webnovel

Kabanata 190

Habang nasa kotse yung apat nasa unahan si Kelly at si Patrick ang nag da-drive samantala nasa likod naman yung dalawa. "Pre, ako dapat sa unahan eh." Ang pabulong na sabi ni Dave.

"Tsss...edi na sampiga ka ni Patrick?"

"Humph...hindi kasi ako sanay sa likuran eh."

"Edi wow..."

"Kumain muna tayo?" Ang biglang sambit ni Patrick.

"Ha? Hindi na gusto ko ng umuwi pero kung gusto niyo sige pakibaba nalang kami ni Vince sa tabi."

"Ha? Pero mahirap sumakay dine pis."

"Drive thru nalang dude."

"Good idea."

"Ayos makakalafangi na naman."

"Tsss..."

"Ahm...nga pala salamat kanina." Ang nahihiyang sambit ni Kelly at kinagulat naman yun ni Patrick at nung dalawa na nanahimik muna at nakinig.

"Ah...eh...wala yun ako naman talaga ang puno't dulo nun kaya nagawa yun sayo nung baliw na babae na yon."

"Hindi ba sya yung fiancé mo? Bakit ako yung kinampihan mo?"

"Master, walang fiancé si dude yung baliw na babae na yon? Self proclaimed niya lang yun pero ang totoo feelingera sya walang fiancé si dude."

"Totoo ba yon?"

"Oo wala akong fiancé kung meron man..." Napatingin siya kay Kelly "yun ang nag mamay-ari ng puso ko." Nahiya naman si Kelly at tumingin sa ibang direksyon.

"Ayiieee...." Ang panunuksong sambit nung dalawa.

"Heh! Issue kayo lagi."

"Sus...ayaw mo? Hahahaha...pero dude ano palang ginawa mo sa jafake mong fiance?"

"Ha? Anong sinasabi mo Dave?"

"Ah...eh...wala yon maliit na bagay."

"Pero, ano nga? Ano ang ginawa mo sa kanya Patrick?"

"Wala gusto ko lang na malaman niya kung sino ang binangga niya."

Napatingin si Kelly kay Vince "Kaya wag ka ng mag alala pa diyan dahil ako ng bahala don."

"Nga naman master chill ka lang diyan."

"Pero..."

Samanatala,

Hindi pa rin naman nakakalis sa parking lot sila Honeygrace at Curl "What happened to my car tires?"

"I dunno, sabay tayong nag punta dito di ba?"

"Damn it!" Sinipa niya yung gulong ng kotse niya at nasaktan yung paa niya at na out of balance so she fell down on the ground "Grace!!! What the? Are you okay?"

"Tsk...just help me up my gosh!!!"

"O—okay..."

Bago siya tumayo may naamoy sya "Wait, do you smell that?"

"Yah...ang ambaho amoy poops ng..."

"SHUT UP!!!!"

"Okay...okay...pero nasan...yung...wa---wait...don't...tell me...Oh my God!!!" Masuka suka si Curl kaya binitawan niya si Honeygrace kaya lalo pa napisa yung "poopsy" kung saan ito bumagsak.

"CURL!!!"

"So---sorry nakakadiri lang kasi."

"Help me!!!"

"O---okay..." tinulungan naman ka agad niya si Honeygrace tumayo at sakto namang may mga estudyante nagsidating "Ang baho..." sabi nung mga estudyanteng malapit sa kanila dahil kukuhanin din yung kani-kanila nilang mga sasakyan.

At sakto rin namang may nakakakilala kila Honeygrace at Curl na kanilang kaklase "Honey? What are you doing down there?"

"Ah? Ah---ano...kasi...Curl!!"

"Ha? A---ano nadulas kasi sya."

"Ohhh...I see pero ano yun ambaho." Katatayo palang naman noon ni Honeygrace kaya lalo ng umalingasaw ang baho nito I mean nung "poopsy".

"Iwww...may poops ng aso sa likuran mo Honey."

At nakatawag ng pansin yung reaksyon ng kaklase nila kaya lalong lumapit yung ibang estudyante at kinuhanan pa ng video si Honeygrace "Hey!! What are you doing?"

"Ahahaha...ang bilis talaga ng karma ano guys?" Ang sabi nung isang babaeng estudyante na nag vi-video kay Honey at nagtawanan yung mga estudyanteng nakikiusiyoso.

"Yuck...Honeygrace the poopsy." Ang sabi nung isang lalaking estudyante at nagtawanan lalo yung mga tsismosa at tsismosong mga estudyante.

Pandalas namang binuksan ni Honeygrace yung pintuan ng kotse niya pero hindi niya ito mapaandar "Ayan karma yan sayo feelingera ka kasi..." sabi nung mga estudyante.

"Damn it!!! Curl??"

Hinanap niya si Curl pero ang hindi niya alam iniwanan na siya nito kaya lalo siyang pinagtatawanan ng mga estudyante kaya isinara naman ka agad niya yung bintana ng kotse niya at sumigaw "AHHHHHHH...BWISET!!!"

Kanina sa may Parking Lot,

May kinakausap si Patrick na dalawang lalaki na animo'y kasapi sa MIB o Men In Black "Sir, nagawa na po namin ang pinaguutos niyo."

"Okay, siguraduhin niyong walang nakakita sa inyo dito."

"Yes Sir, makakasa po kayo."

"Meron pa po ba kayong ipaguutos?"

"Hmmm...oo meron pa..." at may sinabi pa nga sya bukod sa pag butas ng gulong ng kotse ni Honeygrace at pag lagay ng "poopsy" sa daan.

Mabalik tayo kay Honeygrace,

Tinatawagan ni Honeygrace yung driver niyang si Merwin "Hello? Nasan ka? Bilisan mo sunduin mo ko dito sa school within 5mins. dapat andito ka na."

"Huh! Hindi niyo na ko driver!"

"What? Ano ang sinasabi mo dyan? Malaki ang utang ng pamilya niyo sa pamilya namin kaya wala kang karapatang umalis sa posisyon mo!"

"Yun ang akala mo! Tanungin mo ang mga matapobre mong magulang dahil bayad na kaming lahat sa utang namin sa inyo! Kaya wag niyo na kong tawagan panget!"

"Toot...toot...toot..."

"ANO? HELLO?!!! HELLO!!! MERWIN!!!! DAMN IT!!!"Tinapon niya yung phone niya at napalakas ito at tumama sa may matigas na part ng kotse niya kaya nabasag at nasira. "Dang it!!!! Paano na ako nito makakauwi!!! Ang baho ko!!! MOMMYYYYYYYY!!!!"

Samantala,

Nakarating naman na sila Kelly sa bahay nila at pinagbuksan pa sya ni Patrick ng pintuan lalabas na rin sana si Vince ng kotse pero pinigilan siya ni Dave "Shhh...mamaya ka na umeksena pre."

"Ha?" sumenyas naman sa kaniya si Dave at tinuro yung dalawang nakangiti sa isa't-isa "Ang cute nilang tignan no?"

"Yeah...pero lagot ako pag nakita si Kelly ng mga kuya niya."

"Chill ka lang saglit lang naman yang moment na yan."

"Okay...pero kasi..."

"Pre, chill."

"Humph..."

Nagkakahiyaan naman yung dalawa ni Kelly at Patrick sa may labas ng kotse "Ah—ahm...sorry ulit kanina ha?"

"No, ako nga dapat mag sorry kasi tinulungan mo ko kanina kahit na nung isang araw eh kung ano-ano ang pinagsasabi ko sayo na nakasakit ng damdamin mo."

"Ah...wala yon maliit na bagay." Ang nahihiyang sabi ni Patrick at pangiti-ngiti na animo'y kinikilig.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapaanong ano diyan.."

"Ah? A---ayos lang ako wag mo ko masyadong intindihin..Ha---ha---ha..."

"O—okay? Sige pasok na ako ha?"papaalis na sana si Kelly pero pinigilan sya ni Patrick at hinawakan yung braso niya kinikilig naman yung dalawa na nasa loob ng kotse "Hoy! Anong...bakit pati braso ko eh hinahawakan mo?" ang sambit ni Vince.

"Ay...sorry pre nadala lang ng moment."

"Gung gong ka!"

"Tsss!"

Habang hawak naman ni Patrick si Kelly "Bakit? May sasabihin ka pa ba?"

"Ah..ahm...wala naman nalimutan ko kasing mag goodbye."

"Ahh...silly kala ko naman kung ano na."

"A---ahm...actually meron pa talaga eh."

"Ano yon?At pwede bang bitawan mo na ko? Baka makita tayo dine ni kuya Keith lagot ka!"

Bumitaw naman ka agad si Patrick "Ay...so—sorry.."

"Okay lang pero ano bang sasabihin mo? Pa suspense ka masyado dyan!"

"Ah---ahm...kasi ano."

"Ano nga??"

"A---ano...kasi..."

"ANO NGA??!!! Ang gigil na gigil na sagot ni Kelly.

"ANG GANDA MO!!!"

"Ha? Ano? Anong pingasasabi mo?

"Hindi ko kasi nasabi sayo kagabi na ang ganda mo."

Nahiya naman bigla si Kelly at napahawi ang buhok sa kanyang tenga "dalagang Filipina yeah" ang peg niya "Ah...salamat and...you look handsome din kagabi."

Pigil na pigil naman nung dalawa yung kilig nila kahit hindi nila sabihin dahil nakikita naman iyon sa galawan nila "A---ahm...pwede kaya tayong lumabas this coming Sunday?"

"Sunday? Hindi ako pwede nun family day kasi namin ang linggo eh."

"Ahh...oo nga pala ahm...bukas kaya halfday lang naman ulit tayo di ba?"

"Ah...oo pero hindi ko alam kung susunduin ako nila kuya nun after pero pwede naman siguro kahit sa cafeteria bago mag uwian?" Ang nahihiyang sabi ni Kelly at may paghawi na naman ulit siya ng buhok sa tenga.

"Oo sige, kahit don nalang ayos lang talaga sayo?"

"Um...ayaw mo ba?"

"Ah...eh...hindi naman nakakapanibago lang kasi."

Bineltukan naman siya ni Kelly "Hoy! Wag ka nga pasasalamat ko lang din yun sayo kasi tinulungan mo ako kanina at..."

"At?"

"Salamat kasi nung takot na takot ako at feeling ko ako lang ang nandoong walang kakampi dumating ka at iniligtas ako. Kaya maraming salamat talaga sayo."

Napatitig naman si Patrick sa kaniya dahil noon nya lang nakita si Kelly na sincere sa mga sinasabi nito at bumilis ang tibok ng puso niya "Walang anuman asahan mong lagi lang ako sa tabi mo at hindi ka hahayaang mag isa Pangako!" Lumapit naman sa kaniya si Kelly at laking gulat niya na hinalikan siya nito sa pisnge at sinabing "Salamat." at pandalas naman na si Kelly ng takbo papasok sa bahay nila hindi naman malaan ni Patrick ang gagawin niya.

"Anak nang! Wala na finished na may nanalo na." Ang sabi ni Vince.

"Yah..."Reaksyon naman ni Dave na nakangiti.

•May date na magaganap abangan! ♡

▪︎Mga kabayan's nais ko po sanang mag pasalamat sa walang sawang pag suporta niyo sa journey ni "Ms. Hoodie" ngayon po ay nasa kabanata 190 na po tayo. Maraming maraming salamat po at umabot kayong lahat dito pero kinalulungkot ko pong sabihin na malapit na pong matapos ang kwento ni Kelly. :(

▪︎Hinihiling ko po na wag kayong bibitaw hanggang sa matapos po.Salamat. ♡

Love lots

Ang makulit niyong Author,

lyniar☆

lyniarcreators' thoughts
Next chapter