webnovel

Kabanata 111

Sa Mall,

"Axel!!!"

"Olive!"

Hinila nila Mimay at Vince si Kelly "Yan

yun kaibigan niyang nagtatrabaho dito?" Anila kay Kelly.

"Aba, malay ko?"

"Lalaki ba sya o babae?" Ang sabi ni Vince.

"Syempre babae ang ganda ng buhok niya shinning, shimmering, spledid." Ang sabi ni Mimay.

"Sige itanong natin!" At lumapit naman ka agad si Kelly "Kelly!!!" Ang pahabol na sabi nung dalawa.

"Ay, Kelly si Olive nga pala kaibigan ko at branch manager din dito." Ang sabi ni Axel.

"Hi Kelly, nice to meet yah."

"Hello po Ms Olive?"

"Ah---ahm...Kelly, Mr. siya." Ang sabi ni Axel.

"Ha?"

"Hahahaha....Yes lalaki ako mahaba lang talaga ang buhok ko."

"Ano????" at napanganga nalang sa gulat yung tatlo nila Kelly.

"Ah...eh...pre ayos lang ba sila?"

"Bakit kasi ayaw mong mag pagupit Pre?"

"I-dodonate ko kasi ang buhok kong ito."

"Donate?" Anila Kelly.

"Ahhh...oo yung pamangkin ko kasi may Alopecia."

"Nako, sorry po hindi ko sinasadyang tawagin kayong Ms." Ang sabi ni Kelly.

"Ayos lang sanay na ko mas malala pa nga si Axel sayo kasi niligawan niya ko. Ahahaha..."

"Pre!!!"

"Li---ligaw?" Ang pagulat na sabi nila Kelly.

"Guys, chill lang kayo straight ako nung una kasi kala ko talaga babae siya naka cosplay kasi siya dito ng Hinata yung asawa ni Naruto."

"Oo dun kami unang nagkakilala pero pre pwede ko namang pag-isipan gusto mo parin ba ako?" Pffft..." At bigla siyang naging clingy ay Axel.

"Hey!! Bitawan mo nga ko!"

"Ah---ahm...sa tingin ko kailangan niyo ng space?" Ang sabi ni Kelly.

"Ha? No!!!"

"Si---sige balik nalang kami mamaya." At hinila na papalabas ni Kelly sila Mimay at Vince.

"Kelly!!!!"

"Pfftt...ahahaha...mukhang naniwala ang mga yon ah."

"Bwiset ka!"

"Ahahahaha...don't worry malaki ang ibibigay ko sa inyong discount dito."

"Baliw!"

Habang natakbo naman yung tatlo tumigil sila sa labas ng isang fast food chain "Sandali lang pagod na ko." Ang sabi ni Mimay.

"Pagod? Hindi pa nga tayo nakakalayo sa Komik Alley." Ang sabi ni Kelly.

"Nalimutan mo ba may hika ako."

"Ay...sorry."

"Gutom na rin ako kumain na nga muna tayo dine." Ang sabi ni Vince.

"Sabagay, gutom na rin ako."

Habang nag iinhaller si Mimay "Ikaw naman kasi baby girl sabi naman namin sayo may something yung si Axel."

"Oo nga pero bagay sila ang cute nilang couple.Hehehe..." Ang sabi ni Kelly.

"Well, love has no gender nga di ba? Kaya Mimay umamin ka na kay Kelly."

"Baliw ka! Baby girl ko lang si Kelly."

"Mimay? My love? So sweet..."

"KELLY!"

"Ahahaha....alam ko naman si Harvey o si Dave ang type mo."

"Yeah...sagutin mo na kasi yung isa sakanila."

"Ewan ko sa inyong dalawa. Anyways, dito na ba tayo kakain?" Ang sabi ni Kelly.

"Oo dine nalang andito narin naman tayo right Kelly?"

"Yeah...ayos lang dine nalang tayo kayo na umorder sakin intayin ko nalang kayo dine."

"Aba naman yan Kellang! Umandar na naman yang pagka mahiyain mo." Ang sabi ni Vince.

Binigay ni Kelly ang wallet niya "Oh! Ayan bumili ka na rin ng sayo ng tumigil ka sa kakangakngak mo. Tsss..."

"Ikaw naman maliit na bagay ano pong gusto niyo mahal na prinsesa?"

"Tsss...bahala ka na bilisan mo Mims ikaw?"

"Baby girl napakabait mo talaga pero hindi ako mag papalibre sayo gaya ng isa diyan. "

"Hey! Ioorder ko siya kaya compensation lang yun lols."

"Talaga lang ha? Sige na ayokong na gugutom ang baby girl ko."

"Tsk...ge na tara oh ikaw babaita dine ka lang wag kang aalis."

"Oo na ano ko bata? Baliw!."

"Siya, siya tara na Mims."

"Okie dyan ka muna baby girl okay?"

"Yeah...adios."

Pag ka alis nung dalawa "Sigh...buti nalang pala humingi ako ng extrang pera kay kuya Kian lintek na Vince yan na isahan na naman ako." Ang pabulong bulong na sabi ni Kelly.

Sa bahay ng mga Santos,

Habang nakakain ng pananghalian sila Dave at Patrick sa may pool side "Dude, buti hindi ka na taba dito sa inyo no? Ang sasarap ng pagkain nyo lagi eh. Sana ol."

"Tsss...kung gusto mo sayo ng lahat yan wala naman akong gana mag suswimming ka pa ba? Mag bibihis na ko una na ko sayo."

"Mamaya na mag swimming pa tayo hindi pa ko nanalo sayo eh."

"Oh, eh bakit papatuloy pa natin kung alam mo na ngang hindi ka nanalo sakin? Edi useless lang! Bahala ka diyan mag swimming ka kung kailan mo gusto basta ko mag papalit na."

"Ba naman yan dude napaka KJ eh."

"Ewan bahala ka diyan ipapahanda ko nalang ang damit mo kay manang Tina."

"No need dude."

"Ha? Bakit ayaw mo bang mag palit uuwi ka sa inyo ng ganyang basa? Baliw ka ba?"

"Dude, hindi na kailangan may dala akong damit. Hehe..."

"Hindi ka naman masyadong prepared no? Gung gong!"

At umalis na nga si Patrick "Dude akin nalang yung steak mo ha?"

"Bahala ka! Mabulunan ka sana."

At nabulunan nga si Dave "Dude!!! Tubeg!!!"

"Ano?"

"Tu---tubeg!!!"

Bumalik naman ka agad si Patrick "Napaka siba kase!"

"Ahem...big---yan mo na ako ng tubeg."

"Oo na halika bilis."

"Ha? Saan?"

At tinulak ni Patrick sa pool si Dave "Ayan inumin mong lahat yan!"

"Dude!!!"

"Ewan!" At iniwan na niya si Dave at tumaas na papasok sa bahay nila.

"Bumalik ka dito dude nakainom ako ng tubig bwiset ka talaga."

"Ayos yan ayaw mo nun may ice tea ka na."

"Anong iced tea?"

"Umihi lang naman diyan ang aso ni ate May na si Fifi."

"Blurgh...DUDE!!!!"

"Ahahaha...bahala ka diyan."

"Pisit ka!!! Madapa ka sana!!!" At ang hindi niya alam na dulas si Patrick "Aray!"

"Sir? Ayos ka lang? Ang sabi ni Manang Tina.

"Ah---O---okay lang po ko."

"Sigurado kayo?"

"O---opo."

Makalipas ang ilang oras,

"Uwi na tayo guys."

"Kala ko ba kaya ka nag punta dito dahil dun sa gusto mong bag at hoodie." Ang sabi ni Vince na may mga dala dalang mga pinamili niya.

"Oo nga baby girl ayaw mo na?" Ang sabi naman ni Mimay na may mga dala rin.

"Huh! Nakakahiya naman sa inyo ako yung nag pasama pero ako yung walang na bili."

Napatingin naman yung dalawa sa mga dala-dala nila "Ha---ha---ha...konti nga lang itong sakin baby girl may sale kasing mga damit at palda alam mo naman girly stuff."

"At ito namang sakin para ito sa kwarto ko tsaka ilang pang games ko. Hehehe..."

"Tsss...ewan sa inyo tara na uwing uwi na ko."

"Hindi ka na talaga bibili nung gusto mo? Di ba sabi ni Axel bumalik tayo dun?" Ang sabi ni Mimay.

"Ayoko na nga wala na rin naman siya dun nag text kasi ang kuya niya daw."

"Ikaw bahala sayang rin yun bibigay daw sayo ng 50% off yung gusto mong bag at hoodie di ba?" Ang sabi naman ni Vince.

"AYOKO NA NGA!" At iniwan na niya yung dalawa.

"Kelly!!!" Anila.

"Ayan, iniwan na tayo ang bagal mo kasing mamili."

"Hoy! Sino kaya yung pili ng pili ng pabango niya tapos naka ilang pili pa ng mouse pad."

"Hoy Mims! Ikaw nga itong ang bagal pumili ng mga damit mo nakailang balik ka kaya."

"Ano? Baka nga! Bleeh..."

"Huh!"

"HOY!!! KAPAG KAYO HINDI PA KUMILOS DIYAN MAKAKATIKIM NA TALAGA KAYO NG LUMILIPAD NA SAPATOS!" Ang pagalit at pa sigaw ni Kelly.

"O---oo andiyan na nga."

"BILISAN NIYO!"

Samantala,

Busy sila Keith at Faith sa pag luluto ng kanilang hapunan "Babe, magustuhan kaya ni Kelly yung ibibigay ko sa kaniyang hoodie?"

"Oo naman babe mahilig sa hoodie si babysis dahil pinalaki namin siyang laging ganoon ang damit kaya sure akong magugustuhan niya yun ang mahal din kaya nun."

"Hehehe...ang cute nga ni Kelly eh nung una kong punta dine sa inyo pinahiram niya ako ng pajama's niya at may hood rin sabi niya kayo raw kasi ang na bili ng mga damit niya napaka conservative niyo raw kasi."

"Syempre naman nag iisang babae at bunso namin syang kapatid kaya we need to protect her."

"Well, feel ko naman si Kelly diyan ganyan rin kasi sila kuya sakin eh kinaibahan nga lang apat kayong kuya niya ako nga dalawa lang sumasakit na ulo, apat pa kaya? Grrrr..."

"Hehe, kaya nga siguro pasaway siya madalas."

"Wow...ang bango anong niluluto niyo ate Faye?"

"Oh, Kevin andito ka na? Kala ko mamaya ka pa uuwi?"

"Ah...oo kuya nakauwi ako agad ng maaga may kapalit na ko sa DLRH eh."

"Halika tikman mo nag luluto kami ng kuya mo ng menudo."

At tinikman naman ni Kevin yung menudo "Wow...ang sarap ate Faith parang master kayo sa pagluluto nito ah?"

"Sa sobrang master nga yan nalang lagi ang niluluto nya." Ang pabulong bulong na sabi ni Keith at piningot naman ni Faith yung tenga niya "May sinasabi ka ba? BABE?"

"A---aw...ba—be wala akong sinasabi ang sabi ko the best talaga yang menudo mo di ba Kevin?"

"Hmmmm...Pero parang hindi yun ang narinig ko sayo kuya."

"KEVIN!!!!"

"Ohhh...ganun pala...Kevin pakitignan muna yang salang ha? At may tuturuan lang ako ng leksyon."

"Um..."

"A---aww....ba---be!! Maawa ka."

"Pffft...Kaya mo yan bro, fighting!"

Pabulong-bulong naman si Keith "Bwiset ka! Humanda ka sakin mamaya!!!"

"Ate Faith! Si kuya oh may binulong sabi sawang sawa na raw siya sa menudo mo."

"ANO?Sinabi mo yon? KEITH!!!!"

"BABE!!!!"

▪︎Author: Poor Keith! Ano kayang mangyayare sa tenga ni Keith? A. Mamumula? B. Namilipit na at nawala sa hugis nito oh, baka C. Ginawa ng sisig ni Faye ang tenga nito para may bagong ulam si Keith. Charot! Wala pong genre an gating book kaya chill lang kayo walang magaganap na lutuan ng tenga. Ahahaha...pero kung gusto niyo ng thriller pwede akong mag lagay comment down below. WAHAHAHAHA...

Next chapter