webnovel

Kabanata 140

Habang nag aabang naman ng masaskayan sila Kelly papunta kila Vince may isang kotseng tumigil sa harapan nila "Wow...ang ganda naman puting puti." Ang sabi ni Faith.

"Tsss...mas maganda parin ang kotse ni kuya Kian diyan." Ang sabi ni Keith.

Pabuong bulong naman si Kelly "Bakit kasi kuya di ka na din bumili ng iyo para di na tayo nag aabang ng taxi dine."

Ang sama naman ng tingin ni Keith kay Kelly at sinabing "May sinasabi ka babysis??"

"Ha---ha—ha..wa---wala naman kuya ang linaw talaga ng pandinig mo."

"HEH!"

Tinapik naman ni Faith yung dalawa "Wag na nga kayong maingay diyang magkapatid hindi ba si Miggy yang nababa?"

"Whoa..." Ang reaksyon nung dalawa nung nakita si Miggy na bumaba ng kotse at may dalang flowers and chocolate.

Hi Kelly hello po kuya Keith at Faith." Ang bungad naman na sabi ni Miggy.

"Huh! Kuya? Bakit kapatid ba kita?"

Tinakpan naman ni Faith ang bibig niya "Mmm...Mmmm..."

"Ang ingay mo kasi." Ang sabi ni Kelly.

"Sorry, pero mukhang may lakad kayo?"

"Ahhh...oo ang init na nga wala kami masakyan." Ang sabi ni Faith.

"Ohhh...I see kung gusto niyo ihahatid ko na po kayo."

"Talaga?" Ang tugon nila Faith at Kelly.

Tinanggal naman ni Keith ang kamay ni Faith sa kaniyang bibig at sinabing "NO WAY! Hindi tayo sasakay sa kotse niya." Pero hindi siya pinansin nung dalawa na noon ay pasakay na sa kotse ni Miggy.

"Hoy!!! Kayong dalawa!!!"

"Kung gusto mong mangitim dine at mag antay sa taxi na wala namang nag papasakay diyan ka na dahil kami ni Kelly sasakay na."

"Sigh...pambihira!"

"Halika na kuya! Sige ka wala ka ng kasama diyan maglakad ka nalang kung gusto mo."

"Lakad? No way!" Pandalas naman si Keith sa pag lapit sa kotse at hinila si Kelly na sasakay noon sa unahan "Hoy babaita! Hindi ka diyan dun ka sa likod hindi magandang tignan kung sa unahan ka at sa driver ka nakatabi hindi ka naman nya girlfriend o asawa lakad dun ka sa likod!"

"Tsss...wala naman akong ibang meaning sa pag upo ko sa unahan ang oa mo."

Sa isip-isip ni Miggy "Sayang naman katabi ko na sana si Kelly eh. Sighhh..."

"At ano namang binubuntong hininga mo diyan lalake?"

"Ah? Wa---wala po sir."

"Tsss...ngayon lang ito mangyayare dahil wala akong choice dahil ayokong maiwan kaya wag kang mag isip na tanggap ka na namin para ka Kelly!"

"Kuya!!! Sumakay ka na nga lang!!!"

"Tsss... mabuti na yung malinaw."

"Naiintindihan ko po Sir wag kayong mag alala willing naman po akong mag intay kay Kelly."

"Ayiiee...ang sweet naman."

"Ate Faith naman."Ang sabi ni Kelly na animoy nahihiya.

"Heh! Bilisan mo at umalis na tayo."

"Roger that Sir!"

Samantala sa bahay nila Vince,

"Bro, may bisita ka na." Ang sabi ni Elmer kay Vince na noon ay kumukuha ng inumin.

"Oh? Baka sila Patrick na yan."

"Ewan ko di ko matadaan mukha ng mga kaklase mo labasin mo muna."

"Sige kuya."

At lumabas na nga sa may sala si Vince at nakita niya nga roon sila Harvey at Mimay "Pre!!!"

"Yow,,."

"Tsss..pre lang? Hindi mo ko nakita?" Ang sabi ni Mimay.

"Pre, nakita niyo na ba si Mama?"

"Aba't! Hindi ako pinansin? nang bungol na ito?" Ang pabulong bulong na sabi ni Mimay.

"Hindi pa nga eh di ba Mimay?" Ang sabi ni Harvey.

"Tsss..."

"Oh? Bakit naman bigla bigla ka nalang diyan na wala sa mood."

"Huh! Dapat hindi na ko pumunta dito mukhang hindi naman kasi ata ako welcome."

"Ano? Huy! Ano gang sinasabi mo? Napaka arte niloloko lang kita." Ang sabi ni Vince.

"Tse!"

"Vince!!!" Ang sabi ni Alice.

"Ate?"

"Pre!!!" Ang bungad na sabi naman ni Dave at kasama si Patrick.

"Yow...buti naman pumunta kayo."

"Oo naman lafangs eh. Ahahaha..."

"Luko! Pre Patrick, sinong hinahanap mo?" Kung si Kelly wala pa sila."

"Ahh...A---ano hindi naman nag lilibot libot ko lang talaga yung mata ko."

"Ohhh...really huh?" Anila.

"Tsss..ewan ko sa inyo...pero kasi baka makita ako ng mga kuya niya dito magalit sakin."

"Edi lumabas rin ang katotohanan." Anila.

"Sigh...eh alam niyo namang nanliligaw ako kay Kelly tapos makikita ako dito ng mga kuya niya aba'y baka hindi ko malaan ang gagawin mamaya."

"Ayos lang yan si kuya Keith lang ang kasama ni Kelly kasi yung iba niyang kuya hindi makakapunta busy kasi." Ang sagot ni Vince.

"Yun naman pala'y edi yakang yaka mo na yan dude isa lang naman ang kuya niya palang kasama eh."

"Tsk...pero kasi nakakhiya di ba ayaw pa naman kasi nila nga na maligawan si Kelly paano kung magalit sakin yun bigla kasi andito ako."

"Sus...ayos lang pre andito naman tayo kila Vince at hindi na nila ito teritoryo." Ang sabi naman ni Harvey.

"Speaking of Kelly ayan na siya guys at mukhang may iba ring kasama." Ang sabi naman ni Mimay at napalingon naman sila Partrick at nakita nilang kasama nila Kelly si Miggy "WTH! Bakit kasama nila master yung Miggy?" Ang sabi ni Dave.

"Aba oo nga si Miggy nga iyang dumarating." Ang sabi namanni Vince.

Ang sama naman bigla ng mukha ni Patrick na para bang inis na inis at gusto ng sumugod pero hindi niya magawa dahil na isip niyang ayaw niya ng gulo at hindi pa rin naman niya girlfriend si Kelly kaya wala siyang karapatang magalit o mag selos "Kelly!!!" Ang bungad naman nila Alice at Ada.

"Happy birthday Ninang...hello ate Alice.." Nag mano naman si Kelly kay Ada at niyakap rin pati si Alice.

"Buti naman nakarating kayo." Ang sabi ni Ada.

"Ay...nga po pala eto po ang gift ko pag pasensyahan niyo na po di po yan kamahalan."

"Nako, ayos lang ikaw talagang bata ka."

"Oh, baka naman kayo eh mag kaiyakan pa diyan tiya. Nga po pala happy birthday sa pinaka maganda naming tiya." Ang sabi ni Keith.

"Sus...Ikaw talaga Keith pero salamat."

"Happy birthday po eto nga po pala din ang gift namin." Ang sabi naman ni Faith at nag bless sila ni Keith kay Ada.

"Nako, mga batang ire nag paka abala pa talaga eh. Salamat sa inyo."

"Wala yon tiya nasan po sila Tito at kuya Elmer?" Ang sabi ni Keith.

"Ah...baka nasa likod may nililitson kasi na maliit na baboy eh pero baka luto na rin yun."

"Sige po puntahan ko para makatulong Babe dine ka muna Alice ikaw ng bahala."

"Ah? Oo sige halika Faith baka mapagod ka diyan maupo ka muna."

"Nako, ayos lang ang lambot ng upuan ng kotse nitong si Miggy eh." Pag lingon ni Faith wala si Miggy "Eh? Nasan si Miggy? Kelly?"

"Ah? E---ewan ko rin ate."

"I'm here!" Ang sabi ni Miggy na may dalang cake at pizza.

"Eh? Kailan mo binili yan?" Ang sabi ni Kelly.

"Ah...eh...inorder ko lang via online tapos dito na dineliver hehe...Happy birthday po."

"Salamat? Pero sorry sino ka nga?"

"Siya si Miggy, Ma." Ang bungad ni Vince kasama sila Patrick.

"Ahhhh...yung nasa probinsyang kaibigan nyo noon pero umalis papuntang Cebu?"

"Ah---ha---ha...matagal na po yun tiya taga Maynila narin po kami simula nung dito na destino si Daddy."

"Ohhh...so kaklase ka rin pala nila Vince?"

"Hindi po!" Anila Vince at ng iba.

"O---okay...sya sige maiwan ko na muna kayong mga kabataan dine Vince ikaw na mag estima sa kanila Alice, Faith hali na kayo sa loob."

"Sige po." Anila.

Makalipas ang ilang oras,

Nasa terrace nila Vince ang tropa at nagkukwentuhan "So, matagal na pala talaga kayo dito sa Manila bro?" Ang sabi ni Harvey.

"Oo siguro mga limang taon na din kasi dito na rin ako nag aaral ng college eh."

"Ano bang course mo pala?" Ang sabi naman ni Vince.

"Ahhh...nursing ang course ko."

"Oh? Nag nurse ka?" Ang sabi ni Mimay at Kelly.

"Oo ayaw kasi ni mommy na mag criminology ako kahit gusto ko ring mag pulis gaya ni daddy."

"Dahil lang don kaya hindi pag pupulis ang kinuha mo? Hindi ata ganyang Miggy ang kilala ko." Ang sabi ni Kelly na para bang naiinis napatingin naman sa kaniya si Patrick.

Napabulong naman si Dave kay Patrick "Dude, ano na? Bida, bida yung isa pati si Master na hook na rin."

"Wala akong pakialam."

"Aba, ikaw rin baka maunahan ka na naman."

"Tsss...may paninindigan ako sa sinabi sakin ni Kelly kaya wala akong pake kung mag usap man sila."

"Bahala ka sabi muy."

May bigla namang may bell na tumunog "Ice cream ba yon?" Ang sabi ni Kelly.

"Ah...oo si Manong Gorge." Ang sabi ni Vince.

"Wow...manong pero ang name pang foreigner." Ang sabi ni Dave.

"Ahahaha...sabihin na nating oo tara sa labas bumili tayo."

"LIBRE MO???" Anila.

"Hinde! KKB aba."

*KKB means "Kaniya Kaniyang Bayad"

"Tsss...diyan ka talaga magaling eh." Ang sabi ni Mimay.

"Sige sagot ko na." Ang sabay na sabi ni Miggy at Patrick at nag katinginan sila ng masama.

"Ha---ha—ha....okay, that's enough libre nyo nalang kaming pareho para patas right guys?" Ang sabi ni Dave.

"Yeah..." Anila at lumabas sila at tinawag ni Vince si Manong Gorge na naka bisikleta.

"You want some icecream? Ang sabi nung banyagang si Manong Gorge na kinagulat naman ng lahat maliban kay Vince.

"Yes, we will buy some."

"Okay, wait for me." ang sabi ni manong Gorge na pinag bebentahan pa yung isa sa mga kapitbahay nila Vince.

"Whoa..." Ang reaksyon naman nila Kelly.

"For real? Foreigner sya?" Ang sabi ni Mimay.

"Yeah...ang astig no?"

"Ang astig...pero bakit siya nangtitinda ng icecream dito hindi ba siya mayaman?" Ang sabi ni Dave.

Nabeltukan naman siya ni Mimay "Ungas! Hindi porket banyaga o dayuhan sa ating bansa eh mayaman na agad kaya wag kang bungol!"

"So---sorry kala ko kasi."

"Heh!"

At dumating na nga sa harapan nila si Manong Gorge "Anyeong." Anito.

"Eh?" Ang pagulat naman nilang tugon.

"Ahahahaha...Manong mga kaklase ko nga pala sila guys meet Manong Gorge na isang German pero 20years na dito sa Pinas at guys mahilig siya sa KDRAMA." Ang sabi ni Vince.

"Ohhhh...Kaya..."Anila.

"Komusta keyo???" Ang slang na sabi ni Manong Gorge.

"Hehehe...ang cute ng accent niyo." Ang sabi ni Kelly.

"Thankyou Ms. Genda."

"Eh? Nako, hindi po ako maganda."

"MAGANDA KA!" Ang sabay na sabi na naman nila Patrick at Miggy at nakairingan na naman yung dalawa.

"Ayieee..." Ang panunuksong sabi nila Vince.

"HEH! Tigilan niyo nga ko." Ang sabi ni Kelly na sobrang namumula ang mukha dahil nahihiya.

Hi geysh...(^_^)

▪︎Namiss ko kayo kaya nag update ako pero hindi po daily ang update natin dahil ang makulit niyong author ay busy sa kaniyang magulong buhay. Hahaha...sana po eh maintindihan niyo and paki add naman po sa library niyo ang isa ko pang novel na " Be My Princess Ms. Faye" ambunan niyo na rin po ng review. Ahihihi...love you all.. Ingat po kayo palagi. May God Bless Us All.♡

▪︎Thankyou Kabayan's ♡

Love lots,

lyniar ☆

lyniarcreators' thoughts
Next chapter