webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
455 Chs

Kabanata 126

Sa labas ng Garden Church,

"ANO????" Ang tugon nila Vince at nung iba pa.

"Um...kaya ko nga kayo pinapunta dine." Ang sabi ni Patrick.

"Sandali lang Dude nasan sila Master at yung Miguel?" Ang sabi ni Dave.

"Oo nga bakit hindi mo siya kasama?" Ang sabi naman ni Mimay.

"Sigh...binigyan ko lang ng space yung dalawa."

"Teka, kinausap ni Kellang si Miguel?"

"Bakit hindi ba dapat?" Ang tugon ni Patrick.

"Hindi naman sa hindi dapat pero kasi ang pagkaka alam ko ayaw na ni Kelly na makita si Miguel dahil kinamumuhian niya ito."

"Hmmm...sa pagkakaalala ko may girlfriend naman si Miguel nakita ko kasi sa FB niya friend kami'y." Ang sabi ni Harvey.

"FRIEND KAYO???" Anila.

"Oo inadd niya kasi ako nireng isang linggo lang nakilala ko naman sya sa picture niya kaya inaccept ko na."

"Ohhhh..."Reaksyon ng lahat.

"Pero hindi ko nakita na uuwi pala siya ngayon."

"Bakit saan ba siya namamalagi?" Ang sabi ni Vince.

"Alam ko nasa Cebu pa rin sila gawa nung nature of work ng daddy niya.".

"Anong pinag-uusapan niyo? At bakit andito kayong lahat?" Ang bungad na sabi ni Kelly habang ka sunod naman si Miguel.

"Whoa...Miggy!!!!" Ang bungad naman nila Mimay, Harvey at Vince at ginawa nila ang kanilang secret handshakes pumagilid lang naman sila Patrick at Dave.

"Yow...yow...kamusta naman brother?" Ang sabi ni Vince.

."Oo nga kailan ka pa dine sa Batangas?" Ang sabi naman ni Mimay.

"Tagal rin eh long time no see repakol." Ang sabi ni Harvey.

"Ayos lang naman ako mga brother pero mukhang hindi ako ayos kay Kelly." Ang tugon naman ni Miguel at si Kelly naman ay busy sa kaniyang cellpohone.

"Malamang kahit ako mauuma sa pagmumukha mo bro pero bakit kasi umalis ka ng walang paalam? Tsaka bakit bigla ka namang umuwi?" Ang sabi ni Mimay.

"Mahabang istorya mga brother."

Bineltukan naman siya ni Mimay "Sandali nga kanina ka pa bro ng bro eh ano akala mo sakin lalake?"

"Tu naman parang iba na ganyan naman na tayo dati pa ah." Ang sabi ni Harvey.

"Heh!"

"Nga pala, san ka ngayon?" Ang sabi ni Vince.

"Nag simba lang talaga ko dahil bukas aalis na rin ako eh." Tugon ni Miguel.

"Bakit?" Ang sabay sabi nila Mimay at Harvey.

"Ah...bumisita lang kami nila daddy at mommy kila lolo at lola dine sa Batangas pero kailangan rin naming umuwi ng Manila."

"Manila?" Anila.

"Oo sa Manila na kami naninirahan dun rin ako nag aaral."

Pabulong bulong naman si Dave kay Patrick "Dude, lapitan mo na habang busy yung tatlo dun sa Miguel."

"Ha? Ba—bakit?"

"Tsss...kunwari ka pa halata namang gusto mong itanong kay Master kung anong pinag-usapan nila nung Miguel."

"Ayoko manghimasok dahil una sa lahat hindi ko naman pag mamayari si Kelly tsaka higit sa lahat di kami "in relationship"

"Talaga lang ha? Baka nga hindi "in relationship" more on "in relationsh*t" talaga ang sigurado sa inyo ni Master."

Piningot naman ni Patrick ang tenga niya "Awww....Dude naman."

"Bastos yang bibig mong hinayupak ka."

Lumapit naman bigla si Kelly sa kanila at sinabing "Yow, tara mag icecream?"

"I---icecream?" Anila.

"Um...may malapit na icecream shop dine wanna try?"

"Oo naman Master it's my privilege na maimbitahan mo mismo."

"Tss...baliw tara bilis sumunod kayo ikaw Patricio?"

"Ha? Pa---Patricio?"

"Oo ikaw sino pa bang Patrick dine?"

"But I'm not Patricio."

"Sigh...Dave ikaw nga baka di ko yan matantsa." Ang sabi ni Kelly at umalis.

"Hey!!! Kelly."

"Sigh...I pity you dude."

"Ano? Gusto mong hindi na umuwi ng Manila?"

"Ha---ha---ha...dude naman di ka na mabiro."

"Heh! Sundan na natin sya bilis!"

"O---oo pero paano yung apat?"

"Ah...mukhang alam naman nila ang ginagawa nila kaya halika na wag mo silang intindihin baka mawala sa paningin ko si Kelly."

"Talaga lang ha? Nakuha mo pa talagang gumanyan ganyan."

"Halika na!!!!" Ang pagalit na sabi ni Patrick at hinila niya ang tenga ni Dave habang sinusundan si Kelly.

"DUDE!!!! YUNG TENGA KO!!!!"

Samantala, nakarating naman na si Kelly sa bilihan ng icecream "Kelly?"

Busy naman sa pag pili ng icecream si Kelly nung narinig niya yung tumawag ng name niya at nagulat siyang si "Xane?" aniya.

"Eh? Andito kayo?"

"Um...bday ni Vincey kaya umuwi kami kahapon dine sa Batangas ikaw?"

"Ah...isang linggo na kong absent sa DLRU."

"Ha? Bakit? May sakit ka?"

"Wala naman pinauwi lang ako dine ni Nanay wala kasing mag babantay dine sa groceries namin."

"Dahil lang dine? O baka naman tinatamad ka "Kuya Xane?"

"Heh! Ano bibilhin mo ba dyan?"

"Um...wala bang chocolate fudge na flavor nire?"

"Alam ko meron eh sandali ako nga tinatamad ka na naman diyang babaita ka eh."

"Tsss....wala nga!"

"Pag yun nakita ko makikita mo talaga."

"Edi shing."

Sa may pintuan naman ng groceries store "Dude, bakit pakiramdam ko lahat ng lalaking makakasalamuha ni Master eh close niya? Napaka photogenic kasi ni Master Kelly."

Bineltukan naman siya ni Patrick "Oh? Inlove ka na?"

"Oo...ha? Hi---hinde!!!!"

"Wag mo talaga kong subukan DAVE CLAUDIO!"

"Grabe dun sa Claudio ah gigil na gigil."

"Heh!"

Napalingon naman si Kelly at sinabing "Hoy! Ano diyan na lang kayo?"

"Ah? Oo Master andiyan na....Dude halika na raw."

"Bakit sabi niya icecream shop daw ito eh groceries store naman tu'y."

"Dati, pero ngayon groceries store na." Ang bungad na sabi naman ni Miguel at mapalingon naman si Patrick at Dave.

"Ikaw?" Ang sabi ni Patrick.

"By the way guys, si Miguel nga pala nalimutan naming ipakilala sa inyo." Ang sabi ni Vince.

"Hi, I'm Miguel isa sa mga kaibigan nila noon?"

Bineltukan naman siya ni Mimay "Sira! Syempre were still friends right guys?"

"Yeah..." Anila.

"Bro, si Dave nga pala ang manliligaw ni Mimay." Ang sabi ni Harvey.

"Ano?" Ang pagalit na sabi ni Mimay at sinabunutan niya si Harvey.

"Aray yung buhok ko!!!"

"Ah...wag mo nalang silang pansinin nice to meet you I'm Dave and sya naman si Patrick ang manli..." Tinakpan naman ni Vince ang bibig ni Dave.

"Mmm...mmm..."

"Bro?"

"Ha---ha---ha...don't mind us bro sige maiwan na namin kayo Mimay, Harvey...tara na."

"Hello, I'm Miguel or Miggy nice too meet yah." Binigay niya ang kamay niya kay Patrick pero hindi siya pinansin nito.

"Hey!!!!"

"Pinakilala na nila ko kaya siguro naman hindi ka bingi." Ang sabi ni Patrick at iniwanan si Miggy.

"Ang weird nila."

Tapos nakita ni Migggy na ang saya ni Kelly na nakikipagkulitan sa mga ito "Kuya Xane libre na ko."

"Ano? Mukha mo ang mahal niyan."

"Bakit ka nandito?" Ang sabi ni Vince.

"Ah? Ah....eh..."

Bumulong naman si Dave kila Mimay "Bakit kuya tawag ni Kelly dun sa nag titinda?"

"Sandali lang nakita ko na yang Xane na yan ah." Ang sabi ni Mimay.

"Malamang! Student Council VP natin yan."

"ANO?" Anila.

"Umm...alam ko pinsan rin siya ni Vince."

"Ohhh...kaya pala kuya ang tawag ni Baby girl dun kay kuya cutie." Ang sabi ni Mimay.

"CUTIE?" Ang sabi ni Dave.

"HEH!"

Kinagabihan,

"Knock...knock..."

"Kelly!!! Lumabas ka na kakain na." Ang sabi ni Vince.

"Ayoko!"

"Ano? Lagot ka sa mga kuya mo."

Binuksan ni Kelly ang pintuan ng kwarto nya at hinila papasok si Vince "Ha? Teka!!!"

"Upo!"

"Ba---bakit ba?"

"Bwiset ka! Bakit inimbitahan mo pa si Miggy dine satin?"

"Ha? Ah...eh..."

"Ah, eh ka diyan! Sasampigahin talaga kita eh ano na naman ang binabalak niyo?"

"Wala, bukas naman na daw tayo uuwi eh kaya ok lang yan buti nga at holiday."

"Tsss...wag mong ibahin ang usapan buset ka!"

"Tsk...grabe ka naman syempre gusto lang namin makasama uli si Miggy at syempre...."

"Syempre?"

"Syempre...ano...yung ano..."

Kinuwelyuhan ni Kelly si Vince "Putspa! Ano nga? Nanggigil na talaga ko!"

"O---oo na gusto lang sana namin nila Mimay na maging okay na kayo ni Miggy."

Hinigpitan naman lalo ni Kelly ang hawak kay Vince "Ahem...ahem...Ke—Kelly..."

"Huh! Okay? Kami ni Miggy? In your face!" Binitawan naman niya ka agad si Vince.

"Ahem...Ahem...ano bang problema mo kasi? Matagal naman ng panahon ang lumipas patawarin mo na yung tao."

"Labas!"

"Ha?"

"Lumabas ka na!"

"Pe---pero..." Tinulak siya ni Kelly.

"Nabuburaot na ko sa pag mumukha mo!"

Isasara na sana ni Kelly yung pintuan nya pero pinipigilan ito ni Vince "Sandali lang naman kawsin sa Manila na rin nag aaral si Miggy kaya pwede na ulit kayo magkita araw-araw kung gugustuhin niyo"

"Wala akong panahon sa ganyang bagay!" At tuluyan na nyang sinarhan ng kaniyang pintuan.

"Kelly!!! Buksan mo!"

"Vince, can we talk?" Ang sabi ni Patrick.

"Ah? Si---sige."

"Bakit kasama natin yung si Miggy?"

"Ahhhh..syempre matagal na namin siyang di nakakasama eh kaya inimbitahan ko sa sleepover party natin."

"Pero hindi ba at ayaw ni Kelly sa kaniya bakit piniilit niyo pa?"

Tinapik tapik naman siya ni Vince sa balikat "Pre, alam kong may gusto ka sa kawsin ko pero wag kang mag alala hindi mo magiging karibal si Miggy."

"Ha? I----I...didn't mean that."

"Tsss...kunwari ka pa pero hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip ni Miggy pero wag kang mag alala kampi ako sayo para kay Kelly kay kalma lang."

"Silly."

"Tara na bumaba na tayo."

"O---okay? Pero paano si Kelly?"

"Hayaan mo bababa rin yun."

"Pero..."

"Oo maniwala ka dahil may BARBEQUE oo BARBEQUE."

"Bakit kailangan mo pang isigaw yung barbeque?"

"Gusto mong bumaba na si Kelly di ba? Yun yung "technique" namin dun yung BARBEQUE."

"Ohh...I see she like barbeque?"

"Nadale mo tsong!"

"Ahhhhh...ang cute."

"Well, that's Kelly the belly ang adik sa pork barberque tignan mo ha? Kelly!!!! May luto na raw na barbeque hindi ka pa ba bababa?"

"Maniwala kaya siya?"

"You'll see in 3...2..."

Biglang lumabas nga si Kelly at nag madali bumaba "See? Gayan siya ka humaling sa barbeque."

"Pffft...haha...si Kelly talaga. Sigh..."

"Yeah..."

▪︎Author: Ano nga kayang mangyayare kay Kelly at Miggy? Vote kung gusto niyo pang pag selosin si Patrick at comment kung ayaw niyo na patalsikin na natin ka agad ang character ni Miggy. Ahahaha...pili na kabayan...Anyways, na miss niyo na ko? Sorry kung ngayon lang naka pag update ang inyong makulit na author na ito medyo naging busy ako this past few days. Pero wag kayong mag alala update daily na po muli tayo salamat sa inyong suporta at pag iintay. Love you all. Muah...♡

Hiyiee....(^_^)

▪︎Yow, yow geysh...missed me? Hehe...sorry po ngayon lang naka pag update.

▪︎Simula po bukas 8pm po ang updat ng book ni Ms. Hoodie kaya abang lang po kaya parati..

Love lots,

lyniar☆

lyniarcreators' thoughts