nila kuya sasabihin pa ng mga yon anong meron?"

"Tsk...wrong move...hmm...ano kaya?"

"Haist...bahala na nga para naman akong tanga nito eh bakit ba ako na eexcite?"

"Tsaka dapat nga mahiya ka Kelly kasi hinalikan mo si Patrick sa pisnge kanina anong ka bobohan yun jusmiyo!!!"

"Badtrip! Nakakahiya yung ginawa ko baka isipin ni Patrick ang easy to get ko naman tapos isipin niya na patay na patay na ko sa kaniya eh hindi ko pa nga alam kung mahal ko na nga ba sya talaga."

"Kakainis naman!!!"

"Ring...Ring..." tumatawag naman sa kaniya si Mimay pandalas naman niya iyong sinagot "Hello? Mimay!!!!"

Mimay: Oh, bakit parang ang saya mo naman anong nangyare ha?

Kelly: Ang dami bruh...

Mimay: Gaya nang? Sige ikwento mo miss ko na kayo diyan...boohoo...

Kelly: Oo nga eh hindi ka na ba babalik talaga?

Mimay: Hindi ko pa sure pero baka next year na pero sige kwento ka.

Kelly: Ay, oo ano kasi yung ano...

Mimay: Hala sya! Kinikilig ka no? Anong ganap sa inyo ni Patrick ? Kayo na?

Kelly: Luh! Hindi pa!

Mimay: Ayieee...bakit may hindi pa? Tanggap mo na ba sya? Inamin mo na ba sa sarili mo na you like him?

Kelly: Ha? Bakit mo naman na sabi na gusto ko si Patrick?

Nahiga naman sya sa kama niyang muli "Halata ba na gusto ko sya? Pero hindi ko alam kung love ba yun as something romantic or something about friend lang?"

Mimay: Luka ka talaga! Yang nararamdaman mo is something that romantic not for friendship lang.

Kelly: Ha? Ganun ba? Paano? Hindi ko alam.

Mimay: Tsss...napaka weak mo talaga pagdating sa ganyan.

Kelly: Ehhh...hindi ko talaga alam Mims.

Mimay: Ganito, kapag hindi mo sya naikita ng isang araw anong nararamdaman mo?

Kelly: Ahm...malungkot kasi syempre wala sya sanay akong lagi siyang nasa tabi ko I mean lagi ko kasi syang binibully eh.

Mimay: O tapos kapag may kasama syang babae anong nararamdaman mo?

Kelly: Ah...eh...hindi ko alam parang ano yung ano.

Mimay: Hindi mo masabi kasi selos yan.

Kelly: Se—selos?

Mimay: Oo selos masakit sa damdamin mo kapag nakikita mo syang may kasamang ibang babae di ba?

Kelly: Ah...eh...ewan ko? Siguro?

Mimay: Alam mo matagal ko ng napansin na gusto mo na si Patrick pero dahil nga indenial ka hindi ko sinabi tsaka ang manhid mo bruh.

Kelly: Eh anong gagawin ko? Dapat ba mag confess na ako sa kanya?

Mimay: Hala ka! Wag mong gagawin yan ikaw yung babae bruh kaya let the guy do it.

Kelly: Pero tapos na sya dun nagawa na niya yun eh.

Mimay: I know but don't you dare to confess to him.

Kelly: Eh bakit naman kung mahal ko na pala sya.

Mimay: Sira! Pag ginawa mo yun parang wala ng magaganap na ligawan moments hindi ba gusto mong maranasan ang old way ng panliligaw?

Kelly: Oo syempre dalang Filipina yeah ako eh.ahahaha...

Mimay: Don't confess para he make ligaw to you.

Kelly Okay sige master gagawin ko po lahat ng sinabi nyo.

Mimay: Hahahaha...dalaga na ang baby girl namin...ayieee...

Kelly: Shhh...enebi...ahahahaha...

Mimay: Ang luka mo dyan. Ahahahaha...

"Kelly!!! Kakain na!!!"

Kelly: Oh, sige na tinatawag na ko ni kuya Kian nako lagot na naman ako dun.

Mimay: Sya sya sige na byieee...basta yung bilin ko ha?

Kelly: Um...bye master ingat kayo diyan.

Mimay: Okay kayo rin byie.

"Kelly!!!"

"Opo kuya andiyan na."

Binuksan naman ka agad niya yung pintuan niya at nakita niya ang kuya Kian nya sa labas "Ano bang ginagawa mo? At sino ang kausap mo?"

"Ah? Si...Mimay lang kuya nangangamusta ."

"Okay, halika na kakain na ng hapunan."

"Um..."

Sa magkaparehong oras sa condo ni Patrick,

Nakain ng dinner si Patrick nung dumating si Dave "Gabi na ah anong kailangan mo?"

"Wala naman napadaan kasi ako sa convenience store sa baba ng condo niyo tapos naalala kong bisitahin ang "ritskid" kong bff."

"Tsss...Gago ka! Nakakamoy ka lang ng pagkain eh sakto talaga eh no?"

Nakita naman ni Dave na may pizza at may bucket ng chicken sa lamesa ni Patrick "Wow...ang dami nito dude mauubos mong lahat yan?"

Naupo naman si Patrick at sinabing "Na radar ko kasing dadating kang gago ka kaya ayan lafang na."

"Ayos hindi pa talaga ko nag hahapunan eh inutusan lang ako ni Mamay bumili ng toyo."

"Ano toyo? At nakarating ka pa dine? Ang layo ng bahay niyo dito dude baliw ka?"

Kumuha naman na ng slice ng pizza si Dave at nagsimula ng lumafang "Ahahahaha...oo dude bored ako samin kaya umalis muna ko kakatamad ng mag review."

"Baliw! Eh paano yung toyo ng nanay mo?

"Ayos lang yon sure ako si Mamay na yung may toyo ngayon kaya hindi ko na kailangang bumili. Hahahaha.."

"Tungaw ka."

Sa bahay naman nila Dave,

"Anong tagal naman ni Dave bumili ng toyo?"

"Ah...eh...Ma sabi ni kuya wala daw pong toyo kila Aling Pasing." Ang sabi ni Precious.

"Eh nasan ang kuya mo?"

"Nag text po na kila Patrick po."

"Ano? Lintek na bata yon! Sabing bumili ng toyo sa tindahan eh."

"Ako nalang po bibili ."

"Hindi na bwiset talaga yang kuya mo kahit kailan humanda sya pag uwi niya dine mamaya."

"Ka ching..." may nagtext kay Precious.

Binasa ni Precious ang text message at iyon ay galing kay Dave "Ah....Ma..."

"Bakit?"

"Hindi daw po uuwi ngayon si kuya nagtext."

"ANO? Lintek kamo sya wag na kamo syang umuwi dine kahit kailan pinabibili lang ng toyo eh!"

"Sasabihin ko po talaga?"

"OO!!! Sabihin mo mag alsabalutan na sya at doon na tumira!"

"Ma galit ka po?"

"HINDE!!!"

"O—okay po."

Tinext naman ni Precious ka agad nag kapatid na si Dave "Kuya, lagot ka kay Mamay pinabibili ka lang daw ng toyo eh kung saan-saan ka daw nag pupunta ngayon wag ka na daw umuwi dine. Si Mamay na tuloy ang may toyo ngayon lagot ka!"

Mabalik naman sa condo ni Patrick binabasa na ni Dave yung text sa kaniya ng kapatid niyang si Precious "Ahahahahahaha..."

"Ano namang nakakatawa sa pagkain ng pizza at chicken? Nababaliw ka na ba talaga?"

"Hahahaha...kasi sabi ko di ba pinabibili ako ng toyo ngayon sabi ni Precious si Mamay na daw ang may toyo. Ahahahaha...lakas pa naman ng toyo nun sure ako ang alat ng iluluto nun."

"Sira! Anyways, bro paano bukas?"

"Ha? Anong meron bukas? Birthday mo ba? Hindi naman di ba?"

"Tange! Hindi ko birthday may date kami ni Kelly."

"Wow...paano? kailan?"

"Ano? Kanina kasi nung nasa loob kayo ni Vince ng kotse inaya ko si Kelly na lumabas kami sa Sunday kaso hindi sya pwede fam day daw yun kaya nag suggest sya na kahit sa cafeteria nalang."

Nasamid namang bigla si Dave "Ahem...ahem...dude tubig."

"Takaw kasi." Iniabot naman nya yung tubig kay Dave at pandalas naman na ito ng inom.

"Sigh...salamat nakakagulat naman kasi yung sinabi mo dude."

"Ang alin ba?"

"Na si Master yung nag insist pa pala nung date niyo."

"Hindi naman talaga yun date actually sabi niya pasasalamat niya lang sakin sa ginawa ko kanina."

"Ahhh..pero ang sweet ni Master ah hinalikan ka niya sa pisnge nakita namin yun dude. Ayieee..."

Nahiya naman bigla ang itsura ni Patrick "Ano ba maliit na bagay."

"Iwww....hindi bagay sayo dude..'

"Sapak bagay sayo gusto mo?"

"Ito naman di na mabiro eh anong balak mo don't tell me papasara mo yung cafeteria para sa inyo ni Kelly? Hoy di mo pwedeng gawin yon nakakahiya at baka hindi pa sumama sayo si Master."

"Ha?"

"Oo edi nagkaroon pa ng commotion doon edi nalaman ni nurse Kevin yung date niyo ni Master? Edi na lintikan ka?"

Pandalas namang kinuha ni Patrick yung phone niya at tinext yung tauhan niyang i-cancel lahat nung gagawin nilang surpise para kay Kelly sa cafeteria ng kanilang school para bukas "Sinong tinetext mo?''

"Ha? Wa---wala lang kumain ka lang diyan."

"Pffft...I knew it! Ginawa mo nga yon? Ipapasara mo nga yung cafeteria ng school tapos gagawa ka nga ng commotion? Dude! What the F? Ahahahahahahahahaha...Tawang tawa naman si Dave habang namumula naman sa hiya si Patrick.

"HEH!"

•Kahit kailan talaga panira ng moment areng si Dave.XD

Pero ano kayang date ang magaganap? Ayieee...next chapter na po agad.♡

▪︎I'm making new novel po pagkatapos ng Ms.Hoodie kaya sana suportahan niyo pa din ang makulit niyong author.Sisikapin ko pong maging makabuluhan ang magiging pagtatapos ng journey ni Kelly Ann Marie Dela Cruz. Sana'y wag po kayong bibitaw kapit lang mga kabayan's.♡

lyniarcreators' thoughts