webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 189

2pm,

Pagkatapos ng klase nila Patrick nagtungo ka agad sila sa clinic para kamustahin si Kelly at doon nakita nilang okay na ito kausap ang kapatid nitong si Kevin "Ano okay ka na?" Ang sabi ni Vince nagkatinginan naman sila Kelly at Patrick.

"She's fine isabay mo na nga itong umuwi ha? May duty pa kasi ako sa DLRH kaya hindi ko maihahatid pauwi si Kelly."

"Sige kuya."

"Okay, sige na umuwi ka na andoon naman satin sila ate Faith naabisuhan ko ng you're not feeling well."

"Um..."

Kinuha naman na ni Vince ang bag ni Kelly at sya na ang nag bit-bit non "Sige kuya una na kami."

"Sige ikaw ng bahala kay Kelly."

"Sige po."

At inalalayan naman ni Vince si Kelly palabas ng clinic susunod na rin sana noon si Patrick pero tinawag siya ni Kevin "Patrick!"

"Sir?"

"Let's talk."

"O---opo..sige guys mauna na kayo."

"Sige."

Napatingin naman si Patrick kay Kelly na para bang sinasabing "ayos lang kaya ko ito" at lumabas na ng clnic sila Vince at yung tatlo nila Kelly, Harvey at Dave.

"Dude, intayin ka namin sa labas."

"Um.."

"Maupo ka." Ang seryosong sabi ni Kevin at naupo namang ka agad si Patrick.

"Tatapatin na kita gusto mo ba talaga si Kelly?"

"Ah---ahm....opo gusto ko po sya hindi dahil na cha-challenge ako sa ugali niya kundi dahil mahal ko talaga sya."

"Ano? Anong challenge ang sinasabi mo?"

"A---ahm...kasi po kinausap na ako ni Kelly."

"Tapos?"

"Sabi niya po hindi ko daw sya deserve dahil malayo ang estado namin sa buhay at sabi niya rin po kaya ko lang daw sya nagustuhan kasi na cha-challenge ako sa ugali niya kumbaga po pakiramdam niya po hindi ko talaga sya mahal para po bang ginagawa ko lang yung mga effort ko sa kaniya dahil gusto ko lang syang mapasagot. I mean kumbaga kala po siguro niya pa fall ako."

"Pa fall?"

"Opo yung tipong pag nahulog na sya sakin iiwan ko na sya pa fall ganun po pero totoo po talaga ang nararamdaman ko sa kapatid niyo handa po akong mag intay ng ilang taon kahit 100years pa po yan ayos lang basta ending akin sya at sa kaniya ako."

"Woah...you have thick skin bro sayo sya tapos sa kaniya ka? Huh! Silly, walang ganon kung hindi ka naman mahal ng kapatid ko namin kawawa ka lang? Baliw!"

"Ah...eh...wala'y tinamaan po talaga ako kay Kelly at sya rin po ang first love ko."

"Talaga? NGSB ka?"

"Um...No girlfriend since birth po ako I tried na manligaw pero wrong move babae din ang gusto."

"Hah! Hahaha...bakit ano ang nangayare?"

"Highschool po ako nun at may na gustuhan po akong isang babae parang si Kelly pero nalaman ko nung manliligaw palang po ako na may girlfriend yung crush ko."

"What? GL?"

"Opo ganun na nga."

"Ohhh...I see pero alam mo naman sigurong may paka boyish si Kelly ayos lang ba yun sayo?"

"Opo tanggap ko po kung ano sya at alam ko naman rin pong straight siya I mean...you know."

"Tsss...silly oo babae si Kelly at hindi kami papayag na maging tibo sya nag iisang babae na nga lang sya samin tapos gagaya pa saming barako? No way! Pero kaya gusto kitang kausapin dahil sa nangyare kanina."

"Ay...opo kasalanan ko po at ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Honeygrace hayaan niyo po nagawan ko na ng aksyon."

"Anyways, I don't bother anymore I just want you to know that we treasure Kelly na higit pa sa buhay namin kaya kung saka-sakaling magiging kayo sana alagaan mo sya."

"Wait, napayag na po kayong ligawan ko si Kelly?"

"Yes! Pero...oo may pero kaya wag kang magpakasaya ng bongga diyan dahil marami ka pang bigas na kakainin tsong."

"Yes po kahit ilang sakong bigas pa po kakainin ko."

"Sira! Niliteral mo naman mga kasabihan lang yun noong mga unang panahon siguro nga hindi na uso pero ang ibigsabiin lang noon marami ka pang dadaanang obstacle bago mo makamit ang matamis na oo ni Kelly."

"Opo kahit ano po gagawin ko para lang kay Kelly."

"Pero gagawin mo ang panliligaw mo pag naka graduate na kayo ni Kelly alam kong mga pilosopo ang mga kabataan ngayon kaya sasabihan na kita kapag halimbawa kinabukasan pagtapos ng graduation niyo nasa labas ka ng bahay ipatotokahang ka talaga namin ng mga kapatid ko."

"Ha---ha---ha...opo promise hindi po ako pupunta kinabukasan pagtapos ng graduation pwede po ba sa on the 3rd day?"

Ang sama ng tingin sa kaniya ni Kevin "Ah...eh...nagbi---biro lang naman po ako. Ha—ha—ha..."

"Sige na umalis ka na at nga pala wag na wag mong ikukwento kay Kelly ang mga napag-usapan natin kung ayaw mong malagasan ng buto sa katawan mo."

"O---opo pangako po hindi ko po pagsasabi."

"Okay sige makakaalis ka na at yung parusa mo dun sa Honeygrace tiyakin mong hindi madadawit ang pangalan namin doon naiitindihan mo?"

"Opo sure thing po."

"Okay, at siguraduhin mong hindi na mauulit ang nangyare kanina dahil hindi namin patatahimikin ang kunsenya mo."

"O—opo sige po."

"Bye."

At lumabas na nga ng clinic si Patrick na ngiting-ngiti at nagulat syang inaatay sya nila Kelly sa may gilid ginulat pa sya ni Dave "Dude!!!"

"Ay gung gong!!! Ano ba?!"

"Inaantay ka kasi namin."

"Bakit hindi pa kayo nauna?"

"Nagaalala kasi si Kelly sayo eh." Ang sabi ni Vince.

"Anong sabi sayo ni kuya?"

Inalala ni Patrick yung mga sinabi sa kaniya ni Kevin na "wag na wag mong ikukwento kay Kelly ang mga napag-usapan natin kung ayaw mong malagasan ng buto sa katawan." Kaya napalunok nalang siya sa takot at sinabing "Ah? Wa---wala naman yun tinanong niya lang about sa nangyare sayo kanina." Napansin naman ni Dave na hinahawakan ni Patrick ang tenga nito at alam niyang kapag ganoon ang kaibigan niya nagsisinungaling ito.

"Ohh...ganun ba okay sige mauna na kami sa inyo ni Vince. Tara na pis."

"Sige."

"Hatid na namin kayo."

"Ha? Hindi na mag taxi nalang kami ni Vince."

"Sumabay na kayo samin master teka Harvey wala ka bang SC meeting?"

"At bakit mo naman natanong? Parang ayaw mo akong isabay ah."

"Ahahaha...genius ka talaga pre."

"Heh! Pero oo hindi ako makakasabay sa inyo may gagawin kasi kaming mga SC malapit na ang new elections of SC at kailangan din nating mag review para sa midterms natin."

"Yeah..." Anila na para bang tamad na tamad.

"Ingat nalang kayo Kelly get well."

"Um...okay naman na ko medyo na ano lang."

"Bumalik yung trauma mo no?"

"Trauma?"Anila kay Vince.

"Ahh...oo nakwento ko na ata ito sa inyo eh ah...oo yung kwento ni Kelly about sa birthday niya nung 5years old about sa daddy niya...yung..."napatigil naman sya dahil pinigilan sya ni Kelly.

"Vince!!!"

Nagkatinginan naman yung apat "Ha---ha---ha...hindi naman na yun importante right guys? Ha---ha..."

"Ye---yes..."

▪︎Excited na ba kayo kung ano ang ginawang ganti ni Patrick kay Honeygrace para kay Kelly? Hmmm...next chapter na agad kayo.Mehehehehe...may bahong mabubunyag geysh...Hahahahaha...XD

lyniarcreators' thoughts