webnovel

Chapter 1

Nag mamadali akong tumakbo papuntang school. Late na late na ako sobraaaa aish. Si kuya kasi eh bwiset.

"Nasaan ID mo." owshiz si manong guard. Hala? Wala pala akong suot na id?

"N-naiwan ko po sa room eh." pagsisinungaling ko. tinignan lang ako ni manong guard.

oh ano guard? mag titinginan nalang ba tayo dito? late na ko!

"Sige pumasok ka na. Sa susunod wag mo na kakalimutan ang id mo sa room nyo."

wahhhhh! buti nakalusot ako huhu late na talaga ko super.

Sumilip muna ko sa room namin, sakto wala pa si ma'am, kaya pumasok na ko sa loob. Bahagya naman akong nagulat dahil may nakaupo sa upuan ko. Hindi pamilyar Ang mukha nya. Siguro taga ibang section to, tapos may pinuntahan na kaibigan lang dito. Pero ngayon ko lang nakita ang taong to?

"Alis dyan." walang ganang sabi ko sa kanya. tinaasan nya lang ako ng kilay at hindi na pinansin pa.

"Aishhh! Alis sabi eh!" nakakainis tong kupal na to ah.

"Uh, me?" waw. just wOw!? tatayo ba ko sa harapan mo at kakausapin ka kung di ikaw?

"Ay hindi, yung bag mo siguro pinaalis ko." pamimilosopo ko

"Oh, you're talking with my bag?" iniabot nya sa akin ang bag nya na ikinakunot ng noo ko.

"Anong gagawin ko dito sa bag mo?"

"Talk to my bag"

"Niloloko mo ba ko!?"

"What? Sabi mo kausap mo bag ko? Ayan na binigay ko na sayo, baka kasi nakakaistorbo ako sa pag uusap nyo ng bag ko"

Inis kong binato sa kanya ang bag nya. loko loko to ah pilosopo din.

"Wtf is your problem?"

"Umalis ka na nga lang dyan! upuan ko yan eh!"

"Ikaw bumili?" taas kilay na saad nya

"Ng alin?" kunot noong tanong ko

"Ng upuan na to?"

Mag sasalita pa sana ako pero bigla na syang tumakbo palabas ng room. Luh? Anyare don?