1 Prologue

Halos ilang buwan ko na rin nakilala  'tong lalaking akala mo kung sino, una kababata ko pala sya,sa dinami dami ng kaibigan ko,sya pala yung mataba kong friend,pangalawa isa sya sa mga taong inaakala mo lang na nage-exist sa isip o sa mga libro. Nung una, I thought he is some kind of stranger na paiibigin ka lang pero hindi.Isang malaking 'HINDI'.Iba sya dahil may tinatagong baho pero syempre chareng lang 'yon. May sikretong kailangan pangalagaan meron din kailangan agad ibunyag, Yun nga lang, iba yung sa'min masyadong complicated,magulo,nakakasulasok ang bawat detalye. Maraming tao ang kailangan magdusa,maraming tao ang kailangan magbayad,kaso eto ako.Ako yung magbabayad.Ako ang magdudusa dahil ako yung bunga.

Napatingin ako kay Zachary na hindi ko na makilala dahil sa mga sugat niya,hinang-hina na sya ganung ang mga mata ay nakatingin parin sa'kin at sinisipat pa kung may mga galos ako.Hindi ko makita sa mga mata niya ang takot,ang tanging nandoon ay galit at paga-alala sa akin(ashumera).

"Are you ready for your unforgettable death?..You know what.."muli akong napatunghay kay Dreak at pangbibitin nito sa sinabi."I thought nakilala ko na yung taong magna number one sa pagiging tanga pero...hindi hahahaha" nade-demonyong tawa nito na nakapagpakaba sa akin,unti unti nyang itinutok sa'kin ang isang baril na hawak niya sa kanang kamay niya at kinalabit ang gatilyo.

'Jusko ayoko pa mamatay may kailangan pa akong gawin sa mundong ibabaw!'

Natunghayan ko pa kung paano niya kinalabit ang gatilyo at saka ako pumikit at hinihintay ang paglapat ng bala sa kung anong parte ng katawan ko ngunit sadyang manhid na ako dahil halos hindi ko maramdaman ang sakit na nagmumula sa braso ko na dinaplisan ni Dreak.

'Naku..ipapatokhang kita kay President Duterte"

"Shi...t!"malakas na bulalas ni Zachary, kahit nanghihina ay muli syang tumayo upang kunin ang baril nung tauhan ni Dreak ngunit naunahan ito nung isa at pinaputok niya sa binti ni Zach  ngunit napagitla ito nang mabilis na nakailag si Zach at mabilis niyang dinampot ang kaninang ibinaba niyang baril saka ipinaputok sa dalawang tauhan ni Dreak. Napakalakas ng pagbuga niya ng hininga,hapong hapo sa pagod nang mapatay ang mga tauhan ni Dreak. Kahit hindi ko nakita alam at nararamdaman ko ang pagod niya. Unti unti akong nagmulat at hinanap agad ng mga mata ko si Zach. Nakatutok ang baril nito kay Dreak.

'Patay kang hayop ka,Hindi ka makakaligtas  kay Zach once na pinaputok niya 'yang baril na hawak niya'

Kahit natatakot ay nakuha ko paring isipin yun. "Please don't do this,I know we can forget the past Dreak....please Dreak" nanginginig na pagmamakaawa ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ako mismo ay wala ng maisip, wala ng pumapasok sa isip ko ang tanging laman nalang nito ay takot,pangamba na baka pagdating ng umaga ay mawala ang isa sa mga mahal ko sa buhay.

"Za..cha....ry" pagtawag ko Kay Zachary na nakatayo at puno na ng dugo ang buong muka. "Zach..ary!" pilit na nilalaksan ang pagtawag sakanya kahit ako mismo ay hinang hina na.

Napaka tanga ko hindi ko man lang naisip na mangyayari 'to,naiinis ako sa sarili ko napakalaki kong tanga. Nasapo ko ang mukha ko ng mga kamay ng nakagapos. Kung alam ko lang na ganito ang magiging sitwasyon sana naniwala nalang ako,naniwala at sumunod nalang ako sa mga babala ni Zach.

"Ha!"muling paghiyaw ni Dreak na may halong pagtawag. "Hahaha Easy little BIG boy.."pinagdiinan niya Ang salitang 'Big'. "masyado kang malakas hayaan mo munang paglaruan ko yung babae mo..?"makahulugan syang tumingin kay Zachary ganun nalang ang mabilis na pagtalima ni Zach sa  titig ni Dreak.

"Diba.." lumapit sya sa'kin habang iniikot sa kamay ang balisong na hindi ko alam kung paano niya agad nakuha,huminto sya sa harap ko at yumuko upang pumantay sa muka ko,tinaliman ko sya ng tingin ngunit naka smirk lang sya. Muli syang tumingin kay Zachary na nasa ganoong posisyon padin.

"Diba ang misyon mo ay dapat papatayin mo 'tong babaeng ito?" Agad akong napatingin Kay Zachary at tinanong siya gamit ang mga mata,nagtatanong kung totoo ang narinig ko ngunit hindi sya tumugon.

"Fvck Dreak!...Stop!"  Agad na umalingaw-ngaw sa loob ng kwarto ang boses ni Zach. Nagtindigan ang mga balahibo ko,may mga sagot na pumasok sa isip ko pero wala pang kasiguraduhan,ngunit may mga sagot na maaaring mali. Ang isiping iyon ay nakapagpapabagabag sa'kin, Hindi ko rin maalis na maniwala sa mga hinala ko na baka totoo ang lahat ng sinabi ni Dreak, agad na naman na nangilid ang mga luha ko pero pinunasan ko agad ito ng mga nakagapos kong mga kamay. Pinapakalma ang buong sistema ko dahil baka mali ang nasa isip ko.

'Sana sabihin mong hindi Zach dahil kung hindi ay baka ngayon pa lang kalilimutan kita..'

"Then tell her the truth" mahihimigan ang pagiging seryoso ni Dreak at diretsong umangat mula sa pagkakapantay sa'kin nang tumingin kay Zachary.

"Mr.Big's mission is to kill you" muling nag-taasan ang balahibo ko at nagpantig na din ang tenga ko,hindi ko na mapasok  ang nalaman ko sa utak ko. Naging magulo lalo dahil sa halo halong pakiramdam at mabilis na gumuhit ang mga luha sa muka ko.Maraming tanong ang nabuo pero hindi ko maisatinig, maraming nakapagpa-realize ng mga ginawa niya na hindi kakikitaan ng masamang balak ngunit isa lang ang gusto kong marinig ngayon,Yun ay ang sabihin niya kung totoo ang mga paratang ni Dreak sa kaniya.

"Yeah... it's...true,the mission that was assigned to me is to..kill.....you" pahina nang pahina ang boses niya,muling bumuhos at nagunahan ang mga luhang kanina pa nagbabadya lumabas sa lungga nila.

'bakit ikaw pa?,bakit ikaw?pwede namang iba pero bakit ikaw?

'IKAW NA..MAHAL KO..'

Napatungo nalang ako habang pinipigilan ang impit na pag-iyak. Sobrang sakit ang malaman na balak kang patayin ng taong mahal mo...

avataravatar
Next chapter