1 Nagising ako may nagsasalita sa utak ko?

Ang mga tao ay tahimik na namumuhay sa daigdig. Sila ay masaya sa kani-kanilang mga buhay at para bang walang iniintindi.

Ngunit isang araw, biglang dumilim ang kalangitan at isang portal ang nabuo mula sa kawalan. napatingala ang mga tao upang tingnan kung ang bagay na iyon.

Habang inoobserbahan nila ang portal, nakita nilang lumabas ang mga halimaw at nahulog mula sa kalangitan.

Bago pa sila maka react, nagsimulang maghasik ng karahasan ang mga halimaw na galing sa portal.

Nang makita nila kung ano ang nangyayari, nagsimula silang mag panic at tumakbo sa ibat ibang direksyon habang ang iba naman ay sinubukang lumaban para ipagtanggol ang kanilang sarili ngunit sila ay nasawi pa rin.

Dahil sa pagsakop ng mga halimaw, Isang kontinente na lang ang natira mula sa pitong kontinente ang napamamahayan ng mga tao.

Nang magsimula silang mawalan ng pag asa, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon.

Pagkakataon para baguhin ang kanilang buhay.

Nagsimulang mag evolve at magkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

*

*

"Ye Song! Gumising ka na tanghali na! kukuha ka pa ng rasyon sa bayan!"

Yawn~

Hi guys, kamusta kayo?

Ako to, si Ye song :)

Nagbabalik na ako haha! madami kasing pinagdaanan ang author ayoko ng isa-isahin baka maiyak lang kayo saka wala tayo sa wowowin. ayaw na namin gumawa ng palusot.

*Ding*

*Pasensya na sa inyo!*

O siya siya! masyado na madrama. sisimulan na ulit namin ngayon ang kwento namin pero ngayon tagalog na :)

Hindi kasi magaling mag english yung author eh. english barok lang ang kaya Hahahaha!

*HAHAHAHA*

(Ehem!)

Oopss! bato bato sa langit ang tamaan wag magalit!

Sana bigyan niyo pa ulit kami ng isa pang pagkakataon! maraming salamat sa lahat ng sumuporta!

*Salamat po!*

(Salamat sa inyo guys!)

Sana mag enjoy kayo sa tagalog! simulan na ang paglalakbay!

*

*

*

Nang magsimulang sakupin ng mga halimaw ang mundo, mahigit sa isang daang milyong tao ang nasawi sa loob ng isang araw.

Nung nalaman ito ng ibat ibang bansa, nagsimula silang magkaroon ng seryosong diskusyon at napagdesisyunang itigil muna ang kanilang mga alitan at mag sanib pwersa para labanan ang mga mananakop sa ating daigdig.

Sinimulan nilang lumaban sa mga halimaw pero ang naging resulta ay naging mas malala pa ang kanilang sitwasyon kaysa sa una. nalagasan sila ng mahigit sa tatlong daang milyong tao.

Habang wala silang maisip na solusyon, sinimulan nilang tipunin ang mga tao para magkaroon sila ng pag asa makatakas sa kalamidad na nangyayari.

Habang ginagawa nila ito, sinakop ng mga halimaw ang lahat ng kontinente sa daigdig. patuloy na umatras ang sangkatauhan hanggang sa isang kontinente na lamang ang matira.

Dito sinimulan nilang ibuhos ang lahat ng kanilang yaman at mga kagamitan para sa nag iisang kontinenteng ito.

Naglagay sila ng mga landmines at ibat ibang uri ng patibong. Bumuo din sila ng isang malaking bakal na pader para maging proteksiyon laban sa mga halimaw.

Pinangalanan nila ang kontinenteng ito na "Freedom Land".

Mahigit sa kalahati ng populasyon ng tao ang nawala dahil sa pananakop ng mga halimaw at ang kanilang natitirang pag asa ay itong nag iisang kontinenteng tinawag nilang "Freedom Land".

-

Sa isang bundok,

Meron isang lalaki na naglalakad malapit sa ilog. Siya ay matangkad at medyo payat. Itim ang kanyang buhok at ang kanyang damit ay medyo madumi. muka siyang gusgusin at kulang sa nutrisyon.

Ang pangalan niya ay Ye Song.

-

Si Ye Song ay naglalakad papuntang bayan upang kumuha ng pang araw araw na pagkain galing sa rasyon na binibigay ng gobyerno. Ito lamang ang tanging paraan upang sila ay mabuhay ng kanyang pamilya. Malayo silang naninirahan sa bayan dahil ang mga "Chosen" o mga napili lang ang may karapatang tumira doon.

Ang "Chosen" ay isang taong nag evolve at nagkaroon ng kakaibang kapangyarihan. ang kapangyarihang ito ay kayang labanan ang mga halimaw.

Sila ang mga napili ng langit para bigyan ng pag asa ang sangkatauhan. sila ang tagapag tanggol ng mga tao.

Dahil dito, inuuna silang bigyan ng prayoridad kaysa sa mga normal na tao.

Ang mga "Chosen" ay pwedeng mamuhay at kumain ng kahit anong gustuhin nila. kailangan lang nilang kumilos kapag ang mga halimaw ay malapit sa Freedom Land.

Habang ang mga normal na tao ay pwede lamang makakain ng isang tinapay at isang piraso ng karne sa isang araw. maraming tao ang nagreklamo pero hindi sila pinansin. walang pakialam ang mga awtoridad sa kanila.

Nang makuha na ni Ye Song ang rasyon nila para sa araw na iyon, nagsimula na siyang maglakad pauwi sa kanilang bahay.

Habang naglalakad siya ay narinig niya ang kanyang tiyan na kumukulo sa gutom ngunit binalewala niya ito at patuloy na naglakad.

Ayaw niyang kumain mag isa dahil meron pa siyang kapatid at nanay na nag hihintay sa kanya sa bahay. ang tatay niya ay namatay dahil sa pagsakop ng mga halimaw kaya siya ang naging sandalan ng kanilang pamilya.

Maaga siyang nag matured at dahil dito, wala na siyang panahon para sa kanyang sarili.

Habang siya ay naglalakad, nakarinig siya ng malakas na dagundong. napatigil siya at tumingala upang tingnan kung saan galing ang ingay na iyon.

Sa kaniyang ibabaw ay may portal na biglang lumabas mula sa kawalan. Nang makita niya ito ay nanginig siya sa takot at sinabi sa kanyang sarili.

"W-Wag mong sabihin.. Sisimulan ng atakihin ng mga halimaw ang Freedom Land?"

Habang iniisip niya ito, nagsimula na siyang tumakbo ng mabilis palayo sa portal. Inisip niya agad ang kanyang pamilya na naiwan niya sa bundok. tumingin siya sa kanyang likuran at nakita niyang isa isang nahulog mula sa portal ang mga halimaw.

Napasigaw siya sa sobrang panic at sinimulan niyang tumakbo ng mas mabilis. Nung akala niya na malayo na siya sa portal ay bigla siyang nakarinig ng dagundong sa kanyang harapan.

Mabilis siyang lumingon sa harap at nakita niya ang mga halimaw na nagkukumpulan. dahil sa sobrang pagmamadali ay hindi niya napansin ang kanyang dinadaan.

Balak niyang umiwas ngunit may nakapansin sa kanyang isang halimaw at ito ay umungol. Di nagtagal ang mga halimaw ay isa-isang tumingin patungo sa kanyang direksyon.

Tinitigan siya ng mga halimae na parang gusto siyang kainin ng buhay. nag simulang pagpawisan sa nerbiyos si Ye Song at dali dali siyang umisip ng paraan para makatakasa mga halimaw.

Hindi pa man siya nakakapag isip ay nagsimula ng tumakbo ang mga halimaw patungo sa kanyang direksyon at ng makita niya ito ay sumigaw siya ng malakas.

"Hindi! Hindi pa ako pwedeng mamatay dito!"

Ngunit ito ay hindi pinansin ng mga halimaw, sa halip ay lalo pa itong bumilis at isa-isang nabuhayan ng kalamnan dahil sa sigaw na iyon.

Nawalan ng pag asa si Ye Song at pinikit niya ang kanyang mga mata. Ngunit sa mga oras na ito, bigla siyang nakarinig ng tila boses sa loob ng kanyang sarili.

*Ding*

*ACTIVATING EMERGENCY SEQUENCE*

Nagulat si Ye Song sa kanyang narinig.

*ACTIVATION COMPLETE*

*GUSTO MO BANG MABUHAY?*

Hindi pa rin makapaniwala si Ye Song sa kanyang naririnig. di niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil na blanko ang kanyang kaisipan ngunit ng mapansin niya na ang mga halimaw ay malapit na sa kanya, dali-dali siyang sumigaw.

"OO! GUSTO KO PANG MABUHAY!"

*DING*

*UPDATING SYSTEM*

5...

4...

Nagsimulang mag panic si Ye Song ng makita niyang limampung metro na lamang ang layo ng mga halimaw sa kanya.

3...

2...

Nung akala niya na mamamatay siya ay biglang..

1...

*UPDATE COMPLETE*

*ACTIVATING EMERGENCY SKILL*

-GOD'S JUDGMENT-

SHWING~

Nagsimulang bumagal ang oras at naging makulimlim ang kalangitan. ang portal na nasa ibabaw ay biglang nag collapse at unti-unting nawala. kasabay nito ay biglang bumagsak ang isang malakas na kidlat na tumama sa lahat ng halimaw sa buong mundo.

Ang lupa ay nanginig sa sobrang lakas ng pwersa ng kidlat. lahat ng mga halimaw ay nalusaw sa isang saglit.

May biglang lumabas na screen sa harapan ni Ye Song ngunit wala siyang maintindihan dahil masyadong mabilis ang mga lumalabas na mensahe mula dito.

Bigla siyang nakaramdam ng hilo dahil sa nangyari.

*Ding*

*Dahil sa dami ng EXP na natatanggap ng host, ang hohost ay papasok sa Deep Sleep mode upang mapabilis ang pag absorb ng EXP*

Bago pa maintindihan ni Ye Song ang sinasabi ng boses ay nawalan na siya ng malay.

-

-

Unti-unting dinilat ni Ye Song ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nawalan ng malay. ang huling natatandaan niya lang ay may kidlat na bumagsak sa kalangitan.

Di nagtagal ay naalala niya ang mga nangyari. meron siyang boses na narinig at iyon ang nagligtas sa kanya sa kapahamakan.

Habang iniisip niya kung san galing ang boses na ito, bigla niyang narinig ulit ito sa loob ng kanyang sarili.

*Ding*

*Congratulations sa host dahil ikaw ay nag level up!*

*Pwede mong i-check ang iyong status sa screen*

Siya ay nasorpresa sa kanyang narinig pero bago pa siya maka react ay may screen na lumabasa sa kanyang harapan. Tumingin si Ye Song sa screen at siya ay nagulat.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita..

Name: Ye Song

-STATUS-

LV.999

HP:9,928,320(UPDATING)

(MAX:999,999)

MP:510,357(UPDATING)

(MAX:99,999)

-

STR:25,567(UPDATING)

(MAX:9,999)

VIT:18,997(UPDATING)

(MAX:9,999)

DEX:14,734(UPDATING)

(MAX:9,999)

AGI:28,548(UPDATING)

(MAX:9,999)

INT:11,211(UPDATING)

(MAX:9,999)

LUK:228

(MAX:999)

-

TITLES:

Dragon Slayer

God Slayer

Conqueror

Happy Go Lucky

Always Hungry

Very Good Boy

....

....

-

Maximum Stats Restriction: Removed

All binding and negative status effect: Immune

Skill Points: 56,988

-

Tinitigan niya ng matagal ang screen at isang salita lang ang lumabas sa kanyang bunganga.

"tangina"

avataravatar
Next chapter