1 Una ko syang nakita

"Yel! Yel!"

"Oh? Bakit? Napano ka?"

"Nakita mo na ba yung transferee? Section C sya. Ang gwapo Yel grabeeee!!!"

"Ang OA mo ha. Mukha bang artista yan? Kung makatili ka naman."

"Oo mas gwapo pa kaysa sa mga artistang kilala kooo!"

"Weeh? Matingnan nga."

Ako si Yel. Madelle Rodriguez. Grade five pa lang ako ng una ko syang makita. Oo, gwapo. Mali. Sobrang gwapo nya. Pano naman kasi foreigner yung tatay, di na nakakapagtaka yun. Di naman ako mahilig sa gwapo pero nung nakita ko yung mukha nya, abaa abaaa muntik malaglag panty ko ha. At ako naman, well, yung itsura ko hindi tulad ng sa fairy tale na anak mahirap daw pero sobrang puti at sobrang kinis ng mukha at sobrang lambot ng kamay at lalong lalo na sobrang ganda. Sa totoo nga eh kabaliktaran ako ng mga bida sa fairy tale o sa novel. Morena na medyo sunog ang balat kasi mahilig ako gumala at maligo sa dagat. Wala naman akong masyadong tigyawat sa mukha pero hindi makinis at hindi smooth ang mukha ko. At lalong-lalo na pangit. Sabi nga nung isang pinsan ko may mga times daw na mukha akong unggoy. Yung unang tingin mo sakin masasabi mong pangit pero pagtinitigan mo ako masasabi mo sa sarili mong may itsura din naman pala. Isa lang naman ang totoo dun eh, na anak mahirap ako. Well, balik tayo kay JV, short for John Vincent. Yung gwapong lalaki na transferee.

"Yel, yan na… yan na sya yung transferee!" bulong sakin ni Tintin, bestfriend ko na kaklase ko na kababata ko. Lahat na. Napatingin ako sa dumaan, SYET gwapo nga. Matangkad, maputi, gwapo. Gwapo. Gwapo!

"Ah, gwapo nga." Kunwari di ako masyadong namangha sa itsura. Pa-cool kung baga. Pero deep inside nagwawala, sumisigaw, tumitili at tumatumbling na puso ko sa kilig. Pero naisip ko malabo namang mapansin ako nun kaya wag nalang. Tsaka di ko pa alam ang ugali.

Natapos ang grade five na hindi ko sinasabi sa bestfriend ko lalong-lalo na sa iba na crush ko si JV. Habang halos lahat ng kaklase, kabatch, mga grade six at kahit siguro mga grade one na babae crush sya. Lantaran pa namang kinikilig ang mga gaga. Di na nahiya.

Grade 6 na kami ng una ko syang nakaharap. Section C parin sya at ako naman section B pa rin. Pinagsama ang section namin that time. P.E. subject. Ewan ko ba bakit minerge pa ang section namin eh wala rin namang nangyari, ang kinalabasan? Ayun naglaro lang at naggrupo grupo. Yung ibang malalanding babae nagkaroon ng chance maglandi kay JV. Tsktsk.

"Aray!!Bwesit! sinong nangbato?! Papatayin kita kung di ka aamin!! Sagot!" napasigaw ako sa sakit ng may bolang lumanding sa ulo ko. Ang sakit eh. Nasa gilid na nga lang ako at nagsesenti, natamaan pa ako. May pumulot ng bola kaya pinuntahan ko agad para awayin.

"Hoy magsorry ka! Nabukulan ako dahil sayo!!"

"Ha? Hindi naman ako ang bumato ng bola eh. Pinupulot ko lang." Si. JV. Pala. Nahiya ako bigla. Napahiya actually. Syet mas gwapo pala sya sa malapitan.

Hindi ko napansing nakaalis na pala sya. Napatulala ako eh. Nahiya ako sa sarili ko baka kasi isipin non na pareho lang ako sa ibang babae sa school na patay na patay sa kanya. Which is totoo naman. Arghhh nakakahiya!!!

Well, that was the first and last time na nakausap ko sya. Yun lang naman pero hinding-hindi ko nakalimutan yun. It was one of my memorable days in elementary. Nung highschool naman, nawala ulit sya, I mean dun na sya nag aral sa Manila kung saan pansamantalang nakatira ang Tatay nya.

Pero nung 3rd year highschool ako, nakita ko sya ulit sa school namin. Provincial meet yun eh at sa school namin hineld. Di ko inexpect na makikita ko sya pero iba na sya. Yung pananamit nya pang-emo. Yung itim lahat na kahit di mo makita eh alam mong itim din kulay ng brief nya. May eyeliner din sya. Uso kasi that time ang emo look eh. Pero infairness, bagay sa kanya, maputi kasi sya para tuloy sya yung bida sa mga anime. Ang gwapo parin. Basketball ang sports nya at as usual ang dami na namang may gusto sa kanya. Haaaaay... ewan ko ba. Natatawa nalang ako sa sarili ko. Alam mo yung feeling na alam mo sa sarili mong malabong magustuhan ka nya pero nandun parin yung hope na sana mapansin ka nya dahil iba ka sa ibang babae. Na hindi ka tulad ng ibang babae na habol ng habol sa kanya. Na kunwari di ka nasisilaw sa kagwapohan nya. Sino bang niloloko ko? Syempre sarili ko lang din. Pagkatapos ng araw na yun wala na. Di ko na sya ulit nakita.

Graduate na ako ng college sa kursong Social Studies. Pero nag-aral ulit ako. Doctor of Veterinary Medicine. Six years ang kursong 'to. Mas bata sa akin ang mga kaklase ko pero meron din akong mas matatandang kaklase, mga second courser din tulad ko. At sa tantya ko, halos kaedad ko lang ang mga 4th year at 5th year VetMed students.

Sa isang sikat na agricultural school ako nag aral at dahil malayo sa amin eh sa dorm ako nagistay. Unang araw. Excited ako. Medyo kinakabahan may mga bagong kakilala pero okay lang go pa rin ng go. Kala ko madali eh kasi graduate na ako, putsa, nakalimutan ko more on science pala tong course na to at mahina ako sa science. Mahina ako sa memorization. Pero sige lang go parin. Kaya lang bumalik na naman ako sa dating gawi. Yung happy-go-lucky type of student. Uunahin pa ang outing kesa magstudy para sa exam, mahilig din umabsent kasi tinatamad lalo nat ang lalayo ng departments. Haaaaaaay buhay… ano ba tong pinasok ko. Maraming nagsasabi matalino naman daw ako, tamad lang. well, naniniwala naman ako. Chaaar lang haha!

Mag-totwo months na simula nung nagsimula ang klase. 2nd year na agad ako kasi na credit yung ibang minor subjects. Isa lang ang major subject ko kaya minsan lang ako pumunta sa department namin. May mga naging kaibigan ako pero kunti pa lang.

Thursday, may pasok ako sa major. Early akong pumunta kasi wala yung instructor namin sa Socio. May lakad daw. Pinagpapawisan akong nakarating sa department, ikaw ba naman, eh ang layo ng lalakarin at pataas pa yung department namin kasi nga bukid yung school. Para akong madedehydrate, buti nalang palagi akong may dalang tubig at panyo at suklay at pulbo. Girl scout yata to. Haha! Naglalakad na ako papuntang room ng mapansin kong and daming studyante sa hallway. Puro nakaputi. Mga higher years. Meron ding may nakaupo sa may hagdan. First time ko silang makita, pagpumupunta kasi ako sa department eh palaging tahimik, sabi nila yun eh busy na kasi, paghigher year na kasi ang daming laboratories. Kaya ngayon parang nahiya akong pumuntang room. Naka-tshirt, pantalon at tsinelas lang kasi ako samantalang sila nakauniform. Pero wala pa naman kaming uniform that time. Naglakad na ako papuntang room. Nakatungo lang ako. May iba tumitingin, yung iba wala lang. Tinignan ko kung malapit na ako sa room kaya medyo inangat ko yung paningin ko pero may iba akong nakita sa may hallway. Parang pamilyar tong taong to. Nakatingin sya sakin. No. Nakatitig sya sakin. Tuloy lang ako sa paglakad at sa pagtitig sa lalaki. Eye to eye. Tug tug tug. Kilala ko to. Kilalang-kilala ko to!!

"JV! Padaanin mo yan! Ikaw talaga pag babae eh ang bilis mo! Hahaha" Narinig kong sigaw ng isang kaklase nya. Nagtawanan din yung iba. Sya nga! Si JV nga! Ang laki ng pinagbago nya. Sabagay sa edad naming 21, siguro sya 21 or 22 na, talagang magmamature na. Pero sya, mas gumwapo. Mas bagay sa kanya ang mature look. Lumaki din ang katawan nya, yung tipong habulin hindi lang ng mga babae pati na rin ng mga bakla. Pumasok na ako ng room pero nakita ko si JV dun pumwesto malapit sa may pinto. Di ako makafocus sa lecture. Naiisip ko parin si JV. Tumingin ako sa may pinto, para tingnan kung nandoon pa siya pero nagulat ako, nakatingin din sya sakin. Binawi ko agad ang tingin ko. Medyo kinilig ako. Nagandahan kaya sya sakin? Napasimangot ako. Malabo. Inuuto ko na naman sarili ko. Malamang sa malamang natandaan nya mukha ko. Na ako yung dating schoolmate nya na napagbintangan syang nambato ng bola.

"Rodriguez? Rodriquez!

"Yel tawag ka ni doc." Siniko ako ni Ellen, seatmate ko. Kanina pa pala ako tinatawag ni Doc. Lagot.

"Yes, Doc?"

"It seems that you're physically present but mentally absent, Miss Rodriguez. Dare to share your thoughts to the class? Or you will answer my question?"

"What's your question, Doc?" Langya, lahat ng kaklase ko nakatingin sakin. Nakakahiya! At nandoon pa si JV at mga kaklase nya sa may pinto. I know this sounds cliché pero litse sana kainin na ako ng lupa ngayon na!

"See? You don't even know the question!"

"What is outcrossing?" pabulong na sabi ni Ellen.

"Well, if you're asking about outcrossing, Doc, for me it is breeding two animals with the same breed, but are not related."

"Okay… but what do you mean by not related?"

"Not related means they are not in the same bloodline or family. For example, a German Shepherd from Philippines bred with German shepherd from India. They're both German Shepherd but they came from different places so it is impossible for them to be related." Salamat naman nakasagot ako kahit papano.

"Very good! Well, it seems that your listening to my discussions Rodriguez. Sit down." Nakahinga ako ng maluwang.

"Thank you! Owe you this!" bulong ko kay Ellen. Buti nalang nandyan sya medyo nabawi ko ang aking dignidad. Haha! Naalala ko si JV. Napatingin ako sa may pinto. Wala na sya. Pati yung mga kaklase nya. Haaaay.

Two weeks have passed mula noong makita ko sya pero di ko parin sya nakikita ulit. Ano ba 'to? Ewan ko ba. Mukhang bumalik yung feelings ko kay JV. Crush ko na ulit sya. Haaay nakooo.

"Classmates, nga pala next month Vetmed week na kaya prepare prepare na kayo. Magpopost nalang kami ng updates. At meron ding contribution kaya magstart na kayong magsave. Just wait for the updates and if you have any questions, please don't hesitate to approach me." Narinig kong sabi ng batch representative namin. Natuwa ako kasi ibig sabihin one week kaming walang pasok kahit isa lang ang class ko sa Department naming. Yung sa minor subjects ko maeexcuse ako kasi nga VetMed week. Gagala na naman kami nila Ellen neto. Nasa labas na kami nila Ellen kasama iba naming friends, busy kaming nag uusap ng may bumunggo sakin. Ang lakas ng pagkakabunggo kaya napaatras ako. Hindi pa nagsorry ang loko kaya napasigaw ako.

"Gago ka ha! Magdahan-dahan ka nga! Kala mo sayo tong daanan?! Ha? Di Kaman lang magsorry, may nasaktan kang tao!" Natigilan ako. Lahat ng tao sa hallway nakatingin sakin. Pati mga friends ko nagulat sa ginawa ko. Di siguro nila akalain na may side akong ganoon kasi napakatahimik ko lang sa klase.

"I'm sorry Yel, I didn't mean to hurt you. I apologize. Are you okay?" si JV. Napatulala ako. Si JV. Yun lang ang paulit-ulit na pumasok sa utak ko. Si JV. Parang gusto kong tumakbo. Nakakahiya. Napatingin ako sa mga friends ko at kay JV na sila nakatingin I mean nakatulala. Mga gagang to.

"Tara na guys!" hinila ko na sila at nagmadaling umalis. I know napakawalang modo ko. Hindi ko man lang sinagot si JV pero naspeechless ako. Parang gusto ko uling lamunin ng lupa.

"OH my God! That was JV right?" kilig na kilig na sabi ni Bandie. "Ang gwapo nya graaabeee!"

"Ou ngaaaa! Ang gwapo nya! Ang sarap paaa. At ang bangooo paaaa!!" parang baliw na sabi naman ni Ellen.

"Parang di naman!" inis na sabi ko. Parang bigla akong nainis sa dalawang to. "Asan na ba yung iba?" dun ko lang napansin na nawala yung iba naming kasama.'

"Duuuh! Ayon naiwan hinila mo ba naman kami halos matumba na ako. Ang gwapo talaga ni kuya JV!!!"

"Ou nga pala Yel, magkakilala ba kayo?" takang tanong ni Bandy.

"Nope. Why?" tanggi ko.

"Eh bakit alam nya yung name mo? Ikaw ha? Di ka nagsasabi, sinosolo mo lang si JV ha… ayiieee!" dun ko naalalang tinawag nya ako sa pangalan ko. Parang nag-eecho sa utak ko yung sinabi nya kanina "I'm sorry Yel. I'm sorry Yel. I'm sorry Yel. I'm sorry Yel" Oh my God!!! Alam nya ang pangalan kooooo!!! Waaah!! Kinilig ako ng sobra sobra! Pero syempre di ko pinahalata sa mga kaibigan ko.

"Ah, e ano kasi…. schoolmate ko sya noong elementary."

"Really?!" sabay na sigaw ng dalawa. "Kaya pala! Ang swerte mo Yel!!"

"Pwedi ba para yun lang eh. Nga pala anong year na ba sya.?

"4th year palang si kuya JV pero dapat 5th year na sana kaso pumunta sya ng ibang bansa ng isang taon doon sa father nya."

"Magkabatch ba kayo Yel?"

"Oo. Pero ibang section."

"Friends kayo dati?"

"Hindi. Never ko pa nga sya nakausap eh."

"Pero bakit kilala ka nya?"

"Ewan. Baka naalala nya lang." Ewan ko ba bakit kinilig ako sa fact na alam nya ang pangalan ko.

avataravatar
Next chapter