webnovel

Mortal Souls [Filipino]

Belonging to an immortal species of Canastelean that depends on human souls to keep them alive and their supernatural powers strong, Chereluna spent her entire life training to control her own power in the underworld of Myszt. One day when discussing who the person would return to the World of Mortals in order to collect human souls, Chereluna got into an accident that would eventually bring her to the world of mortals with no agreement among other Canasteleans. With her shouldering the fate of all Canasteleans, Chereluna fell on a very hard situation in which her decisions should be thought carefully. But even if she tried, difficulties would float and forbidden love could bloom. Language: Filipino/English

kensteryy · Fantasy
Not enough ratings
6 Chs

III: Festival

Chereluna's Point of View

Dahan-dahan kong ininom ang isang baso ng green tea habang pinapanood ang paglipad ng isang langaw sa loob ng kuwarto.

Nasa ikalawang araw na ako rito at wala pa akong alam kung paano simulan ang dapat na gawin bilang isang immortal communicator. Paano ako maghahanap ng mabibiktima? Paano ako papatay?

Sa sobrang pag-iisip ko kagabi, hindi ako nakatulog nang maayos sa malamig na sahig ng kuwarto. May nahanap pa akong kakaibang relo na aking suot sa braso ko. Hindi ko alam kung ano ang pakay nito dahil hindi oras ang sinasabi kun'di tatlong malalaking letra: XXX.

"Chereluna!" Tumalon ang puso ko nang sumigaw si Maribelle at sa biglaang pagbukas nang malakas ng pinto sa aking harapan dahil kina Lynn at Maribelle. "Ready ka na ba sa unang araw mo sa pagtitinda?!"

"S-Siyempre naman!"

"Ang sabi sa'kin ni Tita Bella ay ikaw raw ang cashier." Paghila sa'kin nilang dalawa palabas ng kuwarto dahilan para manginig ako sa hawak-hawak kong green tea. "Ang suwerte mo naman at na sa inyong dalawa 'yung madaling trabaho!" naiinggit na sabi ni Lynn habang pababa kami sa hagdan ng apartment.

Madali lang pala ang aking trabaho kung gano'n. At base sa sinabi ni Lynn, kasama ko si Maribelle sa pagiging cashier.

Napakunot ang mga kilay ko at nagtaka ang sarili kung bakit nila ako hinihila pababa ng apartment. "T-Teka! Saan n'yo ba ako dadalhin?"

"Pupunta tayo sa Star Plaza! Hindi mo ba alam na festival ngayong araw sa kaharian?" tugon ni Maribelle na ikinatawa nilang dalawa. "Dito ka ba nakatira sa Phoralline?" Pinagpag ni Lynn ang aking balikat habang patuloy sila sa pagtawa.

"Wala akong matandaan sa aking sarili. Wala akong matandaan kung saan ako nakatira."

Nagtinginan silang dalawa, looking all shocked. "Talaga?! Nagkaroon ka yata ng amnesia! Ano ba'ng nangyari sa'yo?!" bulalas ni Maribelle at bigla na lang akong niyakap nang mahigpit nito. Hindi ako makasagot dahil inipit niya ako sa kanyang damit.

"N-Nagising lang ako sa ospital ni Ms. Celia na walang matandaan sa sarili ko. Nahanap lang daw akong walang malay sa labas ng kaharian."

"Bummer." Pagnguso ni Maribelle. "Hindi ka ba nag-aalala sa'yong pamilya o kaibigan? O kaya'y baka may importante kang gagawin dapat?"

Napalingon ako sa itaas, kunwaring nag-iisip. Hindi ko alam kung kailan matatapos itong mga kasinungalingan dahil natatawa lang ako sa sarili ko habang ginagawa 'to.

"W-Wala naman akong magagawa sa tadhana ko," Pilit ang aking panginginig ng boses ko maipakita lang sa kanila na seryoso ang aking kondisyon.

"Aww, nakaka-touch ka naman! 'Wag kang mag-alala dahil malalagpasan mo rin 'yan!" Kumislap ang mga mata nina Maribelle at sabay nila akong niyakap nang mahigpit.

Mortals. They're all weak and unstable. Napakabilis nilang magbigay ng tiwala kaya sa huli, nasasaktan at naaapi sila nang madali.

"Anyway, tuwing Abril 20, may ginaganap na Lantern Festival upang ipagdiwang kung papano naging liwanag ang ating kaharian sa ibang mga kaharian. Dahil sa'tin, hindi natuloy ang isang malaking giyera ng lahat ng mga kaharian dito."

Napalakpak nang malakas si Maribelle kay Lynn na nakangiti nang malapad. "Ang galing talaga." sabat ni Maribelle habang patuloy sa pagpalakpak.

"Hoy bruha! Napakaingay mo talaga!" Nagulantang kaming tatlo nang marinig namin ang sigaw ni Ms. Bella na pababa kasama ang ilang mga babaeng ka-edad namin sa hagdan. "Maghanda na kayo! Magtitinda pa tayo!"

"Puwede bang sandali lang tayo magtinda, Tita Bella? Festival naman ngayon. Dapat nating gawin ay magsaya!" Napasayaw nang nakangiti si Maribelle habang pinagmamasdan lang namin ang paglapit sa'min nina Tita Bella.

"Hay naku! Festival ngayon, at kapag festival, maraming tao, at kapag maraming tao, mas marami ang bibili ng sun hat natin." ani Ms. Bella habang inaayos ang kanyang salamin sa mata.

"Oo nga, Maribelle. 'Pag marami tayong benta, mas malaki ang sahod natin." Dinig ko ang isang matining na boses ng isang babaeng may mahabang buhok na nakatayo sa hagdan. Bigla naman silang nagtawanan sa sinabi nito.

"Mga sipsip." Pagbubuntong-hininga ni Maribelle sa kanyang sarili habang nakatitig nang masama sa mga nagtatawanan. Talaga namang nakakainis kapag may sisira ng iyong araw, lalo na kapag umaga pa lang.

"Oh 'diba? Bilisan na natin ang pag-aayos sa ating sarili. At kapag naubos agad natin ang paninda, puwede na kayong makisaya sa festival."

Tumalon at nagsigawan sa saya ang lahat sa huling inilahad ni Ms. Bella. Tila maguguho na ang hagdan dahil sa sabay sabay na pagtatalon ng iba sa hagdan. Looking at all of their reactions, perhaps this festival will be exciting.

Bumalik kaming lahat sa aming mga kuwarto upang maghanda ng mga gamit na panligo para sa araw na ito. Binigyan ako ni Ms. Bella ng sarili kong mga damit na gagamitin ko sa mga susunod na araw pati na rin ang ilang mga personal na gamit. Bagaman simple, sapat na ito para masabi kong mabuti lang pala si Ms. Bella bilang isang mortal. Ngunit alam ko na ang mga kabutihan ng mga mortal ay nakadepende sa bawat sitwasyon.

"Sun hat po kayo dito! Perpekto sa mainit na tanghali!" Halos pumutok na ang lalamunan ni Maribelle habang kami'y nagsimulang magbenta malapit sa isang malawak na parke na puno ng mga puno't halaman.

Pinili ni Ms. Bella dito dahil sa dami ng mga mortal na nagkukumpulan dahil sa isang timpalak-kagandahan na ginaganap ngayong tanghali kahit na tumitirik ang araw sa asul na kalangitan.

Nakatayo lamang ang aming maliit na tindahan kasama ang iba pang mga tindahan dito sa labas ng parke. Masyadong nakakasama ng loob ang lagpasan lang ang aming tindahan ng lahat na para bang walang kuwenta ang aming tinitinda. Dagdag pa ang init ng paligid na lalong nagpapainip sa'kin.

"Nakakaiyak naman. Kakaunti lang ang mga bumibili," sambit ng isa pa naming kasama sa pagtitinda na si Vicky at sabay na napaupo sa isang plastik na upuan.

"Oo nga. Paano na tayo makiki-celebrate sa festival?" Napakamot sa ulo si Maribelle habang pinanonood lang namin ang mga mortal sa paglalakad.

Hindi ko man alam kung ano'ng ginagawa nila sa festival, nakisimpatya na rin ako sa kanilang dalawa at napaisip kung ano ang puwede kong gawin. But sadly, I don't know what to do.

Except for using my mind. . .

Sa pagpikit ng aking mga mata ay ang biglang pagtahimik ng buong paligid ko. I breathe in and out deeply while staring at nothing. Nanatili akong tahimik nang ilang segundo bago ko muling buksan ang mga mata ko.

Nang aking tignan ang paligid, pinagmasdan ko ang unti-unting pagbagal ng galaw ng lahat ng mga bagay sa paligid. Napangiti ako sa pagbagal ng paglalakad ng mga mortal at sa biglaang paghinto ng hangin habang dumidilim ang buong kalangitan na sarili ko lamang ang makapapansin.

Habang tinititigan ang lalo pang pagbagal ng mga mortal na naglalakad, I glared at them one by one. "Mutata animis vestris."

Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang nakangisi at pinakinggan ang unti-unting pagbalik ng mga ingay sa aking paligid sa normal.

"Pabili po!"

"Magkano po 'yung kulay dilaw?"

"Pabili nga!"

Binuksan ko ang aking mga mata at unang tumambad sa'kin ang nagsisiksikan at nagtutulakang mga mortal sa harap ng aming tindahan.

"Oh my! Kailangan nating magtrabaho nang mabilis!" tinitigan ko lang ang pagnganga ni Maribelle sa mga kustomer at mabilis na kumuha ng mga order sa kanila

Ngumisi lang ako sa kanya bago humarap sa mga kustomer na naiinip na sa tagal ng paghihintay. Natawa lang ako habang kinuusap ang mga mortal. Siguradong makalalabas na kami ng trabaho nang mas maaga para makisaya na rin kami sa festival.

Pagkatapos ang ilang oras na nakapapagod na trabaho, nakalabas na rin kami at ngayo'y nakatayo sa harap ng isang stage kung saan may isang lalaking kumakanta kasama ang napakaraming mga mortal na nakikisaya dito sa tinatawag nilang mini-concert.

I'm not having fun. Hindi ko alam kung bakit. Pinipilit ko lang ang ngiti ko dahil sina Maribelle at Lynn ay tumatalon sa saya habang sumasabay sa kanta ng lalaki sa stage. At kahit na natutumba ako at nakababangga ng mga mortal dito dahil sa sobrang sikip ng lugar, pinilit ko pa rin ang mga ngiti ko.

Kung ganito lang pala ang kahahantungan ko, dapat hindi ko na nagamit ang kapangyarihan ko, pero nagsayang lang ako. And it's making my insanity boil.

"Go Chris!" Halos mabingi ako sa mga sigaw ni Maribelle habang tumatalon at nagtitilian ang ibang mga mortal sa paligid ko. I'm done enough.

"Maribelle, Lynn." Pinalo ko nang malakas ang mga braso nilang dalawa para makuha ang kanilang atensiyon. "Bibili lang ako ng pagkain."

"Sige. Kaya mo 'yan." sagot ni Maribelle habang nakatingin pa rin sa stage. Kumunot lang ang mga kilay ko habang humahanap ng daan palabas sa mainit na lugar gawa sa mga siksikan naming lahat.

Napapikit ako at napangiti nang makahinga na ako nang mas malamig na hangin ng hapon. Hindi ko talaga maiintidihan ang mga mortal. I will never and I won't waste my time learning them.

Sa aking paglabas sa malawak na parke, naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng paligid. Kailangan ko nang umuwi ng bahay dahil sa hindi ko maintindihang pakiramdam. Marahil na sumasakit ang aking tiyan, ulo o kaya'y inaantok lang ako.

Mabilis akong naglakad sa isang makitid na daan sa gilid ng kalsadang tahimik habang tinitignan ang bawat maliliit na gusali na gawa sa kahoy pati na rin ang mga mukha ng bawat mortal na dumadaan sa aking tabi. They all look empty. Tila walang saya sa buhay at napilitan lang mabuhay. I pity them.

Nang ako'y lumiko ng aking daan para makablik na muli sa apartment, natanaw ko sa kabilang gilid ng kalsada ang isang grupo ng mga nagsisigawang taong may kasuotang gawa sa bakal na pumapalibot sa buong katawan nila. They look too unusual to be normal mortals. Dagdag pa ang isa sa kanila na may dalang espada at nakasakay sa isang kabayo.

Habang patuloy ko silang tinititigan, bigla akong nakaramdam ng isang kamay na humawak sa aking braso na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Bigla akong hinila ng isang lalaki papasok sa isang madilim na lugar sa pagitan ng dalawang gusali habang tinatakpan ang aking bibig. Wala akong reaksiyon. Wala akong ginawa. Napangiti lang ako dahil alam kong kaya kong iligtas ang sarili ko.

"Hoy, ate! Parang awa mo na!" Pinaupo ako sa likod ng isang malaking basurahan. Napatingin ako sa kanyang matangkad na katawan na may suot ng isang pantalon at polo habang isang mahabang cape. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha gawa ng flashlight na nakatutok sa akin.

"B-Bakit? Ano'ng ginagawa mo?" pagtataka ko sa kanya habang nakapikit dahil sa ilaw ng kanyang flashlight.

"Hinahanap ako ng mga guwardiya. Harangin mo sila dito at sabihin mong hindi mo ako nakita." aniya at muli akong tumayo sa harapan niya nang nakapikit. Ayun lang? Bakit naman niya iiwasan ang mga 'yun? May nagawa ba siyang masama?

"Baka naririto siya." Narinig ko bigla ang isang pamilyar na boses at ang malalakas na yapak na unti-unting lumalakas.

"Hoy, gawin mo na ang dapat mong gawin para sa'kin," bulong ng lalaki sa'kin at sabay na itinulak ako sa labas ng alley at pabalik sa maliwanag na paligid.

Natulala lamang ako sa sahig. I can't believe I let someone control me. Natawa lang ako sa sarili ko at huminga nang malalim para makontrol ang emosyon ko.

"Chereluna! Chereluna!" Nakita ko si Ms. Celia na tumatakbo kasama ang ilang mga mortal may bakal na kasuotan patungo sa akin. Hindi ko inaakalang kasama niya ang mga ganoong mortal.

"Nakita ko ba si Prince Ariszander?" tanong niya sa'kin habang unti-unti nila akong pinalilibutan.

"H-Hindi ko naman po siya kilala. Wala po akong maalala."

"Oo nga pala!" Napakamot si Ms. Celia sa kanyang ulo. "Bakit ka pala nandiyan sa mga basurahan?" Natulala lang ako sa kanyang sinabi at nanginig ang mga kamay ko. Bakit napansin niya pa 'yun?

"Eh kasi... akala ko eskinita 'yan. Hindi naman po pala," sagot ko at napangiti sa kanila nang pilit.

"Sige na. Mag-ingat ka. Hahanapin pa namin siya." Lumapit sa aking harap si Ms. Celia at niyakap ako bago sila maglakad paalis sa aking kinatatayuan. Tinignan ko muna silang lahat na mawala sa aking tanaw bago bumalik sa madilim na espasyo.

"Are they gone?" dinig ko muli ang normal na tono ng boses ng lalaki na nakaupo at nagtatago sa likod ng basurahan.

"Wala na sila."

Bigla siyang tumayo at humarap sa akin dahilan para makita ko ang kanyang makinis at puting mukha sa dilim habang kumikinang ang isang korona sa kanyang maalong buhok. Naaninag ko na rin ang kanyang makapal na suot na dilaw na polo at itim na pantalon habang tumatangay sa hangin ang mahabang kapa niya sa likod. His looks are not common.

"Ikaw ba 'yung Prince Ariszander?" tanong ko sa kanya na ikinatawa niya lang nang malakas.

"Hindi mo ako kilala? Imposible. Kaya naman pala wala kang reaksiyon nang makita ako."

"Nagkaroon po kasi ako ng amnesia," paliwanag ko sa kanya na napatango sa gulat.

"Ganu'n ba? Maraming salamat sa pagtulong sa'kin. I hate being in the castle for so long." Ngumiti siya sa akin at biglang ginulo ang aking buhok na para bang isang aso lang ako. "Sa muling pagkikita!"

Mabilis siyang tumungo palabas ng lugar at tumakbo sa gilid ng kalsada habang pilit na tinatakpan niya ang kanyang ulo gamit ang kapa niya kasabay ng paghangin nang malakas. I stared at his figure for a long time until it was gone in my sight. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko. Natulala lamang ako sa sahig bago muling naglakad at nag-pokus pauwi.

"Chereluna! Chereluna!"

Wala pang isang minuto sa aking paglalakad, napalingon ako sa aking likuran para makita si Vicky na hinahabol ang kanyang hininga dahil sa pagtakbo patungo sa'kin.

"Sa...Sama ka... Sa'kin sa bar. I-I need to get that special wine at hindi ko makukuha iyon kapag wala ka." Bigla niya akong hinawakan nang mahigpit sa aking braso at dahan-dahang hinihila.

"Bakit mo naman makukuha 'yun?"

"Kailangan daw ng kasama para makuha 'yung espesyal na flavor!" Sumandal siya sa aking braso habang mangiyak-ngiyak na umaarte sa tabi ko.

The bar? Hindi naman siguro masama ang pumunta doon lalo na't nakapunta na rin ako sa ganoong lugar sa Myszt.

Mabilis na lamang akong tumango sa kanya at tinanggap ang kanyang hiling. Mabilis niya akong inihatid patungo sa bar na sinasabi niya sa gitna ng mahanging hapon at maingay na kalsadang puno ng mga mortal.