webnovel

Mr. President is in love with Miss Nobody ( Filipino )

Alam nyo ba yung salitang nobody. Yung tipong tamang dinadaan daanan ka lang at hindi binibigyang pansin. Yung tuwing nasa klase ay nasa isang sulok ka lang at tamang pakinig lang sa teacher na nagsasalita. Yung may pasalumbaba pa at walang nag-aabalang kumausap sayo. Tapos pag-absent ka parang wala lang. Alam nyo ba yon kasi ako yon akong ako Ako si Ella Riza Fuentes isang simpleng mag-aaral sa isang sikat na paaralan tama kayo ng nabasa nag-aaral ako sa isang sikat na school sa aming bayan. At hindi lang iyon ang kagulat gulat sa akin dahil ako lang naman ang sikretong girlfriend ng president ng school na to. Tama uli kayo ng nababasa at kung iisipin nyo na malayo ang agwat ng edad namin nagkakamali kayo. Sampong taon lang kaya ang agwat namin diba hindi naman masyadong malayo a basta I'm proud to say na Mr. President is in love with Miss. Nobody and that's nobody is me.

alleiram13 · Urban
Not enough ratings
12 Chs

CHAPTER 9

" Ella " napalingon siya kay Xintia, nasa may park kasi siya ng school.

Nakaupo siya sa swing habang nagmomoment.

Wala kasi ito kanina may pinuntahan daw sila ng magulang niya kaya ng matapos ang huling klase niya ay naisipan niyang tumambay sa swing.

Matapos ang anniversary party nilang dalawa ay pumasok na siya school dahil may klase pa siya at ito naman ay naiwan sa bahay nila.

Nagtext lang ito sa kanya at tinanong kung nasan siya kaya nalaman nitong nasa park siya ng school.

" Tara "

" Saan?" Tanong niya kay Xintia.

" Sa lalim ng iniisip mo hindi mo na narinig ang announcement, pinapupunta tayo sa gymnasium"

" Bakit ?"

" I don't know let's go "

Nilahad nito any kamay sa kanya na kaagad naman nyang tinanggap.

Nang makatayo na siya mula sa pagkakaupo sa swing ay binitawan na nito ang kamay niya at kumapit naman sa braso niya.

Kung iisipin wala namang kahit anong arte sa katawan si Xintia.

Kahit na kapatid ito ni Craze at ang kuya nito ang may ari ng school na ito.

Hindi mo mababakasan ng pagkamataray at pagkaspoild brat si Xintia.

Pagdating nila sa gymansium ay nadatnan nila ang lahat ng istudyanteng nagkanya-kanyang makeup sa isa't isa.

Dahil sa dami ng istudyante na halos puro babae at iilan lamang ang nakikita niyang lalaking nakaupo sa isang tabi.

Umupo sila ni Xintia sa bandang likuran dahil halos doon lang ang may available na upuan.

" Anong meron?"

" Ayan ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok kanina"

Nginuso nito ang lalaking nakatayo sa stage.

Ang lalaking pinanabikan niyang makita.

" Hello everyone " nakangiting bati nito sa lahat.

Pero ramdam niya ang pagtingin nito sa kanya.

" Tinitignan ka ng kuya ko" nagtatakang tanong ni Xintia.

" Baka kinikilala nya lang kung sinong kasama mo"

" Sabagay lagi kitang kinukwento sa kanya"

Binalik nito ang tingin sa harapan.

Mukhang nakalusot siya ngayon.

" Na miss nyo ba ko?" Narinig nya pang pabirong tanong ni Craze dahilan para magkagulo and lahat ng istudyanteng babae.

Ibang klase talaga ang karisma ng lalaking ito.

" Kaya ko lang kayo pinatawag dito because I want to announce a good news "

" Mukhang sasabihin na ni kuya "

" Ang alin?" Baling niya dito.

" Ang dahilan kung bakit siya umalis "

" Ok"

Hindi ba tungkol sa company nila ang dahilan.

" We have a additional family member " nakangiting sambit muli ni Craze.

Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa gilid ng stage at may inalalayang umakyat.

Isang magandang babae na kasing edad lang ni Craze.

Wala yata siyang alam tungkol dito.

Nakaalalay lang dito ang nobyo hanggang sa makarating sila sa gitna ng stage.

May naririnig pa siyang ilang bulung bulungan sa paligid.

" Sino sya ?" Hindi na niya napigilang isa tinig.

" My brother's best friend and.. " hindi na natuloy ni Xintia ang sasabihin dahil muling nagsalita si Craze.

" Let's all welcome our new instructor Miss. Amber De La Fuente " pagpapakilala ng binata sa dalagang kasama nito.

Ibinigay naman nito ang mic sa babae.

Hindi niya alam kung bakit pero nagsisimula ng manikip ang dibdib niya.

Walang sinasabi si Craze tungkol sa best friend nito.

" Excuse lang Xintia mag-ccr lang ako " paalam niya sa kaybigan.

" Gusto mo samahan kita"

" Wag na "

" Ok "

Lumakad na siya palabas ng gymnasium.

Wala naman siyang balak mag-cr hindi lang talaga niya mapigilan ang sariling emosyon.

Ang labas kasi ay parang nagsinungaling sa kanya si Craze.

First time lang nangyari ito na nagawang maglihim sa kanya ng nobyo.

Maglalakad pa sana siya palayo sa gymnasium ng magring ang phone niya.

Tinignan niya kung sinong ang tumatawag.

Si Craze.

" Hello "

" I miss you Riz nagustuhan mo ba ang surprised ko I'm back "

Masiglang sambit nito sa kanya.

Pinakalma nya muna ang sarili hindi sya pwedeng basta basta nalang magalit alam niyang may dahilan ito.

" Oo nasurpresa ako ng sobra, miss na miss na kita Craze "

" Sorry kung hindi ko nasabi sayo ang tungkol kay Amber "

" Ok lang " pinipilit niyang takpan ang kalungkutan niya.

" Don't lie Riz kilala kita I know your upset "

" I'm not "

" Don't be Riz go home early I'm waiting I love you "

" I love you too "

Binaba na nito ang tawag.

Pinilit nya namang pakalmahin ang sarili.

Nakita mo na may dahilan siya kaya hindi nya sinabi sayo.

Mahal ka ni Craze Riz tandaan mo yan.

Mahal na mahal ka nya.

Makabalik na nga baka hinihintay na ako ni Xintia.