webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realistic
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 8

Chapter Eight -->> SPARKS

Harrysen Bautista Point of View

NAGJOGGING kami ni Kriston, mula sa bahay hanggang gate, hindi pa kami nakuntento kaya lumabas na kami ng gate at hindi pa kami nakakalayo ay nakasalubong na namin sina Mandy at Alexander.

"Ohh, nagjogging na kayo" sabi ni Kriston. "Bat parang ang dali niyo naman makabalik. Saan lang kayo nakadating"

"Ahh, nandiyan pa nga lang kami nakadating sa may malapit ehh" sabi ni Alexander habang tinuturo kung saan talaga sila nakarating.

"Bakit naman?" tanong ko naman rito.

"Masakit na tiyan ko Alexander, tara na" sabi naman ni Mandy na halos mamilipit na sa sakit ang tiyan. Sinu-suntok suntok na nga nito ng mahina.

"Ahh, Pare mauna na kami, mukhang di na ata kaya ni Mandy ehh" sabi naman ni Alexander. "Tara na babe, bilisan na lang natin" sabi nito kay Mandy. Ede wow kayo na ang sweet sabi ng seloso kong isip. Wait anong seloso, wala na akong gusto diyan no.

"Tulungan na namin kayo Pre" sabi ni Kriston. At lumapit na sa mga ito at tinulungang akayin si Mandy ng dalawa. Ako naman ay naiwan, ng susunod na sana ako sa mga ito ng may narinig akong kaluskos mula sa malaking puno na napapalibutan ng mga matatangkad na damo. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa narinig.

Lalapit na sana ako rito. At ng malapit na nga ako ay tinawag naman ako ni Kriston.

"Harrysen, ano bang ginagawa mo diyan, Tulungan mo nga kami" sabi ni Kriston sa akin ni Kriston. Kaya binalingan ko ang mga ito na medyo may kalayuan na sa akin.

"Ohh sige, sandali lang" sabi ko rito at lumapit na ako sa may kumakaluskos.

"Ano bang tinitignan mo diyan, halika na nga tulungan mo na nga kami rito" sabi naman ni Kriston

"Sabi ko, sandali nga lang, may titignan lang ako. Kung gusto niyo bilisan niyo na lang, para hindi na kayo mahirapan" sabi ko sa mga ito.

"Bahala ka diyan, bilisan mo na lang" sabi naman ni Kriston at nagpatuloy na sa pagtakbo para madala na si Mandy sa bahay.

"Oo sandali lang" sigaw ko naman sa mga ito dahil may kalayuan na ang mga ito. Ng madali na ako dito ay may lumabas na pusa. "Pusa lang pala" sabi ko sa sarili ko. Nilapitan ko naman iyon at kinuha. "Anong ginagawa mo don ha" sabi ko rito at nag meow lang ito at naglambing sa akin. "Siguro gutom ka na" sabi ko pa rito at nag- meow ulit ito. Habang dala dala ko itong pusa ay naramdaman kong may nakatingin sa akin, pero hindi ko na ito pinansin. At tumakbo na kina Kriston dala ang pusa.

"Ohh, ano namang naroon" sabi ni Kriston ng makalapit na ako sa kanila na hinihingal.

"Wala!, ito lang palang si kuting iyon" sabi ko naman dito.

"Ahh, ikaw naman dito pre pagod na ako. May kalayuan na pala napuntahan natin" sabi ulit ni Kriston.

"Ohh sige, hawakan mo naman si kuting ko" sabi ko rito. Kinuha naman nito at kami na ni Alexander ang nag- alalay dito. Para tuloy kaming magkakasama ang past and present. At siya naman tong inasam namin na future. Pero ang kaibahan lang ng amin, wala kaming past.

Pagdampi pa lang ng aking balat sa balat nito ay may iba na akong naramdaman, hindi ko alam iyon pero nakukuryente ako. Napansin ata ni Mandy na may iba akong naramdaman ng magdikit ang aming balat. Siguro naramdaman din niya iyon, sabi ng isip ko.

"Bakit Harrysen?" sabi naman sa akin ni Mandy. At ang nasa likod ko namang si Kriston na dala ang pusa ko ay tumatawa, at alam ko na kung ano ang ibig sabihin niyon.

"Ahh, wa-wala lang. Tara na, bilisan na natin para magamot ka na" sabi ko naman rito at nagmadali na nga kaming makarating sa bahay. Habang sinasabi ko iyon ehh naririnig namin si Kriston na tumatawa ng mahina parang kinikilig.

"Bakit ka tumatawa diyan" halos sabay na sabi naman namin ni Mandy.

"Wala lang, nag-eenjoy lang akong tingnan" sabi naman nito na tiningnan ko naman ito ng masama, dahil sa sinabi nito. Di ba siya nag-iisip nandito si Alexander ang boyfriend nito.

"Ang alin naman Kriston" sabi naman ni Alexander.

"Eto, etong pusa ni Harrysen" sabi pa nito.

"Aray" sabi ni Mandy. "Pwede ba bilis- bilisan na natin" sabi pa nito na namimilipit na talaga sa sakit.

"Tara na nga" sabi ko sa mga ito. At nagmadali na nga kaming para magamot na ito. Mula ng may naramdaman akobg kuryente kanina ng paghawak ko rito ay hindi na iyon nawala, kahit nang nakadating na kami sa may gate.

"Kargahin na lang kita babe" sabi ni Alexander ng makapasok na kami sa may gate.

"Ohh sige babe, di ko narin kayang maglakad" sabi naman nito at kinarga naman ito ni Alexander na parang bagong kasal. Natigilan naman akong saglit at ng maglalakad na sana ako ng marinig ko si Kriston sa likod ko.

"Ouch naman" sabi nito.

"Bakit napa- pano ka naman" sabi ko naman dito at binalingan ko ito ng tingin habang nakatingin sa papalayong b,iyoj si Mandy na karga parang asawa ni Alexander.

"Wala lang, kinikilig lang" sabi nito.

"Kanino naman sa kanila" sabi ko naman dito.

"Hindi!" Sabi naman nito.

"Ehh kanino naman?" tanong ko rito. At ngumiti ito ng nakakaloko.

"Sa inyo" sabi naman nito. Sabi ko na nga tungkol na naman sa amin ni Mandy ang iniisip nito.

"Gago! Alam mo ng may jowa na kapatid mo. Tapos Kriston, kung iniisip mong may gusto pa ako sa kapatid mo, nagkakamali ka ng hinala" sabi ko rito. "Matagal na akong walang gusto sa kapatid mo"

"Bro, wag ka ngang magsalita ng tapos, kitang- kita ko mga kislap ng mata mo, kanina, ng magdikit mga balat niyo. Bakit may kuryente bang dumaloy kanina ha!" sabi naman nito.

"Ha! Mer-" naputol sasabihin ko. Muntik ng madulay hehehe.

"Ano yun?" Sabi nito na halatang kinikilig. "Meron ba sabi mo"

"Oo, sabi ko Meron" sabi ko rito. "Mer-ron bang dapat na mangyaring ganon"

"Oo, maaari, kasi may gusto ka sa kanya" sabi nito.

"How many times do I need to say to you, that I don't have any feelings for your twin sister. At saka hindi totoo yang sparks na yan, sa Wattpad lang yon nangyayari. Nilalagay lang ng writer yon para kiligin ang readers, Okay" sabi ko rito. "Akin na nga yang kuting ko" at kinuha na nga ito sa kanya. At iniwan na ito, pero hinabol naman ako nito..

"Hoy, ano ka ba" sabi nito. Ngunit kahit anong gawin nito ay hindi ko ito kinausap. "Hoy! Bro sorry na, alam ko namang nakamove-on ka na kay Mandy ehh, sorry na" sabi pa nito ng makabahaypasok na kami sa bahay pero hindi ko parin ito kinausap. "Ikaw lang talaga bet ko para sa kapatid ko" bulong nito sa kin.

"Gago! Ayan ka na naman Bro, sabi ko nga sayo hindi ako yung gusto ng kapatid mo" sabi ko rito.

"Dati yun Bro, ibang iba ka na bro, napaka gwapo mo na ngayon, at isa pa hindi ka na katulad ng dating puro ka libro" sabi ko rito.

"Hindi porket Bro, nabago ko na, katangian ko Bro, nabago ko na rin puso ni Mandy" sabi ki rito. "Kilala natin si Mandy Bro, hindi siya yung taong madali mahulog sa isang bagay na pinapakita mo sa kanya"

"Ede, magpakita ka pa ng ibang bagay sa kanya, ipa- fall mo si Mandy sayo Bro" sabi nito.

"Ano ka ba Bro, may jowa na nga siya diba" sabi ko rito. Totoo naman kasi ehh, ayaw ko naman maging kabet no.

"Ehh, paano kung wala" sabi pa nito at hindi na ako nakapagsalita. Oo nga no paano kung wala siyang boyfriend. May pag-asa na kaya ako.

"Ehh, meron nga diba" sabi ko pa rito.

"Ehh pano nga kung wala" ulit naman nito. Kaya inulit ko na lang rin ang sinabi ko. "Sabagay, mukhang malabo na ehh, parang pang-forever na ehh" sabi pa nito.

"Walang Forever" mapait na sabi ko pa rito. At umalis na.

"Bitter mo Bro" sigaw naman nito na hindi ko pinansin. Lumabas na uli ako ng bahay at naglibot sa kabuuan niyon para na rin mag jogging na ang kasama ay si kuting.

Mandyzon McBride Point of View

NAKAHIGA ako ngayon sa aming kwarto. Hindi ko kayang maglakad at tumayo dahil sa sakit ng tiyan ko.

"Aray" ungol ko ng maramdaman ulit na kumikot at halos mamilipit sa sakit qng tiyan ko. Pagkailang segundo ay pumasok si Alexander sa aming kwarto.

"Ohh, babe ayos ka lang" sabi nito na mahahalatang nag-aalala.

"Aray, ang sakit" ungol ko ulit ng kumirot na naman za sakit ang tiyan ko.

"Babe, idala na kaya kita sa ospital" sabi pa nito.

"Wag na babe" sabi ko rito.

"Bakit ba kasi sumakit yang tiyan mo, ha" sabi ng lalaki na nasa may pinto. Pagkatingin ko doon ay si kuya Kriston pala at katabi si Harrysen na may dalang tray.

"Ewan ko kuya ehh, basta ng malayo-layo na kami, sumakit na lang tong bigla" sabi ko rito.

"Siguro, hindi muna kayo nagpatumay-tumay pagkatapos niyong kumain, iyan kasi ehh" sabi pa nito, na mahahalatang may konting galit ito.

"Mukhang ganon nga mangyari, masyado kasi tayong excited magtour dito ehh" sabi ni Alexander. "Sorry babe, I think it's my fault" sabi pa nito.

"No babe, it's not your fault" sabi ko rito. "Ginusto ko naman ehh, and besides, worth it nama yun ehh" sabi ko rito. "Kasi nakasama kita"

"Mandy, here's your medicine, and water syempre" sabi sa akin nito at ibinaba na ang mga ito sa lamesa malapit sa akin.

"Thanks, Harrysen" sabi ko naman rito. Sa tingin ko tama palang pumunta kami rito. Mukhang magiging katulad na kami ng dati ehh.

"Your welcome" sabi naman nito at ngumiti ng manipis. Nagkaroon ng kakaiba akong naramdaman ng ngumiti ito, hindi ko alam kung ano yun. Pero basta parang humanga na ako sa kagwapuhan na nitong taglay. Dati kasi ehh napaka nerdy ng katangian nito. Dahil rin sa ngiti nito ay na alala ko na naman ang nangyari kanina sa labas, nakaramdam ako ng kuryente ng magdikit ang aming balat. Hindi ko yun alam, ngayon lang rin ako nakaramdam ng ganong kuryente mula sa ibang katawad. Kahit nga kag Alexander ay hindi ko pa ito naramdaman.

"Mandy, magpahinga ka muna diyan, ha" sabi ni kuya Kriston. Na tinanguan ko naman.

Pagkalabas nila ay doon ko na ininom ang gamot, ng malunok ko iyon ay naisipan ko na munang mahiga at matutulog na ako. Ngunit ilang minuto na ay hindi pa ako makatulog. Siguro dahil na rin kakaisip sa nangyari sa labas kanina, ng may sparks akong naramdaman kanina ng magdikit ang balat namin ni Harrysen.

Ng bumukas ang pinto, nagtulog-tulugan ako para isipin nila na nagpapahinga talaga ako, at wala ng iniisip. Naramdaman kong tumabi ito sa akin na sa tingin ko ay si Alexander. Ngunit bago ko pa iyon imulat ay nagsalita ito.

"Ayos ka na ba Mandy" sabi ni Harrysen. Si Harrysen ano kayang gagawin nito. "Pagaling ka ha, maraming mag- aalala kung may mangyari sayong masama" sabi pa nito. "Alagaan mo kasi kalusugan mo, hindi naman kami yung magsa suffer ng sakit ehh. Mabuti kung kaya kong agawin yan sayo, pero hindi ko kaya ehh. Hindi man kami yung may sakit pero masasaktan rin na lang kami kasi ayaw naming may nangyayari sayong masama." sabi pa nito. "Tingnan mo mga ohh, simpleng sakit mo lang pero napaka Over Acting na namin kung mag- alala sayo. Kasi alam mo kung bakit, kasi mahal ka namin, mahal na mahal" imumulat ko na sana ang mga mata ko ngunit nagsalita pa ito kaya hinayaan ko na lang.

"Pero may aaminin ako sayo, sa tinagal tagal na nating hindi nagkikibuan, hindi kita nakalimutan, pero syempre dahil na rin siguro may pinag samahan tayo. Pero ito talaga ang hindi ko nakalimutan, at ito ay ang nararamdaman ko sayo. Aaminin ko dine- deny ko na sa inyo. Pero ang totoo mahal pa kita, actually mahal na mahal pa nga talaga kita ehh" sabi pa nito. At tumayo na ito at akala ko ay aalis na, kaya nagmulat na ako ng mata, pero nang makita ko si Harrysen ay nasa may ulo ko ito at hinahalikan ang ulo ko ng kanyang labing napakapula.

"Harrysen, anong ginagawa mo" sabi ko rito, at napalayo naman ito. Nag react ako para hindi ako mabuking na kanina pa gising at hindi naman nakatulog.

"Sorry" sabi nito na hindi makatingin sa akin "Ayos na ba kalagayan mo, kung hindi pa magpahinga ka pa, pinatingnan ka lang naman ni Kriston sa akin kung ayos ka na" sabi pa nito. Hindi naman ako nagkibo pa at hinayaan lang ito. "Kukunin ko na pala tong tray, tawag ka lang sa amin kung anong nararamdaman mo" at lumabas na ito. Hinawakan ko naman ang ulo ko. Ang lambot naman ng labi ni Harrysen sabi ng isip ko at pinilig iyon.

"Hi, babe" sabi ni Alexander ng pumasok ito. Nahalata ata nitong malalim ang iniisip ko dahil nagbago ang ekspresiyon nng mukha nito. "Babe, what's problem" pag- aalala nito.

"Nothing babe, may naalala lang ako" sabi ko rito.

"So, what's that babe, importante ba yan" sabi naman nito.

"Hindi naman babe, wala lang yun. Bakit ka pala naparito" sabi ko rito.

"Grabe babe, di ba pwedeng kamustahin ka"sabi nito na parang nagtatampo. "At saka di ba pwedeng miss ko na babe ko, ha" sabi pa nito.

"Ahm, hindi naman. Pero syempre sakit lang naman ng tiyan to babe. Hindi ko naman ikakamatay yun diba" sabi ko naman rito, pagkatapos ay tumabi sa akin.

"Babe, syempre mahal kita babe kaya mag-aalala ako sayo" sabi nito. Naalala ko tuloy yung mga sinabi kanina ni Harrysen, na dahilan ng pagkatulala ko ulit. "Kahit nga sakit ng ngipin lang yan, mag-aalala ako sayo ehh" napansin naman ata nito ang pagkakatulala ko dahil ilang beses na ako nito tinawag. "Babe, ano ba talaga yang iniisip mo, ha" sabi pa nito.

"Ha, sorry babe, wala lang iyon" sabi ko naman dito, ayaw ko naman kasi sabihin na si Harrysen yun kasi baka magselos ito. Napabuntong hininga naman ito.

"O sige babe, labas na muna ako. Pahinga ka na kasi. Tatawagin ka na lang namin kapag kakain na" sabi nito.

"O sige babe" sabi ko naman rito. Pagkatapos ay hinalikan ako sa cheeks bago lumabas.

Alexander Kim Point of View

KALALABAS ko lang sa kwarto nina Mandy ng kausapin ko ito. Hayop na Harrysen yan, mukhang magiging dahilan pa para hindi mangyari ang mga binabalak namin sabi ko sa isip ko. Nakakainis talaga yang lalaking yan, akala mo kung sinong magaling sa lahat. Dahil sa inis naisipan ko na munang lumabas nag hanap ako ng tagong lugar para tawagan si papa. At ibalita ang nangyayari dito.

"Hello Pa" sabi ko rito.

"Alexander, ano bang nangyari sayo kanina ha, malapit ko na sana siyang makuha. Bakit mo pa siya nilayo" sabi nito sa kabilang linya.

"Sorry Pa, napagtanto ko kasi na hindi pa ito ang time para gawin natin ang binabalak, siguro hayaan na muna natin silang magpakasaya, tutal nandito naman sila para magpakasaya pa diba" sabi ko rito.

"Sa bagay tama ka sa naiisip mo, Alexander" sabi nito sa kabilang linya. "Hahayaan na muna natin sila magpakasaya para naman masaya sila, bago mawala rito sa mundo. Huwag kang magpapahalatang may gagawin tayong masama diyan ha" sabi pa nito.

"Oo naman Pa" sabi ko rito.

"Basta, hayaan mong isipin nila na kakampi mo sila, na wala tayong masamang intensiyon sa magkakapatid na yan" sabi pa nito.

"O sige Pa, basta ia-update na lang kita" sabi ko rito.

"O sige na Alexander" sabi nito.

"Alexander" rinig kong may tumawag sa akin mula sa likuran ko. Pagtingin ko rito ay si Ericka pala.

"Ohh, Ericka" sabi ko rito.

"Anong ginagawa mo rito" sabi naman nito.

"Wala, may tinawagan lang ako" sabi ko rito. "Kanina ka pa ba diyan"

"Hindi naman, sino palang tinawagan mo" tanong naman nito. t nag itaas ng isang kilay.

"Kung ano man yang iniisip mo" sabi ko rito. "Hindi yan totoo, hindi ko niloloko si Mandy" sabi ko rito na mas kinataas ng kilay nito.

"So, bakit ka nagtatago rito" sabi nito sa akin.

"Hindi ako nagtatago no, dito lang talaga malakas yung signal" pagsisinungaling ko rito.

"So bakit ka nga nandito" sabi naman nito.

"Sinabi ko na nga di ba, may tinawag lang ako" sabi ko rito. Naiinis na ako rito sa babaeng to.

"So, bakit nga dito" sabi pa nito na kinainis ko naman.

"Okay, dito ako tumawag kasi dito malakas yung signal" sabi ko rito. "Diyan ka na nga" at iniwan ko naman ito. Wala na akong narinig mula rito. Bwisit kasi, pero sana wala man lang itong narinig.

Please vote and Comment po....